Chapter 22: Nakaraan - Mahigit isang libong taon.

Taong 8624, sa panahong ito ay masaya at mapayapang namumuhay ang mga Subtellon sa kanilang mga lupain. Balot at puno ng mga teknolohiya ang bawat mga bayan at halos lahat ng mga normal at pang-araw-araw na trabaho ay tanging mga makinarya na ang gumagawa. Labis na dalubhasa ang mga subtellon pagdating sa agham at patungkol na rin sa kalawakan, kaya nakikita o nababantayan nila ang mga planetang pinaniniwalaan nilang may mga namumuhay na tulad nila, ngunit ibang uri ng mga nilalang.


Halos ilang planeta na rin ang nasawak matapos malihis ang mga ito sa orbit na kanilang kinabi-bilangan o di kaya ay tinamaan ng ilang mga malalaking kometa at bumangga sa isa pang planeta. At dahil na rin sa taglay nilang talino ay naiwasan at napigilan nila na matulad ang kanilang planeta sa mga katabi nilang planeta na tuluyan ng nawasak o namatay.


Sa kabisera ng planetang Lore ay kasalukuyang nakatayo ang isa sa pinaka-malaking pasilidad ng mga Subtellon. Makikita sa lugar na ito ang iba't-ibang kagamitan na kanilang ginagamit upang masubaybayan ang mga katabi nilang planeta.

 

(Note: Ang lenggwahe ng mga subtellon ang kanilang gamit habang sila ay nag-uusap dito. xD)


"Niri, nakikita mo ba ang patay na puting planeta ay unti-unti ng nawawala sa kaniyang orbit?" Sambit ni Risk.


"*Uhm! At sa tantsa ko ay tatama ito sa ikatlong planet." Sambit ni Niri.

 

"*Hmm.. Hindi ba't sina Sazs ay nasa planetang may tatlong kulay?" Tanong ni Risk.

 

"*Uhm! Kasama nila ang kapatid ko don." Tugon ni Niri.

 

"Kung ganon ay nandon din si Liri? *Hmm.. Pero sa'yong tantsa, mga ilang taon pa bago tuluyang tumama ang patay na planeta sa planetang yon?" Tanong muli ni Risk.

 

"*Hmm.. Base sa pag galaw ngayon ng patay na planeta, sa tingin ko may dalawampung taon pa bago ito tuluyang tumama sa planetang yon." Tugon muli ni Niri.

 

"Kung ganon ay hindi na rin magtatagal at matutulad na rin sa sinapit ng mga katabi na'ting planeta ang planetang yon." Sambit muli ni Risk.

 

"Mukhang ganon na nga pero kung ang taglay nilang teknolohiya sa ngayon ay mataas na, posible nilang maiwasan ang pagtama nito." Sambit muli ni Niri.

 

"Sabagay.. *Hmm.. Ang mabuti pa ay ipaalam na na'tin ang bagay na ito kina Sazs at sa team niya." Sambit muli ni Risk.


"Okay." Tugon ni Niri.


Matapos mag-usap ay sinubukan ng tawagan ni Niri ang kanilang kaibigan na kasalukuyan ngayong nasa planeta na kanilang pinag-uusapan, ang planetang may tatlong kulay, ang planeta ng mga Nardirion.


Makalipas ang tatlong araw, tuluyan ng nakausap nina Niri sina Sazs na kasalukuyang pinag-aaralan ang mga nilalang na nakatira sa planeta kung nasaan sila.

 

"Totoo ba ang mga sinabi mo, Niri?" Tanong ni Sazs.


"*Uhm! Pero may dalumpung taon pa naman bago tuluyang mangyari ang bagay na yon." Tugon ni Niri.


"*Tsk! Papaano ka naman nakakasiguro? Sa tingin ko ay hindi sapat ang dalawampung taon para lubusan kong mapag-aralan ang mga nilalang na nakatira sa planetang ito. Halos inuunawa palang na'min ang kanilang mga lenggwahe sa pamamagitan ng mga spectator bugs." Sambit muli ni Sazs.

 

"Ganon ba? *Hmm.. Sa totoo lang ay paulit-ulit na'ming sinuri ang bagay na ito at lumalabas lang talaga na tama ang nakita ng ating mga spectator planes." Sambit muli ni Niri.

 

"*Tsk! May paraan pa ba para mapigilan ang pagtama ng patay na planeta dito?" Tanong ni Sazs.

 

"Maliban sa pagpapasabog dito ay wala na kaming nakikita pang ibang paraan. Kasalukuyan na kasing nagbago ang orbit ng patay na planeta at kung tutuusin ay mabilis ang pag galaw nito na maaaring ikabilis ng pagtama nito dyan." Sambit muli ni Niri.

 

"Ganon na ka-grabe? *Tsk! Kung ganon ay ako na ang bahalang gumawa ng paraan para mapigilan ang pagtama ng patay na planeta sa planetang ito. Pag-aaralan lang na'min ang kanilang lenggwahe at base sa taglay nilang teknolohiya ay hindi imposible na makagawa sila ng isang sandata na maaaring sumira ng isang planeta." Sambit muli ni Sazs.

 

"Nauunawaan ko. Pansin ko na nagugustuhan mo na ang planetang yan, dahil ito ang unang planetang nabisita mo maliban sa'ting planeta." Sambit ni Niri.

 

"*Uhm! Paki-sabi na lang sa pamilya ko ang mga kaganapan dito. Hindi naman matagal ang dalampung taon." Sambit muli ni Sazs.

 

"Okay! Pero mag-iingat kayo dyan at alagaan mo ng mabuti ang kapatid ko." Tugon ni Niri.


Ilang sandali pa ay pinatay na ni Sazs ang communication devise na gamit niya at kalaunan ay kinausap na ang kaniyang team na binubuo ng limang myembro. Agad niyang ipinaalam ang kanilang napag-usapan ni Niri at tulad ng kaniyang inaasahan ay nagulat ang mga ito. Sa mga punto ding ito ay sinabi na ni Sazs ang kaniyang mga plano at natitiyak niyang malaki ang tyansa na magtatagumpay ito.


Halos isang taon ang mabilis na lumipas at sa mga panahong ito ay tuluyan ng napag-aralan nina Sazs ang lenggwahe ng mga nadirion. Nananatili pa rin namang walang alam ang mga nadirion sa kanilang pagbisita sa planeta ng mga ito at ang ginawa nilang base ay nakabaon sa isang bundok. Marami naman dalang supply ng pagkain sina Sazs, subalit hindi nila inaasahan na masarap ang mga pagkain nahanap nila sa mga kagubatan sa paanan ng bundok.


Sa ngayon ay patuloy lang sila sa pagkalap ng impormasyon, dahil batid nilang sa bawat bayan ay may mga namumuno at ang gusto nilang mahanap ay ang itinalagang pinuno para sa buong planeta, ang Hari. Subalit hindi madaling maghanap ng isang nilalang na hindi mo alam kung saan hahanapin at sa sobrang dami ng mga kauri nito ay imposible na para sa kanila na ito ay mahanap pa.


Ipinagpatuloy na lang muna nila sa ngayon ang pag-aaral sa mga kilos at gawi ng mga nadirion at kasabay nito ay ang paglikha nila ng mga artipisyal na katawan at kawangis ito ng mga nadirion.


Batid nina Sazs na hindi pa sapat ang kanilang kaalaman tungkol sa mga nadirion, kaya kinakailangan nilang bumaba upang matugunan nila ang kanilang mga katanungan sa kanilang mga sarili.


Gamit ang artipisyal na katawang nilikha nila ay maaari na silang makisalamuha sa mga nadirion. At dahil mas gusto nila na sila mismo ang makaranas ay sinadya nila na gawin itong parang isang "robot" na kung saan ay sila ang mismong ko-kontrol mula sa loob.


Halos perpekto ang pagkakalikha nila sa mga artipisyal na katawan at gawa ang mga ito sa mga materyales na matatagpuan lang sa kanilang planeta. Halos marami rin sa kanilang mga kagamitan ang kanilang sinira upang mapunan lang ang kakulangan sa kanilang mga kailangan, subalit sulit naman ang mga ito dahil nagtagumapay silang makalikha ng limang artipisyal na katawan. Siniguro din nila na hindi sila mapaghihinalaang ibang nilalang sa oras na makita sila ng mga tunay na nakatira sa planetang ito, gamit ang kanilang mga ginawang artipisyal na katawan. Dahil ang mga emosyon at reaksyon ng mga ito ay naka-program na at hindi na nila ito kailangan pang problemahin sa oras na makaharap na nila ang mga nadirion.


Sa loob ng kanilang base,


"Bukas na ba na'tin sila pupuntahan upang subukan silang kausapin?" Tanong ni Yuuk.


"*Uhm! Naayos ko na ang translation devise na tutulong sa'tin para masagot na'tin ng tama ang magiging pagsagot nila." Sambit ni Sazs.


"Mabuti na rin kung makipagsalamuha tayo sa kanila, para naman hindi na tayo mahirapan pa sa hinaharap." Raar.

 

"*Hmm.. May labing siyam na taon na lang tayo. Hindi na'tin alam kung sasapat ang mga taong yon upang mapigilan na'tin ang pagtama ng patay na planeta sa planteng ito." Sambit ni Hian.


"Base sa isang spectator bug na'tin ay sinusubukan na rin ng mga nakatira dito ang pagtuklas sa kalawakan, pero hindi pa nila natatapos ang kanilang space ship na gagamitin para subukan ito." Sambit ni Zaak.

 

"Mabuti pa siguro kung doon tayo magtungo sa katabing bayan ng kanilang pasilidad bukas." Sambit ni Sazs.


"Sang-ayon ako, pero papaano ang ating sasakyan? Masyadong malayo ang bayan na yon dito at kung gagamitin na'tin ang ating mga sasakyan ay natitiyak kong malalaman agad nila ang ating pagkatao." Sambit ni Liri.


"*Hmm.. Mabuti pa siguro kung mag-isa na lang akong pupunta sa bayang yon at kayo naman ay mananatili dito at makisalamuha sa mga nadirion sa ibaba. Makakapag-usap pa rin naman tayo gamit ang communication devises na'tin sa loob ng mga artificial body." Sambit muli ni Sazs.

 

"Mukhang wala na tayong maiisip pa kundi gawin ang bagay na naisip ni Sazs." Sambit ni Yuuk.

 

"At para sa mga panahong natitira ay hindi na'tin alam kung mas bumilis pa ang paggalaw ng patay na planeta. Kaya dapat magmadali na tayo at agad gumawa ng paraan para masabi ang sitwasyon ng planetang ito sa kanila." Sambit ni Hian.


"Alam ko na ang tungkol sa bagay na yon, kaya sa oras na magtagumpay ako ay agad nyo akong padalan ng ating sasakyan. Makikita nyo naman ako sa ating spectator bug, kaya walang magiging problema para sa'king seguridad." Sambit muli ni Sazs.

 

"Pero ang mga nadirion ay lubhang malalakas. Kumpara sa'tin ay katumbas lang tayo ng mga nilalang na ginagawa nilang pagkain sa planetang ito." Sambit ni Liri.

 

"Tama si Liri, hindi pa na'tin alam ang tunay na katauhan ng mga nadirion at dahil don ay sobrang mapanganib na maglakbay mag-isa." Sambit ni Raar.

 

"Wag kayong mag-alala, matalino tayo at don tayo higit na nakalalamang sa kanila. At isa pa ay may escape plan naman ako sa oras na may mangyaring masama sa'kin." Sambit muli ni Sazs.

 

"Nauunawaan ko, kung ganon ay ihanda na na'tin ang lahat para bukas." Sambit ni Yuuk.


Napatugon na lang ang lahat at matapos noon ay agad na silang kumilos upang ihanda ang lahat.


Samantala, sa planetang lore. Kasalukuyan ngayon sinusubaybayan nina Niri at Risk ang paggalaw ng patay na planeta.

 

"*Tsk! Mukhang mas mapapaaga ang pagtama ng patay na planeta. Magmadali ka at subukan mo na silang tawagan, Niri." Sambit ni Risk.

 

"Hindi mo na kailangan pang sabihin yan, dahil ginagawa ko na! Halos labing limang taon na lang at tatama na ang patay na planeta at hindi na'tin alam kung mas bibilis pa ito." Sambit ni Niri.


Kinabukasan, sabay-sabay bumaba sina Sazs sa paanan ng bundok dala ang ilang mga gamit at mga bagay na kanilang nakuha sa kagubatan. Susubukan nila itong ibenta sa mga nadirion at ito na rin ang kanilang panimula upang makipag-usap sa kanila. Tanging si Liri ang naiwan sa kanilang base upang magbantay at magmatyag sa mga mangyayari sa kaniyang mga kaibigan.


Ilang sandali pa habang kumakain ay isang tawag ang natanggap ni Liri mula sa kanilang planeta. Agad niyang sinagot ito at tulad ng kaniyang inaasahan ay sina Niri at Risk ito.


"Kuya, may maganda ba kayong ibabalita?" Sambit ni Liri.

 

"Pasensya ka na, pero hindi maganda ang ibabalita na'min."Tugon ni Niri.

 

"*Huh? Bakit, wag nyong sabihing napaaga ang pagtama ng patay na planeta dito?" Sambit muli ni Liri.

 

"Ganon na nga, tinatayang halos labing limang taon na lang bago tuluyang tumama ang patay na planeta. Walang kasiguraduhan kung babagal pa ba ito o mas lalong bibilis, hindi kasi na'ming pwedeng ituon lang ang pagbabantay sa kilos ng patay na planeta." Sambit ni Niri.

 

"*Hmm.. Nauunawaan ko." Sambit muli ni Liri.

 

"Sina Sazs? Nandyan ba sila?"Tanong ni Risk.


"Bumaba sila upang makipag-usap sa mga nadirion, pero wag kayong mag-alala. Gumawa kami ng mga artificial bodies at kamukhang-kamukha ng mga yon ng mga nadirion at nasa loob ng mga yon sina Sazs." Sambit muli ni Liri.

 

"*Ahh.. Pero mag-iingat kayo. Ayon sa mga impormasyong ipinadala nyo ay lubhang malalakas ang mga sinasabi nyong nadirion." Sambit muli ni Risk.


"Wag kang mag-alala, madali lang naman tumakas at may dala naman silang mga armas sa loob ng gamit nilang katawan." Sambit muli ni Liri.

 

"Kung ganon ay magpapaalam na kami, sobrang hirap tumawag sa inyo kaya sana ay agad mong ipaalam sa kanila ang tungkol sa mga sinabi na'min. Babalitaan na lang ulit na'min kayo sa oras na may mapansin kaming kakaiba sa paggalaw ng patay na planeta." Sambit muli ni Risk.

 

"Okay!" Tugon ni Liri.


Makalipas ang ilang mga oras ay narating na nina Sazs ang paanan ng bundok at sa mga sandaling ito ay alam na din nila ang balita tungkol sa sinabi nina Niri at Risk kay Liri sa kanilang base.


"*Tsk! Mukhang mas lalo na tayong nauubusan ng oras." Sambit ni Hian.

 

"Hindi na'tin alam kung mas mapapaaga pa ang pagtama ng planeta, kaya kinakailangan ko ng magmadali patungo sa kanilang mga pasilidad." Sambit ni Sazs.

 

"*Uhm! Kami na ang bahala sa iba pang impormasyon patungkol sa mga nadirion." Sambit ni Zaak.

 

"Okay, pero posible pang mas marami akong malamang patungkol sa kanila at kinakailangan muna na'ting makakuha ng pera na ginagamit ng mga nadirion." Sambit muli ni Sazs.

 

"Ang mabuti pa ay i-ayos nyo na ang inyong pagsasalita, dahil may mga nadirion na akong nakikita." Sambit ni Yuuk.


Agad napalingon ang lima sa dalawang nadirion na tila nagtataka habang nakatingin sa kanila.

 

"Ihanda nyo na ang inyong mga translator." Sambit ni Sazs gamit ang kaniyang communication devise.


Ilang sandali pa ay mabagal na silang naglakad patungo sa mga nadirion, dala ang mga pagkain na sa tingin nila ay maaari nilang ibenta sa bayan.

 

"Galing ba kayo sa bundok?" Tanong ng isang lalaki.


Sandaling natahimik ang lima dahil siniguro muna nila na tama ang kanilang pagkakaunawa sa mga sinabi ng lalaki sa kanila. Ilang sandali pa ay muling nagkatinginan ang lima at kalaunan ay nagsalita na si Sazs.

 

"Magandang araw sa inyo. Tama, nanggaling nga kami sa bundok." Sambit ni Sazs.


"Ta..talaga?! Pero hindi nyo ba alam na ipinagbabawal pumunta sa bundok, dahil sa nagpakitang kababalaghan dyan nung nakaraang taon? At ayon sa mga matatanda ay madalas talagang may magpakitang kakaibang pangyayari sa bundok, kaya bawal na talaga ang pumunta." Sambit ng isang babae.


Muli ay sandaling natahimik ang lima dahil tila naging komplikado ang sinabi ng babae sa kanila. Sa pagkakataong ito ay gusto sanang magsalita ng iba, ngunit nag-aalinlangan sila na baka sila ay magkamali at magreresulta ito ng pagtataka para sa mga nadirion.

 

"Ganon ba? Pasensya na pero hindi na'min alam ang bagay na yon. Ang totoo kasi nito ay matagal na kaming nakatira sa bundok at ngayon lang na'min naisipang bumaba para ibenta ang aming mga dala." Sambit muli ni Sazs.


Labis na nagulat ang mga kasama ni Sazs dahil sa tila normal na pakikipag-usap nito sa mga nadirion. Sa mga sandaling ito ay isinalin agad nila ang mga sinabi ni Sazs sa kanilang lenggwahe at dito ay muli silang nagulat matapos malamang nakagawa agad ng isang kwento si Sazs.


"*Huh?! Ang mabuti pa ay sumunod kayo sa'min para makausap nyo ang aming pinuno sa bayan!" Sambit muli ng babae.


Matapos magsalita ng babae ay agad na itong tumalikod at kalaunan ay naglakad. Inaya naman ng kasamahan nitong lalaki sina Sazs at ilang sandali pa nga ay muli na nilang binuhat ang kanilang mga dala at mabagal na silang sumunod sa dalawang nadirion.


Samantala, habang naglalakad ay nag-uusap sina Sazs gamit ang kanilang communication devise at kabilang na dito si Liri na kasalukuyan ngayon pinapanood ang nangyayari sa kanila, gamit ang isang spectator bug.

 

"Ang galing mo naman, Sazs! Medyo nagulat ako dun sa ginawa mong kwento ah." Sambit ni Liri.


"*Hehe.. Ano pa ba ang aasahan nyo sa'kin? Ako yung gumawa ng translator na'tin diba?" Sambit ni Sazs.

 

"Nice! Pero Liri balitaan mo agad kami kung may mapansin ka! Medyo nagulat kami matapos na'ming makita itong dalawang nadirion eh!" Sambit ni Raar.

 

"Pasensya na, hindi kasi sila nakita ng spectator bug. Alam nyo naman na kung ano lang ang nakikita ng spectator bug ay ang nakikita ko din diba?" Sambit muli ni Niri.


"*Tsk! Kung hindi lang sana marami ang mga spectator bug na gamit na'tin ay mamo-monitor mo kami ng husto kung maglalagay kami ng bawat isang camera sa mismong mata nitong mga katawan na gamit na'min." Sambit ni Yuuk.

 

"Alam nyo, baka posibleng nagtataka na itong dalawang nadirion kasi hindi tayo nagsasalita." Sambit ni Zaak.


"*Hmm.. Mukhang tama si Zaak, ang mabuti pa ay ako na ang bahalang kumausap sa kanila." Sambit ni Sazs.


Matapos magsalita ni Sazs ay agad na siyang nagsimula upang kausapin ang dalawang nadirion. Samantala, patuloy naman sa kanilang pag-uusap ang iba gamit ang kanilang devise habang pinag-mamasdan nila ang ginagawa ni Sazs.


Makalipas ang ilang minuto ay narating na nila ang bayan, agad silang dinala ng dalawang nadirion sa tanggapan ng kanilang punong bayan upang dito ay makausap nila ito.


Mabilis namang kumalat ang tungkol kina Sazs, kaya halos lahat ng mga residente ay lumabas upang makibalita. Hindi naman inaasahan ni Sazs na ganito ang magiging resulta ng ginawa niyang kwento, kaya wala na siyang pagpipilian pa kundi panindigan ang bagay na ito.


Sa loob ng tanggapan ay agad tinanong sina Sazs sa kung bakit sila nakatira sa bundok at kung bakit sila nandoon. Mabilis namang nakapag-isip ng palusot si Sazs matapos makumpirma ang kaniyang pagkakaunawa sa mga sinabi ng punong bayan sa kanila.

 

"Mga ulila po kasi kami at natakot kami sa mga nadirion dahil na rin sa hindi maganda na'ming karanasan." Sambit ni Sazs.

 

"Talaga? At bakit naman?" Sambit muli ng punong bayan.


"Halos ginawa kaming mga alipin at minsan lang kung kumain. Nagkaroon lang kami ng pagkakataong makatakas at dahil po sa takot ay mas ginusto na lang na'ming tumira sa kabundukan." Sambit muli ni Sazs.


Hindi makapaniwala ang iba niyang kaibigan sa kanilang mga nalalaman tungkol sa mga sinasabi ni Sazs sa punong bayan. Hindi rin nila lubos maisip kung paano naiisip ni Sazs ang tungkol sa mga bagay na ito habang nakikipag-usap gamit ang ibang lenggwahe. Subalit ang mga kwentong sinabi ni Sazs ay pawang mga totoo, dahil sa mahigit isang taon nilang pamamalagi at pagbabantay ay marami na silang nakuhang impormasyon gamit ang kanilang mga spectator bugs. At isa na dito ngayon ang bagay na sinasabi ni Sazs sa punong bayan, subalit hindi naman talaga sila ang mga tinutukoy niya.

 

"*Hmm.. Kung ganon ay kabilang kayo sa mga nakatakas sa bayan ng Kwuwask." Sambit muli ng punong bayan.


"Ganon na nga po at pasensya na po kung tumira kami ng matagal sa bundok. Hindi po kasi na'min alam ang tungkol sa nangyayari dito, kaya sana po ay wag nyo na kaming parusahan." Sambit muli ni Sazs.


Sandaling natahimik ang punong bayan at kalaunan ay napatingin sa mga kasama ni Sazs.

 

"*Hmm.. Kayong lima lang ba ang nakatira sa bundok?" Tanong ng punong bayan.

 

"Opo." Tugon ni Sazs.


Sa pagkakataong ito ay batid na nina Hian na sakto at laging tama ang kanilang translation devise, dahil sa ngayon ay tila normal ng nakikipag-usap si Sazs sa mga nadirion gamit ang lenggwahe ng mga ito.


"Wag kayong mag-alala, dahil hindi naman na'ming kayo paparusahan. Bagkus ay gusto ko pa kayong tulungan." Sambit muli ng punong bayan.

 

"Talaga po? Kung ganon po ay ngayon palang ay nagpapasalamat na ako." Sambit muli ni Sazs.

 

"Kaya magmula ngayon ay hindi na kayo maaaring bumalik sa bundok, dahil mapanganib ang lugar na yon. Sa ngayon ay agad akong hahanap ng maaari nyong matuluyan, kaya wala na kayong dapat pang ipag-alala." Sambit muli ng punong bayan.

 

"Labis po ang aming pasasalamat sa inyo, sir." Sambit muli ni Sazs.


Ikinatuwa ng mga kaibigan ni Sazs ang matagumpay na pakikipag-usap nito sa punong bayan. At dahil dito ay mas lalo nilang matututukan ang kanilang pag-aaral tungkol sa pamumuhay, mga kaugalian at mga gawi ng mga nadirion.


Muli ay mabilis kumalat ang balita tungkol kina Sazs at tila lahat ay nakaramdam pa ng awa sa kanila matapos malaman na sila ay mga nagmula sa bayan ng Kwuwask. Dahil din sa mga kumalat na balita tungkol sa kanila ay hindi na sila nahirapan pang ibenta ang kanilang mga dalang pagkain at mabilis itong naubos.


Hindi rin naman nagtagal at naihanap na sila ng punong bayan ng maaari nilang tuluyan at sa ngayon ay kinikilala na sila na kabilang sa bayang ito. Samantala, habang sila ay naglalakad patungo sa kanilang tutuluyan ay kasalukuyan silang nag-uusap gamit ang kanilang communication devise.

 

"Sobrang galing mo talaga Sazs. Natitiyak kong magugulat din si Risk at kuya sa oras na malaman nila ang ginawa mo." Sambit ni Liri.

 

"Hindi ko nga rin lubos maisip kung paano mo naiisip ang tungkol sa mga yon at nasasabi gamit ang kanilang lenggwahe." Sambit ni Zaak.

 

"Ni hindi nga kami magkapagsalita, dahil sa takot na baka magkamali kami." Sambit ni Raar.

 

"*Hahaha! Okay lang yun! Sa tingin ko nga ay mas nakumbinsi pa na'tin sila, dahil kita sa mga kilos niyo na natatakot kayo." Sambit muli ni Sazs.

 

"Sabagay, pero ilang araw pa ay magsisimula na ang tunay na'ting pakay sa planetang ito. Sana lang ay magkaroon pa tayo ng sapat na panahon para maipaalam sa kanila ang hinaharap ng kanilang planeta." Sambit ni Hian.

 

"Wag kang mag-alala, Hian. Aalis agad ako at pupunta sa nakita na'ting pasilidad at doon ko na ipapaalam ang lahat tungkol sa magiging kapalaran ng kanilang planeta." Sambit muli ni Sazs.

 

"Pero papaano mo gagawin ang bagay na yon?" Tanong ni Liri.

 

"*Fufu.. Sa tulong ng punong bayan at syempre magtatagal muna siguro ako dito ng ilang mga araw para mag-isip ng mga hakbang at mga kwento pa. *Hahaha." Sambit muli ni Sazs.

 

"Okay! Basta babalitaan ko na lang kayo sa oras na may mapansin akong kakaiba dito sa mga spectator bugs na'tin." Sambit muli ni Liri.

 

"Iiwan ka muna na'min dyan Liri. Marami pa naman tayong stack ng pagkain at sa labas naman ay sobrang daming pagkain na maaari mong makita." Sambit ni Yuuk.

 

"Ako na ang bahala at ipaubaya nyo na rin sa'kin ang lahat." Sambit muli ni Liri.


Ilang sandali pa ay huminto ang nadirion na sinusundan nila at hindi nila ito namalayan. Agad silang napatingin dito at kalaunan ay inalam kung nasaan na sila.


"Nandito na tayo ngayon sa bahay nyo. Wala na ngayon ang dating nakatira dyan, dahil pumanaw na sila, isang taon na rin ang nakakalipas. Medyo madumi na nga lang yung loob pero okay pa naman." Sambit ng isang babae.

 

"Maraming salamat, kami na ang bahala dito." Sambit ni Sazs.

 

"*Uhm! Pero kung may kailangan pa kayo ay wag kayong mahihiyang lumapit sa'kin. Oo nga pala, ang pangalan ko ay Ruwii." Sambit muli ng babae.


"Maraming salamat muli, Ruwii. Ako nga pala si Sazs at sila naman ay sina: Hian, Yuuk, Zaak at Raar." Sambit ni Sazs.


Agad yumuko ang apat upang ipakita ang pagalang nila dito.

 

"Pasensya ka na sa kanila, dahil medyo naiilang pa sila sa iba." Sambit muli ni Sazs.

 

"Nauunawaan ko. Hindi naman kasi biro ang nangyari sa inyong lima." Sambit muli ni Ruwii.

 

"Maraming salamat muli." Sambit muli ni Sazs.

 

"Walang anuman, ang mabuti pa ay iwan ko na kayo. Sa totoo lang ay gusto ko kayong tulugan na maglinis, pero may kailangan pa akong gawin ngayon." Sambit muli ni Ruwii.

 

"Maraming salamat talaga, sobrang bait nyo sa'min." Sambit muli ni Sazs.

 

"Sige, mauna na ako." Sambit muli ni Ruwii.


Matapos magsalita ay tuluyan ng umalis si Ruwii, samantalang agad namang pumasok sa loob ang lima. At tulad ng sinabi ni Ruwii ay sobrang dami na ng dumi sa loob at sa ngayon ay wala silang ideya kung papaano ito sisimulang linisin.


Nang araw na yon ay nanatili lang sina Sazs sa loob ng bago nilang bahay. Sinubukan nilang maglinis kahit hindi nila alam kung papaano ito sisimulan, dahil sa kanilang base at sa tunay na planeta ay umaasa lang sila sa kanilang mga kagamitan.


Kinagabihan, muling dumaan si Ruwii sa kanilang bagong bahay dala ang ilang mga pagkain para sa kanilang hapunan. Labis na natuwa sina Sazs dahil hindi na nila kailangan pang bumili ng kanilang pagkain. Naubus kasi ang kanilang oras sa paglilinis lang ng bago nilang bahay.

 

"Maraming salamat dito, Ruwii." Sambit ni Sazs.

 

"Walang anuman yon, Sazs. Alam ko kasing magtatagal kayo dito para lang maglinis, kaya naisipan ko kayong dalan ng makakain." Sambit ni Ruwii.

 

"Maraming salamat talaga." Sambit muli ni Sazs.


Ilang sandali pa ay inihain na ni Ruwii ang dala niyang mga pagkain. Tahimik namang lumapit ang lima sa hapagkainan upang kumain. At dahil plano talaga nila na mamuhay kasama ng mga nadirion ay gumawa sila ng daanan nang pagkain mula sa bibig ng kanilang artipisyal na katawan. Ang pagkain na derekta nilang ipinapasok sa bibig ng kanilang artipisyal na katawan ay nagtutungo sa isang espasyo sa loob at dito naiipon ang mga ito para malaya silang makakain sa loob. Subalit mapapansin sa kilos ng kanilang mga gamit na katawan ang pagiging isang makinarya nito, dahil sa tila wala itong buhay sa oras ng pagkain. Labis na nagtataka si Ruwii sa kaniyang nakikita at dahil dito ay nagsalita na siya.

 

"Sazs? Okay lang ba kayo?" Tanong ni Ruwii.


Ngunit walang tumugon sa kaniya at patuloy lang sa pagkain ang lima sa paraang hindi kaaya-ayang tingnan. Sa pagkakataong ito ay nakaramdam ng pagdududa si Ruwii at isang konklusyon ang nabuo niya sa kaniyang isipan.

 

"Ganito kaya sila sinanay na kumain sa bayan ng Kwuwask?" Tanong ni Ruwii derekta sa kaniyang isipan.


Patuloy lang sa pagkain ang lima habang patuloy silang pinapanood ni Ruwii hanggang sa tuluyan na silang matapos.

 

"Whoa! Ang sarap non, Ruwii. Maraming salamat talaga." Sambit ni Sazs.


Medyo nagulat si Ruwii matapos magsalita ni Sazs. Sa pagkakataong ito ay napangiti siya dahil mukhang nagbalik na sa kanilang sarili ang lima.

 

"*Umm.. Sazs? Wag mo sanang mamasamain ang sasabihin ko, pero yung paraan nyo ng pagkain. Ganon ba kayo sinanay sa bayang ng Kwuwask?" Sambit ni Ruwii.


Sandaling natahimik ang lima at kalaunan ay nagkatinginan. Subalit hindi naman ito nagtagal at ilang sandali pa ay muling humarap si Sazs kay Ruwii at kalaunan ay tumugon.

 

"Pasensya ka na, pero tama ang mga sinabi mo. Hindi na'min alam kung magbabalik sa normal ang aming pagkain, pero sana ay ilihim mo muna ito sa iba. Hindi kasi na'min gusto na kaawaan pa kami." Tugon ni Sazs.


Tila naunawaan naman ni Ruwii ang mga sinabi ni Sazs at sa pagkakataong ito ay napalitan na ang kaniyang pagdududa ng awa.

 

"Nauunawaan ko at wag kayong mag-alala at ililihim ko ang tungkol sa bagay na ito." Sambit muli ni Ruwii.

 

"Nice Sazs! Ang galing mo talagang gumawa ng kwento!" Sambit ni Zaak gamit ang kanilang communication devise.

 

"Maraming salamat, Ruwii." Sambit muli ni Sazs.


"Walang anuman at kung may kailangan pa kayo ay wag kayong mahihiyang lumapit sa'kin. Hindi naman kalayuan ang bahay ko dito, kaya maaari nyo akong puntahan don kahit na anong oras." Sambit muli ni Ruwii.


Matapos magsalita ay agad ng tumayo si Ruwii at kalaunan ay naglakad na papalabas ng bahay.

 

"Maiwan ko na kayo ah. Sana maging maganda ang tulog nyo." Nakangiting pagkakasambit ni Ruwii.

 

"*Uhm! Maraming salamat ulit, Ruwii." Sambit ni Sazs.


Matapos magpaalam ay tuluyan ng umalis si Ruwii. Agad namang naghanda ang lima para sa kanilang tutulugan. Halos tabi-tabi sila sa lapag at gamit ang isang kumot ay itinakip na nila ito sa kanilang katawan. Ilang sandali pa ay sabay-sabay ng pumikit ang kanilang mga artipisyal na katawan, ngunit hindi ibig sabihin nito ay natutulog na sila sa loob, bagkus ay ginawa nila ito upang mag-ingat.

 

"Good work para sa unang araw nyo dyan." Sambit ni Liri.

 

"*Hehe.. Maraming salamat, hindi ko rin naman inaasahan na magiging ganito ang kalalabasan ng lahat." Sambit ni Sazs.

 

"Ang galing mo talaga, Sazs. Pero may nakalimutan pala tayong i-ayos dito sa gamit na'ting katawan." Sambit ni Zaak.


"Oo nga! Mabuti na lang talaga at si Ruwii lang ang nakakita nito. At mabuti na lang din at tila tumutugma ang mga pangyayari sa nangyari dun sa isang bayan, may ilang buwan na rin ang lumipas." Sambit ni Hian.

 

"*Uhm! *Uhm!" Sambit ni Raar.

 

"*Hmm.. Medyo nagulat nga din ako dahil nakalimutan na'tin yung paraan ng pagkain ng mga gamit na'ting katawan. Hayaan nyo at susubukan kong i-modify agad ang mga ito sa susunod na mga gabi. Nasa base kasi ang lahat ng ating mga kagamitan eh." Sambit muli ni Sazs.


"Ako na siguro ang bahala sa bagay na yan, Sazs. Tutal program lang naman ang kailangan para gumalaw ang mga artificial body nyo." Sambit ni Liri.

 

"Maraming salamat, aasahan ko ang bagay na yan." Sambit muli ni Sazs.

 

"*Uhm! Ang mabuti pa ay magpahinga na kayo at maghanda para bukas. Ako na ang bahalang mag matyag dito sa inyo gamit ang mga spectator bugs na'tin." Sambit muli ni Liri.

 

"Okay! Good night na sayo, Liri." Sambit ni Yuuk.


Ilang minuto pa ang lumipas ay nagdisisyon na ang lima na tuluyan ng magpahinga. At para sa kanilang proteksyon sa mga pagdududa ay tila humihinga ang kanilang mga gamit na katawan, kahit hindi naman talaga kailangan ng mga ito ng hangin.


Chapter end.

Afterwords.


Grabe sobrang inet! Gusto ko ng magswimming! Woooooo! Wala akong masyadong maisip dahil sa sobrang init! wahahaha.. Well, sana magustuhan nyo to.. xD


Susunod. 

Chapter 23: Nakaraan — Mahigit isang libong taon. Part 2.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top