Chapter 30: Sa pagsisimula ng paglalaban.

Halos gabi na ng marating nina Timothy ang bayan ng Aklans. Minabuti nilang ipagpabukas na lang nag papunta sa Asteruins, dahil sa kutob nilang hindi maganda. Sa ngayon ay palihim pa rin silang nag-uusap patungkol sa iniisip nila kay Fate. Hanggang sa ngayon kasi ay kasama pa rin nila ito. Hindi kasi maaalis ang kanilang hinala na isa itong kalaban sa ngayon. May napapansin din silang hindi tama sa mga ikinikilos nito na isang sensyales na may itinatago ito sa kanila.

Pansamantala silang tumuloy sa isang inn at katulad nang kanilang inaasahan ay magpapalipas rin dito ng gabi si Fate. Sa ngayon ay mahina silang nag-uusap sa isa sa mga kwarto na kanilang ni-rentahan.

"Meron talagang hindi tama sa mga ikinikilos ni miss Fate." Sambit ni Wynn.

"Posible bang tama ang hinala na'tin sa kaniya?" Tanong ni Timothy.

"*Uhm.. Dahil nung unang beses na nakaharap ko si miss Fate ay isa siya sa mga kalaban ko. Masasabi kong isa siyang nadir na may isang salita sa kaniyang kliyente. Hindi niya ito kailanman pinagtataksilan, hanggang sa ang kontrata nila ay hindi pa tapos." Sambit muli ni Wynn.

"*Fufufu.. Hindi na mahalaga kung isa siyang kalaban o hindi, dahil mapapasakamay din na'tin ang Bul-Khatos Vidala." Sambit ni Iratha.

Sandaling natahimik ang lahat at kalaunan ay napatingin kay Iratha.

"Sobrang taas ng kompyansa mo ah! Sabihin mo nga, sino ka bang talaga?" Sambit muli ni Wynn.

"*Fufu.. Hindi na mahalaga kung sinuman ako, dahil sa oras na magtagpo na ang aming mga landas ay titiyakin kong mababawi ko sila." Sambit muli ni Iratha.

Muli ay napatahimik ang lahat at sa ngayon ay gulat na nakatingin kay Iratha.

"Mababawi? Sino ba talaga ang isang ito at ano bang klaseng nilalang siya?" Sambit ni Wynn derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay muli ng nagsalita si Wynn at sa ngayon ay isinantabi na niya ang ibang mga usapin at itunuon na ang paksa sa kanilang mga gagawin para bukas. Samantala, kasalukuyan na ngayon ipinapaalam ni Fate kina Bul ang kanilang sitwasyon, gamit ang kaniyang telepono.

"Mukhang nakukutuban nilang isa ako sa kanilang mga kalaban, kaya sobra silang nag-iingat ngayon." Sambit ni Fate.

"*Fufufu.. Hindi na mahalaga kung ano ang iniisip nila, basta ipaalam mo lang sa'min ang sitwasyon dyan." Sambit ni Bul.

"*Uhm!" Sambit muli ni Fate.

Matapos magsalita ay agad nang ibinaba ni Fate ang tawag.

"Ngayon na kasama na nina Timothy ang elemental sisters, hindi ko na alam kung ano na ang mga susunod na mangyayari para sa magaganap na paglalaban bukas." Sambit ni Fate.

Mapunta naman tayo kina Lisa. Halos karating lang nila sa Asteruins at dito ay nagpaalam na siya kay Phuz. Labis namang nagpasalamat si Phuz at kalaunan ay nagsimula ng maglakad papasok sa loob ng bayan. Samantala, agad na ring dumiretso sa loob si Lisa at mabilis na nagtungo sa lagusan papasok sa loob ng lumang pasilidad. Nakita nina Bul sa kanilang monitor ang pagdating ni Lisa at ang pagbaba ni Phuz sa sasakyan. Sa mga oras na ito ay labis silang napapaisip sa kung sino ang lalaking kasama ni Lisa.

"Tosara, may ideya ka ba kung sino yung kasama ni Lisa kanina?" Tanong ni Bul.

"*Hmm.. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siyang bounty hunter. Pero ano naman ang ginagawa niya sa lugar na ito?" Sambit ni Eiel.

"Baka may hinahanap siyang isang kriminal dito? Tutal bayan ito ng mga kriminal." Sambit ni Yngritte.

"*Hmm.. Siguro nga ay tama ka." Sambit muli ni Eiel.

"Pero maitanong ko lang, sigurado ba kayong si Ursula ang ihaharap nyo kina Timothy at sa Elemental sisters?" Sambit muli ni Yngritte.

"*Fufufu.. Wag kang mag-alala, dahil natitiyak kong matutuwa si Ursula sa kanila." Tugon ni Eiel.

"Hindi naman yon ang inaalala ko.. Papaano kung mapatay ni Ursula ang mga kaibigan ko?" Sambit muli ni Yngritte.

"Wag kang mag-alala, mahal. Hindi ko hahayaang mangyari ang tungkol sa bagay na yon." Sambit ni Dal.

Agad napatingin si Yngritte kay Dal suot ang hugis pusong mata at kalaunan ay mahigpit niya itong niyakap.

"Maraming salamat, mahal ko!" Masayang pagkakasambit ni Yngritte.

Napangiti na lang si Dal at kalaunan ay niyakap din si Yngritte. Sa ngayon ay nababalutan ng kumikinang na aura ang dalawa at hindi ito gusto ni Lala.

"*Tsk! Konting-konti na lang sa'kin ang dalawang ito." Inis na pagkakasambit ni Lala.

Napa-iling na lang sina Bul, matapos marinig ang naging reaksyon ni Lala. Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan ng nakabalik si Lisa dala ang kaniyang mga pinamili. Agad naman siyang sinalubong ni Yngritte upang tumulong.

"Sino nga pala yung kasama mo kanina, Lisa?" Tanong ni Yngritte.

"*Ahh! Si Phuz yun, isang bounty hunter, pero hindi naman siya sikat tulad na'tin. At nakilala na'min siya ni Eiel sa bayan ng Karlot." Tugon ni Lisa.

"*Ahhh.. Pero ano naman ang ginagawa niya dito?" Tanong muli ni Yngritte.

"May hinahanap daw siyang mga kriminal." Tugon muli ni Lisa.

"Kung ganon ay tama nga ako." Sambit muli ni Yngritte.

"Wag kayong mag-alala sa isang yon. Isa lang siyang normal na bounty hunter at hindi ko naman masabi sa kaniya na magiging war zone ang lugar na ito bukas. Pero bukas natitiyak kong aalis na rin siya sa oras na malaman niyang mapanganib na dito." Sambit muli ni Lisa.

"*Hahaha! Mukhang ganon na nga ang mangyayari. Ang mabuti pa ay tayo na doon, para mapag-usapan na na'tin ang ating mga gagawin." Sambit muli ni Yngritte.

"Okay." Sambit muli ni Lisa.

Ilang sandali pa ay agad na silang naglakad patungo sa kwarto kung nasaan ngayon ang iba pa, dala ang mga pinamili ni Lisa sa bayan ng Aklans.

Kinabukasan, hindi na muli pang nakita nina Timothy si Fate at ayon sa taga pamahala ng Inn ay maaga itong umalis.

"Mukhang wala na tayong magagawa pa sa pagkawala ni miss Fate." Sambit ni Wynn.

"Siguro nga, pero hindi na mahalaga ang tungkol sa bagay na yon at sa ngayon ay makakapag-focus na tayo sa ating gagawin." Sambit ni Timothy.

"Tama si Timothy, kung ganon ay matapos na'ting kumain ay aalis na tayo dito." Sambit muli ni Wynn.

"Okay, ate." Sambit ni Eria.

"Sandali lang, nasaan si Iratha?" Sambit ni Charls.

Agad napatingin sa kaniya ang lahat at nang mapansin na tama ito ay agad na silang napalingon sa kanilang paligid.

"*Tsk! Saan naman nagpunta ang isang yon?!" Sambit muli ni Wynn.

"Ang mabuti pa ay kumain na kayo at ako na ang bahalang humanap sa kaniya." Sambit ni Timothy.

"Bakit hindi mo siya subukang tawagan?" Sambit muli ni Wynn.

"Yun na nga ang gagawin ko ngayon." Sambit muli ni Timothy.

Ilang sandali pa ay naglakad na papalabas ng Inn si Timothy at kasabay ng kaniyang paglalakad ay ang pag gamit niya ng kaniyang telepono. Subalit bigo siyang matawagan si Iratha.

"*Tsk! Mukhang binabalak na niyang magtungo don ng mag-isa." Sambit ni Timothy.

Sa kabila ng kutob ni Timothy ay sinubukan pa rin niyang hanapin si Iratha sa hindi kalayuan. Nagtanong-tanong siya at ilang sandali pa ay nakumpirma na niya ang pag-alis nito ng bayan mula sa isang residente. Sa pagkakataong ito ay agad na siyang nagmadali pabalik sa Inn at sakto naman sa pagdating niya ay tapos ng mag-impake ang kaniyang mga kasama.

"Nakita mo si Iratha?" Tanong ni Wynn.

"*Tsk! Mukhang tama ang kutob ko! Ang sabi kasi sa'kin ng nagpatanungan ko ay nakita niyang lumabas ng bayan si Iratha." Tugon ni Timothy.

"Lumabas siya ng bayan?!" Sambit ni Charls.

Matapos magsalita ay agad napatingin si Charls sa dala nilang mga sasakyan. Batid niyang posibleng dinala ni Iratha ang isa sa mga ito, subalit laking pagtataka niya matapos makita na nandon pa rin ang mga sasakyan nila.

"Sigurado kang umalis na siya ng bayan?" Tanong muli ni Charls.

"*Uhm! Kinumpirma ko ito sa lalaking napagtanungan ko kanina." Tugon ni Timothy.

"Talaga? Pero ano naman ang ginamit niyang sasakyan?" Tanong muli ni Charls.

"Baka naman bumili na lang siya ng sasakyan?" Sambit ni Aussa.

"Posible ang bagay na yan, kaya tayo na. Malaki ang posibilidad na maabutan pa na'tin siya kung aalis na tayo ngayon." Sambit ni Wynn.

Napatango na lang ang lahat at kalaunan ay sumakay na sila sa dala nilang mga sasakyan. Samantala, kasalukuyan ngayong tumatakbo ng sobrang mabilis si Iratha, dala ang walang malay na si Fate.

Sa bayan ng Asteruins, binalaan ni Eiel ang lahat ng nakatira sa lugar na ito na umalis na. Tumutol naman ang karamihan, kaya nag-iwan na lang siya ng isang babala. Iniwan ni Eiel ang mga residente na natulala at matapos niyang mawala sa paningin ng mga ito ay isa-isa na silang umalis.

Samantala, isang lalaki ang masusi siyang tinititigan. Hindi ito batid ni Eiel, hanggang sa tuluyan na siyang nakabalik sa lagusan patungo sa underground base kung saan sila nagtatago.

"*Fufufu.. Katulad ng inaasahan ko. Kung ganon ay malaki ang posibilidad na alam na nila ang sikreto sa katauhan ni Iratha." Nakangiting pagkakasambit ng isang lalaki.

Kinatanghalian ay nakarating na si Iratha sa bayan ng Asteruins dala ang walang malay na si Fate. Sa bilis ng kaniyang pagkilos ay hindi siya nakita ng mga spectator bugs. Agad siyang nagtungo malapit sa lugar kung saan makikita ang lagusan papasok sa dating pasilidad ng mga subtellon. Dito ay agad niyang nakita ang isang lalaking nakasuot ng isang kapote at nababalutan nito ang buo niyang katawan. Mabilis niya itong nilapitan at kalaunan ay ibinaba sa tabi nito si Fate.

"Ano na po ang susunod na'ting hakbang master?" Tanong ni Iratha.

"*Fufufu.. Maganda siguro kung magpakita ka na sa kanila." Tugon ng lalaki.

"Masusunod po." Sambit muli ni Iratha.

Matapos tumugon ay mabilis nang kumilos si Iratha at kalaunan ay mabilis na itong naglaho. Samantala, patuloy na sinusubukan ni Lisa na tawagan si Fate, subalit hindi talaga niya magawang makausap ito. Labis na tuloy ang kaniyang pag-aalala, dahil wala na silang balita magmula ng nakausap nila ito kaninang umaga.

"*Tsk! Bakit hindi sinasagot ni Fate ang mga tawag ko? Hindi kaya may nangyari ng masama sa kaniya?" Sambit ni Lisa.

"Hindi posible ang mga bagay na sinabi mo, Lisa." Sambit ni Eiel.

"Wag nga kayong mga praning! Kanina lang naman ay nakausap na'tin siya. Baka naman hindi lang niya napapansin yung telepono niya habang nasa byahe siya ngayon." Sambit ni Yngritte.

"Kilala ko si Fate, mahalaga sa kaniya ang komunikasyon, kaya sa oras na tumunog ang kaniyang telepono ay aalamin muna niya agad ito. At kung mapagkukuhanan niya ito ng impormasyon at kung sa'tin galing ang tawag ay agad niya itong sasagutin." Sambit muli ni Eiel.

"*Hmm.. Hindi kaya low batt ang phone niya ngayon o kaya nawala niya?" Sambit muli ni Yngritte.

"Imposibleng mangyari ang bagay na yan. Katulad nang sinabi ko kanina ay mahalaga para sa kaniya ang kominikasyon, kaya hindi siya aalis ng wala ang kaniyang telepono at isa pa ay hindi nalo-low batt ang telepono niya dahil espesyal ang battery nito." Sambit muli ni Eiel.

"*Tsk! Kung ganon ay may nangyari na ngang masama sa kaniya?!" Sambit muli ni Yngritte.

"*Uhm! At malaki ang hinala ko na may kinalaman si Iratha tungkol dito." Sambit muli ni Eiel.

Matapos magsalita ni Eiel ay biglang napatayo si Bul sa pagkakaupo nito. Agad napalingon ang lahat sa kaniya at ilang sandali pa ay laking gulat matapos makita ang malaking monitor.

"*Tsk! Kung ganon ay nandito na siya!" Sambit ni Eiel.

Hindi na sila nagsalita at mabilis na silang kumilos upang maghanda sa pakikipaglaban. Ilang sandali pa ay mabilis nang tumakbo sina Bul, Eiel, Khastro at Dal papalabas. Samantalang agad nagtungo sina Vivi, Lala, Lisa, Yngritte at Ursula sa kanilang mga sasakyan upang makasunod sa apat.

Halos wala pang dalawang minuto ang lumipas ay tuluyan ng nakalabas sina Bul. Agad silang naghiwa-hiwalay dahil ito ang nakasaad sa kanilang plano.

"*Fufufu.. Sa wakas ay muli tayong nagkita-kita, mga kapatid ko." Sambit ni Iratha.

"Kapatid? *Fufufu.. Pero pasensya na, dahil dito na magwawakas ang buhay mo, kapatid." Sambit ni Khastro.

Matapos magsalita ay mabilis na sumugod si Khastro. Gamit ang kaniyang bilis ay malakas niyang inatake si Iratha, subalit tulad ng kaniyang inaasahan ay nasangga lang ito. Sa kaniyang pagtalon paatras ay agad niyang inilabas ang kaniyang rotten skull at kalaunan ay pinaputukan niya si Iratha gamit ito.

*** SFX: PUN! BOOOOOOM! ***

Derektang tinamaan si Iratha, subalit batid ng lahat na posibleng hindi ito tumalab dahil ang bala ng kaniyang rotten skull ay gawa sa Khastronium.

Lumikha ng makapal na usok ang pagsabog, subalit hindi ito dahilan upang itigil ni Khastro ang kaniyang pag-atake.

*** SFX: PUN! PUN! PUN! PUN! BUBUBUBUBOOOOOOOOOM! ***

Hindi naman nagpahuli si Eiel at gamit ang kaniyang rotten skull ay pinaputukan na rin niya ang lugar kung nasaan si Iratha, hanggang sa tuluyan ng maubos ang kaniyang bala. Halos sabay nag-reload ang dalawa at sa pagkakataong ito ay sandali silang huminto sa pag-atake at kalaunan ay hinintay na mawala ang makapal na usok.

Lumipas ang isang minuto ay tuluyan ng nawala ang makapal na usok at dito ay tumambad sa kanila ang naging pinsala ng ginawa nilang pag-atake. Maraming hukay ang nalikha at gawa ito ng mga pagsabog, ngunit sa gitna nito ay nakita nilang nakatayo si Iratha at nakangiti.

"*Fufufu.. Tulad ng inaasahan na'tin ay walang talab sa kaniya ang gamit na'ting mga sandata." Sambit ni Khastro.

"Wag kang mag-alala, Khastro dahil mukhang kahit papaano ay nagawa na'tin siyang mapinsalaan." Sambit ni Eiel.

"*Fufufu.. Mukhang mag-eenjoy ako nito!" Sambit muli ni Khastro.

Ilang sandali pa ay tuluyan ng nakalabas sina Lisa sa lagusan. Agad bumababa sina Vivi, Lala at Ursula at kalaunan ay mabilis na lumapit kina Eiel. Samantala, agad nagtungo sina Lisa at Yngritte sa mataas na lugar at dito ay inihanda na niya ang kaniyang Eagle's eye para sumuporta sa pakikipaglaban nina Eiel. Nasa kaniyang likuran si Yngritte upang bantayan siya habang inaasinta niya ang kanilang kalaban.

Mabalik tayo, tila batid ni Ursula na malakas ang kanilang kalaban kaya hindi nito magawang sumugod. Napansin ito nina Eiel, kaya naman sa pagkakataong ito ay hindi na nila naiwasang maisip na nakakaramdam din pala ng panganib si Ursula, hindi tulad ng unang beses nila itong nakaharap.

Sa mga sandaling ito ay nagpa-pagpag ng kaniyang katawan si Iratha, dahil na rin sa kapal ng alikabok. Halos masira na din ang kaniyang kasuotan subalit mapapansin na kahit papaano ay may makikitang bakas ng pinsala sa kaniyang katawan.

"Maraming salamat sa pagpapamalas ng inyong lakas, Khastro, Tosara. Nagpapatunay lang ito na hindi nagbago ang inyong mga lakas." Sambit ni Iratha.

"*Fufufu.. Siguro ay gusto mo na ring makita ang lakas ko, hindi ba?" Sambit ni Bul.

Sa pagkakataong ito ay biglang napahinto si Bul matapos makita ang ekspresyon sa mukha ni Iratha. Halos ganon din ang iba, subalit labis nila itong ipinagtaka. Sa hindi nila maipaliwanag na dahilan ay umiiyak ito, ngunit bakas sa kaniyang mukha ang isang ngiti na iba sa ipinakita nito kanina. Hindi nila maunawaan kung bakit, subalit nanatili silang naka-alerto para sa posibilidad na biglaang pag-atake ng kanilang kalaban.

"Ano ba ang problema niya?" Tanong ni Lala.

"Wag mong ibaba ang iyong depensa, Lala." Sambit ni Vivi.

Ilang sandali pa ay nagsimula ng maglakad papalapit si Khastro. Sa pagkakataong ito ay mas lalong inalerto nina Eiel ang kanilang mga sarili.

"Sa wakas ay muli na tayong nakita, kapatid ko." Sambit ni Iratha.

"Kapatid? Tayo ba ang tinutukoy niya?" Tanong ni Lala.

"*Fufufu.. Hanggang kailan mo panghahawakan ang mga salitang yan, Iratha?" Sambit ni Khastro.

Ilang mga hakbang pa ay huminto na sa kaniyang paglalakad si Iratha. Sandali siyang napatingin sa kalangitan at matapos nito ay muli na siyang nagsalita.

"Umuwi na tayo, Ruwii." Nakangiting pagkakasambit ni Iratha.

Labis na nagtaka sina Eiel sa kanilang mga narinig, subalit ilang sandali pa ay agad silang napatingin kay Bul, dahil bigla itong napaluhod habang nakahawak sa kaniyang ulo.

"Oi Bul! Anong nangyayari sayo?!" Sambit ni Eiel.

"Mga alala! Sazs! Hian! Raar! Zaak! Yuuk! Kuya!" Sambit ni Bul.

Hindi maunawaan nina Eiel ang nangyayari kay Bul at sa mga bagay na sinabi nito. Wala rin silang ideya tungkol dito, ngunit ilang sandali pa ay may isang bagay na napagtanto si Eiel.

"Wag mong sabihin, ginamit sa kaniya ang kagamitang yon?!" Sambit muli ni Eiel.

Agad napalingon sa kaniya ang kaniyang mga kasama at kalaunan ay napagtanto din ang kaniyang mga sinabi.

Chapter end.

Afterwords.

Sooooooooooooooooooorry!!!! Sa totoo lang ngayon pa lang ulit ako nakakapag sulat dulot ng pag-eedit ko sa buong book1 ng SOM.. Alam kong paulit-ulit itong mga sinasabi ko, pero ito talaga kasi yung nangyari.. Sa ngayon ay naghahabol ako sa mga chapters, kasi nag-abot na ang mga ito.. Medyo nababaliw na naman ako dahil tatlong story ang pinag sasalit-salit ko ng pagsusulat.. damn hurts sa utak itu!! ayun! Paki unawa na lang pho3wZssZ! wahahahaha

Susunod.


Chapter 31: Sa pagbabalik ng mga alala.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top