Chapter 8: Vividium version c-04

October 17, CS344. Sa loob ng Gun x Bounty ay muling nagkita sila Wynn at ang Griswold’s Legacy. Hindi ito inaasahan ni Wynn na mangyayari dahil dito sa naturang gun shop nila makikita ang kanilang target.

Sandaling nagkausap sila Wynn at ang magkapatid na Griswold. Halos muntikan na silang maglaban, ngunit mabuti na lang at hindi ang mga kaibigan nila Eiel ang target nila.

Ngunit ilang sandali pa ay biglang lumabas ang target na tinutukoy ni Wynn. Agad napalingon dito ang magkapatid at labis na nagulat matapos matuklasang ito na nga ang matagal ng hinahanap ng Elemental sisters.

 

“May problema ba, Vivi?” Sambit ni Louise.

 

“Louise! Lumayo ka sa kaniya!” Sigaw ni Eiel.

Hindi maunawaan ni Louise ang ibig sabihin ni Eiel kaya nagtataka itong lumingon.

 

*Huh? May problema ba?” Tanong muli ni Louise.

Pero laking gulat ni Louise ng biglang may humila sa kaniya, hindi niya tukoy kung ano ito dahil wala siyang nakita. Ilang sandali pa ay napunta na siya sa mga inakala niyang kanilang costumer.

 

*Huh? Ano ba talaga ang nangyayari at anu yung bagay na humila sa’kin?” Nagtatakang pagkakasambit ni Louise.

 

Walang tumugon kay Louise dahil ang halos lahat ay nakatuon kay Vivi.

 

*Tsk! Ang mabuti pa siguro ay sa labas tayo ng bayan maglaban. Siguro naman ayaw mong masira ang bayan na ‘to tulad ng iba?” Sambit ni Vivi.

 

“Vivi?” Nagtatakang pagkakasambit muli ni Louise.

“Mabuti pa nga, pero kung inaakala mong makakatakas ka sa pagkakataong ito ay nagkakamali ka.” Sambit ni Wynn.

 

“Wag kang mag-alala, hindi ako tatakas. Ang totoo nga nito ay nasasabik na akong patayin kayo, dahil sinira nyo ang magandang pagkakataong ito para makasama ko si Torasa.” Sambit muli ni Vivi.

Labis na nagulat si Eiel at Lisa sa kanilang mga narinig. Ipinagtaka naman ito ng Elemental sisters, dahil hindi naman nila kilala ang tinutukoy ni Vivi.

 

“Kilala mo ako, Vivi?” Gulat na pagkakasambit ni Eiel.

“Haaay.. Nakakapanghinayang talaga at nakalimutan mo na kami. Pero natutuwa ako dahil nagkita na kayo ni Khastro. Nasabi na rin niya na ilang panahon na lang ay muli ka na na’ming makakasama.” Sambit muli ni Vivi.

 

“Khastro? Kung ganon ay isa ka sa mga naging kagrupo ko na sinasabi niya?” Gulat muling pagkakasambit ni Eiel.

“Ganon na nga! *Hehehe! Pero wag kang mag-alala, Tosara! Sandaling panahon na lang at makukumpleto na tayong muli!” Masayang pagkakasambit ni Vivi.

Muli ay labis na nagulat si Eiel sa kaniyang mga narinig at hindi malaman kung ito ay tunay o pawang mga kasinungalingan lamang.

 

“Isa akong kriminal dati?” Tanong ni Eiel derekta sa kaniyang isipan.

 

“Wag kang maniwala sa kaniya, natitiyak kong mga pawang kasinungalingan lang ang mga sinasabi niya.” Sambit ni Lisa.

Agad napatingin si Eiel sa kaniyang kapatid at dito ay naisip niyang tama nga ito. Samantala, hindi pa rin maunwaan nila Wynn ang pinag-uusapan nila Eiel, ngunit hindi nila inaalis ang kanilang atensyon sa mga posibilidad na biglaang pag-atake sa kanila.

 

“Kung ganon ay hihintayin ko na lang kayo sa labas ng bayan, Elemental sisters.” Nakangiting pagkakasambit ni Vivi.

Matapos magsalita ay unti-unting nagla-laho si Vivi. Labis itong ikinagulat ng Elemental sisters kaya mabilis nila itong nilapitan, ngunit wala na ito ng kanilang marating.

 

*Tsk! Nakatakas na naman siya!” Inis na pagkakasambit ni Kurenai.

Sa mga sandaling ito ay mabagal na naglakad papalapit kay Eiel si Wynn.

 

“Sino ang Tosara na sinasabi ni Vivi?” Tanong ni Wynn.

 

“Sa totoo lang ay hindi ko rin sigurado, pero yon daw ang pangalan ko nung hindi pa ako nawawalan ng mga alala.” Tugon ni Eiel.

 

“Alala? Nawalan ka ng mga alala?” Tanong muli ni Wynn.

“Ganon na nga, nagising ako sa katabing bayan ng nawasak na Lorencia at anim na taon na yong nakalipas.” Tugon muli ni Eiel.

 

*Hmm.. Walang katiyakan kung nagsasabi sila ng katotohan, ngunit kung totoo man yon ay masasabi ko sayong isa kang masamang nilalang sa iyong nakaraan.” Sambit muli ni Wynn.

Ikinabigla ni Eiel ang kaniyang mga narinig, ngunit batid niyang ganoon na nga ang kaniyang buhay sa nakaraan kung sakaling mang totoo ang mga sinasabi tungkol sa kaniya.

Hindi na nagawa pang magsalita ni Eiel sa mga oras na ito, kaya naman nagsimula ng maglakad papalabas ng Gun x bounty si Wynn.

 

“Saan na tayo pupunta, ate?” Tanong ni Eria.

 

“Hindi nyo ba narinig ang sinabi ni Vivi bago siya mawala?” Sambit ni Wynn.

 

“Kung ganon ay pupunta tayo sa labas ng bayan?” Tanong ni Aussa.

 

“Oo, kaya wag na tayong mag-aksaya pa ng oras dito. Baka makatakas na naman yon.” Sambit muli ni Wynn.

Sabay-sabay napatango ang tatlo at kalaunan ay mabilis na sumunod sa kanilang nakakatandang kapatid.

Sa labas ng gun shop ay hinabol sila ni Eiel at kalaunan ay kinausap.

 

“Papaano kung isang patibong lang pala ang sinasabi niya?” Sambit ni Eiel.

 

“Wag kang mag-alala, Eiel. Kaya na na’min ang aming mga sarili.” Tugon ni Wynn.

Hindi na muli pang nagsalita si Eiel at pinanuod na lang ang mabilis na paglayo ng Elemental sisters sa kaniya.

 

“*Tsk! Kung naalala ko lang sana kung sino ako at kung ano ang aking nakaraan.” Sambit ni Eiel derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay bumalik na sa siya sa loob ng shop at kinausap si Lisa. Ipinaliwanag na din niya ang nangyari kay Louise at labis itong nagulat sa mga nalaman nito. Hindi nito magawang maniwala dahil napakabait ni Vivi, kaya naman mahirap para sa kaniya na paniwalaan ang mga sinasabi ni Eiel na wala ding sapat na katibayan.

Hindi rin maipaliwanag ni Eiel ang posibilidad na masama si Vivi, ngunit ayon na rin sa kaniyang mga narinig tungkol dito ay natitiyak niyang pawang katotohanan ang mga sinabi ni Wynn sa kanila.

Sandaling nag-isip si Eiel para sa kaulang aksyon na kaniyang gagawin, samantalang labis namang nababahala si Lisa, dahil ngayon lang niya nakita ang kaniyang kapatid na ganito.

 

“Ano na ang binabalak mo, Eiel?” Tanong ni Lisa.

 

“Mabuti pa siguro kung pupunta ako upang tulungan sila Wynn.” Tugon ni Eiel.

 

“Kung ganon ay sasama ako.” Sambit muli ni Lisa.

 

“Okay! Mauna ka na sa sasakyan at iha-handa ko lang ating mga baril.” Sambit muli ni Eiel.

 

“*Uhm!” Tugon ni Lisa.

Hindi na nag-aksaya ang magkapatid at mabilis na silang naghanda upang magtungo sa labas ng bayan. Sa labas ng shop ay saktong dumating na si Elris na galing sa pamimili ng kanilang magiging hapunan. Labis siyang nagtaka matapos makita si Eiel at Lisa sakay ng sasakyan nito.

 

*Huh? Saan kayo pupunta?” Tanong ni Elris.

 

“Wag kang mag-alala, sandali lang kaming mawawala.” Nakangiting pagkakatugon ni Eiel.

 

*Ahh! Wag nyong kalimutang magdala ng mga pasalubong ah!” Masayang pagkakasambit ni Elris.

 

“Sa labas lang kami ng bayan pupunta.” Medyo awkward na pagkakasambit ni Eiel.

 

*Heh? Pero bakit parang may misyon kayong pupuntahan?” Sambit muli ni Elris.

“Ang mabuti pa ay si Louise na lang ang tanungin mo ah! Baka kasi wala na kaming maabutan don eh.” Sambit ni Lisa.

Agad napalingon si Elris kay Louise na kasalukuyang nakatayo sa labas ng pinto ng kanilang shop. Agad naman siyang tinawag nito at kalaunan ay sabay silang pumasok sa loob upang doon na mag-usap.

Mabilis na umalis ang magkapatid upang sundan at tumulong na rin kung saka-sakali sa magaganap na paglalaban sa labas ng bayan ng Harogath.

Makalipas ang sampung minuto ay naabutan nila Eiel ang nagaganap na paglalaban sa pagitan ni Vivi at ng Elemental sisters. Labis nilang ikinagulat ang kanilang nakita, dahil sa ngayon ay marami ng pinsala sa katawan ang apat na magkakapatid. Sa pagkakataong ito ay napansin nila ang mga natamong pinsala ng apat ay mantsa na kulay berde at hinihinala niyang nagmula ito sa Vividium.

Samantala, mapunta naman tayo ngayon sa nagaganap na labanan. Halos hindi umaalis sa kaniyang kinatatayuan si Vivi at tila ba naghihintay lang ito ng mabibiktima sa berdeng usok na pumapalibot sa kaniyang katawan.

 

“*Tsk! Papaano naging posibleng nakokontrol niya ang Vividium sa ganong klaseng paraan? Ito na ba ang tunay niyang kapangyarihan?” Sambit ni Wynn derekta sa kaniyang isipan.

Labis na nahihirapan ang Elemental sister sa pakikipaglaban kay Vivi. Hindi kasi ganito ang naging huling paglalaban nila, kaya labis ngayon siyang nagugulat sa kanilang kalaban.

Salamat sa kapangyarihang taglay ni Wynn, dahil nagagawa niyang itaboy ang mga Vividium na lumalapit sa kanilang magkakapatid. Samantala, ang kaniyang mga kapatid ay nahihirapang umatake, lalo-lalo na si Kurenai dahil mabilis namamatay ang kaniyang mga apoy kapag nadikit ito sa Vividium. Mas pinalalakas naman ng taglay na kapangyarihan ni Eria ang Vividium, kaya hindi niya ito pwedeng gamitin. Mabilis namang nagiging alikabok ang mga batong ibinabato ni Aussa derekta sa kanilang kalaban, dahil na rin ito sa taglay na lakas ng nasabing elemento.

 

“Wynn! Ayos lang ba kayo?!” Sigaw ni Eiel.

Agad napalingon ang tatlo sa magkakapatid kay Eiel at kalaunan ay napatingin sa kanilang nakatatandang kapatid.

 

“Eiel! May pabor lang sana akong hihilingin.” Sambit ni Wynn.

Hindi na tumugon si Eiel, ngunit naghihintay pa rin ito sa mga sasabihin ni Wynn sa kaniya.

 

“Kung maaari lang sana ay itakas mo na ang mga kapatid ko dito.” Sambit muli ni Wynn.

Labis na nagulat ang magkakapatid sa kanilang mga narinig, ngunit mabilis nila itong tinutulan.

 

“Hindi ka na’min iiwan dito, ate.” Sambit ni Kurenai.

“Wag na kayong mag matigas pa, sa kalagayan na’tin ngayon ay hindi na’tin siya makakayang talunin! Hindi ko inaasahan na ganito siya kalakas! Nagpanggap lang pala siyang mahina nung nakalaban na’tin siya dati. At ngayon ay inilalabas na niya ang tunay niyang kapangyarihan.” Sambit ni Wynn.

*Fufufu.. Wag na kayong magtalo pa, dahil imposible pang makatakas kayo.” Nakangiting pagkakasambit ni Vivi.

*** SFX: PUUUUN! ***

Biglang natahimik ang lahat matapos makarinig ng isang putok. Agad silang napalingon kung saan ito nagmula.

“Eiel?” Sambit ni Wynn.

Ilang sandali pa ay napalingon si Wynn sa dereksyon kung saan nagpaputok si Eiel at dito ay nagulat siya matapos makitang nakabuwal si Vivi.

 

“Hindi ka pa rin nagbabago, Wynn. Lagi ka na lang talagang umaasa sa’kin kahit nung mga oras na yon ay hindi naman tayo gaanong magkakilala.” Sambit ni Eiel.

Hindi makapaniwala ang tatlo sa elemental sisters na ganon lang kadaling natalo ni Eiel ang kanilang kalaban.

 

“Isang bala lang?” Tanong ni Aussa.

Pero ilang sandali pa ay mabagal na bumabagon si Vivi at tila Vividium ang nagpapa-luntang sa katawan nito.

“How rude, Tosara. Pero alam kong alam mo na hindi ako mapapatay ng simpleng bala lang.” Nakangiting pagkakasambit ni Vivi.

Muli ay nagulat ang tatlo sa elemental sisters, dahil hindi pa pala natalo ang kanilang kalaban. xD

 

*Tsss.. Nasayang tuloy ang isang blast bullet. Hindi ko inaakala na wala talagang kwenta ang falsenadium sa Vividium.” Sambit ni Eiel.

“Ano?! Blast bullet yung ginamit mo? *Tsk! Nag sayang ka pa ng bala! Hindi ka ba nag-aral ng chemistry?!” Galit na pagkakasambit ni Lisa.

 

“Pwede bang wag kang magalit. At isa pa ay ako ang bumili ng blast bullet na yon!” Sambit muli ni Eiel.

 

*Tsk! Sayang pa rin! Ang mahal-mahal pa naman non!” Sambit muli ni Lisa.

 

“Mamaya ka na lang mag-reklamo, tapusin muna na’tin ang isang ‘to.” Nakangiting pagkakasambit ni Eiel.

 

“Okay! Okay!” Nakangiting pagkakatugon ni Lisa.

Labis namang nagtataka ang tatlo sa elemental sisters, samantalang napanatag naman si Wynn, dahil batid niya ang lakas ng magkapatid na Griswold.

 

*Fufufu.. Pero imposible mo akong matalo, Tosara. Lalo na ngayon na hindi mo alam kung papaano gamitin ang tunay mong lakas.” Nakangiting pagkakasambit ni Vivi.

 

*Smirk. Wala akong ideya sa mga sinasabi mo, pero natitiyak kong maliligo sa bala yang katawan mo.” Nakangiting pagkakasambit ni Eiel.

Matapos magsalita ay mabilis ng sumugod sila Eiel. Agad namang binalaan ni Wynn ang kaniyang mga kapatid na lumayo, dahil posible silang mataaman ng mga ligaw na bala.

Sa mga sandaling ito ay naging mga taga panood ang kanina lang ay nahihirapang makipaglaban, ang Elemental sisters. At sa pagkakataong ito ay naunawaan na ng mga nakababatang kapatid ni Wynn ang kaniyang mga sinabi tungkol sa Griswold’s Legacy.

 

*** SFX: PUUUN! PUUUN! PUUUN! WOOOOOOOOOOOSH BOOOOOOOOOOOM! ***

Kabi-kabila ang mga pagsabog na nagaganap, ngunit hindi pa rin natitinag si Vivi dahil nagagawa ng kaniyang Vividium na sanggahin ang bawat bala at bawat mga pagsabog.

Tulad ng mga bato ay mabilis ding nagiging abo ang mga bala sa oras na madikit ito sa Vividium at ang mga pagsabog naman ay mabilis na naglalaho sa oras na humalo ito sa naturang elemento.

Halos ilang minuto na rin ang lumipas magmula ng umatake ang magkapatid na Griswold, ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nila magawang patamaan ang kanilang kalaban.

*Tsk! Ang hirap naman nito! Papaano naging posible na ma-kontrol ang Vividium at bakit hindi siya naapektuhan nito?” Sambit ni Lisa.

 

“Kanina ibinibida mo sa’kin ang chemistry! Pero bakit ka nagtatanong sa’kin?” Tugon ni Eiel.

*Eh! Kahit mga scientist at chemist magtatanong kung paano naging posible ang ginagawa niya eh!” Sambit muli ni Lisa.

“Oo nga no! Pero natitiyak kong may trick sa ginawa niya, kaya dapat na’tin yong mahanap.” Sambit muli ni Eiel.

Nakangiti lang na pinapanood ni Vivi ang ginagawa ng magkapatid at tila hindi nito alintana ang mga posibleng mangyari sa kaniya.

“Imposible na masira nyo ang dipensa ko, maliban na lang kung magagamit ni Tosara ang kaniyang natatanging abilidad.” Nakangiting pagkakasambit ni Vivi.

Sandaling natahimik ang magkapatid, dahil masusi nilang hinahanap ang paraan kung papaano nako-kontrol ni Vivi ang mga Vividium na ginagamit nito at kung saan ito nagmumula, ngunit bigo silang makita ito.

 

“Wala talaga akong makita Eiel.” Sambit ni Lisa.

 

“Ako din. Pero saan nagmumula ang mga Vividium na yan?” Sambit ni Eiel.

 

“Isa pa ba siyang tao o nadir?” Tanong ni Lisa.

Pero ilang sandali pa ay may isang babae ang mabilis na tumatakbo patungo kay Vivi. Dilaw ang buhok nito at may dala siyang dalawang mahabang bagay, mga baril.

Agad binalaan nila Eiel ito, ngunit labis siyang nagulat matapos nitong marinig ang sinabi ng babae.

 

“Hoy Vivi! Bakit nakikipaglaban ka? Pasali naman ako!” Masayang pagkakasambit ni Lala.

*** Lala. hindi tukoy kung anong personalidad ang meron siya. Ngunit kung pagba-basehan ang anyo nito ay tinatayang nasa edad 19 ito pababa.

Slim ang pangangatawan ni Lala, nasa 5’2” ang kaniyang taas, maputi at makinis ang kaniyang balat, blonde na medyo curly ang kaniyang buhok at may pyutsur naman. (if you know what I mean! :3) ***

 

“Ikaw pala Lala! Kung ganon ay oras na pala?” Sambit ni Vivi.

Agad inalerto ng magkapatid ang kanilang mga sarili, dahil isang kalaban ang babae na dumating. At kung kasama nito si Vivi ay natitiyak nilang malakas din ito, base na rin sa taglay nitong mga baril na hindi pa nakikita nila Lisa.

 

“Anong klaseng mga baril ang dala niya? Mga bagong baril ba yon?” Tanong ni Lisa derekta sa kaniyang isipan.

 

“Mag-iingat ka Lisa, mukhang hindi lang basta-basta ang magandang babae na yan.” Seryosong pagkakasambit ni Eiel.

Ilang sandali pa ay masayang napalingon si Lala sa kasalukuyan ngayon kalaban ni Vivi. Ngunit mas labis siyang natuwa matapos makita si Eiel.

 

“Whoa! Si Tosara! Si Tosara! Kung ganon ay nandito na siya para sumama na sa’tin?” Masayang pagkakasambit ni Lala.

Labis na nagulat si Eiel dahil tatlo na ang nilalang natumatawag sa kaniya bilang Tosara. Sa ngayon ay hindi na ito isang gawa-gawa lang.

 

“Talagang kilala nila kung sino ako. Kung ganon ay mga naging kasama ko ang mga ‘to? Pero ang babata pa nila.” Sambit ni Eiel derekta sa kaniyang isipan.

“Wag kang masabik, Lala. Pero sandaling panahon na lang at makakasama na na’ting muli si Tosara.” Sambit ni Vivi.

 

“Yehey!” Masayang pagkakasambit muli ni Lala.

Hindi naman magawang magsalita ni Wynn sa mga sandaling ito, dahil batid niyang hindi magandang makipag-usap ngayon. Posible kasing makasira sa konsentrasyon ng magkapatid na Griswold kung magtatanong siya ngayon dito. Pero sa isipan niya ay napupuno na ng mga katanungan tungkol sa tunay na pagkatao ni Eiel.

 

“Sino ka bang talaga, Eiel Griswold?” Tanong ni Wynn derekta sa kaniyang isipan.

Sandaling tumigil ang ginagawang pag-atake ng magkapatid, dahil na rin sa babaeng dumating. Samantala, agad namang binilang ni Lala ang mga tao/nadir na nakikita niya sa ngayon.

 

*Hmm.. Lima silang kalaban mo, Vivi?” Tanong ni Lala.

 

“Sa totoo lang ay kalaban ko din si Tosara ngayon, pero imposible para sa kaniya na matalo ako dahil hindi niya kayang gamitin ang tunay niyang lakas.” Tugon ni Vivi.

“Talaga? Sayang naman.” Sambit muli ni Lala.

Pero matapos magsalita ay mabilis na itinutok ni Lala ang isa sa kaniyang mga baril kay Lisa at kalaunan ay mabilis na nagpaputok.

 

*** SFX: PUUUUUUUUUUN! ***

Nagawa naman itong ilagan ni Lisa sa mapapagitan ng pag-accel walk. Medyo ikina-bigla ito ni Lala dahil hindi niya ito inaasahan.

 

“Whoa! Marunong ka palang mag-accel walk.” Sambit ni Lala.

 

“Nagulat ako don ah!” Sambit ni Lisa derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay napatingin si Lisa sa lugar kung saan tumama ang ginawang pag-atake ni Lala, dahil kapansin-pansin ang usok na nagmumula dito.

 

“Anong klaseng bullet yon?” Tanong ni Lisa derekta sa kaniyang isipan.

Ngunit laking gulat niya matapos malaman kung anong klaseng elemento ang balang nakita niya.

 

“Imposible! Lalaxide ba ‘to?” Gulat na pagkakasambit ni Lisa.

Agad napatingin si Eiel sa lugar kung saan nakatingin si Lisa at sa mga sandaling ito ay nagulat din siya dahil totoo ang kaniyang mga narinig mula kay Lisa.

*** Note: Ang “Lalaxide” ay isang uri ng bakal na nasa anyong likido at may kakayahan itong lumusaw ng kahit na anong uri ng bagay o kapwa elemento. Pili lang ang mga elementong hindi nito kayang tunawin, ngunit ang mga elementong yon ay labis din mapanganib. Nagiging matigas o solid ito sa oras na na-expose ito sa elementong Vividium. ***

 

“Yup! Nakakamangha diba?” Masayang pagkakasambit ni Lala.

Sabay na napatingin ang magkapatid kay Lala suot ang gulat na ekspresyon. Pero ilang sandali pa ay may isang lalaki ang dumating, ngunit hindi katulad ni Vivi ay medyo matipuno ang pangangatawan nito at mukhang nasa wastong gulang na.

 

“Bilisan nyo na dyan at umalis na tayo. Hinihintay na tayo ni Khastro.” Sambit ni Dal.

*** Dal. Hindi rin tukoy ang kaniyang pagkatao at kung anong personalidad meron siya. At base sa kaniyang anyo ay tinatayang nasa 20-25 ang kaniyang edad.

Matipuno ang pangangatawan nitong si Dal, nasa 5’8” ang kaniyang taas, kayumanggi ang kaniyang balat at black na may kahabaan ang kaniyang buhok.***

Muli ay nagulat ang magkapatid sa kanilang mga narinig.

 

“Kung ganon ay sila ang grupong sinasabi ni Khastro?” Sambit ni Lisa.

 

“Hindi ko rin alam, pero mukhang sila na nga yon.” Tugon ni Eiel.

“Wag kang magmadali, Dallium. Nagpapalipas lang naman ako ng oras kasama si Tosara.” Sambit ni Vivi.

 

“Wala na tayong oras para maglaro, Vivi. Tayo na.” Sambit muli ni Dal.

 

*Ehh?! Kill joy ka talaga Dal! *Hmm.. Pero sandaling panahon na lang naman at makakasama na na’tin muli si Tosara diba?” Sambit ni Lala.

 

“Tama ka, kaya tayo na.” Sambit muli ni Dal.

“Okay!” Masayang pagkakatugon ni Lala.

Sa mga sandaling ito ay naglakad na papalayo si Dal, sinundan naman siya ni Lala. Samantalang naiwan sandali si Vivi.

 

“Mapalad kayo, Elemental sisters. Pero sa susunod na magkita tayo ay tatapusin ko na agad ang inyong mga walang kwentang buhay.” Sambit ni Vivi.

Matapos magsalita ay sumunod na si Vivi sa dalawa niyang kasama. Hindi naman nagtagal ay mabilis naglaho ang tatlo sa lugar na tila mga bula.

Sa mga sandaling ito ay mabilis na nilapitan ng Elemental sisters ang magkapatid na Griswold.

 

“Tama ba ang narinig ko? Dallium ang tinawag ni Vivi dun sa lalaking dumating?” Sambit ni Lisa.

Agad napalingon si Eiel kay Lisa at dito ay may napagtanto siyang mga bagay na hindi niya gustong malaman.

“Hindi ko nagugustuhan ang mga inisip ko! Dapat kong makausap si Fate baka sakaling may impormasyon siya tungkol sa bagay na ‘to.” Sambit ni Eiel derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay nakalapit na ang Elemental sisters sa magkapatid.

 

*Tsk! Hindi ko inakala na may mga kasamahan pa pala ang Vivi na ‘yon. Pero base sa aking mga nakita ay gumagamit sila ng mga mapanganib na elemento.” Sambit ni Wynn.

 

“Tama ka! Nagulat talaga ako matapos kong malamang Lalaxide pala ang bala ng baril na yon. Natitiyak kong sobrang advance ng kanilang mga gamit na sandata.” Sambit ni Lisa.

 

“Sang-ayon ako sayo, Lisa. Ngunit sino ang naka-imbento ng sandatang may kakayahang ma-kontrol ang mga malalakas ngunit napaka-mapanganib na elemento?” Sambit muli ni Wynn.

“Hindi ko rin alam, pero mukhang hindi lang basta bansag ang ginagamit nilang mga pangalan.” Sambit muli ni Lisa.

 

“Anong ibig mong sabihin, Lisa?” Tanong ni Wynn.

“Si Vivi ay gumagamit ng Vividium, ang babaeng blonde ang buhok ay tinawag nilang Lala at gumagamit naman siya ng Lalaxide. Yung huling dumating na lalaki ay tinawag nilang Dal at natitiyak kong gumagamit ito ng Dallium. At si Khastro.. Kung ganon ay ang kapangyarihan niya ay Khastronium? At si Eiel ay tinawag nilang Tosara.. Teka, wag mong sabihing..” Sambit muli ni Lisa.

 

“Tosarapite?” Tanong muli ni Wynn.

Agad napalingon si Lisa sa kaniyang kapatid at sa mga sandaling ito ay naalala niya ang sinabi ni Vivi kanina tungkol sa tunay na kapangyarihan ni Eiel.

“Eiel?” Mabagal na pagkakasambit ni Lisa.

Hindi agad tumugon si Eiel at kalaunan ay naglakad patungo sa kanilang sasakyan.

 

“Hoy Eiel! Saan ka pupunta?” Tanong ni Lisa.

“Hahanapin ko lang si Fate. May kailangan akong itanong sa kaniya. Ang mabuti pa ay mauna na kayo sa Gun x Bounty. Susunod na lang ako dun sa oras na mahanap ko na si Fate.” Tugon ni Eiel.

 

“Sasama na lang ako sayo!” Sambit muli ni Lisa.

Ngunit hindi na siya tinugon pa ni Eiel at kalaunan ay mabilis na umalis dala ang kanilang sasakyan. Sa ngayon ay naiwan si Lisa kasama ang Elemental sisters na may kani-kaniyang mga tanong sa kanilang isipan at isa na dito ay “Anong klaseng nakaraan ba ang meron si Eiel?”.

Chapter end.

Afterwords.

 Ang init ngayon araw.. bwisit! hahaha

Nagmamahal,

-chufalse xD

Susunod

Chapter 9: Bul-Khatos Vidala

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top