Chapter 33: Phuz Rioka. Part 2

Sa mga sandaling ito ay nahaharap sa isang malaking paglalaban sina Eiel. Sa ngayon ay nagawa na nilang matalo ang isa sa kanilang kalaban, si Khastro. Subalit malaki ang pinsalang natamo ni Eiel sa naganap na paglalaban.

Sandaling nagpahinga si Eiel kasabay ng panonood niya sa nagaganap na paglalaban sa pagitan ni Ursula at Iratha.

"*Fufu.. Magaling Ursula! Ipagpatuloy mo lang yan at natitiyak kong magagawa ko ding mapabagsak ang isang yan." Sambit ni Eiel derekta sa kaniyang isipan.

Sa mga sandaling ito ay mabilis ng kumilos si Lisa, ngunit ang bawat pagkilos niya ay sobrang polido at sinigurado niyang wala ingay na nagawa. Siniguro din niyang hindi siya nakita ng kanilang kalaban, hanggang sa tuluyan na siyang makapwesto sa isang tagong lugar. Dito ay agad na niyang inihanda ang kaniyang Eagle's eye at mabilis na inasinta si Iratha. Samantala, agad na ding naghanda si Eiel at mabilis na niyang kinargahan ng mga espesyal na bala ang kaniyang rotten skull. Matapos nito ay mabilis na siyang sumugod, ngunit sa kalagitnaan nito ay isang pag-atake ang kaniyang napansin, kaya mabilis siyang napatalon paatras. Agad siyang napatingin sa lugar kung saan tumama ang mga pag-atake at dito ay nakita niyang natunaw ang mga tinamaan nito. Ilang sandali pa ay napatingin na siya lugar kung saan nagmula ang mga pag-atake at dito ay nakita niya si Lala, katabi sina Risk, Fate at Bul.

"*Tsk! Gusto mo bang ikaw ang unahin ko, Lala?!" Sigaw ni Eiel.

Naramdaman ng takot si Lala, kaya mabilis siyang nagtago sa likod ni Bul.

"Sumuko na kayo, Tosara! Alam mong wala kayong pag-asa na manalo laban sa'min!" Sigaw ni Bul.

"Hindi ko gustong marinig ang mga salitang yan sa bibig mo, Bul!" Sigaw muli ni Eiel.

"*Tsk! Kung ganon ay wala na akong mapagpipilian pa kundi ang.." Sambit ni Bul.

*** SFX: PUUUUUUUUN! ***

Hindi na nagawang tapusin ni Bul ang kaniyang mga sasabihin, dahil sa kaniyang nasaksihan. Mabilis kasing napaluhod si Iratha matapos tamaan ni Lisa. Samantala, hindi inaasahan ni Lisa ang pangyayaring ito, dahil normal na ammunition lang ang ginamit niya.

"Tinablan siya ng normal na bala? Hindi kaya mga matataas na uri ng elemento lang ang kayang pigilan ng Irathanium?" Sambit ni Lisa derekta sa kaniyang isipan.

Hindi tukoy ni Lisa kung tama ang nabuong niyang kongklusyon. Sa ngayon ay mabilis ngunit tahimik siyang kumilos, upang humanap ng panibong pwesto. Hindi naman nagtagal ay nakapagtago na siya at dito ay muli niyang inasinta si Iratha. Ngunit sa pagkakataong ito ay mabilis na umatake si Ursula, dahil magandang pagkakataon ito na tunay na pakay sa ginawang pag-atake ni Lisa kanina.

Mabilis na tumayo si Iratha at kalaunan ay mabilis na umiwas sa ginawang pag-atake ni Ursula. Mabilis siyang tumalon, ngunit ang pagkakataong ito ay hinihintay ni Lisa, dahil batid niyang hindi makakaiwas si Iratha tulad ng ginawa niyang pag-atake kanina.

*** SFX: PUUUUUUUUUN! ***

Sa pagkakataong ito ay tinamaan sa kaliwang dibdib si Iratha at kalaunan ay mabilis na bumagsak. Mabilis naman itong sinundan ng pag-atake ni Ursula.

*** SFX: VOOOOOOOOOOOOOOOSH! BOOOOOOOOOOOOOM! ***

Isang malakas na pag-atake ang tinanggap ni Iratha, dahilan upang tumilapon siya at kalaunan ay tumama ng malakas sa malaking bato.

"Kuyaa!" Sigaw ni Bul.

Mabilis na nilapitan ni Bul si Iratha upang alamin ang kalagayan nito. Subalit matapos niya itong malapitan ay labis siyang nagulat sa nakitang pinsalang sa katawan nito.

"Kuya! Pero papaano? Papaano kang tinablan ng simpleng bala lang?!" Sambit ni Bul.

"*Cough! *Cough! Hindi ko rin alam, pero siguro ito ang kahinaan ko dahil isa lang akong proto-type. *Cough! *Cough!" Tugon ni Iratha.

"*Tsk! Wag kang mag-alala, kuya. Tatapusin ko na ang labang ito." Sambit muli ni Bul.

Matapos magsalita ay agad tumayo si Bul at kalaunan ay tumingin kina Lala.

"Lala! Kailangan ko ang tulong mo!" Sigaw ni Bul.

Agad namang nagtungo si Lala kina Bul, matapos niyang marinig ang pagtawag nito. Samantala, naiwan si Fate na nakatayo at patuloy na nagtataka.

"Ano ba talaga ang mga nangyayari?" Sambit ni Fate.

Mabilis narating ni Lala ang lugar kung nasaan sina Bul. Dito ay labis siyang nagulat matapos makita ang pinsala sa katawan ni Iratha.

"Hindi ko alam na ang magiging kahinaan lang pala ni Iratha ay simpleng ammunition." Sambit ni Lala.

"Tama na ang pagsasalita at tulungan mo na lang akong alisin ang balang nasa loob ng kaniyang katawan." Sambit ni Bul.

"*Huh? Pero papaano ko naman gagawin ang bagay na yon?" Tanong ni Lala.

"Lagyan mo ng lalaxide ang sugat niya." Tugon ni Bul.

"*Huh? Si..si..sigurado ka? Baka ikamatay niya ito kung gagawin ko yon." Sambit muli ni Lala.

"Magtiwala ka! Alam ko ang mga bagay na sinasabi ko." Sambit muli ni Bul.

Sa mga sandaling ito ay hindi na nagsalita pa si Lala at mabilis na niyang sinunod ang bagay na sinabi ni Bul. Mabilis niyang nilagyan ng lalaxide ang mga sugat ni Iratha at itinigil lang niya ito matapos siyang pahintuin.

"Sigurado ka bang okay lang siya sa ginawa ko?" Tanong ni Lala.

"*Uhm! Ang Lalaxide ang tutunaw sa mga bala sa loob ng kaniyang katawan. At dahil immune siya sa elemento mo ay parang tubig lang na matatapon, kasama ng lalaxide ang natunaw na bala." Tugon ni Bul.

"Whoa! Ang..galing.." Sambit muli ni Lala.

Labis na namangha si Lala sa mga sinabi ni Bul at ilang sandali pa ay nagkatotoo na ang mga sinabi nito. Mabilis na naglabasan ang mga lalaxide sa mga sugat ni Iratha.

"Lala, ikaw muna ang bahala kay kuya. Oras na para tapusin ang labang ito." Sambit muli ni Bul.

"Kung ganon ay papatayin mo na ba sila?" Tanong ni Lala.

"Hindi ko masisiguro ang bagay na yan, dahil balak kong bawiin si Tosara at muling i-reprogram." Tugon ni Bul.

"Ta..talaga?! Kung ganon ay gawin mo ang bagay na yon, para kumpleto pa rin tayo!" Sambit muli ni Lala.

"*Uhm!" Tugon muli ni Bul.

Matapos magsalita ay marahan ng tumayo si Bul at kasabay nito ay ang paghugot niya sa sisidlan ng kaniyang malaking espada, ang Grief. Samantala, batid nina Eiel, Lisa at Ursula na mapapalaban na sila, kaya naman agad na nilang inalerto ang kanilang sarili. Sa ngayon ay mabilis na nagpalipat-lipat si Lisa sa pamamagitan ng accel walk. Maingat at tahimik niyang ginagawa ito upang makahanap ng magandang pwesto. Samantalang si Eiel naman ay nanatiling nakatayo, hindi kalayuan kay Ursula. At kahit malaki ang pinsala na kaniyang tinamo sa pakikipaglaban kay Khastro ay kaya pa naman niyang lumaban.

"Tatapusin ko na agad ito." Sambit ni Bul.

Matapos magsalita ay mabilis na naglaho si Bul. Agad namang naalerto sina Eiel, subalit sobrang bilis ni Bul kaya hindi na nila nakita pa ang pag-atake nito.

*** SFX: SHHHHHHHHHHHT.. TSSK! BOOOOOOOOOOM! ***

Mabilis na tumilapon si Eiel matapos siyang tamaan ng malakas na pag-atake mula kay Bul. Mapalad siya dahil nagawa niyang iharang ang kaniyang rotten skull at dahil dito ay napigilan niya ang talim ng sandata ni Bul na tumama sa kaniya. Kasalukuyan siya ngayon nakabakat sa malaking pader na bato, kung saan siya malakas na tumama.

Samantala, hindi naman nag-aksaya si Ursula ng sandali at mabilis na niyang inatake si Bul. Ngunit sinabayan ni Bul ang gagawing pag-atake ni Ursula sa kaniya. At base sa angulo at haba ng sandata nito ay hindi hamak na mas mauunang tumama ang gagawin niyang pag-atake. Ngunit sa kalagitnaan ng kaniyang pag-atake ay may naramdaman siyang pagbabago sa hangin at dahil dito ay mabilis niyang hinarang ang kaniyang sandata sa kaniyang mukha.

*** SFX: PIIIIIIIIING! ***

Isang bala ang nasalag ni Bul at kasabay nito ay mabilis niyang ipinagpatuloy ang kaniyang pag-atake kay Ursula.

*** SFX: WOOOOOOOOOOOOOOOOOSH! BOOOOOOOOOM! ***

Mabilis na tumilapon si Ursula matapos siyang tamaan ni Bul sa katawan. Labis itong ikinagulat ni Lisa, dahil imposible nang mailagan pa ang ginawa niyang pag-atake. At nagawa pa nitong ipagpatuloy ang pag-atake, matapos nitong masalag ang balang pinakawalan niya sa eksaktong oras at pagkakataon. Ngunit sadyang espesyal si Bul at dahil dito ay napatunay na niya ang galing nito sa pakikipaglaban.

Sa ngayon ay mabilis, ngunit tahimik at maingat siyang tumatakbo upang magtago. Ito lang kasi ang kaya niyang gawin, dahil batid niyang kamatayan lang ang kaniyang aabutin, kung harapan siyang makikipaglaban. Tanging paghahanap at paghihintay lang ng tamang pagkakataon ang kaya niyang gawin sa ngayon.

"Masama ito! Hindi pa nababawi ni Eiel ang kaniyang lakas at mukhang si Ursula ay napuruhan din ni Bul. *Tsk! Hindi ko inaasahan na kaya niyang sanggahin ang bala ng eagle's eye ko sa napaka-ikling sandali. At mas nakakagulat pa dito ay nagawa pa niyang ituloy ang kaniyang pag-atake. Ngayon ay napatunayan ko nang siya nga ang pinuno ng Bul-Khatos Vidala." Sambit ni Lisa derekta sa kaniyang isipan.

Sa mga sandaling ito ay batid ni Lisa na nasa ligtas na siyang pwesto. Ilang sandali pa ay agad niyang pinakiramdaman si Bul at nang matukoy na hindi pa rin ito umaalis sa pwesto nito ay agad na niyang itong inasinta. Subalit labis siyang nagulat dahil bigla itong nawala sa kaniyang teleskopyo. Dito ay batid niyang siya na ang target ni Bul, kaya agad na siyang nag-accel walk upang tumakas.

"At saan mo naman binabalak pumunta, Lisa?!" Tanong ni Bul.

Agad napahinto si Lisa at kalaunan ay mabilis na napatalon paatras. Labis siyang nagulat dahil bigla lumabas sa kaniyang harapan si Bul. Sa ngayon ay sinubukan pa niyang tumakbo, ngunit masyado ng huli upang magtago.

"Shit! Shit! Shit! Dapat hindi ako huminto sa pagkilos!" Sambit ni Lisa derekta sa kaniyang isipan.

*** SFX: SHHHHHHHHHHHHHHT.. BOOOOOOOOOOM! ***

Agad tumalsik si Lisa dahil sa isang pagsabog sa kaniyang likuran. Sa pagkakataong ito ay tinamaan ang kaniyang kanang paa at dahil dito ay imposible na para sa kaniya ang mag-accel walk.

"Shit! Katapusan ko na!" Sambit muli ni Lisa derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay nakita na niya ang mabagal na paglapit ni Bul sa kaniya. Agad naman niya itong pinaputukan gamit ang kaniyang dual blind griffon, subalit lahat ng bala ay nasalag lang ni Bul gamit ang kaniyang Grief.

"Hindi ko gustong tapusin ka Lisa, ngunit mapipilitan akong gawin ito, dahil sa ginawa mo sa kapatid ko." Sambit ni Bul.

"*Tsk! Hindi ko lubos akalain na magiging kalaban ka sa kabila ng lahat! Sige, patayin mo na ako tutal wawasakin nyo na rin naman ang aming planeta!" Sambit ni Lisa.

"Pero bago ko gawin ang bagay na yon ay may sasabihin ako sayo. Ang bayan ng Szuwask. Ako ang nagtaguyod ng bayang yon. Doon ko pinalaki ang mga unang nadirion na nilikha nina Risk." Sambit muli ni Bul.

"Szuwask? *Fufu.. Dapat ba akong matuwa sa mga sinabi mo? O dahil dito ay nagbago na ang isip mo at hindi mo na itutuloy ang pagwasak sa aming planeta?" Sambit muli ni Lisa.

"*Fufufu.. Gusto ko lang ipaalam sayo, dahil ang mga alalang ito ay kasamang itinago sa'kin. Siguro oras na para tapusin ang larong ito." Sambit muli ni Bul.

Matapos magsalita ay agad naghanda si Bul para sa isang pag-atake. Napa-pikit na lang si Lisa sa mga sandaling ito, dahil tanggap na niya ang kaniyang kamatayan. Subalit sa ngayon ay mabilis na tumatakbo si Fate patungo sa lugar kung nasaan sina Bul.

"Paalam.. Lisa Griswold." Sambit muli ni Bul.

*** SFX: WOOOOOOOOOOOOOSH! BOOOOOOOOOOOOOM! ***

"Lisa!!" Sigaw ni Fate.

Isang malakas na pagsabog ang naganap matapos mapakawalan ni Bul ang kaniyang pag-atake. Sa pagkakataong ito ay napahinto si Fate, dala ng labis na pagkagulat.

"Lisa?" Sambit muli ni Fate.

"*Eh?!" Sambit ni Lisa.

Sa mga sandaling ito ay labis na nagtaka si Lisa matapos niyang idilat ang kaniyang mga mata. Bigla kasing naglaho si Bul sa kaniyang harapan. Ilang sandali pa ay agad siyang napalingon sa lugar kung saan niya narinig ang pagsabog at dito ay nakita niya si Bul habang mabagal na bumabangon.

"Anong nangyari? Sino ang may gawa non?" Tanong ni Lisa.

Ngunit ilang sandali pa ay muli na namang tumilapon si Bul at sa pagkakataong ito ay nakita na niya kung sino ang may gawa nito.

"Phuz?!" Gulat na pagkakasambit ni Lisa.

"Si..si..sino ang lalaking yon?!" Gulat na pagkakasambit ni Fate.

Samantala, hindi maunawaan ni Bul kung ano ang nangyari, dahil hindi niya nakita ang umatake sa kaniya at kung saan nagmula ang pag-atake nito. Labis ding nagulat si Risk matapos niyang makita ang pangyayaring ito. Hindi niya tukoy kung sino ang umatake kay Bul at kung papaano nito nagawa yon ng sobrang bilis.

"Ang lalaking yon! Hindi kaya?!" Sambit ni Risk.

Sa pagkakataong ito ay mabilis na tumakbo papalapit si Risk, ngunit agad siyang napahinto matapos makita ang isang pamilyar na itsura. Labis siyang nagulat matapos niya itong makita.

"Hi..hi..Hian?! Pero imposible?!" Sambit ni Risk.

Mapunta tayo kay Eiel. Kasalukuyan siya ngayon naglalakad papalapit kina Lisa. Bakas sa kaniyang katawan ang labis na pinsala na kaniyang tinamo sa naging mga paglalaban. At kahit labis na nagtataka sina Lisa sa biglaang paglabas ni Phuz ay agad niyang nilapitan si Eiel, upang tulungan.

"Ano ang nangyayari? At sino ang lalaking yon?" Sambit ni Eiel.

"Siya si Phuz Rioka! Yung tumulong sa'tin sa bayan ng Karlot. Pero kahit ako ay labis ng nagtataka sa pagkatao niya ngayon. Sino ba siya at bakit parang katulad niya kayo." Tugon ni Lisa.

"Katulad na'min? Siya? Pero imposible!" Sambit muli ni Eiel.

Matapos magsalita ay agad napatingin si Eiel sa lugar kung nasaan ngayon sina Bul. Pansin niya sa ekspresyon ni Bul na hindi nito kilala ang lalaking kaharap niya ngayon.

Samantala, hindi pa rin kumikilos si Bul hanggang sa ngayon matapos niyang bumangon mula sa tinamo niyang pag-atake kanina. Bakas sa mukha niya ang labis na pagtataka, ngunit sa kabila nito ay nakaalerto siya sa posible nitong pag-atake.

"Ikaw?! Ikaw yung kasama ni Lisa kahapon! Sino ka bang talaga?!" Sambit ni Bul.

"*Hmm.. Ako si Phuz Rioka! Isang hindi kilalang bounty hunter!" Nakangiting pagkakatugon ni Phuz.

"*Tsk! Hindi ko alam kung papaano mo nagawa ang ginawa mo kanina at kung anong klase kang nilalang. Pero natitiyak kong hindi ka isang nadirion o kaya ay tao." Sambit muli ni Bul.

"Tama ka! Hindi nga ako isang tao, pero isa akong nadirion." Sambit muli ni Phuz.

Sandaling natahimik si Bul dala ng labis na pagkagulat.

"Imposible! Wag mong sabihing katulad na'min siya? Pero wala akong naalalang nilikhang celestial bukod sa'ming pito." Sambit ni Bul derekta sa kaniyang isipan.

"Huhulaan kong iniisip mo ngayon na ako ay katulad nyo rin. *Hmm.. Celestial? *Fufu.. Pero nagkakamali ka, dahil mas nakakahigit ako sa inyo." Nakangiting pagkakasambit muli ni Phuz.

Sa pagkakataong ito ay napahigpit si Bul sa pagkakahawak niya sa kaniyang sandata at ilang sandali pa ay mabilis na siyang sumugod. Halos wala pang isang segundo ang lumipas ay nasa harapan na siya ni Phuz, kasabay ng kaniyang ginawang pag-atake dito.

"Ito na ang 'yong wakas!" Sigaw ni Bul.

*** SFX: WOOOOOOOOOOOOOOSH!! ***

Ngunit labis na nagulat ang lahat matapos makita ang nangyari. Kahit kadarating lang nina Dal, Yngritte, Timothy at Charls ay labis din silang nagulat, matapos makita ang pangyayari sa pagitan nina Bul at Phuz.

"Papaanong nangyari yon? Posible bang mangyari yon?!" Tanong ni Yngritte.

"Sa totoo lang ay hindi ko rin alam! Pero ang lalaking yon, hindi ba siya ang kasama ni Lisa kahapon?!" Sambit ni Dal.

Samantala, nanatiling gulat si Bul dahil nagawang mapigilan ni Phuz ang kaniyang pag-atake sa pamamagitan lang ng palad nito. Batid niyang imposible ang bagay na ito, dahil ang sandatang hawak niya ay nababalutan ng halo-halong elemento.

Sa ngayon ay buong lakas na hinihila ni Bul ang kaniyang sandata, dahil mahigpit na hawak ni Phuz ang talim nito. Ngunit ilang sandali pa ay binitiwan na ito ni Phuz, dahilan upang magawa na ni Bul na dumistansya.

"Imposible! Papaano niya nagawa ang bagay na yon? Masyado na ba akong mahina, dahil sa mga pinsalang natamo ko mula sa ginawa niyang pag-atake kanina? Hindi! Imposible ang bagay na yon! Ramdam ko ang katawan ko at masasabi kong buong lakas kong pinakawalan ang pag-atakeng yon. Pero papaano niya yon nagawang pigilan at gamit lang ang kaniyang isang kamay?!" Sambit ni Bul derekta sa kaniyang isipan.

"Tulad ng sinabi ko kanina ay mas nakakahigit ako sa inyo." Sambit ni Phuz.

"*Tsk! Bakit hindi mo sabihin sa'kin kung sino kang talaga?!" Sambit ni Bul.

Sa pagkakataong ito ay agad nabaling ang atensyon ng dalawa sa dalawang lalaking papalapit sa kanila.

"Risk! *Huh? Hian?!" Sambit ni Bul.

"Kamusta ka na, Ruwii?" Sambit ni Hian.

Chapter end.


Afterwords.

Sorry! Sorry! Sorry! Dapat kahapon tlaga ang UD, hindi ko pala na save sa phone ko yung edited part! Yung Som3 lang yung na copy ko.. Sorry talaga, nahihiya tuloy ako kasi nag lagay pa ako ng sched, hindi naman pala masusunod.. Hayaan nyo, pipilitin kong hindi na ito maulit.. Paki-unawa na lang ako at salamat! 

Susunod.

Chapter 34: Katotohanan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top