Chapter 34: Katotohanan.
Sandaling natigil ang paglalaban sa pagitan nina Bul at Phuz, dahil sa biglaang paglabas nina Risk. Labis na nagulat sina Iratha at Bul matapos makita si Hian, batid kasi nilang patay na ito.
"Hian? Ikaw nga ba talaga yan?" Tanong ni Bul.
"*Tsk! Kung kailan ako nag-eenjoy sa pakikipaglaban, tsaka mo kami pahihintuin." Sambit ni Phuz.
Agad napatingin si Bul kay Phuz, matapos niya itong marinig.
"Tama na yan, Phuz. Dito na natatapos ang ating misyon." Sambit ng lalaki.
Napakamot na lang ng kaniyang ulo si Phuz at kalaunan ay napa-iling.
"Okay! Okay! Nauunawaan ko." Tugon ni Phuz.
"Sino ka bang talaga?" Tanong muli ni Bul.
Sa mga sandaling ito ay humakbang ng dalawang beses si Risk at kalaunan ay nagsalita.
"Walang dudang ang lalaking ito ay ang artipisyal na katawan ni Hian, pero hindi siya si Hian." Sambit ni Risk.
"Pero papaanong napunta dito ang artipisyal niyang katawan? At papaano niyang nalaman ang tunay kong pangalan?" Tanong muli ni Bul.
Muli ay sandaling tumahimik ang paligid, ngunit ilang sandali pa ay agad na itong binasag ng kasama ni Risk.
"Kung ganon ay magpapakilala muna ako, ako si Hiens at ako ang apo ni Hian." Sambit ni Hiens.
"Hiens? Apo?" Tanong muli ni Bul.
"*Uhm! Kaya bago kayo magpatayan ay gusto ko muna kayong makausap. At tungkol ito sa aming planeta." Sambit muli ni Hiens.
"Planeta? Ang tinutukoy mo ba ang bagong planeta ng mga subtellon?" Tanong muli ni Bul.
"Tama." Tugon ni Hiens.
Sandaling natahimik si Bul at kalaunan ay napalingon sa kaniyang kapatid at kay Risk. Ngunit matapos makita ang pagsang-ayon ng mga ito ay muli na siyang nagsalita.
"Nauunawaan ko." Sambit muli ni Bul.
Matapos magsalita ay mabilis na niyang inilagay sa sisidlan ang kaniyang Grief. Samantala, maliban kay Khastrol ay mabilis na lumapit sa kanila ang natitirang myembro ng Bul-Khatos Vidala, kasama ang Tempest. Subalit bago sila tuluyang makalapit ay bigla silang napahinto, dahil na rin sa naramdaman nilang panganib na paparating. Agad silang napalingon dito at laking gulat matapos makita ang pangyayari.
"Eiel!" Sigaw ni Lisa.
Isang matalim na bakal ang mabilis na tumagos sa katawan ni Eiel at mula ang pag-atake kay Khastro. Walang magkapagsalita dahil sa bilis ng mga pangyayari, ang akala kasi ng lahat ay tapos na ang paglalaban, subalit nagkamali sila.
"Khastro!!" Sigaw muli ni Lisa.
Matapos sumigaw ay mabilis na dinampot ni Lisa ang rotten skull ni Eiel at kalaunan ay agad na pinaputukan si Khastro. Ngunit hindi tulad kanina ay hirap siyang maka-asinta, dahil sa pinsala sa kaniyang binti. At dahil dito ay hindi niya ito magawang tamaan.
*** SFX: Gachik! Gachik! Gachik! ***
"*Tsk!" Sambit muli ni Lisa.
Sa mga sandaling ito ay tuluyan ng naubos ang bala ng rotten skull, ngunit hindi siya sumuko at agad niyang kinargahan ang kaniyang Eagle's eye ng blast bullet. Matapos nito ay agad niyang inasinta si Khastro, ngunit sobra nang nangingig ang kaniyang mga braso, dala ng labis na pag-iyak. Gayumpaman ay itinuloy niya ang pag-atake dito kahit hindi niya ito lubusang maasinta.
"*Waaaaaaaaaaaaa!" Sigaw ni Lisa.
*** SFX: PUUUUUUUUUUUUN! BOOOOOOOOOOOOOM! ***
Napapikit na lang si Lisa matapos niyang mapaputok ang kaniyang baril. Lumipas ang halos tatlong segudo ay muli na niyang iminulat ang kaniyang mga mata at tulad ng inaasahan ay hindi niya ito tinamaan. Napa yakap na lang siya sa kaniyang baril, habang nakadukdok sa dibdib ni Eiel at dito niya ipinagpatuloy ang kaniyang pag-iyak. Samantala, walang magawa ang iba kundi ang manood, dahil batid nilang laban ito sa pagitan nina Eiel at Khastro.
"Lisa.." Sambit ni Fate.
Nabalot ng katahimikan ang paligid, ngunit ilang sandali pa ay labis na nagulat si Lisa matapos niyang maramdaman na may humihimas ng kaniyang ulo. Walang pag-aaksaya ay agad siyang napatingin kay Eiel.
"Eiel!" Sambit ni Lisa.
"*Fufufu.. Bakit ka umiiyak? Bata ka ba?" Nakangiting pagkakasambit ni Eiel.
Bakas sa tono ng pagkakasambit ni Eiel ang paghihirap, ngunit pinilit niyang bumangon sa kabila nito. Matapos makatayo ay agad napahawak si Eiel sa kaniyang sugat, kasabay ng pagtingin niya kay Khastro.
"Hindi ko inaasahan ang pag-atake mong yon, Khastro!" Sambit ni Eiel.
"*Fufufu.. Tama na ang pahinga at ipagpatuloy na na'tin ang naputol na'ting paglalaban, Tosara!" Sambit ni Khastro.
Matapos magsalita ay mabilis ng sumugod si Khastro. Hindi naman nagpahuli si Eiel at kahit iniinda nila ang kanilang mga pinsala ay buong lakas silang nagpalitan ng mga pag-atake ng magtagpo ang kanilang mga landas. Walang magawa si Lisa, kundi ang manood. Hindi rin niya maunawaan kung bakit hindi niya magawang magsalita habang nakikitang nasasaktan si Eiel sa kabila ng mga pinsala nito. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakangiti habang nagpapalitan ng mga pag-atake ang dalawa. Ilang sandali pa ay lumapit na si Fate kay Lisa at kalaunan ay agad na niya itong tinulungan.
"Hindi na talaga sila nagbago." Sambit ni Fate.
Hindi nagawang tumugon ni Lisa, bagkus ay ipinagpatuloy lang niya ang kaniyang panonood. Samantala, isa-isa ng naglapitan sa kanila ang lahat at ng makumpleto sila ay mabilis ng nagtanong sina Wynn.
"Bakit nanonood lang kayo? Hahayaan nyo na lang bang magpatayan ang dalawang yon?" Sambit ni Wynn.
"*Tsk! Malamang parehas silang mamatay kung walang pipigil sa kanila." Sambit ni Timothy.
"Mga bobo talaga kayong mga nadirion! Wag nyo na silang alalahanin! Normal na sa kanilang dalawa ang ganyan!" Sambit ni Lala.
Agad napatingin ng masama ang magkakapatid na Eria, Aussa at Kurenai kay Lala, dahil bastos ang bibig nito.
"Hoy kutong lupa! Mag ingat-ingat ka sa mga sinasabi mo!" Sambit ni Aussa.
Biglang tumaas ang isang kilay ni Lala matapos marinig ang sinabi ni Aussa na direktang nakatingin sa kaniya.
"Ano kamo? Ako? Kutong lupa? *Fufufu.. Baka hindi mo alam kung ano ang katayuan nyo ngayon?" Sambit muli ni Lala.
"Paki alam ko sa sinasabi mo?! Oh gusto mong mamatay na ngayon?!" Sambit muli ni Aussa.
"Aba't! *Fufufu.. Sige pagbibigyan kita sa gusto mo!" Sambit muli ni Lala.
*** SFX: PO..PO..POINKS! ***
Agad natahimik ang dalawa, matapos silang kutusan nina Vivi at Wynn.
"Tumigil ka na nga, Lala! Baka nakakalimutan mong mga nadirion tayo, bago tayo tuluyang gawing mga celestials." Sambit ni Vivi.
"Ikaw din Aussa! Wag ka ngang magsimula ng away! Alam mo bang magandang pagkakataon ito, para maunawaan na'tin ang lahat!" Sambit ni Wynn.
"Pero ang batang yon! Feeling ang talino!" Sambit ni Aussa.
"Hoy! Sinong bata? Mahigit isang libong taon na akong nabubuhay, kaya alam ko na ang lahat-lahat!" Sambit ni Lala.
"Isang libong taon? Alam mo na ang lahat?! *Pwe! Wag mo nga akong patawanin, kutong lupa!" Sambit muli ni Aussa.
"Aba't talagang sinasagad mo ang pasensya ko!" Sambit muli ni Lala.
*** SFX: PO..PO..POINKS! ***
Muli ay agad natahimik ang dalawa, dahil hindi tulad kanina ay mas malakas ang pagkutos sa kanila nina Vivi at Wynn.
"Hindi ka ba talaga titigil?" Sambit nina Vivi at Wynn.
"Aye.." Tugon nina Aussa at Lala.
"Ang mabuti pa ay iwan na muna na'tin sila at pag-usapan na na'tin ang pinunta na'min dito." Sambit ni Hiens.
"Nauunawaan ko." Tugon ni Risk.
"Mas maganda kung hindi na'tin ito dito pag-uusapan." Sambit muli ni Hiens.
"Nauunawaan ko, kung ganon ay doon tayo mag-usap sa dati na'ming base." Sambit muli ni Risk.
"Okay." Tugon ni Hiens.
"Maaari ba kaming sumama? Gusto ko ring malaman ang katotohan at ang dahilan kung bakit nyo gustong sirain ang planeta na'min." Sambit ni Wynn.
"Malaya kayong sumama." Tugon ni Hiens.
"Maraming salamat." Sambit muli ni Wynn.
"Pero papaano ang dalawang yon?" Tanong ni Charls.
"Hayaan nyo na lang sila at wag nyo na silang isipin pa. Tutal naman malapit ng magunaw ang planeta nyo, kaya sulitin nyo na ang mga makukuha nyong impormasyon." Sambit ni Vivi.
Napadakot na lang ng kanilang mga kamao ang grupo nina Wynn, dahil sa kabila ng lahat ay nasa bingit pa rin ng pagkawasak ang kanilang planeta. Ilang sandali pa ay nagsimula ng maglakad sina Risk, agad naman siyang sinundan ng lahat. Samantala, hirap nang maglakad si Lisa, kaya inakay na siya ni Fate. At habang naglalakad sila ay napalingon na lang siya kina Eiel at Khastro na patuloy pa ring naglalaban. Tanging sila na lang dalawa ang naiwan, habang tahimik silang pinanonood ni Ursula.
Makalipas ang ilang minuto ay narating na nina Risk ang dating base ng mga subtellon. Sa loob ay labis na namangha ang grupo nina Wynn, dahil bago sa kanilang paningin ang lahat.
"A..a..anong klaseng lugar ito?" Tanong ni Wynn.
"Ito ang dating base ng mga subtellon." Tugon ni Yngritte.
"Teka lang, ano ba talaga ang subtellon na yan? Sa totoo lang ay kanina ko pa naririnig ang salitang yon." Tanong ni Charls.
"Kahit ako din ay nagtataka." Sambit ni Timothy.
"Ang mga subtellon ay ang mga orihinal na nakatira sa planetang ito. Alam kong imposible ang bagay na ito, dahil hindi ito naisulat sa'ting kasaysayan. Pero ayon sa'king pagkakaalam ay minabuting itago ng mga ninuno na'tin ang lahat sa'tin, upang makapamuhay tayo ng mapayapa." Sambit ni Fate.
"Ta..talaga?" Tanong ni Wynn.
"*Uhm!" Sambit muli ni Fate.
"Ang mabuti pa ay sa ibang lugar nyo na pag-usapan ang bagay na yan. Hindi kami pumayag na sumama kayo dito para lang ipaliwanag sa inyo ang lahat." Sambit ni Vivi.
"Sang-ayon ako kay Vivi, kaya ipaliwanag mo na ang lahat ng ito, Hian." Sambit ni Bul.
Sa mga sandaling ito ay natahimik ang grupo nina Wynn, dahil tulad ng sinabi ni Vivi ay hindi sila nagtungo sa lugar na ito upang ipaliwanag lang sa kanila ang lahat.
"Nauunawaan ko, pero tulad ng sinabi ko kanina, hindi ako si Hian. Ako ang kaniyang apo." Sambit ni Hiens.
"Tama na yan, Hiens! Ang mabuti pa ay ako na ang magpapaliwanag sa kanila. *Ehem! Ang totoong dahilan sa pagpunta na'min sa planetang ito ay upang hanapin ang mga celestials at pigilan silang sirain ang planetang Lore." Sambit ni Phuz.
Biglang natahimik ang lahat, dahil labis silang nagulat sa kanilang mga narinig.
"Ta..talaga?" Sambit ni Yngritte.
"*Uhm!" Tugon ni Phuz.
"Pero bakit? Ano ang dahilan nyo upang pigilan kami?" Tanong ni Risk.
"Tulad ng sinabi ni Phuz, naparito kami upang pigilan kayo dahil ang bagong planeta na'min ay nawasak na rin." Sambit ni Hiens.
Muli ay labis na nagulat ang lahat at sandali silang natahimik.
"Nasawak na ang bagong planeta na nahanap nina Hian?" Tanong ni Risk.
"*Uhm! Nawala ito sa tamang orbit at tumama sa katabing planeta. Nasa ibang galaxy kasi ang nahanap nina lolo na bagong planetang nilipatan na'min. Sa totoo lang ay ilang daang taon ang lumipas ng maglakbay kami patungo lang dito. Salamat kay Phuz dahil siya ang nagsilbing tagapagbantay ng aking katawan, habang naka-hibernate ako sa recovery capsule. Ginising na lang niya ako ng malapit na kami dito sa planeta. Natuwa ako matapos kong makita ang dating planeta ng mga kauri ko, dahil isang sugal ang pagpunta na'min dito. Malaki kasi ang posibilidad na nasira na ito ng mga celestial matagal na panahon na, dahil inabot kami ng ilang daang taon para lang makapunta dito." Sambit muli ni Hiens.
"Ku..kung totoo ang mga sinabi mo.. Ano ang nangyari sa lahi na'tin?" Tanong muli ni Risk.
"Sa tingin ko ay nakahanap na sila ng bagong planeta, kasama ang ilang mga nadirion. Pero sa totoo lang ay wala akong ideya. Ang pagpunta ko dito ay hiling ni lolo, kaya kahit walang kasiguraduhan ay pumunta na rin kami dito, dahil wala na rin kaming mapupuntahan pa." Sambit muli ni Hiens.
Muli ay nabalot ng katahimikan ang dating base, ngunit bakas sa mukha ng grupo nina Wynn ang labis na kasiyahan. Ilang sandali pa ay tuluyan ng sinira ni Bul ang katahimikan at nagsimula na siyang magsalita.
"Ano na ang plano mo ngayon, Risk?" Tanong ni Bul.
Agad napalingon ang lahat kay Risk, dahil patuloy itong nakayuko hanggang sa ngayon.
"*Tsk! Mukhang wala na tayong magagawa pa, kundi ipagpaliban ang ating misyon." Sambit ni Risk.
"Ipagpaliban? Kung ganon ay may balak pa rin kayong wasakin ang planeta na'min?" Tanong ni Yngritte.
"Tama! Hindi mo maalis sa'kin ang galit ko sa mga nadirion na nilikha na'min." Sambit muli ni Risk.
"Pero hindi lang naman mga nadirion ang nakatira sa planetang ito!" Sambit muli ni Yngritte.
"*Hmm.. Tama siya, dahil lumipat ang mga tinatawag na "tao" sa planetang ito, dahil nasawak na rin ang kanilang planeta." Sambit ni Phuz.
"Ano ang binabalak mong gawin, Risk?" Tanong ni Bul.
"Dahil sa mga nalaman kong ito ay susubukan kong hanapin ang bagong planeta ng mga nadirion." Sambit muli ni Risk.
"Kung ganon ay sasasama ako." Sambit muli ni Bul.
"Hindi na kailangan. Ako na ang sasama sa kaniya, tutal ay gusto ko ding alamin kung nagtagumpay sina ama na makahanap ng bagong planeta." Sambit ni Hiens.
"Mukhang ako na naman ang magiging tagapagbantay ng mga katawan nyo." Dismayadong pagkakasambit ni Phuz.
"Wag ka nang mag reklamo. Hindi ba't ito ang usapan na'tin sa oras na matapos na'tin ang ating misyon." Sambit muli ni Hiens.
"Oo na! Oo na!" Sambit muli ni Phuz.
"Sandali lang, anong klaseng nilalang ka ba, Phuz Rioka?" Tanong ni Bul.
"*Hmm.. Tulad ng sinabi ko sayo, isa din akong nadirion. Pero ang mga elementong ginamit upang maging isang celestial ako ay higit na mataas sa inyo. Isa pa ay makikita lang ang elementong yon sa dating planeta kung saan ako ginawa." Tugon ni Phuz.
"*Fufufu.. Gusto kong marinig ang detalye tungkol sa elementong sinasabi niya, Hiens." Sambit ni Risk.
"Nauunawaan ko, pero sa kalawakan ko na yon ipapaliwanag." Tugon ni Hiens.
"Ano naman ang gagawin na'tin ngayon, Bul?" Tanong ni Vivi.
Sandaling natahimik si Bul at kalaunan ay napangiti.
"Mukhang wala na tayong magagawa pa, kundi ang manatili muna sa planetang ito. Babalik ako sa Noria at doon muna kami ni kuya pansamantalang titira." Sambit muli ni Bul.
"Kung ganon ay sasama ako sayo!" Sambit ni Lala.
"Ikaw Dal? Ano ang plano mong gawin?" Tanong ni Vivi.
Hindi nagawang tumugon ni Dal, dahil bigla siyang niyakap ng mahigpit ni Yngritte. Sa pagkakataong ito ay napatingin na lang siya dito at kalaunan ay nagsalita.
"Hindi ko maaaring iwan si Yngritte, kaya sasama ako sa kaniya." Tugon ni Dal.
"*Tsk! Katulad ng inaasahan ko." Sambit muli ni Vivi.
"Bakit hindi ka na lang sumama sa'min sa Noria?" Sambit muli ni Lala.
"Ang boring kaya don! Ang mabuti pa ay hihintayin ko na lang ang magiging disisyon ni Khastro." Sambit ni Vivi.
"Whoa! Ang dalawa nga palang yon!" Sambit muli ni Lala.
"Ako na ang bahalang tumingin sa kanila." Sambit ni Fate.
"Sasama ako." Sambit ni Lisa.
"Pero malubha ang tinamong pinsala ng binti mo. Mabuti pa nga at nagawa mo pang lumaban kanina, dahil hindi mo pa nararamdaman ang sakit nung mga oras na yon. Pero natitiyak kong sobrang sakit niyang pinsala mo ngayon, kaya makakabuti sayong manatili muna dito." Sambit muli ni Fate.
"Sang-ayon ako kay Fate." Sambit ni Yngritte.
Sandaling natahimik si Lisa, kasabay ng pagkagat niya sa kaniyang hinlalaki.
"*Tsk! Alam kong malubha ngayon ang kalagayan ni Eiel at posibleng ikamatay niya ang paglalaban nila ni Khastro." Sambit muli ni Lisa.
"Wag kang mag-alala, may mas malubha pa silang paglalaban sa nakaraan at doon masasabi kong muntik na talaga silang mamatay na dalawa." Sambit ni Vivi.
Agad napatingin si Lisa kay Vivi, suot ang gulat na ekspresyon.
"Ang mabuti pa ay magpahinga ka na at ako na ang bahala sa kaniya." Sambit muli ni Fate.
"Okay.. Pero balitaan mo agad ako ah!" Sambit muli ni Lisa.
"*Uhm!" Tugon ni Fate.
Matapos magsalita ay agad ng naglakad papalabas si Fate. Agad naman siyang sinundan ni Vivi.
"Mabuti naman at ligtas na sa ngayon ang aming planeta." Sambit ni Wynn.
"Sa totoo lang ay wala akong ideya kung papaano nyo isasakatuparan ang pagwasak sa aming planeta. Pero sapat ng dahilan ang mga nakita na'min kanina, upang maniwala kahit kanina lang din na'min ito nalaman." Sambit ni Charls.
"*Uhm! Hindi ko inaasahan na ganitong sitwasyon ang pilit na'ming hinahabol. Ang tanging pakay lang naman na'min ay ang mga bounty na nakapatong sa mga ulo nyo." Sambit ni Timothy.
"*Fufufu.. Kung ganon ay balak nyo pa rin ba kaming hulihin?" Tanong ni Bul.
"Wag ka ngang magpatawa! Papaano na'min gagawin yon?!" Sambit ni Aussa.
"Mag-ingat ka naman sa mga sinasabi mo, Aussa!" Sambit ni Eria.
"Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko ah! Wala tayong pag-asang manalo sa mga halimaw na yan!" Sambit muli ni Aussa.
"*Fu..Fu..Fu.. Mabuti naman at nauunawaan mo na ang lahat, bobong bata." Sambit ni Lala.
"Bobong bata?! *Ahh! Ang tinutukoy mo ba ang sarili mo, kutong lupa?! *Fuwahaha! Wag kang mag-alala, dahil hindi ka naman kasama sa mga tinutukoy kong halimaw! Kahit kasi mag-isa ako ay kaya kitang patayin, kutong lupa!" Sambit muli ni Aussa.
"Aba't?! Kung ganon ay gusto mong tapusin ko na ang buhay mo ngayon mismo?!" Sigaw ni Lala.
"Ako tatapusin mo?! Wag ka ngang magpatawa, kutong lupa! Baka ikaw ang tapusin ko!" Sambit muli ni Aussa.
"Ikaw! *Grrrr!!" Sambit muli ni Lala.
"*Grrrr!" Sambit muli ni Aussa.
*** SFX: PO..PO..POINTS! ***
Agad napahawak sa kanilang mga ulo sina Lala at Aussa, matapos silang kutusan nina Wynn at Bul.
"Tumigil na nga Lala." Sambit ni Bul.
"Pero ang bobong batang yan ang nagsimula!" Tugon ni Lala.
"Anong ako ang nagsimula! Ikaw ang nagsimula nito, kutong lupa!" Sambit ni Aussa.
Muli ay galit na nagtitigan ang dalawa. Samantala, napatakip na lang ng kanilang mga mata sina Bul na tila dismayado.
"Ang mabuti pa ay umalis na tayo dito." Sambit ni Timothy.
"Mabuti pa nga." Sambit ni Charls.
"Kung ganon ay sasabay na kami." Sambit ni Wynn.
"Okay." Sambit muli ni Timothy.
Ilang sandali pa ay nagsimula na silang maglakad palabas, subalit sandali silang nahinto dahil napansin nilang hindi sumusunod sa kanila si Yngritte.
"Yngritte?" Tanong ni Timothy.
"Mauna na kayong umuwi. Wag kayong mag-alala, susunod ako sa inyo." Tugon ni Yngritte.
Agad nagkatinginan sina Timothy at Charls at ilang sandali pa ay sabay silang napakamot.
"Hindi pwede!" Sambit ni Charls.
"Titigas ng ulo nyo! Sabi ng susunod ako eh, kailangan ko lang hintayin na maayos ang usapin dito." Sambit muli ni Yngritte.
"Kung ganon ay hindi muna kami aalis, dahil nangako kami kay Eve na iuuwi ka na'min." Sambit ni Timothy.
"Eve?" Tanong ni Dal.
"*Ahh! Siya ang nakababata kong kapatid." Tugon ni Yngritte.
"Talaga? May nababata kang kapatid?" Tanong muli ni Dal.
"*Uhm! Pero hindi hamak na mas maganda siya sa'kin at matapang." Sambit muli ni Yngritte.
"Mas maganda siya at mas matapang? *Huehuehuehue.." Sambit muli ni Dal.
Bakas sa mukha ni Dal na may hindi ito magandang iniisip, matapos niyang magsalita.
*** SFX: TOINKS! ***
Agad napahawak sa kaniyang ulo si Dal matapos siyang malakas na kutusan ni Yngritte.
"Wag na wag kang magkakamaling mag-isip ng masama sa kapatid ko, dahil pag ginawa mo yon ay ako mismo ang papatay sayo. Maliwanag ba, Dal?!" Sambit muli ni Yngritte.
Biglang napaatras sina Timothy at Charls matapos marinig ang sinabi ni Yngritte. Samantala, napatango na lang si Dal kasabay ng pagpigil ng kaniyang luha na bumagsak.
"Oo nga pala, Bul. Mula sila sa bayan ng Szuwask. Hindi ba't sinabi mong ikaw ang nagtaguyod ng bayang yon?" Sambit ni Lisa.
Sa pagkakataong ito ay agad napalingon sina Yngritte kay Lisa, suot ang nagtatakang ekspresyon.
"Talaga? *Hmm.. Pero malaki na ang pinagbago ng szuwask, kumpara sa dati." Sambit ni Bul.
"Sandali lang, ano ba ang pinag-uusap nyo?" Tanong ni Timothy.
Sa mga sandaling ito ay nagsimula ng magkwento si Bul tungkol sa nakaraan. Samantala, kasalukuyang mga nakahiga sina Eiel at Khastro habang katabi nila si Ursula.
"*Fufufu.. Hindi ka pa rin nagbabago, Tosara." Sambit ni Khastro.
"Kahit ikaw din, Khastro." Sambit ni Eiel.
Bakas sa kanilang mga katawan ang matinding pinsala, ngunit nakakapagtaka na parehas silang nakangiti.
"*Fuwahahahahaha!" Sambit ng dalawa.
Sa pagkakataong ito ay dumating na sina Fate at Vivi at saktong nakita nila na masayang tumatawa ang dalawa. Hindi nila napigilan ang mangiti, dahil tulad ito ng kanilang inaasahan. Ilang sandali pa ay mabilis na silang nagtungo sa dalawa, upang malunasan ang mga pinsalang natamo ng mga ito.
Makalipas ang isang linggo. Nanatili ang lahat sa dating pasilidad ng mga subtellon. Sa mga sandaling ito ay lubusan ng naunawaan nina Timothy ang buong katotohanan, mula sa Bul-Khatos Vidala at sa kanilang mga lumikha. Maliwanag na din sa kanila na mas makakabuti kung ililihim na lang nila ito, upang hindi na ito maglikha ng kaguluhan. Bumalik na rin ang mga residente ng Asteruin, dahil sa tingin nila ay ligtas na muling tumira sa tinatawag nilang tahanan.
Sa ngayon ay nakahanda na ang lahat upang umalis at magtungo sa iba't-ibang dereksyon. Tanging sina Risk, Hian at Phuz lang ang magpapaiwan, dahil maghahanda pa sila ng kanilang plano sa pag-alis sa planeta upang hanapin ang natitira nilang lahi.
"Kung ganon ay dito na tayo maghihiwa-hiwalay." Sambit ni Eiel.
"*Fufufu.. Wag kang mag-alala, Tosara. Kung binabalak mong ituloy ang pagiging bounty hunter ay malaki ang posibilidad na magkita tayo kaagad." Sambit ni Khastro.
"Wag mong sabihing itutuloy mo ang pagiging isang kriminal?!" Tanong ni Lisa.
"*Fufufu.. Mag-eenjoy na lang ako sa planetang ito, hanggang sa magbalik sina Risk, upang ituloy ang orihinal na'ting misyon." Sambit muli ni Khastro.
"*Hahaha! Pero aabutin ng habang buhay ang paghihintay mo, dahil walang katiyakang magbabalik pa kami dito." Sambit ni Phuz.
"*Fufufu.. Wag kang mag-alala, dahil masyadong matalino ang mga tao, kumpara sa mga nadirion. Natitiyak kong balang araw ay matutumbasan nila ang talino ng mga subtellon, pagdating sa paglikha ng mga makabagong kagamitan." Sambit muli ni Khastro.
"*Tsk! Sana wag ka na'ming makaharap muli." Sambit ni Charls.
"Ang mabuti pa ay mauna na tayo sa kanila." Sambit ni Timothy.
"Mabuti pa nga." Tugon ni Charls.
Matapos magsalita ay nagsimula ng maglakad patungo sa kanilang sasakyan sina Timothy.
"Sige mauna na kami, bye-bye!" Sambit ni Yngritte.
"Paalam." Sambit ni Dal.
"*Uhm!" Tugon ni Eiel.
Ilang sandali pa ay tuluyan ng umalis sina Timothy. Sa mga sandaling ito ay nagsimula na ring maglakad sina Eiel at Lisa patungo sa kanilang sasakyan. Halos kasabay nila ang Elemental sister at si Fate.
"Ikaw na ang bahala kay Ursula, Bul." Sambit ni Eiel.
"Wag kang mag-alala, natitiyak kong sabik na din siyang makabalik sa Noria." Tugon ni Bul.
Napatango na lang si Eiel at ilang sandali pa ay binuksan na niya ang makina ng kanilang sasakyan.
"Paalam na sayo, kutong lupa! *Bleh!" Sigaw ni Aussa.
"Aba't ang bobong batang yon! *Grrrr! Wag na wag ka ng magpapakita sa'kin! *Bleh!" Sigaw ni Lala.
Napangiti na lang sina Iratha at Bul sa mga sandaling ito, habang pinanonood ang mabilis na pag-alis ng dalawang grupo at ni Fate.
"Okay! Mukhang oras na para umalis kami, tayo na Vivi." Sambit ni Khastro.
Napakamot na lang ng ulo si Vivi at kalaunan ay nagsalita.
"*Haay! Mukhang balik kriminal na naman kami. Pero mas mabuti na ito, kumpara tumira sa isolated na kagubatan." Sambit ni Vivi.
Matapos magsalita ay mabilis ng umalis ang dalawa, gamit ang kanilang accel walk.
"Ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob." Sambit ni Bul.
"*Huh? Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ni Lala.
"Hindi pa. Marami pa akong gustong gawin, bago tayo tuluyang bumalik sa Noria." Tugon ni Bul.
"*Hmm.. Okay? Pero sana naman hindi yon boring." Sambit muli ni Lala.
"Wag kang mag-alala, natitiyak kong magugustuhan mo ang gagawin ko! *Fufufu.." Sambit muli ni Bul.
Napalunok na lang si Lala, dahil mukhang alam na niya ang mga binabalak gawin ni Bul.
"Naku naman, sana wag yong iniisip ko ang gagawin niya." Sambit ni Lala derekta sa kaniyang isipan.
"Okay! Tayo na sa loob, kuya!" Sambit muli ni Bul.
Napangiti na lang sina Iratha at ilang sandali pa ay pumasok na silang lahat sa loob. Samantala, mabalik tayo kina Eiel. Sa ngayon ay halos kasabay lang nila ang gamit na sasakyan nina Wynn at Fate.
"Ano na ang plano nyo ngayon?" Tanong ni Wynn.
"Pupunta muna kami sa Harogath, para kamustahin ang mga kaibigan na'min don." Tugon ni Eiel.
"*Ahh! Kami baka magpahinga muna sa bansa na'min. Tutal ay imposible na para sa'min na tapusin ang aming misyon, dahil imposibleng matalo na'min si Vivi." Sambit muli ni Wynn.
"Ikaw naman Fate? Ano na ang mga plano mo ngayon?" Tanong ni Lisa.
"Ako? *Fufufu.. Pupunta ako sa casino upang bawiin ang mga perang natalo ko! Maganda ang pakiramdam ko! Natitiyak kong mababawi ko na ang lahat ng natalo ko!" Tugon ni Fate.
Labis na nagulat sina Eiel sa kanilang mga narinig, samantala wala namang ideya si Wynn dahil hindi niya narinig ang mga sinabi ni Fate.
"Teka.. Wag mong sabihing isinusugal mo lang ang mga perang kinikita mo?!" Tanong ni Lisa.
"*Hmm.. Hindi naman lahat! Syempre nagtitira ako ng pangkain, pero kung minsan ay wala ngang natitira." Tugon muli ni Fate.
Muntik ng mahulog sa kanilang sasakyan si Lisa matapos marinig ang sinabi ni Fate.
"Baliw! Ganon din yon eh! Haay! Bahala ka na nga sa buhay mo.." Sambit muli ni Lisa.
Napangiti na lang si Fate sa mga sandaling ito, ngunit ilang sandali pa ay biglang nagbago ang ekspresyon nito at naging mapayapa. Hindi ito nakita ni Lisa, dahil agad na siyang sumandal sa kaniyang upuan at kalaunan ay napatingin kay Eiel.
"Tayo? Ano na ang plano na'tin ngayon?" Tanong ni Lisa.
"*Fufufu.. Ano pa ba? Hindi pa na'tin nauubos ang listahan ng Bul-Khatos Vidala." Nakangiting pagkakatugon ni Eiel.
Agad napangiti si Lisa at walang pag-aaksaya ay muli na itong nagsalita.
"Okay!" Sigaw ni Lisa.
Wakas?!
Afterwords.
D*mn! Tinamaan na naman ako ng magaling, este sakit.. Bwisit kasi yung tatay kong kalbo.. alam na may sakit siya, tumabi pa rin sa higaan ko.. At mukhang galit talaga ang utak ko sa'kin.. buong magdamag akong gising tapos maswerte na pag lumagpas sa tatlong oras ang tulog ko.. Sanay na tuloy ang katawan ko sa ganitong set-up.. Umm.. Tungkol sa chapter na ito, baka magkaroon pa ng isa, pero hindi ko pa tiyak kung kailan.. Ayun, maraming salamat sa pagtangkilik sa story na ito.. :3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top