Chapter 32: Phuz Rioka

Ilang minuto pa ay mararating na ng grupo nina Timothy ang Asteruins, ngunit sa pagkakataong ito ay may napapansin silang hindi tama. Marami kasing nadir/tao ang kanilang nakasalubong at tila nagmula ang mga ito sa nasabing bayan.

"Ano ang nangyayari sa kanila? Lumilikas ba sila?" Tanong ni Wynn.

"Mukhang ganon na nga! Hindi kaya nandon na si Iratha at kasalukuyan na siyang nakikipaglaban sa Bul-Khatos Vidala?" Sambit ni Timothy.

"*Tsk! Sino ba kasi talaga ang Iratha na yon?!" Tanong muli ni Wynn.

"Hindi rin na'min alam, pero malaki ang hinala ko na may kaugnayan talaga siya sa Bul-Khatos Vidala." Tugon ni Timothy.

Hindi na nag-usap pa ang dalawa at mas binilisan na lang ni Timothy ang kaniyang pagmamaneho. Ilang minuto pa ang lumipas ay narating na nila ang Asteruins. Sa loob ng bayan ay agad nilang napansin na wala ang tao, ngunit sinikap pa rin nilang maghanap upang may mapagtanungan.

Samantala, kasalukuyan na ngayon kasama nina Khastro sina Bul sa isa pang base. Dito ay labis na nagulat si Yngritte matapos makita si Fate.

"Khastro? Teka?! Nasaan sina Tosara at Lisa?" Tanong ni Fate.

"Anong ginawa mo dito, Fate? Wag mong sabihing isinuko mo na agad ang planeta na'tin?" Tanong ni Yngritte.

Agad napatingin si Fate kay Yngritte matapos niya itong marinig.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong muli ni Fate.

"Wag mo na munang guluhin ang isipan ni Fate, Yngritte." Sambit ni Bul.

Sa pagkakataong ito ay agad nakuha ni Yngritte ang kasalukuyang nangyayari.

"Kung ganon ay walang alam si Fate sa kung ano ang mga mangyayari." Sambit ni Yngritte derekta sa kaniyang isipan.

"*Fufufu.. Kailan ba na'tin isasakatuparan ang plano na'tin?" Tanong ni Khastro.

"Wag kang masyadong mainip, c-02. Darating din ang tamang oras, pero sa ngayon ay mas mabuti kung hintayin na'tin makapagdisisyon si c-03." Sambit ni Risk.

Sa pagkakataong ito ay agad napatingin ang grupo nina Khastro sa nagsalita, dahil ngayon lang nila ito napansin.

"*Huh? At sino ka naman?!" Tanong muli ni Khastro.

"Siya ang ating lumikha. Siya si Risk." Tugon ni Bul.

Labis na nagulat sina Khastro matapos marinig ang sinabi ni Bul sa kanila.

"Lumikha?" Tanong ni Yngritte.

"Imposible yang sinasabi mo! Hindi ba't iba ang itsura ng mga subtellon?!" Sambit ni Lala.

"Wag kayong mag-alala, dahil ang katawang gamit ko ay isang artipisyal lang." Sambit muli ni Risk.

"Nagsasabi ng totoo si ginoong Risk! Totoong isa siyang subtellon." Sambit ni Fate.

"Talaga?! Isang sublellon ang lalaking yan?!" Tanong muli ni Yngritte.

"Ang mabuti pa ay lalabas muna ako para hintayin sina c-03." Sambit ni Iratha.

"Kung ganon ay sasamahan na kita, kuya." Sambit ni Bul.

Ilang sandali pa ay naglakad na palalabas ang dalawa at napatingin na lang sina Khastro sa mga ito. Matapos nilang maalis ay agad nang nilapitan ni Khastro si Risk at matapos nito ay agad na niya itong kinausap.

Samantala, kasalukuyan ng naghahanda sina Eiel para sa gagawin nilang pakikipaglaban. Batid nilang imposibleng manalo, ngunit mas gugustuhin na lang nilang mamatay kasama ng planetang ito.

Sa mga sandaling ito ay malaya pa rin nilang nagagamit ang mga spectator bugs, dahil nakakonekta pa rin ito sa kanilang malaking monitor. Dito ay nakita na nila ang pagpasok ng Tempest at nang Elemental sisters. Nakita din nila sa katabing monitor ang paglabas nina Bul at Iratha.

"*Fufufu.. Mukhang ang inaasahan na'ting mga kakampi ay naging mga kalaban at ang mga inaasahan na'ting kalaban ay magiging kakampi." Sambit ni Eiel.

"*Fufu.. Mukhang mapaglaro talaga ang kapalaraan na'tin, pero hindi ako susuko hangga't meron pang pag-asa na maisalba ang planetang ito." Sambit ni Lisa.

"Kung ganon ay handa ka na ba?!" Tanong ni Eiel.

"*Uhm!" Tugon ni Lisa.

"Okay! Tayo na at harapin ang ating kapalaran!" Sambit muli ni Eiel.

Matapos magsalita ay agad nang sumakay ang dalawa, kasama si Ursula sa kanilang sasakyan, dala ang mga samo't-saring mga baril at pasabog. Tila hindi nila alintana ang panganib, dahil ang mga ganitong pangyayari ay normal nilang hinaharap sa nakaraan.

Samantala, sa kalagitnaan ng paghahanap nina Timothy ay nakita nila si Iratha kasama ang isang hindi nila kilalang babae. Napansin din naman sila ng mga ito, kaya walang pag-aaksaya ay mabilis na nila itong nilapitan.

"Hoy Iratha! Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa'min at sino ang babaeng kasama mo?!" Sambit ni Wynn.

"Patawad, pero dito na nagtatapos ang paglalakbay ko kasama nyo." Sambit ni Iratha.

"*Huh?! Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Timothy.

"Dahil nabawi ko na ang Bul-Khatos Vidala at tanging si Tosara na lang ang kulang upang makumpleto kami." Tugon ni Iratha.

Labis na nagulat sina Timothy matapos marinig ang mga sinabi ni Iratha, kaya mabilis silang naalerto at mabilis na lumayo sa dalawa.

"Kung ganon ay tama ang kutob ko sayo! Isa ka sa Bul-Khatos Vidala at ikaw si Bul!" Sigaw ni Wynn.

"Nagkakamali ka, dahil ako si Bul." Sambit ni Bul.

Matapos magsalita ay agad kinagat ni Bul ang kaniyang hintuturo at kalaunan ay mabilis niya itong iwinasiwas patungo sa direksyon kung nasaan sina Wynn.

*** SFX: BOBOBOBOBOBOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Mabilis nagtungo ang mga dugo ni Bul sa dereksyon nina Wynn at nang tumama na ang mga ito sa lupa ay isa-isa itong sumabog.

"Ang dugo ko ang nagkukulong sa mga Bulmium sa'kin katawan, kaya sa oras na masira ito ay agad itong sasabog." Sambit ni Bul.

Nagawa naman nina Wynn na makaiwas, ngunit hindi nila inaasahan ang posibilidad na mangyari ang bagay na yon.

"*Tsk! Papaano naging posible na nagagawa nilang makontrol ang mga mapapanganib na elemento at nakapaloob pa ito sa loob ng kanilang katawan?! Anong klaseng mga nilalang ba talaga ang Bul-Khatos Vidala?" Sambit ni Wynn derekta sa kaniyang isipan.

"Humanda na kayo, mukhang mapapaaga ang paglaban na'tin sa kanila." Sambit ni Wynn.

Napatango na lang ang kaniyang mga kapatid, subalit ilang sandali pa ay labis siyang nagulat matapos makita si Timothy na mabagal na naglalakad papalapit kina Iratha.

"Nasaan si Yngritte?!" Sigaw ni Timothy.

*** SFX: PUUUN! BOOOOOOOOOOOM! ***

Hindi na nagawa pang tumugon nina Iratha, dahil isang malakas na pagsabog ang naganap sa kanilang pwesto. Labis naman itong ikinagulat nina Timothy, dahil batid nilang wala sa kanila ang may gawa ng pag-atake.

"Saan nanggaling nag pag-atakeng yon?!" Tanong ni Charls.

"*Fufufu.. Kung ganon ay ito na pala ang disisyon mo, c-02." Sambit ni Iratha.

Agad napalingon sina Timothy sa isang lugar kung saan nila narinig ang nagsalita at dito ay labis silang nagulat matapos makita sina Iratha at Bul.

"Ang bilis! Papaano sila nakapunta don ng ganong kabilis?!" Sambit ni Timothy derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay napatingin na sina Timothy sa lugar kung saan nakatingin sina Iratha at dito ay may nakita silang isang lalaki at isang malaking nilalang na mukhang oso.

"Eiel?!" Sambit ni Wynn.

"*Fufufu.. Kamusta na ang elemental Sister?! Buhay pa pala kayo!" Sambit ni Eiel.

Sa pagkakataong ito ay mabilis na lumapit ang mga kapatid ni Wynn sa kaniya at matapos nito ay agad na siyang tinanong.

"Anong klaseng nilalang ang katabi ni Eiel, Ate?" Tanong ni Aussa.

"Sa totoo lang ay wala akong ideya." Tugon ni Wynn.

Ilang sandali pa ay agad napalingon sina Wynn kina Iratha, dahil narinig nilang nagsalita si Bul.

"Alam mong wala kayong pag-asa na matalo kami, kaya bakit pa kayo lumalaban?!" Sigaw ni Bul.

"Dahil napamahal na sa'kin ang planetang ito at hindi ako papayag na sirain na lang ito. Hindi ba't ito din ang gusto mong gawin dati?!" Tugon ni Eiel.

"Tama ka, pero iba na ngayon matapos magbalik ng mga alala ko. Ang planetang ito ay matagal ng sira, dahil ang orihinal na nakatira sa planetang ito ay inubos ng mga nadirion na nilikha lang nila!" Tugon ni Bul.

"Pwes, lalaban kami hanggang kamatayan! At kasabay na'ming masisira ang planetang ito, kasama ng aming mga pamilya!" Sigaw ni Eiel.

Matapos sumigaw ay mabilis ng sumugod si Eiel. Gamit ang kaniyang rotten skull ay mabilis niyang pinaulanan ng mga bala sina Iratha. Batid naman niyang hindi ito basta-basta gagana, kaya matapos maubos ang kaniyang mga bala ay mabilis niyang hinagisan ng mga pampasabog ang lugar.

*** SFX: BOBOBOBOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Hindi maunawaan nina Timothy ang mga nangyayari, ngunit batid na nila kung sino ang kanilang papanigan. Samantala, ramdam ang mga pasabog sa lugar kung saan naroroon sina Fate, kaya ilang sandali pa ay mabilis ng lumabas ang mga ito.

Ilang sandali pa matapos nilang makalabas ay agad nilang nasaksihan ang kasalukuyang nagaganap na paglalaban.

"*Fufufu.. Katulad ng inaasahan ko.." Sambit ni Khastro.

"*Tsk! Ano ba ang nangyayari?! Bakit naglalaban sina Bul at Eiel ngayon?!" Tanong ni Fate.

Gusto sanang tumugon ni Yngritte, ngunit hindi na niya ito nagawa dahil sa mabilis na pagtakbo ni Khastro patungo sa nagaganap na paglalaban.

"Tosara!!" Sigaw ni Khastro.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Isang malakas na pagsabog ang nalikha, dahilan upang tumilapon si Eiel at kalaunan ay tumama sa isang tambak ng mga basura. Labis na nagulat sina Timothy, kaya naman mabilis nilang inalerto ang kanilang mga sarili.

"*Fufufu.. Tosara! Bilisan mo dyan at makipaglaban ka na sa'kin!" Sambit muli ni Khastro.

Habang nagsasalita si Khastro ay kasalukuyan ng bumabangon si Eiel.

"*Fufufu.. Khastro!!" Sigaw ni Eiel.

Matapos sumigaw ay mabilis na sumugod si Eiel. Hindi naman nagpahuli si Khastro at sinalubong niya ito.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOM! ***

Isang malakas na pagsabog ang nalikha matapos magbanggaan ang kanilang mga kamao. Sa pagkakataong ito ay mabilis na inilabas ng dalawa ang kanilang mga rotten skull at mabilis na pinaputukan ang isa't-isa.

Nasundan pa ng sunod-sunod na pagpapalitan ng pag-atake ang dalawa. At dahil sa pangyayaring ito ay sandaling napahinto sina Wynn at napanood na lang sa nagaganap na paglalaban. Ngunit ilang sandali pa ay agad napalingon si Wynn kay Timothy, dahil nakita niya itong mabilis na tumatakbo.

"Hoy Timothy!" Sigaw ni Wynn.

Hindi nagawang pigilan ni Wynn si Timothy, kaya sinundan na lang niya ito. Samantala, kasalukuyan ngayong nakikipaglaban si Ursula kay Iratha. Ngunit hindi tulad ng inaasahan ay labis na nahihirapan si Ursula, dahil mabibigat ang mga pag-atakeng kaniyang tinatamo. Kasalukuyan namang inaakate ng tatlo sa elemental sister si Bul, ngunit walang talab ang kanilang mga pag-atake laban dito.

"Nakakainis! Bakit hindi siya lumalaban sa'tin?!" Sambit ni Kurenai.

"Kung ganon tanggapin mo 'to!" Sigaw ni Aussa.

Matapos sumigaw ni Aussa ay apat na malalaking bato ang umanggat sa bawat paligid ni Bul at kalaunan ay mabilis na nagtungo sa kaniya.

"Ang galing non, Aussa!" Sambit ni Kurenai.

Ngunit matapos magsalita ni Kurenai ay mabilis nahati sa gitna ang mga bato na bumalot kay Bul. Labis itong ikinagulat ng tatlo, kaya mabilis silang napatalon paatras.

"Imposible! Dapat ngayon ay lasug-lasug na ang katawan niya!" Sambit ni Aussa.

"Tingnan nyo ang mga bato! Parang natutunaw na ang mga ito!" Sambit ni Eria.

Agad napatingin sina Kurenai at Aussa sa mga bato at dito ay nalaman nilang tama ang sinabi ni Eria. Ilang sandali pa ay napatingin sila kay Bul, habang inilalagay nito sa susukan ang kaniyang ispada, ang Grief.

"Wala akong panahong makipaglaro sa mga bata, kaya sa iba na lang kayo makipaglaro." Sambit ni Bul.

Sa pagkakataong ito ay labis na nainis ang tatlo, kaya walang pag-aaksaya ay sabay-sabay nila itong sinugod. Subalit agad silang napahinto sa kalagitnaan ng kanilang pasugod, dahil nakita nila si Vivi sa tabi nito.

"Vivi!" Sambit ni Kurenai.

"*Oh! Ang elemental sisters!" Sambit ni Vivi.

"*Hmm.. Sila pala ang elemental sister. Kung ganon ay nauunawaan ko na. Sila ang produkto sa ginawang eksperimento ni Liri." Sambit muli ni Bul.

"Produkto sa eksperimento?" Tanong ni Aussa.

"Tulad ng sinabi ko kanina, ang lahat ng mga nakatira ditong nadirion ay nilikha lang ng mga orihinal na nakatira sa planetang ito." Sambit muli ni Bul.

Matapos magsalita ni Bul ay naglakad na ito patungo sa lugar kung nasaan sina Risk at ang iba pa. Samantala, nanatiling naka-alerto ang tatlo sa elemental sister, dahil kasalukuyan nilang haharapin ang isang malakas na kalaban, si Vivi.

Mapunta tayo kay Timothy, kasalukuyan siya ngayon hinahabol nina Wynn at Charls. At sa hindi nila maunawaang bagay ay ayaw nitong magpapigil. Ngunit ilang sandali pa ay nalaman na nila ang dahilan, matapos makita si Dal sa kanilang itaas.

"Dal!!" Sigaw ni Timothy.

Matapos sumigaw ay mabilis na inilabas ni Timothy ang kaniyang baril at mabilis niyang pinaulanan ng bala si Dal. Hindi naman ito inaasahan ni Dal, dahil nakatuon ang kaniyang atensyon sa panonood sa nagaganap na paglalaban sa pagitan nina Khastro at Eiel. Batid ni Timothy na tinamaan niya ito, kaya habang mabilis na tumatalon papanik sa itaas ay mabilis niyang tinanggal ang shell ng isang granada. At nang tuluyang marating ang lugar kung nasaan si Dal ay mabilis na niyang inihagis patungo dito ang granada. Subalit labis siyang nagulat matapos makita si Yngritte sa tabi nito.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOOM! ***

Agad nabalutan ng makapal na usok ang lugar na pinagsabugan.

"Yngritte?!" Sambit ni Timothy.

Sa pagkakataong ito ay kasalukuyan na ring nakarating sina Charls at Wynn sa itaas at dito ay mabilis nilang inalerto ang kanilang mga sarili, dahil hindi nila alam kung may mga kalaban pa.

"Tim! Anong nangyari?! Natamaan mo ba siya?!" Tanong ni Charls.

"Yngritte.." Sambit ni Timothy.

Labis na nagtaka sina Wynn matapos marinig si Timothy, kaya agad na silang napatingin sa lugar kung saan ito nakatingin. Ilang sandali pa ay nakuha na ni Charls ang pangyayari at dahil dito ay mabilis na siyang nagsalita.

"Wag mong sabihing kasama si Yngritte na timaan ng ginawa mong pagsabog?!" Tanong ni Charls.

Hindi nagawang tumugon ni Timothy at napaluhod na lang ito. Ngunit ilang sandali pa ay isang magandang sensyales ang kanilang narinig sa makapal na usok.

"Hoy Dal! Gumising ka! Daaaal!!" Sigaw ni Yngritte.

"Yngritte!!" Sigaw ni Charls.

Walang pag-aaksaya ay mabilis na tumakbo si Charls patungo sa pinangyarihan ng pagsabog at sa loob nito ay nakita niya si Yngritte, habang umiiyak sa tabi ni Dal.

"Yngritte?" Tanong ni Charls.

Ilang sandali pa ay tuluyan ng nawala ang makapal na usok at dito ay tuluyan ng nakita ni Yngritte ang malaking pinsala sa katawan ni Dal. Mas lalo tuloy lumakas ang pag-agos ng kaniyang mga luha, habang nakadukdok siya sa dibdib nito.

"Dal! Dal! Dal!" Sambit ni Yngritte.

Hindi maunawaan ni Charls ang nangyayari, kaya hinawakan na niya ang balikat ni Yngritte.

"Ano ba ang nangyayari sayo, Yngritte?" Tanong muli ni Charls.

Sa pagkakataong ito ay galit na lumingon si Yngritte kay Charls at kalaunan ay nagsalita.

"Anong ginawa nyo?! Bakit nyo kami inatake?!" Sigaw ni Yngritte.

"Sorry, pero hindi na'min alam na nandito ka din." Tugon ni Charls.

"Sorry Yngritte, pero mabuti at ligtas ka! Ang mabuti pa ay umalis na tayo dito!" Sambit ni Timothy.

"Umalis na kayo!" Sambit muli ni Yngritte.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo, Yngritte? Ang mabuti pa ay umalis na tayo dito!" Sambit muli ni Charls.

"Ang sabi ko ay umalis na kayo! Iwan nyo na ako dito!" Sigaw ni Yngritte.

"*Tsk! Tumigil ka na nga sa kahibangan mo, Yngritte Falsenova! Tuluyan ka na bang nahulog sa lalaking yan?!" Sigaw ni Timothy.

"Oo at siya ang magiging ama ng magiging anak ko! At hindi mo ba nakita ang ginawa niya?! Iniharang niya ang kaniyang sarili para lang ma-protekahan ako!" Sigaw ni Yngritte.

Matapos magsalita ni Yngritte ay biglang tumayo si Dal at masaya itong nasalita.

"Ta..ta..talaga?! Ako.. magiging isang ama?!" Sambit ni Dal.

Labis na nagulat ang apat sa biglang patayo at pagsasalita ni Dal.

"*Umm.. Sa totoo lang ay hindi ko rin sigurado kung buntis ako, pero may posibilidad kasi may nangyari naman na sa'tin eh." Tugon ni Yngritte.

Bakas sa tono ng pagkakasambit ni Yngritte ang kaniyang pagkahiya, samantalang tulala naman ang tatlo habang nakatingin sa kanila. Hindi mawari ang ekspresyon ng kanilang mga mukha kung sila ba ay nagtataka, dismayado, o naiinis.

"Ganon ba?! Pero labis akong natuwa matapos kong marinig ang salitang ama! *Hahaha!" Sambit muli ni Dal.

Sa pagkakataong ito ay buhat-buhat ni Dal si Yngritte habang masayang umiikot. Nababalutan din sila ngayon ng kakaibang aura na agad napansin ni Lala.

"*Tsk! Ano naman ang nangyayari kina Dal?! Bakit hanggang dito ay ramdam ko ang nakakainis na aura ng kanilang pagmamahalan?!" Sambit ni Lala.

Sa mga sandaling ito ay kasalukuyang nanunood sina Lala, Bul, Risk at Fate sa nagaganap na paglalaban sa pagitan nina Eiel at Khastro. Dito ay nakikita na nila kung sino ang nakakalamang at walang dudang si Eiel ito, dahil sa tulong ni Lisa. Sa totoo lang ay ganito makipaglaban ang Griswold's Legacy at ito rin ang dahilan kung bakit naging bansag kay Eiel ang "Shadow Decoy" at ang "Bloodlust" kay Lisa.

Sa ngayon ay sandaling nagpapahinga ang dalawa, dahil na rin sa mga pinsala na kanilang natamo.

"*Fufufu.. Tulad ng inaasahan ko. Hindi ka lalaban ng patas." Sambit ni Khastro.

"Sa tingin mo ba ay susugal pa kami ngayon?" Sambit ni Eiel.

"Tosara!!" Sigaw ni Khastro.

Matapos magsalita ay mabilis na sumugod si Khastro, ngunit mabilis siyang napahinto matapos tamaan ng isang bala. Hindi naman sinayang ni Eiel ang pagkakataong ito at mabilis na siyang sumugod. Sa pagkakataong ito ay ipinagpatuloy na lang ni Khastro ang kaniyang pagsugod. Ngunit nawala ang kaniyang momentum, kaya ng magtama ang kanilang mga pag-atake ay mabilis siyang tumilapon.

*** SFX: BOOOOOOOOOOOOM! ***

Mabilis natabunan si Khastro ng mga tambak na basura kung saan siya malakas na tumama.

"*Tsk! Badtrip!" Sigaw ni Khastro.

*** SFX: VOOOOOOOOOOOOOOOOOOOSH! ***

Mabilis natunaw ang mga basura na tumabon kay Khastro matapos niyang sumigaw. Ilang sandali pa ay mabilis na siyang bumangon at kalaunan ay agad hinahanap si Lisa, dahil hindi niya malaman kung saan ito nagtatago. Palipat-lipat kasi ito ng pwesto sa oras na nagpapakawala ito ng isang pag-atake, gamit ang baril nito, ang Eagle's eye.

"Nakakainis hindi ba? Pero ganito kami makipaglaban ni Lisa! Magpasalamat ka, dahil buhay ka pa ngayon." Nakangiting pagkakasambit ni Eiel.

"*Tsk! TOSARA!!" Sigaw muli ni Khastro.

*** SFX: PUUUN! BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Isang malakas na pagsabog ang tumama kay Khastro, dahilan upang mapaluhod siya at kalaunan ay mawalan ng malay. Sa pagkakataong ito ay lumabas na si Lisa at kalaunan ay nagkasa ng kaniyang baril.

"*Tsk! Hindi ko akalain na sobrang tibay ni Khastro! Apat na Blast bullets ang nagamit ko sa kaniya at tatlo na lang ang natitira!" Sambit ni Lisa.

"Okay lang yan! Basta ipagpatuloy mo lang ang pagback-up mo sa'kin!" Tugon ni Eiel.

Chapter end


Afterwords.

Sorry kung ngayon lang yung UD.. Masama kasi ang pakiramdam ko kahapon, kahit hanggang ngayon. Sa totoo lang ay binalak kong mag UD kahapon, kaso bigla akong nahila ng mga kabarkada ko at ang sabi uminom na lang daw kami.. Mawawala daw sakit ko, pero hindi naman! Wahahaha! at ililipat ko na sa wed ang UD nito, para medyo mahaba ang oras pag-eedit at pagsusulat ko.. 


Maraming salamat sa pag-unawa, lubos na walang galang.. Gago, este gumagalang, -chufalse


Susunod.

Chapter 33: Phuz Rioka. Part 2

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top