Chapter 26: Sa muling pagkikita ng dalawang magkaibang uri.
Tatlong araw magmula ng masira ang bundok malapit sa bayan ng Szuwask. Kasalukuyan na ngayong nandito sina Rael, dahil malaki ang hinala niya na dito sa bayan ito makakakuha ng impormasyon sa mga nilalang na hinanahap niya.
Sa ngayon ay nasa tanggapan na siya ng punong bayan at dito ay nagtatanong na siya tungkol sa nangyari sa bundok.
"Totoo po bang isang hindi tukoy na bagay ang biglang lumabas sa bundok na dahilan kung bakit ito nasira?" Tanong ni Rael.
"Tama po. Isa yong malaki at lumilipad na bagay. Sa tingin ko ay sasakyan ito ng mga hinihinala na'ming nilalang na hindi nagmula sa ating planeta." Tugon ng punong bayan.
"Mukhang sila na nga ang mga hinahanap ko. *Tsk! Ano pa ang silbi ng pagpunta ko dito kung wala naman na sila?!" Sambit ni Rael derekta sa kaniyang isipan.
"*Umm.. Maitanong ko lang punong bayan, may dalawang lalaki ba dito ang na nagngangalang Sazs at Hian?" Sambit muli ni Rael.
"Opo! Pero sa ngayon ay nawawala na sila at pati na rin ang iba pa niyang mga kaibigan." Tugon muli ng punong bayan.
"*Tsk! Kung ganon ay nandito nga sila!" Sambit muli ni Rael.
"Bakit po ginoong Rael? Kilala nyo po ba sina Sazs?" Tanong ng punong bayan.
"Sa totoo lang ay hindi ko sila kilala, pero alam ko ang tunay nilang mga pagkatao." Sambit muli ni Rael.
Sa mga sandaling ito ay natahimik ang punong bayan. Ilang sandali pa ay may hinanap ito sa ilalim ng kaniyang lamesa at ng matagpuan ay agad niyang inabot kay Rael. Samantala, kahit nagtataka ay kinuha naman ni Rael ang isang envelop na inaabot sa kaniya ng punong bayan.
"Ano ang bagay na ito?" Tanong ni Rael.
"Sa totoo lang ay bago tuluyang umalis sina Sazs ay inamin niya sa'kin ang katotohanan sa kanilang pagkatao. Hindi sila tulad na'tin at nagmula sila sa ibang planeta. Pero mababait sila at iniwan niya sa'kin ang mga yan, dahil gusto pa rin nilang tumulong kahit wala na sila dito." Sambit ng punong bayan.
Hindi inaasahan ni Rael ang kaniyang mga narinig at ilang sandali pa ay agad na niyang tiningnan ang laman ng envelop na hawak niya. Subalit matapos makita ang unang pahina ay agad siyang nagulat, kaya nagmadali na siya upang tingnan ang iba pang mga pahina.
"Ang mga ito! Wag mong sabihin sila ang gumawa ng planong ito?!" Gulat na pagkakasambit ni Rael.
"Ganon na nga. Iniwan ni Sazs sa'kin ang bagay na yan at ang sabi niya ay ibigay ko daw ito sa isang syentipiko." Sambit ng punong bayan.
Sa pagkakataong ito ay hindi makapagsalita si Rael dahil na rin sa labis na pagkamangha sa planong binabasa niya ngayon. Alam niya sa kaniyang sarili na hindi lang basta plano ang nakasulat sa mga papel na hawak niya, kundi isang plano na may katiyakang resulta.
"Sobrang detalyado ng planong ito at ang lahat ng mga materyales ay hindi gaanong mahirap hanapin." Sambit muli ni Rael.
"Mukhang sinadya nilang gawin ang plano na yan, base sa resources ng ating planeta. Alam kasi nila na hindi pa gaanong mataas ang ating teknolohiya kumpara sa kanila." Sambit muli ng punong bayan.
"*Tsk! Bakit kasi hindi pa ako naniwala sa kanila nung mga panahong sinabi niya sa'kin ang kalagayan ng ating planeta." Sambit muli ni Rael.
Sandaling natahimik ang punong bayan, dahil hindi niya alam kung papaano tutugunan si Rael sa bagay na sinambit nito. Sa ngayon ay isinantabi muna ni Rael ang mga papeles at nagpakwento pa siya sa punong bayan tungkol kina sa Sazs.
Samantala, kasalukuyan na ngayong naglalakad sina Sazs patungo sa kwarto kung saan ginagawa nina Niri at Risk ang matagal na nilang proyekto.
Halos dalawang minuto rin ang lumipas bago nila tuluyang narating ang nasabing kwarto. Sa mga sandaling ito ay labis na nagulat sina Sazs matapos makita kung ano ang nasa loob ng kwarto. Puno kasi ito ng mga malalaking kapsula at nasa loob ng bawat isa nito ay isang batang Nadirion.
"Tama nga ang mga iniisip ko! Pero hindi ko inaakala na mabilis nyong mapagtatagumpayan ang paglikha ng mga nadirion sa pamamagitan lang ng mga DNA samples at ilang mga genes." Sambit ni Sazs.
"*Fufufu.. Sila ang mga nagtagumpay sa aming eksperimento at sa tulong ng aming imbensyon ay masasabi kong legit silang mga Nadirion sa oras na sila ay lumaki na." Sambit ni Risk.
"Wow! Ang galing nyo talaga kuya!" Sambit ni Liri.
"*Fufufu.. Hindi lang yon ang espesyal sa kanila, Liri. Dahil sa paglaki nila ay susubukan na na'min silang lagyan ng mga elemento." Sambit ni Niri.
"Elemento?" Tanong ni Raar.
"*Uhm! Tulad ng Bulmium, Khastronium, Tosarapite at iba pang mataas na uri ng elemento na dito lang makikita sa'ting planeta." Sambit muli ni Niri.
"Alam mong imposibleng mangyari ang bagay na yan, Niri. Kung ang Sarfor nga ay hindi kinaya ng kanilang katawan, ang iba pa kayang mataas na uri ng elemento?" Sambit ni Sazs.
"Sang-ayon ako kay Sazs. Imposibleng mangyari ang bagay na iniisip nyo." Sambit ni Hian.
"*Fufufu.. Ang iba sa kanila ay may malaking pagkakaiba at malalaman nyo na lang yon sa hinaharap." Sambit ni Risk.
Agad napatingin ang lahat kay Risk, dahil wala silang ideya sa mga sinasabi nito.
"Pero kung may pagkakaiba pala sa mga yan, hindi na sila magiging legit na mga nadirion!" Sambit ni Raar.
"*Hmm.. Oo nga no." Sambit ni Yuuk.
"Tama si nga naman si Raar." Sambit ni Zaak.
"*Hmm.. Sabagay, may punto nga kayo don, pero hindi naman na yon mahalaga. Ang mahalaga ay ang tagumpay na'min sa aming eksperimento." Sambit muli ni Niri.
"At tungkol sa mga elementong sinasabi ko kanina, tamang-tama ang mga katawang dala nyo para sa susunod na'ming ekperimento." Sambit ni Risk.
"*Tsk! Hindi kami papayag sa gusto mong gawin sa mga kaibigan na'min!" Sambit ni Raar.
"Pero sayang kung ililibing nyo lang sila. Bakit hindi na'tin sila bigyan ng panibagong buhay at karagdagang lakas." Sambit muli ni Risk.
Sandaling natahimik ang lahat at tila ang bawat isa ay malalim na nag-iisip.
"Sa tingin ko ay pumapayag na ako sinabi ni Risk." Sambit ni Sazs.
"Pero Sazs! Mga kaibigan pa rin na'tin sila!" Sambit ni Raar.
"Pero wala ng buhay ang kanilang mga katawan ngayon at kasalanan na'tin ang bagay na yon." Sambit muli ni Sazs.
Napayuko na lang si Raar at hindi na muli pang nagsalita.
"Pumapayag na rin ako, pero sa isang kondisyon." Sambit ni Hian.
"At ano naman ito?" Tanong ni Niri.
"Dapat kasama kami sa pagsasagawa nyo ng eksperimento." Sambit muli ni Hian.
"*Fufufu.. Hindi nyo na kailangan pang sabihin ang bagay na yan, dahil kinakailangan talaga na'min ang tulong nyo." Sambit ni Risk.
"Kung ganon ay bukas na na'tin ito simulan. Sa ngayon kasi ay gusto ko munang magpahinga. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakauwi sa kwarto ko." Sambit ni Sazs.
"Kung ganon ay ihahanda na na'min ang katawan ng mga nadirion ngayon, para bukas ay masimulan na na'tin ang ating eksperimento." Sambit muli ni Risk.
"Kayo na ang bahala." Sambit muli ni Sazs.
Matapos mag-usap ay naglakad na papalayo si Sazs. Samantala, pinanood lang nina Hian ang paglalakad nito. Batid kasi ng bawat isa na mahirap tanggapin na gagamitin lang nila ang katawan nina Ruwii para sa isang eksperimento, subalit ito na rin ang kanilang pagkakataon upang mapagbayaran ang kanilang kasalanan. Sa pamamagitan ng pagbibigay buhay muli sa mga ito.
Mabalik tayo sa planeta ng mga nadirion. Sa ngayon ay pabalik sa Kaldikwask sina Rael, dala ang mga iniwang plano nina Sazs para sa kanilang hinaharap. Marami rin siyang bagay na nalaman tungkol kina Sazs at hindi niya lubos maisip kung papaano nito naitago ang kanilang tunay na pagkatao sa mga residente ng Szuwask. Nabanggit din kasi ng punong bayan sa kaniya na may kakaiba sa katawan nina Sazs at hindi ito normal o masasabing parte ng katawan ng isang nadirion.
"Dapat ko ng masabi sa lahat ang tungkol sa magandang balitang ito. Natitiyak kong matutuwa ang hari sa oras na malaman niyang may plano na para sa magaganap sa hinaharap." Sambit ni Rael derekta sa kaniyang isipan.
Halos gabi na ng makabalik sila sa kanilang mga pasilidad. Agad nagtungo sina Rael sa kanilang laboratoryo upang ihanda ang kanilang pagpa-plano sa malaking proyekto. Halos buong gabi silang nag-uusap para lang maging tama ang kanilang paghahanda at halos na-organisa na ni Rael ang mga dapat unahin para bukas.
Kinabukasan, agad ng nagtungo si Rael sa isang pagpupulong na kaniyang ipinahanda kagabi. Malaking usapin ito kaya lahat ng mga mahahalagang nadirion ay makikita sa pagpupulong na ito.
Nagtagal ng ilang mga oras ang pagpupulong at sa pagpupulong na yon ay nabanggit ni Rael ang isang bagong pag-asa na dumating sa kanila. Kahit ang ibang mga deligadong nadirion ay hindi naniniwala sa mga naunang sinabi niya patungkol sa pagkagunaw ng kanilang planeta ay natuwa matapos makita ang planong iniwan nina Sazs. Halos nauwi lang sa pagpapaliwanag ng kabuoang plano ang nangyaring pagpupulong na kalaunan ay nauwi naman sa magandang resulta.
Hapon na ng makabalik sa kanilang pasilidad sina Rael. Agad niyang tinipon ang lahat ng kanilang mga katrabaho at kapwa niya syentipiko.
"Makinig ang lahat. Bukas na bukas ay ihahanda na na'tin ang pagsasa-ayos ng bagong proyekto. Para ito sa pagtuklas sa kalawakan at kinakailangang matapos na'tin ang sasakyang ito sa lalong madaling panahon. Alam kong bibilangin ito ng mga taon bago tuluyang makumpleto, pero sana ay tulungan nyo ako upang hindi masayang ang plano na ipinagkatiwala sa'kin." Sambit ni Rael.
Malakas namang tumugon sa kaniya ang lahat at makikita sa mukha ng bawat isa ang labis na pagkasabik sa malaki at bago nilang proyekto. Subalit tila hindi natutuwa si Rael sa mga nangyayari, dahil batid niyang kalaban nila ang oras at hindi biro ang pagsasagawa ng isang sasakyan na walang katiyakan kung mapagtatagumpayan nila, kahit na ang plano ay sobrang detalyado. Ilang sandali pa ay lumapit na sa kaniya si Melia at kalaunan ay nagsalita.
"Mukhang mas mabuting iilan lang ang nakakaalam ng tunay na hangarin ng proyektong ito." Sambit ni Melia.
"*Uhm! At kahit iilan lang ang naniniwala sa mga sinabi ko tungkol sa pagkawasak ng ating planeta ay hindi na mahalaga, dahil ang proyektong ito ay magsisimula na." Sambit ni Rael.
"Sa totoo lang ay halos walang naniniwala sa'tin, pero ang proyektong ito ay sobra talagang maganda, kaya kahit hindi totoong masisira ang ating planeta ay makakakuha tayo ng pondo para lang dito." Sambit muli ni Melia.
"*Uhm! Pero mas lalong lumaki ang kutob ko matapos kong makausap ang punong bayan ng Szuwask. Labing limang taon na lang pababa ang palugit na'tin para sa sinasabi nilang kapalaraan ng ating planeta." Sambit muli ni Rael.
"Sana nga po ay nagkakamali sila, pero malalaman naman na'tin ito sa oras na magtagumpay ang ating proyekto at makalipad tayo gamit ito patungong kalawakan. Doon ay matitiyak na na'tin kung magkakatotoo nga ang kanilang sinasabi." Sambit muli ni Melia.
"*Uhm! Alam ko na ang tungkol sa bagay na yan." Sambit muli ni Rael.
Lumipas ang dalawang taon at sa ngayon ay halos patapos na ang space ship na ginagawa nina Rael. Salamat sa mga iniwang plano nina Sazs, dahil sobrang detalyado nito na mukhang siniguro na walang pagkakamali.
"Sa wakas, ilang mga pagsasa-ayos na lang at matatapos na na'min ang space ship na ito." Sambit ni Rael derekta sa kaniyang isipan.
Samantala, sa ngayon ay wala ng nakalap na balita tungkol sa pagkawala nina Ruwii at Rudii kasabay ng pag-alis nina Sazs sa bayan ng Szuwask. Lumaki tuloy ang paniniwala ng lahat na dinukot ang mga ito ng mga nilalang na sumira sa bundok, higit dalawang taon na ang nakakaraan. Subalit iba naman ang iniisip ng punong bayan, dahil batid niyang mabuti ang hangarin nina Sazs at hindi nila magagawang ayain sina Ruwii na sumama sa kanila.
"Sana naman maganda ang buhay ngayon nina Ruwii sa lugar kung nasaan man sila ngayon." Sambit ng punong bayan derekta sa kaniyang isipan.
Mapunta naman tayo sa planetang Lore. Sa pasilidad kung nasaan ngayon sina Sazs. Nitong mga nakalipas na taon ay ginugol nina Sazs ang kanilang panahon para lang magtagumpay ang kanilang bagong proyekto kasama sina Niri at Risk. Dahil sa tagumpay nina Risk sa paglikha ng mga nadirion, gamit lang ang mga sample tissues, genes at genetic structures ng mga ito. Kasalukuyan na rin nilang pinapalaki ang mga ito sa mga recovery capsules at ang iba naman ay ginagamit na nila para sa kanilang eksperimento.
"Mukhang maganda ang progreso sa capsule number 25 hanggang 29." Sambit ni Niri.
"*Uhm! Stable naman ang mga vitals nila at salamat yon sayo, kuya." Sambit ni Liri.
"*Fufufu.. Kung ganon ay matumpay mong nai-konekta sa kanilang utak ang mga micro chips na maaaring kumontrol ng mga elemento." Sambit muli ni Niri.
"*Uhm! At sana ang mga magiging anak nila ay mamana ang artipisyal na kakayahang inilagay ko sa kanila." Sambit muli ni Liri.
"Wag kang mag-alala, ilang taon lang naman at malalaman din na'tin ang tungkol dito." Sambit muli ni Niri.
"*Uhm!" Sambit muli ni Liri.
"Ang mabuti pa ay ilipat mo na sila ng kwarto para mas lalo na'ting ma-monitor ang kanilang kalagayan." Sambit ni Raar.
"Mabuti pa nga." Sambit muli ni Liri.
"Papaano nga pala ang mga iba? Hahayaan na lang ba na'tin silang lumaki ng normal?" Sambit muli ni Raar.
"*Hmmm.. Sa tingin ko ay hayaan muna na'tin silang lumaki, tutal may lugar naman na tayong paglalagyan sa kanila." Sambit muli ni Niri.
"Okay.. Medyo naiinis lang ako, kasi hindi naging matagumpay ang ekperimentong ginawa ko. Halos ilang mga specimen ang nasayang ko." Sambit muli ni Raar.
"Wag kang mag-alala Raar. May progreso naman dun sa ginagawa mo. Hayaan mo, sa oras na mapagtagumpayan na na'min ang paglalagay ng Irathanium sa katawan ng kaibigan nyo ay natitiyak kong madali na para sa'tin na ilagay ang ibang elemento sa mga nalikha na'ting mga nadirion." Sambit muli ni Niri.
"*Uhm! Agad kasing namamatay ang specimen ko sa oras na inilalagay ko na sa katawan nila ang Vividium." Sambit muli ni Raar.
"*Hmmm.. Bakit hindi mo subukang ilagay muna sa mga specimen ang elementong kayang komontrol ng Vividium?" Sambit muli ni Niri.
"Sinubukan ko na rin ang bagay na yan, pero hindi nagtagal ay namatay din ang specimen ko." Sambit muli ni Raar.
"*Hmmm.. Sa tingin ko mas maganda kung mapapalitan na'tin ang internal organs nila, para mas umakma ang kanilang katawan sa mga elementong sinusubukan na'ting ilagay." Sambit muli ni Niri.
"Mukhang magandang ideya ang bagay na yon. Pero maiba ako, halos ilang buwan ko ng hindi nakikita sina Risk, Hian at Sazs ah." Sambit muli ni Raar.
"*Hahaha! Nandun sila sa laboratory na'min, dun na sila kumakain, natutulog at nagba-banyo. Labis kasi na'ming tinutukan ang eksperimento na'min, lalo na't Irathanium at Bulmium ang elementong inilalagay na'min. Sobrang mapanganib ito, kaya naka-contain muna ang Bulmium sa lalagyan na nababalutan ng Irathanium para ma-neutralize ito." Sambit muli ni Niri.
"*Tsk! Sina Zaak at Yuuk ay abala lang sa pagtuturo sa mga naunang nadirion nilikha nyo." Sambit muli ni Raar.
"Mabuti nga ginawa nila ang bagay na yon. Para na rin alam ng mga batang nadirion na yon kung saan talaga sila nagmula." Sambit ni Liri.
"Sabagay, pero kung tutuusin ay tayo talaga ang mga tunay nilang magulang, dahil tayo ang lumikha sa kanila." Sambit muli ni Raar.
"*Uhm! At ang mabuti pa ay magpahinga ka muna sa ekperimento mo at tulungan mo sina Zaak don." Sambit muli ni Liri.
"Yes ma'am!" Sambit muli ni Raar.
Samantala, mapunta naman tayo sa laboratoryo kung nasaan sina Sazs, Hian at Risk.
"Sa wakas! Matagumpay na na'ting naikabit sa kaniya ang irathanium!" Sambit ni Risk.
"Hian, ano ang vitals niya?!" Sambit ni Sazs.
"Stable ang vitals niya!" Tugon ni Hian.
"Magaling, ang huling bahagi na lang ay ang pag gising sa kaniya. *Fufufu.." Sambit muli ni Risk.
"Mabuti pang ilagay na na'tin siya sa recovery capsule at doon ko na lang imo-monitor ang kalagayan niya." Sambit muli ni Hian.
"Okay.." Sambit muli ni Sazs.
"Sa wakas, matapos na'ming palitan ang mga internal organs nila ay matagumpay na'ming nabigyan ng bagong buhay ang kanilang mga katawan. Sa loob ng dalawang taon ay nagawa na'min ito sa kanila, pero hindi sapat ang mga yon para muli silang maibalik sa dati nilang buhay." Sambit ni Sazs derekta sa kaniyang isipan.
"Ipagpaliban muna na'tin ang paglalagay ng Bulmium sa katawan ni Ruwii, hanggat hindi pa na'tin nakikita ang resulta sa katawan ni Rudii." Sambit muli ni Sazs.
"*Uhm! At isa pa ay hindi pa na'tin napag-aaralan kung papaano ilalagay ang Bulmium sa katawan niya at kung papaano niya ito magagamit. Ibang-iba ito sa Irathanium na ginawa ni Risk na may kakayahan lang na i-neutralize ang ibang mga elemento." Sambit muli ni Hian.
"Tsaka na na'tin isipin yan at ang mabuti pa ay magpahinga na muna tayo. Halos ilang buwan na rin tayong hindi lumalabas sa kwartong ito." Sambit ni Risk.
"*Hahaha! Oo nga, pero teka lang? Nasaan si Niri?!" Sambit muli ni Hian.
"Lumabas siya kahapon at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin bumabalik." Tugon ni Sazs.
Labis na nagulat si Hian sa kaniyang mga narinig, dahil sa tinagal nilang magkakasama ay ngayon lang niya napansin na wala si Niri. xD
"Bwisit na Niring yon! Hindi ko man lang napansin na umalis siya at kahapon pa yon nangyari?!" Sambit muli ni Hian.
"*Hahaha! Ang mabuti pa ay ilipat na muna na'tin sila sa mas ma-ayos na kwarto para doon na na'tin sila ma-monitor." Sambit ni Risk.
"*Uhm! Mabuti pa nga!" Sambit ni Sazs.
Matapos nilang mag-usap ay agad na nilang nilapat sa monitoring room ang katawan nina Rudii at Ruwii upang doon na ito bantayan kasama ng iba pa nilang mga naunang eksperimento.
Ang mga sumunod na araw ay naging rest day nila. Samantala, sa planeta ng mga nadirion ay puspusan pa rin sina Rael sa pagtapos ng kanilang proyekto. Halos ilang mga pagsasa-ayos na lang ang kanilang gagawin at matatapos na sila.
Sa ngayon ay kasalukuyang nasa loob ng kaniyang kwarto si Rael, dahil muli niyang sinusuri ang plano ng mabuti. Mahirap na kasi kung may nakalimutan silang gawin o ayusin.
"*Hmm.. Mukhang wala naman kaming nakalimutan sa planong ito. Mabuti na lang talaga at pati ang mga makinarya ay hindi ganon ka-komplekado, dahil halos katulad ito ng mga sasakyang ginagamit na'min. Pati ang konting impormasyong ito tungkol sa kalawakan ay sobrang laking bagay para sa'min. Malaki ang pasasalamat ko sayo Sazs at sana sa oras na marating na'min ang kalawakan ay magkita tayong muli, para personal kitang mapasalamatan." Sambit ni Rael derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto ni Rael, kaya agad siyang napalingon dito.
"Sir Rael, si Melia po ito." Sambit ni Melia.
"Pumasok ka, bukas yan." Tugon ni Rael.
Hindi na muli pang nagsalita si Melia, bagkus ay binuksan na nito ang pinto at kalaunan ay pumasok sa loob.
"Sir! Tapos na po ang huling parte sa'ting space ship!" Masayang pagkakasambit ni Melia.
Hindi tumugon si Rael, subalit mabilis itong tumayo. Makikita sa kaniyang mukhang ang kasiyahan at dahil dito ay hindi na naitago ni Melia ang kaniyang kasiyahan.
"Tayo na po sir, kayo na lang po ang kulang sa'ting proyekto." Nakangiting pagkakasambit ni Melia.
"*Uhm!" Nakangiting pagtugon ni Rael.
Sa kanilang paglabas ay napuno ng palakpakan ang buong pasildad. Labis itong ikinagulat ni Rael at sa pagkakataong ito ay unti-unti ng umaagos ang kaniyang mga luha habang siya ay patuloy na naglalakad.
Makalipas ang isang linggo. Sa mga araw na lumipas ay nasuri na nila ang kanilang space ship at nasubukan na rin nila itong paganahin. Naisa-ayos na rin nila ang mga kakulangan at konting deprensya at sa ngayon ay handa itong gamitin patungo sa kalawan.
Mabilis namang kumalat sa buong bayan ng Kaldikwask at sa katabing mga bayan ang tagumpay na proyekto nina Rael. Ikinatuwa din ng kanilang gobyerno ang tagumpay na ito at sa ngayon ay pinag-uusapan na ang pagawa sa susunod na sasakyan.
Ngayong araw na rin aalis sina Sazs patungong kalawakan, kasama ng ilan sa kaniyang mga pinagkakatiwalaang syentipiko. Maraming salamat din sa mga naiwang plano nina Sazs, dahil sa mga huling pahina nito ay may mga paalala tungkol sa kalawakan. Nagawa na rin nila ang mga kasuotan na kasamang nakalagay sa mga plano at dahil sa mga ito ay handa na ang lahat para sa kanilang paglalakbay patungong kalawakan. Nakahanda na rin ang kanilang mga gamit at tamang supply ng pagkain at hangin.
"Okay! Sana magkita na tayong muli, Sazs." Sambit ni Rael derekta sa kaniyang isipan.
Mapunta tayo sa planetang Lore, nagtagumpay din sina Sazs sa paglalagay ng Irathanium sa katawan ni Rudii. May malay na din ito sa ngayon, subalit wala itong mga alala dahil ang dating katauhan nito ay patay na. May malay na rin ang katawan ni Ruwii, subalit wala pa silang binabago sa katawan nito, maliban sa mga pinalitan nilang internal organs.
"*Fufufu.. Gumagana ng tama ang bagong katawan ni Rudii. At pati na rin ang Irathanium sa kaniyang katawan." Sambit ni Risk.
"Nagbunga ang matiyaga na'ting pag-aaral at pagsasa-ayos sa kanilang mga katawan." Sambit ni Niri.
"Sa ngayon ay mahina pa ang katawan ni Rudii, kaya mas mabuti kung mananatili siya sa recovery capsule ng ilan pang mga linggo. Mabuti na rin siguro kung turuan na na'tin siya ng ating lenggwahe, upang madali na'tin maipaliwanag sa kaniya kung ano siya at kung ano niya tayo." Sambit muli ni Risk.
"Mabuti pa nga." Sambit ni Sazs.
"Papaano ang katawan ni Ruwii? Gagamitin ba na'ting medium ang irathanium para makontrol niya ang Bulmium?" Tanong ni Niri.
"Ganon na nga. Ang irathanium lang naman ang tanging elementong may kakayahang i-neutralize ang mga mapapanganib na elemento dito sa'ting planeta." Sambit muli ni Risk.
"Kung gagamitin na'tin ang irathanium sa mga susunod na'ting eksperimento. Parang magiging mababang uri si Rudii kumpara sa mga susunod na'ting lilikhain, tama ba?" Sambit ni Liri.
"Wala namang problema tungkol sa bagay na yon, dahil siya ang magiging susi sa susunod pa na'ting paglikha." Sambit ni Sazs.
"Naunawaan ko." Sambit muli ni Liri.
"Wag kang mag-alala Liri, hindi masasayang ang tagumpay na nagawa mo. Ang paglalagay ng micro chip para makontrol ang ilang mga elemento tulad ng apoy ay labis na nakakamangha. Maaari na'tin itong gamitin sa'ting sariling lahi sa hinaharap, kaya wag mong iisiping masasayang lang ang iyong pinaghirapan." Sambit ni Niri.
"*Uhm! Maraming salamat, kuya." Sambit muli ni Liri.
Sandali pang nag-kwentuhan ang apat hanggang sa dumating si Hian na tila may dalang masamang balita.
"Bakit Hian?" Tanong ni Sazs.
"May nakita kaming sasakyang at nagmula ito sa planeta ng nadirion!" Sambit ni Hian.
Mabilis napatingin sina Risk kay Hian at ilang sandali pa nga ay muli na itong nagsalita.
"At ang sasakyang iyon ay walang duda ang planong iniwan na'tin sa punong bayan." Sambit muli ni Hian.
Sa pagkakataong ito ay hindi na maitago ang ngiti sa mukha ni Sazs, kaya hindi na ito nagsalita pa at mabilis na nagtungo sa space monitoring room. Agad naman siyang sinundan ng kaniyang mga kaibigan upang alamin din ang mga sinabi ni Hian sa kanila.
Halos ilang minuto ay narating na nila ang naturang kwarto at dito ay nakita na nila ang isang space ship. Hindi ito kalayuan sa planeta ng mga Nadirion at mabagal ang pag-usad nito. Mukhang wala din itong problema kinahaharap base sa kanilang obserbasyon.
"Walang duda na ito ang disenyo na ating ginawa." Sambit ni Sazs.
"*Uhm! At mukhang nagtagumpay sila sa paglikha nito." Sambit ni Hian.
"Ano na ang binabalak mong gawin ngayon, Sazs?" Tanong ni Zaak.
"Hian, saan nakalagay ang ating mga nadirion artificials bodies?" Nakangiting pagkakasambit ni Sazs.
"*Hmm.. Sa pagkakaalala ko ay nasa kwarto mo sila." Sambit muli ni Hian.
Agad napatingin si Sazs kay Hian, dahil hindi niya inaasahan ang naging tugon nito.
"Si..si..sigurado ka? Nasa kwarto ko ang mga artificial bodies na'tin?" Gulat na pagkakasambit ni Sazs.
Napakamot na lang ng ulo si Hian, samantalang natawa naman ang iba pa nilang kaibigan.
"Kailan ka ba huling pumasok sa kwarto mo?" Tanong muli ni Hian.
"*Hmm.. Siguro nakaka-apat na pasok pa lang ako sa kwarto ko, magmula ng makabalik tayo dito." Sambit muli ni Sazs.
Napa-iling na lang si Hian at matapos nito ay muling nagsalita.
"Wala na akong masasabi pa, ang mabuti pa ay puntahan mo na ito at hanapin mo sa kwarto mo." Sambit muli ni Hian.
"Teka! Bakit nasa kwarto ko ang mga artificials bodies?" Tanong muli ni Sazs.
"Ako ang naglagay non sa kwarto mo! Ikaw naman kasi ang nagdisenyo ng mga yon, kaya ang mga yon ay sayo." Sambit ni Raar.
"Tama si Raar! Pero ano ba ang iniisip mo at hinahanap mo ang mga artificial bodies?" Sambit ni Yuuk.
"*Fufufu.. Gagamitin na'tin muli ang mga yon para makipagkita sa mga nadirion na kasalukuyan ngayong nasa kalawakan. Natitiyak kong umaasa silang makita tayo at hindi na'tin sila bibiguin don. Ang mabuti pa ay kunin mo na ang mga yon, Raar! Tutal ikaw ang nakakaalam kung saan mo ito inilagay." Sambit muli ni Sazs.
"Okay! Pero Yuuk at Zaak! Samahan nyo ako! Isuot na rin na'tin yung sa'tin para naman hindi na tayo mahirapan pang buhatin ang iba." Sambit ni Raar.
"Okay!" Tugon ni Yuuk.
Ilang sandali pa ay umalis na ang tatlo. Sa ngayon ay naiwan sina Sazs, Liri, Hian, Niri at Risk sa may space monitoring room.
"Ano ba talaga ang intensyon mo at gusto mo ulit silang harapin?" Tanong ni Risk.
"Nabigo na ako noon at dahil don ay nasawi ang dalawa na'ming kaibigan. Gusto kong makabawi sa kahit na anong paraan. Ipapaliwanag ko lang sa kanila ang kalagayan ng kanilang planeta at matapos noon ay babalik na kami dito." Tugon ni Sazs.
Habang nagsasalita ay mabilis umupo si Sazs sa isang upuan at kasunod nito ay ang pag gamit niya ng kanilang mga kagamitan. Sa ngayon ay sinusubukan niyang makipag-ugnayan sa space ship na gawa mula sa kanilang plano.
"Kung ganon ay magpapaiwan na kami dito at tatapusin ang ilang mga test sa ating mga subject." Sambit muli ni Risk.
"*Uhm! Maiwan ko muna kayo dito, pero halos ilang araw lang naman ay magbabalik din kami agad." Sambit muli ni Sazs.
"Kung ganon ay magbabalik na kami sa laboratoryo." Sambit ni Niri.
"Okay!" Sambit muli ni Sazs.
Hindi na nagsalita pa sina Risk at ilang sandali pa ay naglakad na sila papalabas ng kwarto.
"Tutulungan na kita Sazs." Sambit ni Hian.
Matapos magsalita ay umupo na rin si Hian at ginawa ang katulad na ginagawa ni Sazs. Samantala, sandaling napatitig si Liri sa mga kaibigan at ilang sandali pa ay umupo na rin ito para tumulong.
Makalipas ang ilang mga minuto ay nagbalik na ang tatlo at suot-suot na nila ang dati nilang mga artipisyal na katawan.
"Ito na ang mga artificial bodies nyo." Sambit ni Raar.
Napangiti na lang sina Sazs matapos makita ang kanilang mga artipisyal na katawan.
"Maraming magagandang alala tuloy ang naalala ko matapos kong makita ang mga yan." Nakangiting pagkakasambit ni Sazs.
"Ang mabuti pa ay isuot na rin na'tin ang sa'tin." Nakangiting pagkakasambit ni Hian.
Napatango na lang si Sazs at kalaunan ay tumayo upang isuot ang kanilang mga artipisyal na katawan. Samantala, pumalit naman sa kanilang pwesto sina Zaak at Yuuk upang ipagpatuloy ang pag-contact sa space ship ng mga nadirion.
Lumipas pa ang ilang mga minuto at sa wakas ay nagawang ma-contact ni Liri ang space ship.
"Nakita ko na! Sinusubukan ko ngayon magbigay ng transmission sa kanila." Sambit ni Liri.
"Nice! Ang galing mo talaga, Liri!" Sambit ni Raar.
Mapunta naman tayo kina Rael. Naging magtagumpay ang kanilang paglabas ng kanilang planeta at matapos nilang masilayan o marating ang kalawakan ay labis silang namangha.
"Kung ganon ay ito ang kalawakan! At tulad ng sinabi ni sir Rael ay wala ngang oxygen dito at sobrang gaan ng ating mga katawan! Mabuti na lang talaga at meron ding plano para sa ating mga kasuotan ngayon." Sambit ni Nad.
"*Uhm! Sang-ayon ako! Sobrang galing ng planong yon at ang impormasyon ni sir Rael ay labis na nakakamangha! Pero sobrang dilim ng kalawakan at halos wala akong makitang mga bituin." Sambit ni Dine.
"Tama ka, pero natitiyak ko ang mga ito ay may paliwanag." Sambit ni Rael.
"Dapat ko na bang sabihin sa kanila na ang planong ito ay nagmula sa mga nilalang na hindi na'ming ka-uri?" Sambit ni Rael derekta sa kaniyang isipan.
"Sir Rael! Matagumpay po ang ating pag-alis ng planeta at wala pong naging problema sa ating sasakyan!" Sambit ni Melia.
Matapos magsalita ni Melia ay labis na natuwa ang mga crew at hindi na nila napigilan ang magsaya.
"Kung ganon ay pumwesto na kayo sa inyong mga istasyon ay sisimulan na na'tin ang ating pag-aaral!" Sambit muli ni Rael.
"Yes, sir!" Tugon ng lahat.
Matapos tumugon ay agad ng pumwesto sa kani-kanilang mga istasyon ang bawat crew at matapos nito ay masusi na silang nag-imbestiga sa kanilang paligid.
"Dapat makita agad na'min ang planetang sinasabi ng lalaking yon! Dapat malaman ko kung nagsasabi siya ng totoo tungkol sa hinaharap ng aming planeta!" Sambit ni Rael derekta sa kaniyang isipan.
Halos ilang oras din silang nagmasid at ilang mga planeta ang kanilang nakita. Sinusubukan na rin nilang makipag-ugnayan sa kanilang planeta, gamit ang isang mataas na uri ng communication devise.
"Lowyn, kamusta na ang pakikipag-ugnayan sa'ting planeta?" Tanong ni Rael.
"Pasensya na po, pero hindi ko pa rin mahanap ang kanilang coordinates signal. Mukhang hindi po abot ng ating radar ang mga satellite." Tugon ni Lowyn.
"Subukan mo lang ng subukan at balitaan mo ako sa oras na may makuha ka ng transmission." Sambit muli ni Rael.
"Okay po!" Sambit muli ni Lowyn.
"James, Reed. Kamusta na ang inyong station?" Sambit muli ni Rael.
"Mabuti po, pero hindi ko pa rin makita ang puting planetang sinasabi nyo, sir." Sambit ni Reed.
"Hindi ko pa rin po mahanap ang puting planeta, pero base sa mga planetang nakikita ko ay may posibilidad na may mga nakatira sa mga ito." Sambit ni James.
"*Hmm.. Malaki ang posibilidad na ang bawat planeta na nakikita na'tin sa ngayon ay may naninirahang ibang nilalang. Nilalang na kasing talino o mas higit pa sa'tin, kaya ihanda nyo na ang inyong sarili sa posibilidad na may magpakita sa'ting sasakyan." Sambit muli ni Rael.
Agad napatingin sa kaniya ang buong crew, suot ang gulat na ekpresyon.
"Wag kayong mag-alala, ang ekspidisyong ito ang magpapabago sa'ting planeta. At maliit lang naman ang posibilidad na magkatotoo ang mga sinasabi ko. Pero wag nyong isasantabi ang mga posibilidad, maliwanag ba?" Sambit muli ni Rael.
Sabay-sabay napatango ang lahat at ilang sandali pa ay nagbalik na sila sa kanilang mga ginagawa. Ngunit ilang sandali pa ay isang transmission ang nasasagap ni Lowyn sa kaniyang istasyon, kaya agad na niyang tinawag si Rael.
"Sir Rael! May nasasagap po akong transmission, pero hindi po ako sigurado kung galing ito sa'ting planeta!" Sambit ni Lowyn.
Hindi tumugon si Rael, bagkus ay mabilis siyang lumapit kay Lowyn.
"Tanggapin mo ang transmission!" Sambit ni Rael.
"Okay po!" Tugon ni Lowyn.
Walang pag-aaksaya ay agad tinanggap ni Lowyn ang transmission.
"Hello, ito ang "Space Nadirion Project", naririnig mo ba ako?!" Sambit ni Lowyn.
Matapos magsalita ni Lowyn ay isang nadirion ang lumabas sa kanilang monitor. Labis siyang napa-isip, dahil hindi naman niya ito kilala.
"Sino ang lalaking ito?!" Sambit muli ni Lowyn.
Labis na nagulat si Rael matapos makita ang lalaki at dito ay mabagal na siyang nagsalita.
"Sazs?! Ikaw ba si Sazs?!" Sambit ni Rael.
"Tama, ako nga! At kung hindi ako nagkakamali ay ikaw ang syentipiko na nakausap ko tungkol sa inyong planeta." Sambit ni Sazs.
"Oo ako nga! Una ay humihingi ako ng paumanhin dahil hindi ako naniwala sa mga sinabi mo! Pangalawa ay sana matulungan mo kami sa problemang kakaharapin ng aming planeta." Sambit muli ni Rael.
Sa pagkakataong ito ay walang ideya ang lahat ng crew maliban na lang kay Melia na may alam sa mga nangyayari.
"Sir Rael? Sino po ba ang lalaking ito?" Tanong ni Lowyn.
"Ang totoo nito ay ang plano sa paglikha na'tin ng sasakyang ito, ang impormasyon tungkol sa kalawakan ay sa kaniya nagmula at hindi siya isang nadirion!" Sambit muli ni Rael.
Labis na nagulat ang lahat at dahil dito ay hindi nila magawang magsalita.
"*Fufufu.. Wag kang mag-alala, dahil naghahanda na kaming puntahan kayo. Sa ngayon ay pag-aralan nyo muna ang inyong mga makikita at sa aming pagdating dyan ay ipapaliwanag ko na sa inyo ang lahat." Sambit muli ni Sazs.
Matapos magsalita ay naputol na ang transmission. Hindi naman maitago ang saya sa mukha ni Rael, dahil unti-unti ng nagkakaroon ng linaw ang tunay na kalagayan ng kanilang planeta. Samantala, hindi niya napapansin na ang lahat ay nakatingin sa kaniya at hinihintay ang kaniyang paliwanag.
"Sir Rael! Ang mabuti pa po ay ipaliwanag nyo na sa kanila ang lahat." Sambit ni Melia.
Sa pagkakataong ito ay hinarap ni Rael ang kaniyang mga crew suot ang seryosong ekspresyon. Ilang sandali pa ay nagtungo na siya sa gitna at dito ay nagsimulang magpaliwanag tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang pagpunta sa kalawakan.
Chapter end.
Afterwords.
Soooooooooooooory!! sarado kasi yung shop kahapon kaya ngayon lang ako nakapag-UD.. Sana po ay maunawaan nyo ako! Nasasanay na nga ang katawan ko na laging natutulog ng 6:00 am.. Malapit na yata akong mamatay! wahahaha!
Oo nga pala gusto kong batiin yung pinsan ko! MKS BOSS WARREN!! :3
Susunod.
Chapter 27: Sa muling pagkikita ng dalawang magkaibang uri. part 2
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top