Chapter 9: Bul-Khatos Vidala
October 31, CS344. Halos dalawang linggo na ang nakakalipas magmula ng mawala si Eiel. Labis-labis na ang pag-aalala ni Lisa, dahil maraming beses na niyang sinubukang hanapin ito. Maraming bayan na rin ang kaniyang napuntahan upang dito maghanap, ngunit bigo pa rin siyang makita ang kaniyang kapatid. Bigo rin siyang makakuha ng kahit konting impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Eiel, kaya minabuti niyang hanapin na rin si Fate upang ito’y tanungin.
Sa ngayon ay kasalukuyang nasa byahe si Lisa, dala ang sasakyang huling ginamit ni Eiel. Patungo siya ngayon sa katabing bayan ng nasirang Lorencia, dahil ito na ang kinikilala nilang tirahan sa ngayon, ang bayan ng Devias.
Inabot ng halos pitong oras bago tuluyang marating ni Lisa ang kanilang bayan. Dumaan muna kasi siya sa mga katabing bayan upang magbakasakaling makita niya doon si Eiel o si Fate, ngunit nabigo lang siya at wala ring nakuha kahit konting impormasyon.
Halos gabi na kaya hindi namalayan ng lolo ni Lisa ang pagdating nito.
“*Oh apo! Nandito ka na pala! Kumain na ba kayo ni Eiel? Alam kong mahaba ang naging byahe nyo!” Masayang pagkakasambit ni Sander.
*** Sander Griswold. Siya ang lolo ni Lisa na isa ding tanyag na bounty hunter nung kapanahunan niya. Kahit matanda na ay bihasa pa rin siya sa pag gamit ng mga baril. Magaling pa rin siyang makipaglaban, ngunit sa estado ng kaniyang katawan sa ngayon ay mabilis na siyang mapagod.
Kahit may katandaan na ay medyo matipuno pa rin ang pangangatawan ni Sander, nasa 5’9” ang kaniyang taas, maputi ang kaniyang balat at mapuputi na ang dating brown nitong buhok. ***
“Pasensya na po, lolo. Pero dalawang linggo ng nawawala si Eiel.” Sambit ni Lisa.
“Si Eiel nawawala? Bakit?” Sambit muli ni Sander.
“Hindi ko rin po alam, basta na lang siyang nawala ng walang pasabi. Iniwan niya yung sasakyan na’min dun sa gun shop kung saan kami tumutuloy at pagkatapos noon ay wala na akong balita tungkol sa kaniya.” Sambit muli ni Lisa.
“Ano ba ang nangyari bago siya mawala? Baka naman nag-away kayong dalawa at hindi mo lang sinasabi sa’kin?” Sambit muli ni Sander.
“Hindi na kami mga bata lolo!” Sambit muli ni Lisa.
“Pero bata ka pa Lisa. 19 ka palang!” Sambit muli ni Sander.
“Lolo naman eh! Pero hindi po kami nag-away.” Sambit muli ni Lisa.
“Kung ganon, ano ba talaga ang nangyari bago siya mawala?” Sambit muli ni Sander.
“*Hmm.. Nakalaban kasi na’min ang mga nagsasabing mga ka-grupo dati ni Eiel. Tosara pa nga ang tawag nila sa kaniya at ang bawat isa sa kanila ay nagtataglay ng mga mapanganib na elemento, tulad ng: Vividium, Lalaxide at Dallium.” Tugon ni Lisa.
“Tosara?” Tanong ni Sander.
Napansin ni Lisa na naging seryoso ang kaniyang lolo matapos nitong magsalita.
“Bakit lolo?” Tanong ni Lisa.
Hindi nagawang tumugon ni Sander sa kaniyang apo at naglakad na lang ito patungo sa may sala. Sinundan naman siya ni Lisa dahil nakukutuban niyang may alam dito ang kaniyang lolo.
“Bakit lolo? Alam nyo po ba ang tungkol dito?” Tanong ni Lisa.
Umupo muna si Sander sa may sofa bago siya tuluyang nagsalita.
“Ang mabuti pa ay umupo ka muna apo.” Sambit ni Sander.
Sinunod naman ito ni Lisa at ilang sandali pa ay muling nagsalita si Sander.
“Anim na taon na rin ang nakakalipas magmula ng makita na’min si Eiel sa mga guho sa nasirang bayan ng Lorencia. Nagulat kami matapos na’min siyang makita, dahil siya lang ang bukod tangi na’ming nakitang buhay sa Lorencia at nakakapagtakang hindi na’min siya kilala. Agad na’min siyang dinala sa pagamutan upang lunasan ang mga natamo niyang sugat. Pero laking gulat na’min matapos sabihin ng doctor kung anong klaseng elemento ang nakita nila sa katawan ni Eiel.” Sambit ni Sander.
“Tosarapite po ba ito, lolo?” Tanong ni Lisa.
*** Note: Ang “Tosarapite” ay isang uri ng metal na nasa anyong likido. Lubhang panganib ng elementong ito, dala na rin ng labis nitong init. Iilang mga elemento lang ay may kakayahang tumagal sa elementong ito, ngunit hindi ito pangmatagalan. Sobrang gandang gawing powersource ang Tosarapite, ngunit wala pang na-iimbentong makinarya na kakayanin ang taglay na init ng naturang elemento. ***
“Tama ka. Walang mga bone marrow si Eiel, ngunit ang mga Tosarapite ang sumusuporta sa kaniyang mga buto. Hindi magawang maniwala ng doctor kahit siya na mismo ang nakakita dito, dahil imposibleng mangyari ang bagay na ‘yon para sa isang tao o nadir. Isang mataas na uri ng elemento ang Tosarapite at sa taglay na init nito ay walang bakal o elementong maaaring tumagal dito. Kahit ang mga matataas na uri ng Gas form element ay mabilis na nawawala matapos madikit sa Tosarapite, kaya sobrang imposible na tumagal ito sa loob ng katawan ng isang nilalang. Binalak pa sanang pag-aralan ng doctor si Eiel, ngunit nagising na ito. Agad na’min siyang tinanong ngunit walang siyang maalala. Sa totoo lang ay malaki ang hinala na’min na isa siya sa dahilan kung bakit nasira ang ating bayan, kaya sinubaybayan na’min ang kaniyang mga kilos at galaw. Ngunit sa ilang linggo na’ming pagbabatay sa kaniya ay napatunayan na’ming wala na siyang maalala, hanggang sa tuluyan na siyang napalapit sayo.” Sambit muli ni Sander.
“*Tsk! Bakit ngayon nyo lang po sinabi sa’kin ang tungkol sa bagay na ‘to, lolo?” Sambit ni Lisa.
“Dahil hindi ito kapani-paniwala. Alam kong matalino ka apo at natitiyak kong tatawa ka lang sa oras na marinig mo ang tungkol sa mga ito. Pero ngayon nalaman mo na ang tungkol dito ay ito na siguro ang tamang oras para sabihin sayo ang mga nalalaman ko tungkol kay Eiel.” Tugon ni Sander.
Sandaling natahimik si Lisa at sa ngayon ay malalim na nag-iisip.
“Kung ganon po lolo, anong klaseng nilalang si Eiel?” Tanong ni Lisa.
“Hindi ko masasagot ang katanungan mong yan apo. Mabuti siguro kung sa kaniya mo yan itanong sa oras na magkita kayong muli.” Tugon ni Sander.
“Eiel! Nasaan ka na ba ngayon? Bakit ngayon ka pa nawala?” Sambit ni Lisa derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay tumayo na si Sander at kalaunan ay marahang naglakad patungo sa kusina.
“Ang mabuti pa ay ipaghahain na kita. At matapos mong kumain ay magpahinga ka na. Alam kong mahaba ang naging pagbyahe mo pabalik dito, kaya makakabuti sayo ang magpahinga.” Sambit ni Sander.
Hindi tumugon si Lisa sa kaniyang lolo. Pero sa ngayon ay batid niyang posibleng alam na din ni Eiel ang tungkol sa bagay na ‘to kaya bigla itong umalis.
Ilang sandali pa ay sumunod na si Lisa sa kaniyang lolo at kalaunan ay kumain. Sandali silang nag-usap ng kaniyang lolo at matapos nito ay agad na rin siyang nagpahinga. At dala ng labis na pagod ay mabilis siyang nakatulog.
Kinabukasan, isang tawag mula kay Elris ang gumising kay Lisa. Isa itong magandang balita, kaya agad siyang nag madaling lumabas upang maghanda sa kaniyang pag-alis.
Sa kaniyang paglabas ay agad siyang sinalubong ng kaniyang lolo, inaya siya nitong mag-almusal ngunit pagpapaalam ang naging tugon niya dito.
“Kakauwi mo pa lang tapos aalis ka na agad?” Sambit ni Sander.
“Pasensya na po lolo, pero kailangan ko na pong bumalik sa Harogath.” Tugon ni Lisa.
“Bakit hindi ka muna kumain ng almusal? Alam mong hindi ko ‘to mauubos ng mag-isa.” Nakangiting pagkakasambit ni Sander.
Napangiti na lang din si Lisa at kalaunan ay ipinagpaliban ang kaniyang pag-alis. Sa mga sandaling ito ay sabay na silang nagtungo sa hapagkainan upang kumain.
Makalipas ang labing limang minuto ay nagpaalam na si Lisa sa kaniyang lolo. Ngunit bago siya umalis ay may isang bagay na inabot sa kaniya ito, isang dog tag. Labis na nagtaka si Lisa sa nakasulat dito, kaya mabilis niya itong tiningnan at kalaunan ay binasa.
“Tosarapite version c-03? Ano po ang ibig sabihin nito, lolo?” Sambit ni Lisa.
“Hindi ko rin alam, ngunit kay Eiel ang bagay na yan. Ibinigay yan sa’kin ng doctor na sumuri sa kaniya dati.” Tugon ni Sander.
“Ganon po ba? Pero wag po kayong mag-alala, natitiyak kong hindi tayo tatalikuran basta-basta ni Eiel.” Sambit muli ni Lisa.
Hindi na nagsalita pa si Sander at kinuha na ni Lisa ang pagkakataong ito upang maka-alis.
“Magpapa-alam na po ako, lolo.” Sambit ni Lisa.
“Mag-iingat ka apo.” Sambit ni Sander.
Matapos makakuha ng tugon ay mabilis umalis si Lisa sakay ng kaniyang sasakyan. Agad namang pumasok ng kanilang bahay si Sander matapos makaalis ng kaniyang apo.
“Sana wag mong hayaang may mangyaring masama kay Lisa, Eiel.” Sambit ni Sander derekta sa kaniyang isipan.
Samantala, mapunta naman tayo ngayon sa bayan ng Harogath, sa loob ng Gun x Bounty. Sa ngayon ay kasalukuyang nag-uusap sila Elris, Louise at Fate sa loob ng kanilang opisina.
“Ano ba talaga ang gusto mong sabihin kay Lisa, miss Fate?” Tanong ni Elris.
“Oo nga at alam kong alam mo kung nasaan si Eiel. Saan ba siya nagpunta at bakit hindi man lang siya nagpaalam sa’min?” Sambit ni Louise.
“Pasensya na, pero hindi ko pa pwedeng sabihin hanggang hindi ko nakakausap si Lisa. Ito ang bilin sa’kin ni Eiel.” Sambit ni Fate.
“*Hmm.. Handa akong magbayad para lang sagutin mo ang mga katanungan na’min.” Sambit ni Elris.
“Talaga?!” Mabilis na pagkakasambit ni Fate. (With matching gold currency eyes. xD)
“Magkano ba ang gusto mo? Name your price!” Sambit muli ni Elris.
Ngunit mabilis bumalik ang seryosong ekspresyon ni Fate at may ilang sandali itong tumahimik.
“Muntik na ako dun ah! Hindi talaga pwedeng malaman nila ang tungkol sa bagay na ‘to. Hindi lang ito basta tungkol kay Eiel sa pagkakataong ito.” Sambit ni Fate derekta sa kaniyang isipan.
“Paumanhin, pero masyadong personal ang bagay na ‘to kaya hindi ko talaga pwedeng sabihin sa inyo.” Sambit muli ni Fate.
“Sayang naman kung ganon. Handa pa naman kaming magbayad ng 100k para lang sa isang tanong.” Sambit muli ni Elris.
“Okay deal! *Drool!” Mabilis na pagkakasambit ni Fate. (With matching gold currency eyes. xD)
Sa pagkakataong ito ay sandaling nagkatinginan muna si Elris at Louise bago tuluyang nagtanong.
Makalipas ang ilang minuto ay nalaman na nila Elris ang totoo. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nalaman, ngunit nauunawaan nila ang dahilan kung bakit biglang umalis si Eiel.
Masayang-masaya naman si Fate sa ngayon, dahil maraming tanong ang kaniyang sinagot.
“Siguro naman alam nyo ang kalakaran ko, kaya ilabas nyo na ang pera ko. Gimme ma’ money! *Drool!” Masayang pagkakasambit ni Fate.
Sa mga sandaling ito ay mabilis na tumayo si Louise upang kunin ang isang box. Naglalaman ito ng mga kinita ng shop.
“Yes! Yes!” Masayang pagkakasambit muli ni Fate.
Mabilis na nagbilang si Louise at ng makumpleto ay mabilis niya itong inabot kay Fate, ngunit biglang nabura ang mga ngiti sa mukha nito matapos makuha ang kaniyang pera.
“Bakit 4k gold lang ‘to?” Tanong ni Fate.
“*Huh? *Ahh! Nakalimutan kong sabihin sayong, 100k copper kada tanong. Naka-apat na tanong lang naman kami ah, kaya 4k gold yan. *Hehe!” Nakangiting pagkakasambit ni Elris.
Biglang nag-flashback sa isipan ni Fate ang sinabi kanina ni Elris.
“Sayang naman kung ganon. Handa pa naman kaming magbayad ng 100k para lang sa isang tanong.100k para lang sa isang tanong. 100k! 100k!”
“*Waaaaah! *Sob! *Sob! *Sob!”Sambit ni Fate.
Napa-yuko na lang si Fate habang patuloy sa pag-agos ang kaniyang mga luha. Hindi niya inakalang nahuli siya nila Elris sa kanilang patibong.
“*Hehe.. Pasensya ka na, Fate. Alam kasi na’ming hindi mo kayang tiisin ang pera, kaya na-isahan ka na’min.” Nakangiting pagkakasambit ni Louise.
“*Huhuhu! Pero may isang bagay lang sana akong hihilingin.” Sambit ni Fate.
“At ano naman ang bagay na yon?” Nakangiting pagkakatanong ni Elris.
“Pwede bang wag nyong sabihin kay Lisa ang tungkol sa huling bagay na sinabi ko? Natitiyak kong magagalit yon sa oras na malaman niyang alam nyo ang tungkol sa bagay na yon.” Sambit muli ni Fate.
Muli ay nagkatinginan ang dalawa at ilang sandali pa ay tinugon na nila si Fate.
“*Hmm.. Siguro kung babayaran mo kami ay baka hindi na’min ito sabihin kay Lisa.” Nakangiting pagkakasambit ni Louise.
Labis na nagulat si Fate sa kaniyang mga narinig at dahil dito ay muling bumuhos ang kaniyang mga luha.
“*Hahaha! Wag kang mag-alala, niloloko ka lang ni Louise. Kahit hindi mo sabihin ang bagay na yon ay yon talaga ang gagawin na’min. Malapit na’ming kaibigan si Lisa, kaya hindi na’min hahayaang masaktan siya.” Nakangiting pagkakasambit ni Elris.
“Kung ganon ay maraming salamat. Natitiyak kong tatlong araw pa bago tuluyang makabalik dito si Lisa, kaya aalis muna ako saglit. Iiwan ko na lang sa inyo ang aking contact number. Tawagan nyo na lang ako kung sakaling makabalik na siya dito.” Sambit ni Fate.
“*Uhm! Makakaasa ka.” Nakangiting pagkakasambit muli ni Elris.
Matapos mag-usap ay nagpaalam na si Fate at kalaunan ay mabilis na umalis.
Kinabukasan ng hapon, laking gulat nila Elris dahil nakarating na si Lisa sa kanilang gun shop. Ngunit agad nilang napansin ang pagod nitong itsura at malalaking mga eye bags.
“Nasaan na si Fate? Nasaan na siya? Ilabas nyo si Fate!” Hirap na pagkakasambit ni Lisa.
Matapos magsalita ay mabilis na bumagsak si Lisa. Labis na nag-alala si Elris at Louise kaya mabilis nilang nilapitan ang kanilang kaibigan. Ngunit ilang sandali pa ay napangiti sila matapos makitang nakatulog lang pala ito.
“Natitiyak kong hindi huminto sa pagmamaneho si Lisa para lang makapunta dito.” Sambit ni Louise.
“Tinatok tayo ni Lisa, pero mabuti na lang at mukhang pagod lang siya.” Sambit ni Elris.
“*Uhm. Mabuti pa siguro kung dalin na na’tin siya sa kwarto at linisan na rin para naman mas lalong maging masarap ang tulog niya.” Sambit ni Louise.
“Mabuti pa nga. Tatawag na rin ako ng doctor para masiguro na’ting wala siyang sakit.” Sambit muli ni Elris.
“Okay. Pero sa ngayon ay buhatin na muna na’tin siya.” Sambit muli ni Louise.
“*Uhm.” Tugon ni Elris.
Matapos mag-usap ay marahang binuhat nila Elris si Lisa patungo sa kanilang kwarto. Pinunasan na rin nila ang katawan nito upang mas lalong maging presko ang pakiramdam nito.
May ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang doctor na tinawagan ni Elris. Agad nitong sinuri ang kalagayan ni Lisa at laking tuwa nila matapos sabihin ng doctor na labis na pagod lang ang naging dahilan kung bakit hinimatay si Lisa kanina.
Sa mga oras na ito ay ipinaalam ni Elris kay Fate ang balita. Medyo nagulat si Fate sa kaniyang nalaman, ngunit gayumpaman ay nagmadali na siya para makabalik sa bayan ng Harogath.
Mabilis lumipas ang araw at halos tanghali na rin nagising si Lisa. Labis siyang nagtaka kung nasaan na siya, napansin din niya na nagbago ang kaniyang kasuotan, pero ilang sandali pa ay naalala niya ang nangyari.
“Kung ganon ay nakatulog pala ako.” Sambit ni Lisa.
Agad bumangon si Lisa ngunit labis siyang nanghihina dala ng gutom. Sa ngayon ay mabagal siyang naglalakad papalabas ng kwarto, ngunit bigla itong nagbukas bago pa man siya tuluyan makalapit.
“Whoa! Mabuti naman at gising ka na, Lisa.” Sambit ni Louise.
“Mukhang nakatulog ako.. *Hehehe..” Medyo awkward na pagkakasambit ni Lisa.
“Anong mukhang nakatulog? Halos buong araw ka na ngang natutulog eh.” Sambit muli ni Louise.
“*Huweh?!” Gulat na reaksyon ni Lisa.
“Wag kang mag-alala, papunta na dito si Fate. At ang mabuti pa ay tayo na sa kusina. Natitiyak kong gutom na gutom ka na.” Sambit muli ni Louise.
Tila tumugon ang tyan ni Lisa sa sinabi ni Louise dahil sa lakas ng pag-kalam nito.
“*Hehehe.. Mukhang ganon na nga.” Sambit ni Lisa.
Napangiti na lang si Louise at kalaunan ay inaya na si Lisa patungo sa kusina. Nang sila’y makarating ay labis ang saya ni Lisa, dahil mga paburito niyang pagkain ang nakahain sa lamesa.
“Whoa! Whoa! Mga paborito ko ang mga ‘to ah! *Drool!” Masayang pagkakasambit ni Lisa.
“*Hehe.. Alam na’min ni Louise na magugutom ka sa oras na ikaw ay magising, kaya hinanda na’min ang mga paborito mong pagkain.” Nakangiting pagtugon ni Elris.
“*Uhm! Maraming salamat!” Masayang pagkakasambit muli ni Lisa.
Agad nang umupo si Lisa at masayang kumain. Labis namang natutuwa si Elris at Louise, dahil nakita nilang muli ang mga ngiti ni Lisa. Tanging kalungkutan lang kasi ang huling ekspresyon na nakita nila dito, matapos nitong umalis upang hanapin ang kaniyang kapatid, si Eiel.
Makalipas ang dalawang oras ay nakarating na si Fate sa Gun x Bounty. Agad naman siya sinalubong ni Louise at kalaunan ay isinama sa kanilang kwarto kung saan naghihintay si Lisa.
Sa mga sandaling ito ay iniwan na ni Louise si Fate at Lisa sa loob ng kwarto upang maging pribado ang kanilang magiging pag-uusap.
“Fate..” Sambit ni Lisa.
“Hindi ko inaasahang ganito ka kabilis makakabalik sa Harogath.” Sambit ni Fate.
“Halos hindi ako tumigil sa pagmamaneho para lang makabalik agad dito sa lalong madaling panahon, kaya kung maaari lang ay sabihin mo na sa’kin ang dahilan kung bakit biglang umalis si Eiel.” Sambit muli ni Lisa.
“Nauunawaan ko. Ang dahilan kung bakit umalis si Eiel ay dahil sa mga nakalaban nyo kasama ng Elemental sisters.” Tugon ni Fate.
Inaasahan ni Lisa ang tungkol sa bagay na ‘to, ngunit marami pa rin siyang mga katanungan.
“Dahil ba totoong mga naging kasama ni Eiel ang mga nilalang na yon?” Tanong ni Lisa.
“Ganon na nga, pero hindi lang sila mga basta kasama ni Eiel. Sila ay ang kaniyang pamilya.” Tugon muli ni Fate.
“Kung ganon ay isang kriminal nga si Eiel dati.” Mahinang pagkakasambit ni Lisa.
“Hindi sila mga kriminal, ngunit hindi kita masisisi kung ito ang masasabi mo sa kanila, dahil nilikha sila upang mang wasak.” Sambit muli ni Fate.
“Anong ibig mong sabihin? Hindi sila mga kriminal pero nilikha sila para mang wasak?” Tanong ni Lisa.
“Tama. Ganon na nga.” Tugon muli ni Fate.
“Kung ganon, ano sila kung hindi sila kriminal sa paningin mo?” Tanong muli ni Lisa.
“Sila ay mga sandata, mga sinaunang sandatang pandigma na ginawa ng mga orihinal na nakatira sa planetang ‘to.” Tugon muli ni Fate.
Labis na ikinagulat ni Lisa ang kaniyang mga narinig, ngunit may isang katanungan ang nabuo sa kaniyang isipan matapos marinig ang sinabi ni Fate.
“Kung ganon ay nilikha sila ng mga Nadirion?” Tanong ni Lisa.
“Nagkakamali ka, hindi mga nadirion ang orihinal na nakatira sa planetang ito.” Sambit muli ni Fate.
Muli ay nagulat si Lisa sa kaniyang mga narinig, dahil alam niyang ang mga nadirion ang orihinal na nakatira sa planetang Lore, bago pa tuluyang matuklasan ito ng mga tao.
“Hindi mga nadirion ang orihinal na nakatira sa planetang ‘to?” Tanong muli ni Lisa.
“*Uhm! Halos ilang libong taon na rin ang nakakalipas bago tuluyang masakop ng mga nadirion ang planetang ito sa mga “Subtellon”, ang mga nilalang na orihinal na nakatira sa planetang ‘to.” Tugon ni Fate.
“Subtellon?” Nagtatakang pagkakasambit ni Lisa.
“Sila ay mga maliliit na nilalang, tinatayang nasa 3’0” – 3’6” ang kanilang taas. Kulay purple ang kanilang mga balat at medyo may kalakihan ang kanilang mga ulo. Hindi sila kasing lakas tulad na’ming mga nadirion, ngunit ang kanilang talino ay hindi matutumbasan. Ang teknolohiyang naabutan ng mga tao dito ay ang mga teknolohiyang naiwan ng mga subtellon.” Sambit muli ni Fate.
Sandaling natahimik si Lisa dahil na rin sa hindi niya inaasahang impormasyon, ngunit may isang bagay siyang ipinagtataka.
“Sandali lang, saan mo naman nalaman ang tungkol sa impormasyong ito? Sinabi mong nangyari ito, mahigit isang libong taon na diba?” Sambit ni Lisa.
“Sinabi sa’kin ito ng nilalang na nagpalaki sa’kin at siya ang pinuno ng grupong kinabibilangan ni Eiel.” Tugon ni Fate.
“Pinuno nila Eiel? Pero ang sinabi sa’min ni Khastro ay patay na ang kanilang pinuno.” Sambit muli ni Lisa.
“Tama.” Sambit muli ni Fate.
“*Hmm.. Ito ba ang dahilan kung bakit alam mo ang impormasyon tungkol kay Khastro?” Tanong ni Lisa.
“Ganon na nga. Lagi ko silang minamatyagan dahil ayokong mag-krus ang aming mga landas. Ito rin ang dahilan kung bakit ayokong maging isang bounty hunter.” Tugon ni Fate.
“*Hmm.. Napaisip tuloy ako, anong klaseng elemento naman kaya ang kapangyarihan ng sinasabi mong pinuno nila Eiel?” Sambit muli ni Lisa.
“Bulmium.” Mabilis na pagkakasambit ni Fate.
Nagulat si Lisa matapos marinig ang elementong ito.
*** Note: Ang “Bulmium” ay isang metal na nasa anyong likido. Ito ang pinaka magandang gawing powersouce ngunit iilang elemento lang ang may kakayahang humawak sa taglay nitong lakas. At isa na dito ang Khastronium at Dallium. Labis na mapanganib ang elementong ito, dahil sa oras na ma-expose ito sa oxygen ay agad itong lumilikha ng malakas na pagsabog. ***
“Bulmium? *Waah! Wag mong sabihin..” Gulat na pagkakasambit ni Lisa.
“Tama ang inisip mo, Lisa. Si Bul-Khatos Vidala ay hindi isang tao. Isa itong grupo na binubuo ng anim na makapangyarihang sandata. Si Bul, Khastro, Tosara, Vivi, Dal at Lala.” Sambit ni Fate.
“I..i..imposible!” Gulat na pagkakasambit ni Lisa.
“Sa ngayon ay bumalik na ang mga alala ni Tosara, o sabihin na na’tin si Eiel.” Sambit ni Fate.
Muli ay nagulat si Lisa sa kaniyang mga narinig kaya agad na siyang nagsalita.
“Ito ba ang dahilan kung bakit siya umalis? Babalik na ba siya sa kaniyang mga ka-grupo?” Tanong ni Lisa.
“Hindi, umalis siya para tapusin ang hindi natapos ni Bul, anim taon na ang nakakaraan.” Tugon ni Fate.
“*Huh? Hindi natapos nung nakaraan anim taon?” Sambit ni Lisa.
“Ang pigilan si Khastro sa binabalak nitong pagwasak sa mundong ito.” Sambit muli ni Fate.
Hindi na nagawa magsalita ni Lisa sa mga sandaling ito, dahil hindi niya alam kung maniniwala siya o hindi. Hindi rin alam nila Elris ang tungkol sa bagay na ‘to, dahil hindi naman ito sinabi ni Fate sa kanila.
“Pero bakit nila gagawin ang bagay na ‘yon?” Tanong ni Lisa.
“Dahil ito ang misyong ini-atas sa kanila, bago sila tuluyang itago ng mga natirang subtellon. Halos limang daan taon na ang nakakalipas matapos silang matuklasan ng mga nadirion sa pinaka-ilalim ng huling base ng mga subtellon. Inakalang sila ay mga nadirion din na ikinulong ng mga subtellon, dahil kawangis nila ang kanilang mga anyo. Ngunit ang hindi nila alam ay sila ang mga sandata na nilikha ng mga subtellon upang wasakin ang buong lahi ng mga nadirion. Nang mga panahon ding yon ay nagising sila matapos nilang maka-labas sa mga kapsula kung saan sila natutulog. At sa mga oras na yon ay walang hirap nilang inubos ang mga nadiriong nakatuklas sa kanila.” Sambit muli ni Fate.
“Si Bul ba ang nagkwento sayo nito?” Tanong muli ni Lisa.
“Tama, matalino at magaling na leader si Bul. Nung una ay nais niyang wasakin agad ang mundong ‘to, ngunit biglang nagbago ang kaniyang pananaw matapos niyang makita ang masayang pamumuhay ng mga nadirion. Hindi ito nagustuhan ni Khastro, kaya lagi niyang hinihimok ang iba pa na isakatuparan nila ang kanilang misyon.” Sambit muli ni Fate.
“Pero nabigo siya?” Tanong muli ni Lisa.
“*Uhm. Hindi niya kayang talunin si Bul sa labanan, kaya matagal bago niya nakumbinsi ang iba na tulungan siya. Kung tutuusin ay inabot ito ng halos limang daan taon. Nagtagumpay silang mapatay si Bul at nag resulta ito ng pagkawasak ng isang bayan.” Sambit muli ni Fate.
“Ang bayan na’min.” Gulat na pagkakasambit ni Lisa.
“*Uhm. Nawasak ang bayan ng Lorencia sa naganap na paglalabang yon sa pagitan nila Bul at Khastro, ngunit ang iba ay hindi namagitan sa alitan ng dalawa. Inabot ng ilang oras ang kanilang paglalaban, ngunit sa bandang dulo ay naisip ni Tosara na tulungan si Bul dahil matimbang pa rin sa kaniya ang pagiging pinuno nito sa kanila. Ngunit ang iba pa ay pumanig kay Khastro na dahilan kung bakit sila natalo. Saksi ako sa naganap na paglalaban, dahil naging kasama nila ako ng mahigit labing limang taon. Labis akong nalungkot matapos masawi ni Bul at pati na rin si Tosara. Ngunit natuwa ako matapos kong malaman na hindi nasawi si Tosara sa naganap na pagsabog. Agad ko siyang pinuntahan upang kausapin, ngunit sa kasamaang palad ay nabura ang kaniyang mga alala.” Sambit muli ni Fate.
Napayuko na lang si Lisa matapos marinig ang mga sinabi ni Fate.
“Kung ganon, nasaan na si Eiel ngayon? Nagtatago ba siya dahil nabalik na ang kaniyang mga alala?” Mahinang pagkakatanong ni Lisa.
“Katulad ng sinabi ko kanina, umalis siya para tapusin ang hindi natapos ni Bul.” Sambit muli ni Fate.
Agad napatingin si Lisa kay Fate dahil ngayon lang niya naunawaan ang tungkol sa bagay na ito.
“Kung ganon ay susugurin niya ang dati niyang mga kasamahan?” Gulat na pagkakasambit ni Lisa.
“Ganon na nga.” Tugon ni Fate.
“Pero hindi niya kakayanin na labanan sila ng mag-isa!” Sambit muli ni Lisa.
“Yon din ang sinabi ko sa kaniya, ngunit hindi ko na siya napigilan pa. Lalo na ngayon na may pinapahalagahan na siya, ang kaniyang mga kaibigan at pamilya. At kasama ka don, Lisa.” Sambit muli ni Fate.
Sa mga sandaling ito ay hindi na napigilan ni Lisa na pumatak ang kaniyang mga luha. Tumayo na rin si Fate at kalaunan ay naglakad papalabas ng kwarto, ngunit sandali siyang huminto at kalaunan ay nagsalita.
“May nakalimutan akong sabihin sayo. “Pasensya na kung hindi ikaw ang papatay sa’kin katulad ng sinabi ko sayo dati, pero hindi ko hahayaan matupad ang kagustuhan ni Khastro kaya wag ka ng mag-alala pa.” Yan ang eksaktong sinabi ni Tosara sa’kin.” Sambit ni Fate.
Matapos magsalita ay ipinagpatuloy na ni Fate ang kaniyang paglalakad papalabas. Samantala, muling napayuko si Lisa at ipinagpatuloy ang kaniyang pag-iyak. Naalala kasi niya ang mga sinabi ni Eiel sa kaniya dati, bago pa man nila puntahan si Khastro sa Argos city.
Chapter end.
Afterwords.
sa mga magtataka, katulad ni Eiel ang sitwasyon ni Bul.. wala din siyang mga bone marrow, dahil bulmium ang nakapaloob sa kaniyang mga buto.. At kung bakit kinakaya ng kanilang mga buto ang ganoong klaseng mga elemento? Sa susunod ko na lang sasabihin.. :3
Susunod
Chapter 10: Sa muling paghahanap.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top