Chapter 21: Celestial Project. Part 2

Makalipas ang dalumpung minuto ay nakatapos ng kumain si Dal. Sinamantala naman ito ni Yngritte ang pagkakataong ito upang tanungin ang sinisinta.

 

“Honey, bakit nga pala kasama ni Fate ang dalawa sa myembro nyo ngayon?” Tanong ni Yngritte.

 

“Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit kasama ni Fate sina Bul ngayon, pero kami ang nagpalaki kay Fate at nagsanay sa kaniya na makipaglaban.” Tugon ni Dal.

 

“Ta..ta..talaga?” Gulat na pagkakasambit ni Yngritte.

 

*Uhm! Kinupkop siya ni Bul at kahit tutol kami dito ay wala kaming magawa, dahil siya ang leader na’min.” Sambit muli ni Dal.

 

*Ahh.. Pero maitanong ko lang.” Sambit muli ni Yngritte.

 

“Ano yon, mahal?” Sambit muli ni Dal.

 

“Anong klaseng elemento ang taglay ni Bul? Bultron? Yung mineral na hinahalo sa bakal para gumawa ng mataas na uri ng kawali?” Sambit muli ni Yngritte.

 

*Pffffft! Bultron? Pang halo para gumawa ng kawali?! *Wahahahaha! Malamang papatayin ka ni Bul sa oras na marinig niya yan mula sayo! *Hahahaha! Masayang pagkakasambit ni Dal.

*Huh? Bakit? Yun lang kasi yung Bul na alam kong elemento.. Teka sandali, Bul.. Bul..muim? Wag mong sabihing..” Sambit muli ni Yngritte.

“Tama ang inisip mo mahal, Bulmium nga ang taglay na elemento ni Bul at hindi na nakakapagtaka na siya ang leader na’min, dahil walang sinuman ang may kayang tumapat sa’min sa kaniya sa pakikipaglaban. Sa totoo lang ay naglaban si Khastro at Bul dati, may pintong taon na rin ang nakakalipas. Kahit labag sa kalooban na’min ay tumulong kami kay Khastro, dahil siya ang nasa tama. Ang akala na’min ay natapos na na’min si Bul nung araw na yon, kasabay ng pagkawasak ng isang buong bayan. Pero kanina lang ay nagulat ako matapos kong makumpirma na buhay pa pala siya. Hindi ko alam kung papaano siya nakaligtas sa malakas na pagsabog na yon. Pero siguro ay ginawa lang niya yon para malaya na kaming tuparin ang dahilan kung bakit kami nilikha ng mga subtellon.” Sambit muli ni Dal.

Sandaling natahimik si Yngritte at kasabay nito ay labis siyang napapaisip. Hindi kasi siya makapaniwala na Bulmium ang taglay na elemento ng babaeng nakausap nila kanina sa malaking monitor.

 

“Nilikha kayo bilang mga sandata, nasabi na ito sa’kin ni Lala nung araw na dinala ka na’min dito. Pero ano yung dahilan kung bakit kayo nilikha?” Sambit ni Yngritte.

 

“Nilikha kami para wasakin ang planetang ito.” Tugon ni Dal.

 

“Wa..wasakin ang planetang ito?!” Gulat na pagkakasambit ni Yngritte.

“Tama, pero hindi madaling gawin ang bagay na yon at halos may ilang libong taon na rin kaming naghahanap at nagsasaliksik kung papaano gagawin ang bagay na yon. Pero alam kong alam ni Bul kung papaano wawasakin ang planetang ito at hindi niya lang ito sinasabi sa’min.” Sambit muli ni Dal.

 

“Ta..ta..talaga? Pero hindi imposible para sa kaniya na gawin ang bagay na yon, kung totoo ang teyorya ng mga syentipiko.” Gulat muling pagkakasambit ni Yngritte.

 

“Teyorya?” Tanong ni Dal.

*Uhm.. Ayon sa mga syentipiko ay malaki ang posibilidad na 1/4 ng planetang lore ay inu-ukupahan ng Bulmium. At kung tama ang pagkakaunawa ko sa inyo ay malaya nyong nako-kontrol ang taglay nyong elemento.” Sambit muli ni Yngritte.

“Ganon na nga.. *Hmm.. Kung ganon ay nung umpisa pa lang ay kayang-kaya ng wasakin ni Bul ang planetang ito?” Sambit muli ni Dal.

“Tama ka, pero hindi lang naman ang bulmium ang elementong mga nakabaon sa lupa. At ito ang mga elementong pumipigil sa bulmium na sumingaw o lumabas sa ilalim ng lupa.” Sambit muli ni Yngritte.

 

*Hmm.. May punto ang mga sinasabi mo, kung ganon ay kinakailangan pa rin niya ang kapangyarihan na’min para maialis ang mga elementong pumipigil sa bulmium. Pero hindi ko naisip ang tungkol sa bagay na ito.” Sambit muli ni Dal.

 

“Tama ang mga sinabi ni Yngritte, Dal.” Sambit ni Bul.

Agad napalingon ang dalawa sa malaking monitor na halos kabubukas lang.

 

“Bul? Kung ganon ay tama ang teyorya ng mga syentipiko?” Sambit ni Dal.

“Ganon na nga, pero tsaka ko na ipapaliwanag ang lahat kapag nandito na kayo sa Asteruins.” Sambit muli ni Bul.

 

“Okay, nauunawaan ko.” Tugon ni Dal.

Matapos magsalita ay bigla ng namatay ang monitor at kasabay nito ay nagkatinginan ang dalawa.

 

“Ang mabuti pa ay libutin ko muna ang bahay at maghanap ng pwede na’ting magamit.” Sambit ni Dal.

 

“Mabuti pang samahan na kita.” Sambit ni Yngritte.

Matapos mag-usap ay sabay ng naglakad ang dalawa para libutin ang bahay. Samantala, halos kalalabas pa lang ng gubat nina Khastro at patungo na sila ngayon sa bayan ng Aruan upang bumili ng kanilang makakain.

Mapunta naman tayo sa Asteruins. Sa ngayon ay nasa byahe sina Fate at Lisa patungo sa pinakamalapit na bayan upang dito ay bumili ng kanilang pagkain para sa ilang linggo nilang pamamalagi sa lihim na base sa kailalim ng lupa.

Hindi na rin sila nagtaka na nabawasan ang mga tao at nadir na nakatira sa Asteruins. Dahil na rin siguro ito sa takot sa kanila o dahil sa malaking halagang ibinigay sa kanila ni Eiel nung nakaraang araw.

 

“Mukhang aabutin tayo ng isang buwan sa paghihintay kina Khastro na dumating.” Sambit ni Fate.

*Tsk! Pero mabuti na lang at may maluwag na area dun sa base. Pwede tayong magsanay don.” Sambit ni Lisa.

 

*Uhm.. Ang sabi sa’kin ni Bul ay para talaga yon sa mga pagtest sa mga sandatang nilikha ng mga subtellon.” Sambit muli ni Fate.

 

*Hmm.. Hindi na nakakapagtaka na malaki yung area na yon.” Sambit muli ni Lisa.

“Ang mabuti pa ay bilisan mo na ang pagmamaneho mo at dapat bago lumubog ang araw ay nakabalik na tayo.” Sambit muli ni Fate.

 

“Aye! Aye! Sir!” Sambit muli ni Lisa.

Sa pagkakataong ito ay mas binilisan pa ni Lisa ang takbo ng kanilang sasakyan. Samantala, patuloy naman sina Bul at Eiel sa paghahanap ng impormasyon patungkol kay Iratha. Halos may nakita na silang mga bakas ng impormasyon, ngunit sa ngayon ay burado na ito. Posible pa naman itong mabawi subalit aabutin ito ng ilang mga araw. Malaki ang hinala nina Bul na ito na ang bagay na hinahanap nila, dahil base sa pagkakabura nito ay halos may ilang daang taon pa lang ang lumilipas.

Mabilis lumipas ang araw na ito at higit isang linggo pa nga ang lumipas.

December 04, CS344. Sa ngayon ay naghahanda na para sa kanilang pag-alis sina Khastro sa Noria. Mas lumalim naman ang pagtitinginan nina Dal at Yngritte at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay labis na naiirita si Lala sa mga ito.

“Wala na ba kayong nakalimutan?” Tanong ni Yngritte.

“Kung kausapin mo kami parang hindi ka na’min bihag ah.” Medyo inis na pagkakasambit ni Lala.

 

*Ahh! Sorry, bihag nyo nga pala ako.” Sambit muli ni Yngritte.

 

“Wag mo na lang pansinin pa si Lala, hindi lang niya maunawaan ang dahilan ko kung bakit kita gustong makasama.” Sambit ni Dal.

 

*Fufufu.. Alam ko naman ang tungkol don, Honey.” Sambit muli ni Yngritte.

 

“Ikaw! *Grrrr! Inis na pagkakasambit ni Lala.

 

“Tama na yan! May isang linggo lang tayo para makapunta sa Asteruins.” Sambit ni Khastro.

 

“Pero wala tayong sasakyan Khastro.” Sambit ni Vivi.

 

“Hindi na yon problema, Vivi. Madali lang bumili non sa bayan.” Sambit muli ni Khastro.

“Sabagay, marami pa naman tayong pera na nakuha sa bounty hunting na’tin nung nakaraang mga linggo.” Sambit ni Lala.

 

“Kung ganon ay tayo na!” Sambit muli ni Yngritte.

Ilang sandali pa ay sabay-sabay ng nalakad sina Khastro papalabas ng Noria. At habang sila ay naglalakad, may kanina pa napapansing hindi tama sina Lala at nasa likuran lang nila ito.

 

“Bakit sumusunod sa’tin si Ursula?” Tanong ni Lala.

Base sa tono ng pananalita ni Lala ay tila kinakabahan ito. May dala-dala kasing isang malaking bag pack si Ursula at halos mga gamit ni Bul ang laman nito.

“Oo nga, Khastro. Bakit tayo sinusundan ni Ursula? At bakit may dala siyang malaking bag?” Sambit ni Vivi.

 

“Wag mong sabihin sasama siya sa’tin?” Sambit ni Yngritte.

 

“Ganon na nga.” Tugon ni Khastro.

 

*Ahh.. *Pause.. HUWEH?!” Sambit ng apat.

Sandaling napahinto sa paglalakad ang apat at kalaunan ay napatingin kay Ursula. Tila nagtataka naman si Ursula, ngunit nginitian na lang niya ang apat at kasunod noon ay muling naglakad.

“Sigurado ka bang isasama na’tin siya? Papaano kung magutom siya tapos bigla na lang siyang kumain ng mga tao o nadir?!” Sambit ni Yngritte.

 

“Wala namang problema sa’kin kung gawin niya ang bagay na yon.” Sambit muli ni Khastro.

 

*Hmm.. Sabagay, mukhang sa bagay na yon nga kami magkakasundo ni Ursula. Pero hindi ko lang alam kung may mahahanap tayong malaking sasakyan sa bayan.” Sambit muli ni Lala.

 

“Yun lang, pero malaking bagay kung sasama sa’tin si Ursula dahil sobrang lakas niya.” Sambit ni Vivi.

 

“Sang-ayon ako.” Sambit ni Dal.

 

*Eh?! Pero honey, hindi kaya matakot sa’tin ang mga tao at nadir pag nakita nila siya?” Sambit muli ni Yngritte.

 

“Hindi naman na’min problema kung matakot sila sa’tin.” Tugon ni Dal.

Natahimik na lang si Yngritte at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakad. Malaki kasi ang takot niya kay Ursula dahil minsan na niya itong nakitang makipaglaban. Nakalaban na din ito ni Dal at labis ding nagulat si Dal sa taglay nitong lakas at galing sa pakikipaglaban.

 

“Sana naman mautusan nila si Ursula na wag kumain ng mga tao o nadir sa bawat bayan na pupuntahan na’min.” Sambit ni Yngritte derekta sa kaniyang isipan.

Halos dalawang oras ang lumipas ng tuluyang marating nina Khastro ang bayan ng Aruan. Tila hindi naman natakot ang mga tao o nadir na nakakita kay Ursula at labis nila itong ipinagtaka.

 

*Huh? Bakit parang hindi sila natatakot kay Ursula?” Sambit ni Yngritte.

 

“Aba malay ko. Bakit hindi mo sila tanungin?” Sambit ni Lala.

Hindi na lang nagsalita si Yngritte at ipinagpatuloy na lang nila ang kaniyang paglalakad. Ilang minuto pa ang lumipas ay may isang pangyayaring pumukaw sa kanilang atensyon. Ilang kalalakihan kasi ang kasalukuyang naka-kalat sa paligid at ang bawat isa sa mga ito ay may dalang baril. Napansin din nila na tila natatakot ang mga tao at nadir sa mga ito, kaya nagtanong na si Yngritte.

 

“Excuse me po, pero sino po ang mga lalaking yon?” Tanong ni Yngritte.

 

“Mga bandido sila! At dahil nabalitaan nilang wala na ang Drago gang at ang umubos sa mga ito ay naghahari-harian na sila. Lahat kami ay obligadong magbigay sa kanila ng pera at para daw ito sa proteksyon na’min.” Tugon ng isang matandang babae.

 

“Talaga po? At kailan pa po sila naririto?” Tanong muli ni Yngritte.

 

“Mga isang linggo na rin. At kung hindi ako nagkakamali ay galing kayo sa Noria.” Sambit muli ng matandang babae.

 

“Opo, pero papaano nyo po nalaman?” Sambit muli ni Yngritte.

“Dati kasi ay nakita ko na yung malaking osong kasama nyo ngayon at kasama sila nina Lisa.” Sambit muli ng matandang babae.

“Lisa?” Tanong ni Yngritte.

 

“Si Lisa, ang isa sa Griswold’s Legacy.” Sambit muli ng matandang babae.

Tila nagulat si Yngritte sa kaniyang mga narinig at sa pagkakataong ito ay labis na napaisip.

“Si Lisa ng Griswold’s Legacy? Galing na sila dito at may kasama pa silang solar Ursa? Pero sobrang delikado na magpunta sa pinakadulo ng gubat at lalo na ang humuli ng isang solar Ursa? Kaya papaano naging posible ang sinabi ng matandang babaeng ito?” Sambit ni Yngritte dereketa sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay napatingin na si Yngritte sa kaniyang mga kasama at kalaunan ay nagtaka matapos makita ang ngiti sa mga labi nila.

 

*Fufufu.. Mukhang sine-swerte tayo.” Nakangiting pagkakasambit ni Dal.

 

*Huh? Bakit Honey?” Tanong ni Yngritte.

 

“Dahil ang mga bandidong yon ay may malaking sasakyan.” Nakangiting pagkakatugon ni Dal.

Agad napalingon si Yngritte sa mga grupo ng bandido at dito ay nakita niya ang isang malaking truck at tila kadarating lang nito dahil ngayon lang niya ito nakita.

 

*Fufufu.. Ursula, nagugutom ka na ba?” Nakangiting pagkakasambit ni Khastro.

Umungol si Ursula matapos marinig ang sinabi ni Khastro. Tila ito ang paraan niya sa pagtugon at batid ito ni Khastro.

 

“Kung ganon ay kainin mo ang mga aatake sayo.” Nakangiting pagkakasambit muli ni Khastro.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila nauunawaan ni Ursula ang mga sinasabi ni Khastro sa kaniya at ilang sandali pa ay nakangiti na itong naglakad patungo sa mga bandido. Agad namang napansin ng mga bandido ang malaking oso at labis silang nagtaka matapos nila itong makita.

 

“Ano ang isang ito? Costume?! *Bwahahaha! Masayang pagkakasambit ng isang bandido.

“Ang mabuti pa ay barilin mo na ang isang yan.” Sambit ng isa pa sa mga bandido.

 

“Okay!” Sambit muli nung bandido.

*** SFX: PUN! PUN! PUN! ***

Mabilis tinamaan si Ursula at sa pagkakataong ito ay labis na nagtaka ang mga bandido matapos makita ang pagtalbog ng mga bala sa katawan nito.

 

*Tsk! Mukhang bullet proof ang costume ng isang ito!” Sambit muli ng bandido.

Sa ngayon ay nakuha ni Ursula ang atensyon ng lahat ng bandido. Sabay-sabay itinutok ng mga ito ang kanilang mga baril kay Ursula at kalaunan ay pinaulanan ng bala.

 

*** SFX: RATATATATATATAT! PUN! PUN! PUN! RATATATATATATAT! ***

Nahinto lang ang mga bandido sa kanilang pagpapaputok nung naubusan na sila ng bala. Ngunit mabilis silang nag-reload dahil napansin nilang lahat ng kanilang ibinala ay tumalbog lang sa katawan ni Ursula.

 

*Tsk! Matigas ang isang ito!” Sambit ng isang bandido.

Samantala, tila hinihintay naman ni Ursula ang bagay na ito at ilang sandali pa ay bigla siyang ngumiti ng sobrang laki. Labis na nagulat ang mga bandido, dahil tila isang tunay na malaking oso ang nasa kanilang harapan.

 

“Tu..tu..tunay ba ang isang yan?!” Takot na pagkakasambit ng isa sa mga bandido.

 

“Gago! Walang ganyang nilalang sa planetang ito, kaya natural hindi yan totoo!” Tugon ng isa pa sa mga bandido.

Ngunit ilang sandali pa ay isang mabilis na pag-atake ang ginawa ni Ursula. Agad niyang nahuli ang tatlo sa mga bandito. Pilit pang pumipiglas ang mga ito sa mahigip na pagkakahawak sa kanila, ngunit hindi nila magawang makaalis.

 

“Tulong! Tulungan nyo kami!” Sigaw ng isa sa mga bandido.

Sa ngayon napatitig na lang ang mga bandito sa kanilang kasama, ngunit ilang sandali pa ay laking gulat nila ng isa-isang kinagat ng malaking oso ang ulo ng tatlo nilang kasama. Labis nila itong ikinagulat kaya hanggang sa ngayon ay hindi sila makagalaw.

 

“Ha..ha..ha..halimaw!!” Sigaw ng isa sa mga bandido.

Muli ay pinaulanan ng bala ng mga bandito si Ursula, ngunit hindi na ito hinayaan pa ni Ursula na magambala ang kaniyang pagkain. Mabilis niyang tinapos ang buhay ng mga bandido at wala siyang pinatakas sa mga ito. Matapos nito ay agad niyang inipon ang mga katawan ng mga pinatay niyang bandido at inilagay sa kaniyang tabi. Labis naman nagulat ang mga residente sa kanilang nasaksihan at natural na para sa kanila ang matakot matapos makita ang ginagawa ngayon ni Ursula. Isa-isa na kasi niyang kinakain ang mga bandido.

 

*Fufufu.. Natitiyak kong kahit ilang buwang hindi kumain si Ursula ay okay lang.” Nakangiting pagkakasambit ni Khastro.

Napatingin na lang si Yngritte kay Khastro matapos marinig ang sinabi nito.

 

*Um.. Miss? Alaga nyo ba ang osong yon?!” Medyo takot na pagkakasambit ng babae.

“Wag po kayong mag-alala, mga bandido lang po ang kakainin niya at mukhang ang mga aatake lang sa kaniya ang kaniyang papatayin at kakainin. At dahil po don ay wala na kayong dapat ikatakot.” Sambit muli ni Yngritte.

 

“Ganon ba? Sa..sa..sana nga ay tama ang iyong sinabi.” Sambit muli nung babae.

 

*Fufufu.. Ang mabuti pa ay sumakay na tayo sa sasakyan ng mga bandido at hintayin na lang na’ting matapos ang pagkain ni Ursula.” Sambit muli ni Khastro.

Napatango na lang ang lahat at ilang sandali pa ay naglakad na sila patungo sa malaking sasakyan ng mga bandido.

 

*Hmm.. Sakto ang isang ito para sa’tin. Isa itong military truck kaya maitatago na’tin si Ursula sa loob at pwede pa tayong matulog mismo sa loob ng truck.” Sambit ni Vivi.

*Uhm! Tamang-tama lang ang sasakyan ito para sa’tin. *Hehe! Salamat na lang sa mga bandido dahil binigyan na nila tayo ng sasakyan, binusog pa nila si Ursula.” Nakangiting pagkakasambit ni Lala.

 

“Tama na yan at sumakay na kayo sa loob.” Sambit ni Khastro.

 

“Aye! Aye sir! *Hehe!Sambit muli ni Lala.

May ilang minuto lang naman naghintay sina Khastro bago tuluyang matapos sa pagkain si Ursula. Hindi naman magawang lumapit ng mga residente ngunit pinapanood nila ang masayang pagkain ni Ursula sa malayo.

Tanging mga naiwang baril, basyo ng mga bala, sirang mga dami at bakas ng dugo ang naiwan sa lugar kung saan nagwakas ang grupo ng mga bandido na may halos isang linggo pa lang naghahari-harian sa bayan ng Aruan.

Laking pasasalamat nina Khastro sa mga bandido, dahil kasi sa mga ito ay hindi na sila nahirapan pang humanap ng isang malaking sasakyan at hindi na rin sila gumastos para dito. Lubos namang nagpapasalamat ang mga residente kina Khastro at bago tuluyang umalis ang mga ito ay samo’t-saring pagkain ang kanilang ibinigay dito.

Lumipas pa ang ilang mga oras at sa ngayon ay nasa byahe na sina Khastro patungo sa kasunod na bayan ng Aruan, ang Rugid.

Samantala, kasalukuyan ngayon nagbalik sina Timothy at Charls sa kanilang bansang sinilangan at syempre ay kasama din nila ngayon si Iratha. Kasalukuyan ngayon nagpapagaling si Charls sa loob ng isang sikat na pagamutan. At kasabay ng kaniyang pagpapagaling ay tinatapos na rin ang kaniyang bionic arm, upang mapagpatuloy nila ang paghahanap sa Bul-Khatos Vidala. At para na rin mailigtas mula sa mga ito ang kanilang kaibigan at kasama, si Yngritte.

Ilang sandali pa habang nagpapahinga si Charls ay may pumasok sa loob ng kaniyang kwarto at isa itong babae.

 

“Kamusta ka na kuya?” Tanong ni Eve.

 

“Ikaw pala, Eve.” Tugon ni Charls.

*** Eve Falsenova. 19 years old at siya ang nakababatang kapatid ni Yngritte. At tulad ng kaniyang ate ay magaling din siyang makipaglaban. Ngunit magkabaliktad naman sila ng personalidad, dahil siya ay lapitin ng mga kalalakihan. Hindi siya tahimik tulad ng kaniyang ate, dahil maraming kaibigan ang nakapalibot sa kaniya. Bukod sa maganda at matalino ay bisaha din siya sa pag gamit ng mga patalim.

Slim ang pangangatawan nitong si Yngritte, nasa 5’3” ang kaniyang taas, maputi at makinis ang kaniyang balat, maganda din ang mahabang niyang gray na buhok at medyo malaki ang kaniyang pyutsur. (if you know what I mean! :3) ***

 

Agad namang naglakad papalapit si Eve kay Charls matapos niyang marinig ang pagtugon nito.

 

“Mabuti naman ang kalagayan ko, talaga lang naputulan ako ng braso.” Sambit muli ni Charls.

 

“Baliw! Ang sabi ni doc ay halos namatay na ang tissues sa kanang braso mo. Papaano naging okay lang yon?” Sambit muli ni Eve.

 

“Salamat nga sa ate mo dahil pinutol niya agad ang braso ko. Alam ko kasi kung hindi niya ginawa ang bagay na yon, baka literal na malamig na bangkay na ako ngayon. *Hahaha! Sambit muli ni Charls.

Biglang natahimik si Eve at napansin agad ito ni Charls, kaya muli na siyang nagsalita.

 

“Wag kang mag-alala, Eve. Pinapangako ko sayo na ililigtas na’min si Yngritte. At nakakasiguro kaming buhay pa siya at ligtas. Posibleng naghahanap na rin yon ng paraan para makatakas. Kilala mo siya, hindi siya magpapatalo ng basta-basta.” Sambit muli ni Charls.

 

“*Uhm!” Tugon ni Eve.

Samantala, sa bahay ni Timothy. Dito kasalukuyang tumutuloy si Iratha dahil halos ilang araw pa lang naman sila dito. Pinili na lang niyang sumama kina Timothy, dahil sa ngayon ay kinakailangan niyang kumalap ng impormasyon patungkol sa mga hinahanap niya, ang Bul-Khatos Vidala.

“Wala ka ba talagang balak sabihin sa’min kung sino kang talaga, Iratha?” Tanong ni Timothy.

 

“Katulad ng sinabi ko, darating din ang panahon na malalaman nyo ang tungkol sa tunay kong pagkatao. Pero sa ngayon ay mabuti na munang hindi nyo ito malaman, dahil sa personal kong kagustuhan.” Sambit ni Iratha.

 

“Nauunawaan ko, pero sana bago tayo maghiwa-hiwalay ay sabihin mo sa’min kung sino kang talaga at kung ano ang koneksyon mo sa Bul-Khatos Vidala.” Sambit muli ni Timothy.

Hindi na nagsalita pa si Iratha, bagkus ay nakangiti itong tumango.

 

“Konting panahon pa Yngritte. Pinapangako ko sayong ililigtas ka na’min.” Sambit ni Timothy derekta sa kaniyang isipan.

Mapunta naman tayo kina Bul. Sa ngayon ay matagupay na nilang nabawi ang mga naburang files at laking gulat nila matapos mabasa ang mga ito.

 

“Kung ganon ay sobrang mapanganib si Iratha! Dapat malaman agad ito nina Khastro.” Sambit ni Fate.

 

“Ang mabuti pa ay tawagan na lang na’tin sila mamaya. *Tsk! Hindi ko inaasahan na ganito siya ka-espesyal at ang elementong taglay niya.” Sambit ni Eiel.

 

“Ano na ang susunod na’ting hakbang Bul? Base sa impormasyong ito ay ikaw talaga ang pakay niya.” Sambit muli ni Eiel.

 

“Wag kang mag-alala, ngayong alam na na’tin kung anong klaseng elemento ang taglay niya ay makakaya na na’tin siyang labanan. Pero may iniisip pa akong iba.” Sambit ni Bul.

 

“At ano naman yon?” Tanong ni Lisa.

“Malaki ang posibilidad na nagising ng kusa si Iratha dito, pero malaki ding ang posibilidad na may nagtungo dito upang gisingin siya. Ang totoo nito ay ako lang ang nakakaalam sa kaniya at siya ang unang kong ginising nung panahong na-diskubre na kami ng mga nadirion. Pero nabigo lang ako at dahil don ay inisip ko talaga na isa lang siyang nabigong eksperimento ng mga subtellon.” Sambit muli ni Bul.

 

*Hmm.. Kung nabigo ka na gisingin siya. Posible talaga na may nanggaling dito para gisingin siya. Pero sino naman ang nilalang na nakakaalam ng tungkol sa kaniya?” Sambit ni Lisa.

Sandaling natahimik ang lahat at tila lahat sila ay may malalim na iniisip.

 

“Siguro sa oras na makaharap na’tin siya ay posibleng malaman na na’tin ang lahat. Pero sa ngayon ay kinakailangan na’ting maghanap ng impormasyon patungkol ngayon kay Iratha at sa mga kasamahan niya.” Sambit muli ni Bul.

 

“Mabuti pa siguro kung tatawagan ko ang mga kilala kong bounty hunter na nakakakilala sa Tempest. Posible kasing kasama pa rin nila si Iratha hanggang sa ngayon.” Sambit ni Fate.

 

“Gawin mo agad ang bagay na ito, Fate.” Sambit muli ni Bul.

 

“*Uhm!” Tugon ni Fate.

 

“Ngayon ay kailangan na na’ting tawagan sina Khastro upang ipaalam ang mga bagay na nalaman na’tin ngayon.” Sambit muli ni Bul.

Ilang sandali pa ay mabilis ng tinawagan ni Bul si Khastro at agad niyang ipinaalam dito ang kanilang mga natuklasan. Samantala, labis namang nagulat si Khastro sa impormasyong nalaman niya at dahil dito ay kinakailangan na nilang mag-ingat.

 

*Tsk! Hindi ko inaasahan ang mga bagay na ito tungkol sa kaniya. *Fufufu.. Sa unang pagkakataon ay ngayon lang ako nakaramdam ng panganib sa buong buhay ko.” Sambit ni Khastro.

Tahimik namang pinapakinggan ng mga kasama niya ngayon ang sinasabi ni Khastro. Halos narinig kasi nila ang pakikipag-usap nito kay Bul sa telepono.

Magmula ng malaman nila ang tungkol kay Iratha ay wala na silang sinayang na panahon at walang tigil na silang buma-byahe patungong Asteruins. Sandali naman silang huminto sa mga bayang nadadaan nila upang dito ay bumili ng kanilang pagkain at sa mga oras na dapat na silang kumain. Subalit matapos noon ay mabilis na muli silang nagpapatuloy sa kanilang paglalakbay patungong Asteriuns.

Labis na rin kasi silang nag-iingat sa ngayon, dahil posibleng sa mga bayang madadaanan nila ay makita nila si Iratha. At ayon kay Bul ay wala silang kakayahang talunin ito sa ngayon hanggat hindi naku-kompleto ang Bul-Khatos Vidala.

Lumipas pa ang ilang mga araw at sa wakas ay narating na rin nila ang Asteruins. Minabuti ng lahat na pumasok na lang sa loob at hayaan na lang mag-isa si Khastro habang nagmamaneho ito. Batid kasi nila ang tungkol sa bayang ito at wala na silang balak na harapin pa ang mga ito kung saka-sakali. Ipapaubaya na lang nila ito kay Khastro upang hindi na sila magtagal pa.

Ilang sandali pa ay agad na nilang hinanap ang lagusan patungo sa underground base ng mga subtellon. Samantala, tahimik naman si Yngritte habang pinagmamasdan ang mga tao at nadir na nakatira sa Asteruins. Sa ngayon ay labis siyang nagtataka, dahil batid niyang mga bandido at mga kriminal ang nakatira dito.

 

“Bakit kaya walang nagtatangkang pagnakawan kami o kaya ay humarang sa’min? Hindi kaya alam nila na mapanganib ang mga kasama ko?” Sambit ni Yngritte derekta sa kaniyang isipan.

Minsan na kasing nakapunta dito sa Asteruins sina Yngritte upang hanapin ang isa sa kanilang target. At nung mga panahong yon ay halos lahat ng nakatira sa bayang ito ay sinugod sila dala na rin ng desperasyong makakuha ng pambili ng pagkain.

Ilang minuto pa ang lumipas ay huminto na sila. Agad napatingin si Yngritte kay Dal at kalaunan ay nagsalita.

 

“Nandito na ba tayo?” Tanong ni Yngritte.

“Sa totoo lang ay hindi ko alam. Hindi ko na kasi maalala kung saan kami lumabas nung magising kami sa lugar na ito.” Tugon ni Dal.

 

“Ganon ba? Pero bakit kaya tayo huminto?” Sambit muli ni Yngritte.

“Hindi ko rin alam. Ang mabuti pa ay bababa muna ako saglit at aalamin ko kung bakit.” Sambit muli ni Dal.

“Okay..” Sambit muli ni Yngritte.

Hindi na muli pang nagsalita si Dal at kalaunan ay bumaba na siya ng sasakyan. Sa pagkakataong ito ay nakita niyang naglalakad si Khastro, ngunit ilang sandali pa ay laking gulat niya matapos makita si Bul habang kasama si Eiel.

 

“Kamusta ka na, Khastro? *Whoa! At ikaw din Dal? *Hehehe.. Sambit ni Bul.

*Fufufu.. Mukhang walang nagbago sayo kahit pinagtangkaan kitang tapusin sa nakaraan.” Nakangiting pagkakasambit ni Khastro.

 

*Hehehe.. Sinadya ko naman gawin ang bagay na yon, kaya wala akong dapat ikagalit.” Sambit muli ni Bul.

 

“Bul..” Sambit ni Dal.

Narinig nina Vivi, Lala at Yngritte ang sinabi ni Dal, kaya naman dali-dali ng bumaba ang mga ito.

 

“Ang mabuti pa ay papasok na ako sa loob, hayaan ko ng sa loob ako makita ni Ursula.” Sambit ni Eiel.

Matapos magsalita ay naglakad na ito papasok. Sakto naman sa pagbaba ng tatlo ang pagpasok sa loob ng lagusan ni Eiel. Napaisip na lang sila matapos makarinig ng tunog ng isang sasakyan na tila mabilis na umaalis, ngunit wala naman silang makita sa kanilang paligid.

 

“Ano ang bagay na yon?” Tanong ni Yngritte.

 

“Si Tosara yon at mukhang nauna na siyang pumasok sa loob gamit ang isang sasakyan.” Tugon ni Dal.

Samantala, mabilis na tumakbo si Lala patungo kay Bul at ng makalapit ito ay mahigpit niya itong niyakap.

“Bul!! Sobrang na-miss talaga kita!” Masayang pagkakasambit ni Lala.

 

“Mukhang hindi ka pa rin talaga nagbabago, Lala.” Nakangiting pagkakasambit ni Bul.

 

“Ang mabuti pa ay sumakay na tayo sa sasakyan para makapasok na tayo sa loob.” Sambit ni Khastro.

 

“Mabuti pa nga.” Sambit muli ni Bul.

Matapos mag-usap ay mabilis ng bumalik sa sasakyan ang lahat at sa pagkakataong ito ay kasama na nila si Bul, dahil iniwan na siya ni Eiel. Labis namang napapaisip si Yngritte sa lugar kung saan sila pupunta, ngunit nababatid na niyang higit na mataas din ang mga teknolohiya dito katulad ng lumang bahay sa pinakadulo ng Noria.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula na silang umusad papasok sa isang malaking lagusan. Sa kanilang pagpasok ay agad nagsara ang lagusan at nakakapagtaka dahil walang makikitang kakaiba sa labas nito. Siguro ay dahil natatabunan ang lagusan ng makakapal na basura.

Samantala, hindi naman makapaniwala si Yngritte sa kaniyang nakikita sa gilid ng kanilang dinadaanan. Batid niyang luma at sira na ang mga ito, ngunit hindi pa rin niya maalis ang mamangha dahil na rin sa sobrang kakaiba nito at sa ngayon ay nagsisilbing liwanag.

 

“A..a..anong klaseng lugar ba ang pupuntahan na’tin?” Sambit ni Yngritte.

 

“Ang lugar kung saan kami ginawa.” Tugon ni Dal.

 

“Lugar kung saan kayo ginawa?” Tanong muli ni Yngritte.

 

“*Uhm!” Tugon muli ni Dal.

Hindi na muli pang nagsalita si Yngritte at muli na lang ibinalik ang kaniyang paningin sa gilid ng kanilang dinadaanan. Iniisip niya kung anong klaseng bagay ang kasalukyan ngayon nilang dinadaanan nung mga panahong nasa orihinal pa itong kalagayan.

Halos ilang minuto ang lumipas ng marating nila ang hangganan. Agad silang pumarada sa tabi ng isang sasakyan at kalaunan ay isa-isa ng bumaba.

“Mukhang hindi nagbago ang lugar na ito kahit hindi ko ito nakita ng higit isang libong taon.” Nakangiting pagkakasambit ni Khastro.

 

*Fufufu.. Wag mong maliitin ang mga creator na’tin.” Nakangiting pagkakasambit ni Bul.

Samantala, hindi makapagsalita si Yngritte dahil na rin sa labis na pagkamangha. Hindi kasi niya sukat akalain na may ganitong pasilidad sa lalim na hindi bababa sa dalawang kilometro.

 

“Totoo ba ang mga nakikita ko?! Papaaano naging posible na magkaroon ng ganitong pasilidad sa ganito kalalim na lugar? At bakit wala akong makitang bakas ng pagkaluma o sira? At saan nagmumula ang mga oxygen?” Sambit ni Yngritte derekta sa kaniyang isipan.

Sari-saring mga tanong ang naiisip ni Yngritte at ang tungkol sa mga ito ay bukod tanging mga kasama lang niya ang makakasagot.

 

“Yngritte?” Sambit ni Dal.

 

*Hue?! *Ahh.. Nandyan na ako.” Sambit ni Yngritte.

Nang makabalik na sa kaniyang sarili si Yngritte ay agad na siyang sumunod sa iba. Sa ngayon ay nasa likuran siya ni Ursula na tila hindi naman nagtataka sa lugar kung nasaan sila.

“Siguro kung nakakapagsalita lang itong si Ursula, natitiyak kong mas matalino pa ‘to kay Lala.” Sambit ni Yngritte derekta sa kaniyang isipan.

Halos may ilang minuto silang naglakad bago tuluyan narating ang isang kwarto. Agad silang pumasok sa loob nito at dito ay nakita na ni Yngritte si Fate.

 

“Totoo ngang nandito ka miss Fate.” Sambit ni Yngritte.

Subalit matapos niyang magsalita ay labis siyang nagulat matapos makita ang isang babaeng kasama nito.

 

“Li..li..Lisa Griswold?!” Gulat na pagkakasambit ni Yngritte.

 

*Huh?! Kilala mo ako?!” Gulat na pagkakasambit ni Lisa.

 

“Ba..ba..bakit ka din nandito?!” Gulat na pagkakasambit muli ni Yngritte.

 

*Ahh! Mahabang kwento! Bwisit kasi yung kapatid ko eh!” Tugon ni Lisa.

 

“Sorry ah! Ikaw naman kasi itong gustong sumali sa gulo na’min diba?” Sambit ni Eiel.

Agad napalingon si Yngritte sa lalaking nagsalita at nakita niya ito habang mahigpit na yakap ni Ursula. Hindi niya ito matukoy nung una, ngunit ilang sandali pa ay laking gulat niya matapos malaman kung sino ito.

 

“Eiel Griswold?! A..a..anong ginawa ng Griswold’s Legacy dito?! Teka, wag nyong sabihing pakay nyong tapusin ang Bul-Khatos Vidala ngayong kumpleto na sila?” Gulat na pagkakasambit muli ni Yngritte.

 

*Hmm.. Mukhang kilala tayo ni miss Yngritte, pero sorry kasi hindi na’min kilala ang iba pang mga sikat na bounty hunter.” Sambit muli ni Eiel.

 

“Ku..kung ganon ay naparito nga kayo para tapusin ang Bul-Khatos Vidala?” Gulat na pagkakasambit muli ni Yngritte.

Matapos niyang magsalita ay biglang natahimik ang lahat at kalaunan ay nagtinginan na labis naman niyang ipinagtaka.

 

“Hindi nyo ba sila kilala? Si Lisa at Eiel Griswold? Ang isa sa mga Bul-Khatos Vidala hunter! Wala silang paki-alam sa ibang mga kriminal! Lagi lang silang naka-focus sa paghahanap kay Bul-Khatos Vidala!” Sambit muli ni Yngritte.

Nanatiling tahimik ang lahat, ngunit ilang sandali pa ay hindi na napigilan ni Lala ang kaniyang sarili at malakas na itong tumawa.

*Fuwahahahaha! Sorry, pero nakakatawa! Siguro dati ay totoo ang mga sinasabi mo, pero imposibleng gawin ni Tosara ang bagay na yon ngayon!” Masayang pagkakasambit ni Lala.

“Tosara?!” Gulat na pagkakasambit ni Yngritte.

*Ahh! Ako nga pala si Tosaraphite version c-03. At yung mga sinasabi mo tungkol sa’min ay totoo, pero nung mga panahong yon ay hindi ko pa naalala kung sino talaga ako.” Sambit ni Eiel.

 

“I..i..ikaw si Tosara?” Gulat na pagkakasambit muli ni Yngritte.

 

“Sa maniwala ka man o sa hindi, siya nga si Tosara. Bakit ba ang kulit mo?” Sambit muli ni Lala.

Napatingin na lang si Yngritte kay Lala at kalaunan ay muling ibalik ang kaniyang tingin kay Eiel na patuloy pa ring yakap-yakap ni Ursula.

 

“Ang mabuti pa ay mamaya nyo na pag-usapan ang mga bagay na yan. Pag-usapan na na’tin ang tungkol kay Iratha.” Sambit ni Bul.

Biglang natahimik ang lahat at kalaunan ay naging seryoso na ang ekspresyon sa kanilang mga mukha.

 

“Sabihin mo nga Bul, kabilang ba si Iratha sa Celestial Project?” Tanong ni Khastro.

 

“Celestial Project?!” Tanong ni Yngritte derekta sa kaniyang isipan.

 

“Base sa mga nabawi na’ming files ni Tosara ay lumalabas na kami ni Iratha ang orihinal na kabilang sa Celestial project. Subalit may naging problema kay Iratha, kaya nagdisisyon ang mga lumikha sa’tin na likhain kayong lima bilang kapalit niya.” Sambit ni Bul.

Labis na ikinagulat nina Khastro, Vivi, Dal at Lala ang kanilang mga narinig.

“Kung ganon ay nilikha lang kami upang maging kapalit ni Iratha? Pero bakit gising siya ngayon?” Sambit ni Khastro.

“Yun din ang gusto kong malaman at kung sino o papaano siya nagising mula sa lugar na ito.” Sambit muli ni Bul.

*Tsk! Kung ganon, ano ba ang naging problem ni Iratha at naging dahilan ito upang kami ay likhain?” Sambit muli ni Khastro.

 

“Yun ay dahil walang makapigil kay Iratha. Walang kahit sino ang makapigil sa kaniya at halos ilang libong populasyon ng mga subtellon ang namatay nang dahil lang sa nakatakas siya sa pasilidad na ito. Siya ang pinaka-unang celestial na ginawa, pero base muli sa mga nabawi na’ming files ay halos sabay kaming nilikha ni Iratha.” Sambit muli ni Bul.

 

“Sa..sa..sandaling lang! Ano ba talaga ang celestial project na ito? Pwede bang sabihin nyo muna ito sa’kin, para naman maunawaan ko ang pinag-uusapan nyo.” Sambit ni Yngritte.

Sandaling natahimik ang lahat at ilang sandali pa ay muling nagsalita si Bul.

 

“Okay, makinig ka miss Yngritte. Ang celestial project ay ang mismong Bul-Khatos Vidala. Nilikha kami dahil naghahanda ang mga Subtellon para sa paparating na gyera sa pagitan nila at ng mga Nadirion.” Sambit muli ni Bul.

Sandaling natahimik si Yngritte at tila may malalim itong iniisip sa ngayon.

 

*Hmm.. Kung ganon ay nasagot na ang tanong ko sa kung bakit nyo kami kamukha, kahit na sinasabi nyong nilikha kayo ng mga subtellon nung mga panahong hindi pa nasasakop ng lahi ko ang plentang ito.” Sambit ni Yngritte.

 

“Tama ka at tulad ng sinabi mo ay nilikha kami nung mga panahong hindi pa nasasakop ng mga Nadirion ang plentang ito.” Sambit muli ni Bul.

 

“Pero bakit ginawa ng lahi ko ang bagay na yon? At kung sinakop lang na’min ang planetang ito, anong klaseng planeta ang dating planeta kung saan nakatira ang lahi na’min?” Sambit muli ni Yngritte.

“Sa totoo lang ang planeta nyo ang dahilan kung bakit kami nilikha at kung bakit sinakop ng lahi mo ang planetang ito.” Sambit muli ni Bul.

Pansin sa naging reaksyon ni Yngritte na nagulat siya, kaya naman dahil dito ay ipinagpatuloy na lang ni Bul ang kaniyang pagsasalita.

 

“Halos ilang libong taon na rin matapos malaman ng mga nadirion na ang kanilang planeta ay tatamaan ng isa pang planeta, dahil bigla itong nawala sa tamang orbit. Tinatayang may ilang taon na lang at tatama na ang kanilang planeta sa isa pang planeta. At dahil doon ay agad na silang nagplano upang sakupin ang pinakamalapit na planeta sa kanila at yon ang planetang ito.” Sambit muli ni Bul.

Chapter end.

Afterwords.

Sobrang pasenya na kung ngayon lang ulit nag UD ang GXB.. Medyo hindi kasi ako nakakapagsulat nitong mga nakaraang araw, kasi holy week.. Kabi-kabila din kasi ang mga pinuntahan ko at medyo malalayo ang mga yon.. Alam ko namang mauunawaan nyo ako, pero humihingi pa rin ako sa inyo ng pang-unawa lalo na ngayon na tatlong story na naman ang sinusulat ko ng sabay-sabay.. Damn! wahahaha!

Susunod.  

Chapter 22:  Nakaraan – Mahigit isang libong taon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top