Chapter 31: Sa pagbabalik ng mga alala.

Kasalukuyan ng kaharap ng Bul-Khatos Vidala ang kanilang proto-type at ang kauna-unang celestial, si Iratha. Sa ngayon ay balot ng pagtataka ang kaganapang nangyayari kay Bul. Subalit agad napagtanto ni Eiel ang tungkol dito, dahil ang kagamitang tinutukoy niya ay minsan na ding ginamit sa kaniya ni Bul, upang mabura ang kaniyang mga alala. Nakikita din ni Lisa ang pangyayaring ito at agad niya itong sinabi kay Yngritte.

"Anong nangyari kay Bul?!" Tanong ni Yngritte.

"Tulad ng sinabi ko ay hindi ko alam! Pero mukhang hindi naman siya inatake ni Iratha!" Tugon ni Lisa.

"*Tsk! Masama ito!" Sambit muli ni Yngritte.

Samantala, nanatiling nakatayo si Iratha habang pinagmamasdan niya si Bul na kasalukuyan pa rin nakaluhod.

"Hoy Bul! Tatagan mo ang sarili mo! *Tsk! Hindi ko inaasahan ang bagay na 'to!" Sambit ni Eiel.

Labis nang nag-aalala si Lala, dahil ngayon lang nila nakita si Bul na nagkaganito. Hindi nila alam ang kanilang gagawin, kaya lumapit na si Lala at kalaunan ay inalam nito ang kalagayan ni Bul.

"Bul! Ano ba talaga ang nangyayari sayo?!" Tanong ni Lala.

Ngunit matapos niyang magsalita ay napatayo si Bul. Nakayuko lang ito at hindi nagsasalita, kaya mas lalong nabahala si Lala para sa kalagayan nito.

"Bul?" Tanong muli ni Lala.

"*Fufufu.. Bakit kinailangan nilang itago ang mga alala ko? Halos may isang libong taon na rin ako nabubuhay at sa mga oras na yon ay buong akala ko ay isa lang akong nilalang na nilikha upang gawin sandata. Pero ngayon ay naalala ko na ang lahat, kung sino ako at kung saan ako nagmula." Sambit ni Bul.

Labis na nagtaka ang lahat matapos marinig ang mga sinabi ni Bul at dahil dito ay muling nagsalita si Lala.

"Ano ba yang mga pinagsasabi mo, Bul?" Tanong muli ni Lala.

"Wala ng saysay ang manatili sa lugar na ito, kaya naman isasakatuparan na na'tin ang ating misyon." Sambit muli ni Bul.

Kahit na nagtataka sina Eiel ay mukhang walang magbabago sa kanilang plano. Ngunit ang hindi nila alam ay ibang bagay ang tinutukoy ni Bul.

"Kung ganon ay tapusin na na'tin ang Iratha na ito." Sambit muli ni Lala.

Sa mga sandaling ito ay inihanda na nina Eiel ang kanilang mga sarili sa pag-atake, ngunit ilang sandali pa ay muling nakuha ni Bul ang kanilang atensyon dahil mabagal itong naglalakad papalapit sa kanilang kalaban, si Iratha.

"Hoy Bul!" Sambit ni Khastro.

Batid ni Khastro na may mali sa mga nangyayari, dahil nakikita niya sa mukha ni Iratha na hindi ito nag-aalala.

"Mag-iingat ka Bul! Alam mo kung gaano siya kalakas!" Sambit ni Eiel.

Sa pagkakataong ito ay napahinto sa kaniyang paglalakad si Bul at kalaunan ay napalingon kay Eiel.

"Wag kang mag-alala Tosara, dahil wala namang mangyayaring paglalaban." Sambit ni Bul.

Labis na ikinagulat ng lahat ang kanilang mga narinig. Wala silang ideya sa kung ano ang nangyayari kay Bul, subalit batid nilang may kinalaman ito sa mga nagbalik niyang alala.

"Sino ka bang talaga?!" Tanong ni Khastro.

Agad napalingon si Bul sa kaniya at ilang sandali pa ay tumugon na ito.

"Ako si Ruwii, Ruwii Severar. Isang Nadirion at si Iratha.. ay hindi, si kuya Rudii ay ang kapatid ko." Tugon ni Bul.

Muli ay labis na nagulat ang lahat sa kanilang mga narinig. Hindi nila malaman kung nagsasabi ng katotoohanan si Bul, subalit isang bagay lang ang tukoy nila. Biglang nagbago ang pagkatao nito at tila ang Bul na kilala nila ay tuluyan ng naglaho.

Ilang sandali pa ay muli ng naglakad si Bul patungo kay Iratha at nang tuluyang makalapit ay mahigpit niya itong niyakap. Nanatili namang gulat at nagtataka sina Eiel, dahil hindi na nila alam ang kanilang gagawin sa ngayon.

"Khastro, Tosara, Vivi, Dal, Lala. Tayo na at simulan na na'tin ang tunay na misyon ng Celestials." Sambit ni Bul.

"*Fufufu.. Mukhang gusto ko ang sinabi mo, pero hindi ko matatanggap na bigla ka na lang papanig sa ating kalaban." Sambit ni Khastro.

"Patawad, pero alam kong biglaan ang mga pangyayaring ito. Alam kong naguguluhan kayong lahat, kaya naman bibigyan ko kayo ng oras para makapag-isip-isip." Sambit muli ni Bul.

Matapos magsalita ni Bul ay sandali silang nagtinginan ni Iratha at ilang sandali pa ay mabilis na silang naglaho. Samantala, kasalukuyan ng nasa kalagitnaan ng kanilang pagbyahe sina Timothy patungo sa Asteruins. Nadaanan din nila kanina ang sasakyan ni Fate at sa ngayon ay kasalukuyang gamit ito ng mga kapatid ni Wynn.

"Natitiyak kong may masamang nangyari kay miss Fate! Hindi siya yung tipong iiwan ang gamit niyang sasakyan, kasama ang kaniyang mga gamit at lalong-lalo na ang kaniyang pera." Sambit ni Wynn.

"Sa totoo lang ay duda ako dyan, dahil wala akong bakas na nakita na may isa pang sasakyang ginamit." Sambit ni Timothy.

"*Uhm! Kahit ako ay nagtataka tungkol sa bagay na yon." Sambit ni Charls.

"*Tsk! Halos may ilang oras pa tayo bago tuluyang makarating ng Asteruins!" Sambit muli ni Timothy.

"Tungkol sa bagay na yan ay wala na akong magagawa pa, dahil wala ng ibibilis ang sasakyang gamit na'tin ngayon." Sambit muli ni Wynn.

Samantala, sa ngayon ay unti-unti ng nagkakamalay si Fate. At sa kaniyang pagdilat ay agad siyang bumangon. Labis siyang nagtaka dahil ang tangi niyang naalala ay nasa sasakyan siya habang bumabyahe pabalik ng Asteruins.

"Sandali lang, nasaan ako?" Tanong ni Fate derekta sa kaniyang isipan.

Agad nagmasid sa kaniyang paligid si Fate at dito ay napansin niya ang lugar kung nasaan siya. Katulad ito ng lumang pasilidad ng mga subtellon, kung saan sila kasalukuyang nagtatago.

"Nasa loob na ako ng base? Pero papaano ako napunta dito?" Sambit ni Fate.

Matapos magsalita ay isang lalaki ang biglang nagpakita. Agad itong nakilala ni Fate, dahil minsan na niya itong nakaharap sa kaniyang nakaraan.

"Ginoong Risk?!" Sambit muli ni Fate.

"Kamusta ka na, miss Fate?" Tugon ni Risk.

"Pero papaanong nandito ka sa base ng subtellon? At papaano akong napunta dito?" Sambit muli ni Fate.

Hindi na nagawa pang tumugon ni Risk, dahil may dalawang dumating. Agad napalingon dito si Fate at laking tuwa matapos makita si Bul.

"Bul!" Sambit ni Fate.

Mabilis na lumapit si Fate kay Bul, subalit bigla siyang napahinto matapos makita ang nasa likuran nito.

"Iratha?!" Sambit muli ni Fate.

"Wag kang mag-alala miss Fate, hindi ako isang kalaban." Sambit ni Iratha.

"Tama siya, hindi siya isang kalaban." Sambit ni Bul.

Sa mga sandaling ito ay natahimik si Fate at muling napatitig kay Bul.

"Anong ibig sabihin nito, Bul? Nasaan sina Tosara at ang iba pa?" Tanong ni Fate.

"Sa ngayon ay nandun sila sa base." Tugon ni Fate.

"Base? Hindi ba't nandirito tayo ngayon sa base?" Tanong muli ni Fate.

"Ang base na tinutukoy mo ay iba sa baseng ito, miss Fate." Sambit ni Risk.

Agad napalingon si Fate kay Risk suot ang nagtatakang ekspresyon.

"Anong ibig nyong sabihin, ginoong Risk?" Tanong ni Fate.

"Ang base kung nasaan ang iba ay ang main monitoring facility. At ang lugar namang ito ay ang lugar kung saan na'min ginawa ang aming mga naging eksperimento." Tugon ni Risk.

Muli ay sandaling natahimik si Fate at dala ito ng kaniyang labis na pagtataka. Ilang sandali pa ay nagsimula ng maglakad sina Bul at Iratha patungo kay Risk, samantalang nanatiling nakatayo si Fate.

"Hindi ko maintindihan.. Mali.. Wala akong maintidihan." Sambit ni Fate.

"Makinig ka Fate, si Risk at ang kaniyang mga kaibigan ang lumiha sa mga celestials at pati na rin sa iba pang lahi ng nadirion na kasalukuyang nakatira sa planetang ito." Sambit ni Bul.

"*Huh?! Papaanong nangyari ang bagay na yon?! Teka! Wag mong sabihing.." Sambit muli ni Fate.

Hindi na nagawa pang tapusin ni Fate ang kaniyang sasabihin, dahil muling nagsalita si Bul.

"Isa siyang subtellon at tulad na'min ay nag-hibernate ang kaniyang katawan ng ilang daang taon." Sambit ni Bul.

Napa atras ng dalawang hakbang si Fate dala na rin ng labis na pagkagulat.

"Imposible! Hindi ba't iba ang itsura ng mga subtellon sa tulad na'ming mga nadirion at mga tao." Sambit muli ni Fate.

"Tama ka, pero ang katawang ito ay artipisiyal lang." Sambit ni Risk.

Matapos magsalita ay hinubad na nito ang kaniyang pang itaas na kasuotan. Sa pagkakataong ito ay may napansin si Fate sa parteng dibdib ni Risk, isang buton. Ilang sandali pa ay pinindot na ito ni Risk at dito ay labis na nagulat si Fate sa kaniyang mga nakita.

"Kung ganon ay isa ka ngang subtellon!" Sambit muli ni Fate.

Mabalik tayo kina Eiel. Kasalukuyan silang nasa loob ng dating base ng mga subtellon at kasalukuyan na rin nilang pinag-uusapan ang mga nangyari kanina.

"Hindi ako makapaniwalang nawalan ng mga alala si Bul at muli itong nagbalik matapos niyang makaharap si Iratha." Sambit ni Lisa.

"Hindi rin ako makapaniwalang kapatid ni Iratha ang leader ng Bul-Khatos Vidala at ang sinabi nyong mga nadirion sila." Sambit ni Yngritte.

"*Tsk! Hindi ko inaasahan ang mga pangyayaring ito." Sambit ni Eiel.

"Ano na ang gagawin na'tin ngayon?" Tanong ni Vivi.

"*Fufufu.. Simple lang, ang pigilan sila o ang pumanig sa kanila." Nakangiting pagkakasambit ni Khastro.

"Pigilan o pumanig?" Tanong ni Yngritte.

"Binabalak nilang ituloy ang tunay na misyon ng mga celestial." Tugon ni Dal.

"Misyon nyo? Pero ano naman ang bagay na yon?" Tanong muli ni Yngritte.

"Ang wasakin ang planetang ito." Tugon ni Eiel.

Napalunok na lang si Yngritte matapos marinig ang mga sinabi ni Eiel.

"Ano na ang binabalak nyo ngayon? Sasama ba kayo sa kanila?" Tanong ni Eiel.

"*Hmm.. Matagal ko nang gustong isakatuparan ang misyon na'tin bilang mga celestials at hindi na rin ako natutuwa pa sa mundong ito, kaya sasama ako sa kanila." Sambit ni Khastro.

"Sasama din ako sa kanila, ayoko nang mahiwalay pa kay Bul." Sambit ni Lala.

"*Tsk! Mukhang wala na rin tayong pagpipilian pa kundi ang tapusin ang orihinal na'ting misyon. Isa pa ay wala tayong laban sa kanila, kahit magtulong-tulong pa tayo." Sambit ni Vivi.

"Nababaliw na ba kayo? At ano ang mangyayari inyo sa oras na masawak nyo na ang planetang ito?!" Sambit muli ni Yngritte.

"Patawad mahal, pero sa labas ng planetang ito ay may mga buhay pang planeta. At natitiyak kong sa coordinates na naka-record sa'ming isipan, mapayapang nabubuhay ang aming mga lumikha at posible ding kasama nilang naninirahan doon ang iba pang mga nadirion na orihinal na nagmula sa dati nilang planeta." Sambit ni Dal.

Hindi na nagawa pang magsalita ni Yngritte sa pagkakataong ito. Hindi niya lubos maisip ang posibleng mangyari sa kanilang planeta. At ang susi sa posibleng maging sakuna ay kasalukuyang nasa kaniyang harapan.

"Ikaw Tosara? Hindi ka sasama, diba?" Nakangiting pagkakasambit ni Khastro.

"*Tsk! Kung ganon ay babalik na naman tayo sa dati? *Fufu.. Sige, tinatanggap ko ang hamon mo." Nakangiting pagkakasambit ni Eiel.

Sa mga sandaling ito ay napatayo na si Yngritte at kalaunan ay pumagitna sa grupo.

"Sandaling lang, baka naman may ibang paraan pa?" Sambit muli ni Yngritte.

"Sorry, pero wala natayong magagawa pa, dahil kahit sina Bul at Iratha lang ang magsama ay makakaya na nilang wasakin ang planetang ito." Sambit ni Dal.

Muli ay sandaling natahimik si Yngritte at kalaunan ay napayuko.

"*Tsk! Bakit hindi na lang na'tin sila labanan?" Sambit ni Lisa.

"Imposible yang sinasabi mo, Lisa. Sa naganap na paglalaban sa pagitan ni Khastro at nang clone ni Bul ay halos isang milagro na nanalo si Khastro. Lalo na ngayon na kapanalig na niya si Iratha." Sambit ni Vivi.

"At isa pa ay sa oras na magunaw na na'min ang planetang ito ay babalik na kami sa planeta na dapat na'ming kinabibilangan." Sambit ni Lala.

"*Tsk! Hindi ko kayo maintindihan. Bakit kailangan nyong sumunod sa mga lumikha sa inyo na matagal ng patay?" Sambit muli ni Lisa.

"Dahil mga sandata kami at nilikha kami upang sumira at mangwasak." Tugon ni Eiel.

Bilang natahimik si Lisa at kalaunan ay napalingon kay Eiel.

"Kung ganon ay sasama ka na din sa kanila?" Tanong ni Lisa.

"Wag kang mag-alala, dahil hanggang sa dulo ay lalaban ako para sa mundong ito, pero kung sasama tayo sa kanila ay makakaligtas ka at maaari ko ding iligtas sina Elris, Louise at pati na rin si Lolo Sander!" Sambit muli ni Eiel.

"Tama si Tosara. Sa totoo lang ay walang pag-asa na manalo laban kina Bul. At ang paglaban kay Iratha ay isa pang tanong, dahil na rin sa taglay niyang abilidad." Sambit ni Dal.

"Kung ganon ay ano ang disisyon mo, Dal?" Tanong ni Yngritte.

Hindi agad nagawang magsalita ni Dal, dahil sobrang seryoso ni Yngritte sa ngayon.

"Sasama ako, pero sa ayaw at sa gusto mo ay isasama kita." Tugon ni Dal.

"Pero papaano tayo aalis dito sa mundong ito, kung wawasakin nyo na ito agad?" Sambit muli ni Yngritte.

"Wag kang mag-alala sa sasakyan, matagal ng nakahanda ang bagay na yon." Tugon ni Vivi.

"Papaano kung sirain na'min ang sasakyang yon, itutuloy nyo pa rin ba ang pagwasak sa planetang ito?" Sambit ni Lisa.

"Imposible ang bagay na yan, Lisa. Dahil ang sasakyang tinutukoy nila ay makikita sa kabilang base at natitiyak kong nandon na sina Bul sa ngayon." Sambit ni Eiel.

"*Tsk! Kung ganon ay wala na talagang paraan, para mapigilan ang tunay nyong misyon?" Tanong ni Lisa.

Wala ng tumugon pa kay Lisa sa mga sandaling ito at ilang sandali pa ay nagsimula ng maglakad si Khastro papalabas. Agad namang sumunod sa kanila sina Lala at Vivi. Samantala, sapilitan nang isinama ni Dal si Yngritte. Sa pagkakataong ito ay naiwan sina Lisa, Eiel at Ursula na kasalukuyang nagtataka sa ngayon.

"*Tsk! Hindi ko inaasahang mauuwi sa ang lahat sa ganito." Sambit ni Eiel.

Napadakot na lang ng kaniyang kamao si Eiel matapos niyang magsalita. Ngunit mabilis itong hinawakan ni Lisa at kalaunan ay muling nagsalita.

"Wag kang mag-alala Eiel. Kahit na ano ang mangyari ay masaya ako, dahil iniisip mo pa rin ang kapanakan ko." Sambit ni Lisa.

Sandaling natahimik si Eiel at napatingin na lang kay Lisa.

"Kung ganon ay sumama na rin tayo sa kanila. Hindi lang naman ito ang planeta na pwede na'ting tirahan. Pwede tayong magtungo sa planeta na pupuntahan nila, kung saan masayang nabubuhay sa ngayon ang mga subtellon at posibleng nandon din ang iba pang mga nadirion." Sambit muli ni Eiel.

Ngunit napa-iling na lang si Lisa at matapos nito ay muling nagsalita.

"Hindi ko isusuko ang planetang ito, kaya lalaban ako hanggang sa huli. Sasamahan mo ako, hindi ba?" Sambit muli ni Lisa.

Napangiti na lang si Eiel sa mga sandaling ito at ilang sandali pa ay nakangiting nagsalita.

"*Uhm! Hindi ko rin naman gugustuhing mabuhay sa lugar kung saan malayo ako sa mga naging pamilya ko." Tugon ni Eiel.

"Kung ganon! Maghanda na tayo para makipaglaban!" Sambit muli ni Lisa.

"Okay!" Tugon muli ni Eiel.

Matapos mag-usap ay agad nang naghanda ang dalawa para sa haharapin nilang laban.

Chapter end.


Afterwords.

Sorry kung ngayon lang yung UD.. Tulad ng sinabi ko ay umattend ako ng kasal kahapon.. 12am na ako nakauwi at lasing pa, kaya sarap ng tulog ko.. hahaha.. ayun paki-unawa na lang.. salamas! XD


Susunod.

Chapter 32: Phuz Rioka

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top