Chapter 18: Tempest

November 24, CS344. Sa ngayon ay nasa loob ng isang lagusan sina Eiel na patungo sa kailaliman ng Asteruins. Labis na namamangha sina Lisa at Fate sa kanilang nakikita sa paligid. At kahit bakas ang kalumaan sa kanilang dinadaanan ay makikita pa rin na kakaiba ang teknolohiya na nandito at hanggang sa ngayon ay maayos pa ring gumagana.

 

“Anong klaseng lugar ba talaga ito at bakit sobrang haba naman yata ng daanang ito?” Tanong ni Lisa.

 

“Isa lang itong lagusan patungo sa underground base ng mga subtellon at ang hangganan ng lagusang ito ay patungo sa lugar kung saan kami nilikha.” Tugon ni Eiel.

Kahit batid na ni Fate ang lugar na ito ay hindi pa rin niya naiwasang magulat matapos marinig ang sinabi ni Eiel. Samantala, hindi na nagawa pang magsalita ni Lisa at napa-isip na lang sa lugar kung saan sila pupunta.

Ilang minuto pa ang lumipas ay narating na nila ang hangganan at dito ay hindi na nagawa pang magsalita nina Lisa at Fate matapos makita ang lugar kung na saan sila. Ilang sandali pa ay bumaba na sila sa kanilang sasakyan at matapos nito ay sabay-sabay na naglakad.

 

“Grabe ang lugar na ito! Sigurado ba kayong mahigit 1000 years na ang lugar na ito?” Sambit ni Lisa.

*Uhm! Sa totoo lang ay higit pa sa 1000 years ang lugar na ito at wag na kayong magtaka kung bakit buhay pa rin ang lugar na ito, dahil bulmium ang power supply na ginagamit ng base na ito. Gawa din sa mataas na uri ng elemento ang mga bakal na nagsisilbing outer part, kaya ganito pa rin ang estado nito hanggang sa ngayon.” Sambit ni Bul.

 

“Ta..talaga? Bulmium ang power source ng lugar na ito? Pero papaanong nangyari yon?” Gulat na pagkakasambit ni Lisa.

“Ang ilalim na parte nito ay maraming deposito ng Bulmium at dahil sobrang talino ng mga subtellon ay nakagawa sila ng paraan upang magamit nila ito bilang power source. At wag ka ng magulat kung bakit, dahil ako mismo ay nilikha nila at taglay ko ang elementong Bulmium sa aking katawan.” Sambit muli ni Bul.

 

*Hmmm.. Sabagay, tama ka don.” Sambit muli ni Lisa.

Matapos magsalita ay nagmasid-masid si Lisa sa lugar kung na saan sila at hindi niya talaga lubos maisip kung papaano gumagana ang mga teknolohiya dito kahit sobrang tagal na nitong hindi nabubuksan.

Ilang minuto rin silang nag ikot-ikot at sinusubukan nina Lisa at Fate na alamin kung papaano gamitin ang mga teknolohiya na nasa kanilang paligid.

 

“Ang mabuti pa ay dito muna kayo, may hahanapin lang kami ni Tosara.” Sambit ni Bul.

 

*Uhm! Pero okay lang bang galawin ang mga nandito?” Sambit ni Lisa.

 

“Sa tingin ko ay okay lang, pero wag na kayong umasang mauunawaan nyo ang system ng base na ito, dahil lengwahe ng mga subtellon ang mga ito.” Sambit muli ni Bul.

 

*Ahh! Pero titingnan ko na rin baka may matuklasan ako dito.” Sambit muli ni Lisa.

 

“Sige, dito lang kayo at pupunta lang kami sa may ibaba.” Sambit muli ni Bul.

 

“Okay.” Tugon nina Lisa at Fate.

Mapunta naman tayo sa bayan kung na saan ngayon sina Khastro, ang bayan ng Aruan. Binabalak nilang magtungo ngayon sa Noria upang dito ay kumuha ng mga minerals at iba pang mamahaling gamot na dito lang nila matatagpuan.

 

“As I expeted. Wala na tayong makikitang mga bandido o mga kriminal dito.” Sambit ni Lala.

“Pero ang balita ko ay maraming kakaibang hayop dito sa gubat, malaking halaga siguro kung huhuli tayo ng ilan sa mga ito.” Sambit ni Dal.

 

“Talaga? Pero wala akong interes sa mga hayop.” Sambit ni Vivi.

 

*Fufufu.. Narinig nyo naman siguro yung sinabi sa’tin nung may ari ng bar? Nag lagi sa loob ng Noria si Tosara at ang sinasabing kasama nito, si Bul. Gusto kong alamin at hanapin ang lugar kung saan sila pansamantalang tumuloy, bago tayo tuluyang pumunta sa Asteruins.” Sambit ni Khastro.

 

“Papaano ka naman nakakasiguro na may tinutuluyan sila dyan sa loob ng gubat? Papaano kung sa kung saan-saan lang sila natutulog?” Sambit muli ni Vivi.

 

“Oo nga! At ang alam ko ay walang paki-alam si Tosara sa lugar kung na saan siya.” Sambit ni Lala.

 

“Sang-ayon ako sa kanilang dalawa.” Sambit ni Dal.

 

*Fufufu.. Pero nung nakaraang tatlong daang taon, hindi ba’t nagpaalam sina Bul at Tosara na may pupuntahan sila? Papaano kung ang gubat palang ito ang lugar na yon at dito ay may itinayo silang isang base?” Sambit muli ni Khastro.

 

“Naalala ko ang tungkol sa bagay na yan. *Hmm.. Posibleng tama ka nga, dahil magandang lugar ang gubat na ito dahil hindi ito mapapasok basta-basta ng mga nadirion at mas lalo na ang mga tao.” Sambit ni Dal.

 

“Naalala ko din ang tungkol sa bagay na yan, almost 1 year din silang nawala non diba?” Sambit ni Lala.

 

“Tama at malakas ang kutob kong may itinago sila sa gubat na ito.” Sambit muli ni Khastro.

 

“Kung ganon ay alamin na na’tin kung tama ba ang mga iniisip mo, Khastro.” Sambit muli ni Vivi.

Samantala, nasa parehong bayan na rin sina Iratha at ang kaniyang mga kasama. Nakakuha na rin sila ng impormasyon tungkol kina Khastro at sa ngayon ay hinahabol na nila ang mga ito.

“Tim! Handa ka na bang mag hunt?” Nakangiting pagkakasambit ni Iratha.

 

*Fufufu.. 44 billion gold! Ilang sandali na lang at amin ka na!” Nakangiting pagkakasambit ni Timothy.

Ilang minuto pa ang lumipas ay biglang napahinto sa kanilang paglalakad sina Khastro, may isang grupo kasi ang naramdaman nilang mabilis na papalapit sa kanila.

 

“Mukhang mapapalaban tayo bago tuluyang makapasok sa loob ng gubat.” Nakangiting pagkakasambit ni Khastro.

 

“Yehey! Sana mag-enjoy ako sa kanila.” Masayang pagkakasambit ni Lala.

 

“Bul-Khatos Vidala?” Nakangiting pagkakasambit ni Timothy.

Napangiti na lang sina Khastro matapos marinig ang sinabi ni Timothy sa kanila.

 

“Tim, medyo naaawa ako sa kanila. Sila ba talaga ang Bul-Khatos Vidala?” Tanong ni Charls.

*** Charls Canniyon. 25 years old at kabilang siya sa Tempest na isa sa pinaka-sikat na bounty hunter sa buong planetang lore. Malakas at maraming karanasan si Charls pag dating sa pakikipaglaban. Gamit ang kaniyang malaking kanyon ay walang awa niyang inuubos ang kanilang mga target sa isang pag-atake lang at tila isang ripple lang para sa kaniya ang paghawak dito. Patunay lang na ang kaniyang lakas ay natatangi.

Matipuno ang pangangatawan ni Charls, nasa 5’8” ang kaniyang taas, medyo kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat at kahel na medyo may kahabaan ang kaniyang buhok. ***

 

“Hello mga kuya? Sana naman malakas kayo. *Hehehe.. Masayang pagkakasambit ni Lala.

“Narinig mo ang sinabi ng batang ‘yon, Charls?” Nakangiting pagkakasambit ni Timothy.

 

*** Timothy Severar. 25 years old at siya ang pinuno ng Tempest. Sa angkin niyang talino at pagtitiwala sa kaniyang mga kaibigan ay nagagawa nilang matalo sa mabilis na paraan ang kanilang mga kalaban. Gamit ang kaniyang hand gun at isang patalim ay mabilis niyang tinatapos ang kanilang mga target at dahil dito ay binansagan siyang “Tempest”. Ito na rin ang ginamit nilang pangalan para sa kanilang grupo.

Slim ang pangangatawan ni Timothy, nasa 5’6” ang kaniyang taas, medyo kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat at puti na nasa tamang haba ang kaniyang buhok. ***

“Mag-iingat kayo, hindi sila mga basta kriminal lang.” Sambit ni Yngritte.

*** Yngritte Falsenova. 24 years old at siya ang huling kasapi ng Tempest. Maganda, matalino at malakas ngunit sa likod nito ay sobrang tahimik siya at hindi pala kibo sa oras na wala silang misyon o trabaho. Gamit ang kaniyang natatanging sandata, isang pares ng steel gauntlet ay walang awa niyang ginugulpi ang kaniyang mga kalaban hanggang sa mamatay ito. At ang nakakapagtaka, sa taglay niyang ganda ay walang nagkakagusto sa kaniya at ang bagay na ito ay hindi niya maunawaan kung bakit.

Slim ang pangangatawan nitong si Yngritte, nasa 5’4 ang kaniyang taas, maputi at makinis ang kaniyang balat, maganda din ang mahabang niyang gray na buhok at medyo malaki ang kaniyang pyutsur. (if you know what I mean! :3) ***

“Okay po!” Nakangiting pagkakasambit ni Charls.

Matapos magsalita ay agad inilabas ni Charls ang kaniyang malaking kanyon at mabilis na itinutok kina Khastro. Sa mga sandaling ito ay umatras si Iratha ng ilang mga hakbang at tila gusto lang niyang manood. Ilang sandali pa agad ng pinaputukan ni Charls sina Khastro at derekta itong tumama sa kanila.

“Boooom! I love you, baby!” Masayang pagkakasambit ni Charls.

Matapos magsalita ay hinalikan ni Charls ang kaniyang kanyon, ngunit ilang sandali pa ay mabilis naglaho ang makapal na usok at apoy sa lugar kung saan tumama ang pag-atake niya. Nakita nila ang kulay berdeng usok sa paligid ng apat at tila inaasahan naman nila ang ganito dahil hindi sila nagulat.

 

*Whistle! Mukhang sila na nga ang hinahanap na’tin.” Sambit ni Charls.

 

*Hehehe! Gusto ko ang ginagawa mo kuya!” Nakangiting pagkakasambit ni Lala.

Habang nagsasalita ay mabilis itinutok ni Lala ang isa sa kaniyang mga baril at kalaunan ay nagpaputok. Mabilis naman itong naiwasan ni Charls at medyo ikinagulat ito ni Lala.

 

“Whoa! Mukhang maganda ito.” Masayang pagkakasambit ni Lala.

Napangiti na lang sina Charls at Timothy matapos marinig ang sinabi ni Lala, ngunit ilang sandali pa ay nagulat sila matapos makita sa kanilang harapan ang isa sa mga kasamahan nito, si Dal.

Mabilis napatalon ang grupo at kalaunan ay agad ng inihanda ang kanilang sarili sa pakikipaglaban. Samantala, muli ay biglang nawala si Dal sa harapan nina Timothy, agad naman nila itong hinanap ngunit ilang sandali pa ay mabilis silang napalingon sa kanilang likuran matapos maramdaman ang isang aura.

“Shit!” Sambit ni Charls derekta sa kaniyang isipan.

Nagawang hawakan ni Dal ang kanang braso ni Charls, ngunit mabilis siyang tumilapon matapos atakehin ng isa sa mga kasaman nito, si Yngritte.

 

“Maraming salamat, Yngritte.” Sambit ni Charls.

 

“Walang anuman, pero mag-iingat kayo sa susunod.” Tugon ni Yngritte.

Ngunit ilang sandali pa ay may napansin si Charls sa kaniyang kanang braso at sobrang sakit nito. Sa ngayon ay unti-unti ng nagyeyelo ang buong kanang braso niya at labis niya itong ikinagulat.

 

“Anong nangyayari?!” Sigaw ni Charls.

Hindi na nagsalita pa si Yngritte at gamit ang kaniyang maliit na ispada ay mabilis niyang pinutol ang kanang braso ni Charls.

 

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!” Sigaw ni Charls.

Agad napahawak si Charls sa naputol niyang braso at hindi maipinta sa kaniyang mukha ang sakit na nararamdaman nito sa ngayon.

 

“Magaling. Hindi ko inaasahan na puputulin mo agad ang braso ng kaibigan mo ng walang pag-aalinlangan.” Sambit ni Dal.

Habang nagsasalita ay mabagal na bumabangon si Dal at kalaunan ay nag-inat ng katawan.

 

“Mas mahalaga ang buhay ng kaibigan ko kumpara sa kaniyang braso.” Sambit ni Yngritte.

Agad namang napalingon si Charls kay Yngritte, dahil hindi niya alam kung bakit ito ginawa sa kaniya.

 

“Ano ang pangalan mo, miss? Mukhang gusto na kita.” Nakangiting pagkakasambit ni Dal.

Tila nagulat si Yngritte sa kaniyang mga narinig at sa ngayon ay sandaling natahimik.

 

“Yngritte Falsenova. Pe..pero pasensya na, hindi ko type ang mga kriminal.” Sambit muli ni Yngritte.

 

*Hehehe.. Mas mukhang nahuhulog na ako sayo sa mga sinabi mong yan.” Sambit muli ni Dal.

Napayuko na lang si Yngritte sa ngayon at labis itong ipinagtataka ng kaniyang mga kaibigan.

 

“Oy Dal! Hindi tayo naparito para makipag-relasyon ka sa isa sa mga kalaban na’tin.” Sambit ni Vivi.

“Hindi ko kailangan ng opinyon mo Vivi, kaya wag na wag mong papaki-alaman ang mga interes ko.” Sambit muli ni Dal.

Napa-iling na lang si Vivi, dahil batid niyang magagalit si Dal sa kaniya sa oras na saktan o patayin ang babae na isa sa kanilang kalaban ngayon.

“Bahala ka na nga, pero wag mo kaming sisisihin sa oras ma may mangyaring masama sayo.” Sambit muli ni Vivi.

Mabilis naman nilapatan ni Timothy ng paunang lunas si Charls at nagawa naman niyang mapahinto ang pagdurugo ng sugat nito. Ilang sandali pa ay hinanap ni Charls ang naputol niyang kamay, ngunit laking gulat niya matapos makitang nagyelo na ito ng tuluyan at pati na rin ang lugar kung na saan ito ngayon.

 

“*Gulp! Ngayon alam ko na kung bakit pinutol agad ni Yngritte ang braso ko. Dahil kundi ay agad akong magyeyelo at mamamatay.” Sambit ni Charls derekta sa kaniyang isipan.

 

“Sabihin mo, papaano mo nagagamit ang Dallium ng hindi ka naapektuhan nito?” Sambit ni Yngritte.

*Fufufu.. Sa mga sinasabi mo ay mas lalo kitang nagugustuhan. Bukod sa pagiging matalino at malakas ay napakaganda mo pa. Tama ka, Dalluim nga ang dahilan kung bakit biglang nagyelo ang braso ng kaibigan mo at kundi yon naputol ay katapusan na niya.” Tugon ni Dal.

*** Note: Ang “Dallium” ay isang uri ng bakal na bukod tangi lang na makikita sa planetang Lore. Sobrang mapanganib ang elementong ito dahil sa taglay nitong abilidad. Sobrang lamig kasi ng bakal na ito at ang anumang bagay ang dumikit dito ay mabilis na nagiging yelo. At ito ang dahilan kung bakit nagagawa ng elementong ito na hawakan ang iba pang mapapanganib na elemento tulad ng Bulmium, Tosarapite, Vividium, Lalaxide at iba pa. ***

 

“Hindi mo naman sinagot ang tanong ko sayo.” Medyo inis na pagkakasambit ni Yngritte.

 

*Hahaha! Sorry, by the way ako nga pala si Dal at Dallium ang taglay kong kapangyarihan. Malaya kong nakokontrol ang Dallium na nakapaloob sa katawan ko, kaya simple lang para sa’kin na paslangin ang mga kasama mo.” Tugon muli ni Dal.

Nagulat sina Yngritte, Timothy at Charls sa kanilang narinig at kalaunan ay napalingon kay Iratha na kasalukuyan lang nanonood hindi kalayuan sa kanila.

“Imposible! Walang tao o nadir na may kakayahang hawakan ng matagal ang Dallium kahit sobrang liit lang nito!” Sambit ni Yngritte.

 

*Fufufu.. Patunay lang yan na hindi kami mga tao o nadir.” Nakangiting pagkakasambit ni Dal.

 

“Dal! Ang akala ko pa naman mag-eenjoy akong labanan sila, pero bakit parang ikaw ‘tong masaya ngayon?” Dismayadong pagkakasambit ni Lala.

 

“Pabayaan mo na si Dal, Lala. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya.” Sambit ni Vivi.

 

“Tama si Vivi, pabayaan mo na lang si Dal sa gusto niyang gawin.” Sambit ni Khastro.

 

*Hmmmp! Ang mabuti pa siguro ay pumasok na tayo sa loob ng gubat!” Inis na pagkakasambit ni Lala.

 

“Mabuti pa nga! Susunod na lang kami don sa oras na matapos na ako dito.” Sambit ni Dal.

 

“Susunod kayo? Wag mong sabihing isasama mo ang babaeng yan?” Sambit muli ni Lala.

 

*Fufufu.. Ganon na nga.” Tugon ni Dal.

Napa-iling na lang si Lala at kalaunan ay muling nagsalita.

“Bahala ka, pero wag mo kaming sisisihin sa oras na mamatay siya sa taglay na’ming mga elemento.” Sambit muli ni Lala.

Matapos magsalita ay pumasok na sa loob ng gubat sina Khastro at naiwan si Dal upang harapin ang mga bounty hunters.

 

“Papaano? Handa ka bang sumama sa’kin, miss Yngritte?” Nakangiting pagkakasambit ni Dal.

Hindi naman mawari nina Timothy at Charls ang nangyayari ngayon kay Yngritte, dahil sa nakikita nilang reaksyon sa mukha nito. Magmula kasi ng magsalita si Dal ay hindi na naalis ang pamumula ng mukha nito.

 

“As if na sasama ako sayo!” Medyo inis na pagkakasambit ni Yngritte.

Samantala, mabalik tayo sa Asteruins. Sa ngayon ay nakabalik na sina Eiel at Bul sa itaas kung na saan sina Lisa.

 

“Nakita nyo ba yung hinahanap nyo?” Tanong ni Lisa.

 

“Hindi pa, pero nagbalik kami dito matapos kong makita ang kasalukuyan ngayong nangyayari sa labas ng Noria.” Tugon ni Bul.

Agad nagkatinginan sina Lisa at Fate, samantalang mabilis naman nagtungo sa harapan ng isang malaking monitor si Bul. May sandali siyang inayos dito at ilang sandali pa ay bigla ng nagbukas ang malaking monitor at kasalukuyang pinalalabas dito ang nangyayaring paglalaban sa pagitan ni Dal at ng Tempest.

 

“Sandali lang, kilala ko ang mga bounty hunters na yan.” Sambit ni Fate.

 

“Talaga?” Tanong ni Lisa.

 

*Uhm! Minsan ko na silang nakalaban, sila ang Tempest. Binubuo sila ng tatlong nadirion, sina: Yngritte Falsenova, Timothy Severar at Charls Canniyon.” Sambit muli ni Fate.

 

“Sila ang Tempest? Ang isa sa mga sikat na Bounty hunters?” Sambit muli ni Lisa.

 

“Ganon na nga.” Tugon muli ni Fate.

“Bakit hindi mo alam ang tungkol dito, Tosara? Hindi ba’t isa kayong sikat na bounty hunters?” Tanong ni Bul.

 

*Ahh! Wala naman kasi kaming paki-alam ni Lisa sa ibang mga bounty hunters. Ang mahalaga lang sa’min ay mahanap si Bul-Khatos Vidala na imposible pala na’ming makita kasi kabilang ako don. Pero alam na’min yung grupo ng Tempest, hindi nga lang na’min alam kung sino ang mga myembro nito.” Tugon ni Eiel.

 

*Ahh.. Kaya pala hindi mo sila kilala nung unang beses mo silang nakita.” Sambit muli ni Bul.

 

“Ganon na nga, pero hindi na ako nagtataka kung bakit kilala sila ni Fate. Tyak ko na nakalaban mo na din sila dati, tama ba?” Sambit muli ni Eiel.

“Kasasabi ko lang diba? *Tsk! Oo tama ka, nakalaban ko na sila at masasabi kong malakas silang tulad ko. Malalakas din ang taglay nilang mga sandata at kahit hindi sila marunong mag-accel walk ay mabibilis sila. Malakas din ang kanilang pakiramdam at reflexes.” Sambit muli ni Fate.

 

“Hindi ka naman galit nyan?” Medyo awkward na pagkakasambit ni Eiel.

Mabalik tayo kina Khastro. Sa ngayon ay pumasok na sila sa loob ng Noria at tila ang mga hayop at mga insekto na ang kusang umiiwas sa kanila. Masayang naglalakad si Lala habang inaamoy-amoy ang early mourning na hawak niya sa ngayon.

 

“Bitiwan mo nga ang halamang yan.” Inis na pagkakasambit ni Vivi.

 

“Bakit naman? Ang bango kaya ng halamang ito!” Sambit ni Lala.

 

“Pero nakakalason ang amoy ng bulaklak na yan.” Dismayadong pagkakasambit ni Vivi.

 

“Alam ko.” Sambit muli ni Lala.

Napa-iling na lang si Vivi at hindi na muli pang nagsalita habang patuloy sa kaniyang pag-amoy si Lala sa halamang hawak niya. Tahimik lang namang nagmamasid si Khastro at naghahanap ng mga palatandaan na posibleng ginawa nina Eiel at Bul sa nakaraan.

Halos may isang oras na din silang nasa gubat at sa ngayon ay hindi pa rin nakakabalik si Dal sa kanila.

 

*Hmm.. Bakit kaya ang tagal ni Dal?” Tanong ni Lala.

“Siguro kasama na niya ngayon yung babaeng yon at dinala muna niya sa isang lugar upang makuha niya ang loob nito.” Dismayadong pagkakasambit ni Vivi.

*Hahaha! Oo nga no! Pero halos may isang oras na din tayong naglalakad dito at medyo nabo-bored na ako.” Sambit muli ni Lala.

 

“Sinasabi ko na nga ba eh, dapat pala nagpaiwan ka na lang kay Dal.” Dismayadong pagkakasambit muli ni Vivi.

“Mas lalo akong magiging bored don, dahil hindi naman ako hahayaan ni Dal na makialam sa kaniya.” Sambit muli ni Lala.

 

“Yun naman pala eh, kaya kung pwede lang ay manahimik ka na lang? Pwede?” Sambit muli ni Vivi.

 

“*Hmmmp!” Inis na pagkakasambit ni Lala.

 

“Sandali lang.” Sambit ni Khastro.

Agad napatingin ang dalawa kay Khastro matapos nila itong marinig.

 

“Bakit Khastro?” Tanong ni Lala.

 

“Mukhang may nangyaring labanan dito.” Sambit ni Khastro.

Agad napalingon sa kanilang paligid sina Vivi at nakumpirma ang mga sinabi ni Khastro.

 

“Tama ka nga at mukhang hindi isang normal na paglalaban ang naganap dito.” Sambit ni Vivi.

 

*Fufufu.. Mukhang malapit na tayo.” Nakangiting pagkakasambit ni Khastro.

Ilang minuto pa silang naglakad at dito ay nakaharap nila ang mga Solar Ursa.

 

“Whoa! Ang ku-cute nila! Parang gusto ko silang gawing pet!” Masayang pagkakasambit ni Lala.

 

“Mukhang sila ang pinakamalakas na nilalang na makikita dito sa kagubatan.” Sambit ni Vivi.

“Mukhang ganon na nga, pero tingnan mo sila. Alam nilang hindi nila tayo kaya labanan. *Fufufu.. Nakangiting pagkakasambit ni Khastro.

 

“That’s why I want them! Gusto kong isama ang isa sa kanila.” Masayang pagkakasambit muli ni Lala.

 

“Imposible ang sinasabi mong yan, Lala. Malamang mamatay lang din ang mga yan sa oras na isama na’tin, dahil sobrang pabaya ka!” Dismayadong pagkakasambit ni Vivi.

Hindi na muli pang nagsalita si Lala at masama na lang niyang tinitigan si Vivi.

 

“Tayo na, nakikita ko na ang lugar kung saan pansamantalang tumuloy si Tosara.” Sambit ni Khastro.

Matapos magsalita ay naglakad na si Khastro patungo sa lugar kung na saan ang lumang bahay. Agad naman siyang sinundan ni Vivi, ngunit sandaling napatitig si Lala sa mga Solar Ursa.

 

*Huhuhu.. Pangako, magsasama ako ng isa sa inyo at aalagaan ko kayo ng mabuti.” Malungkot na pagkakasambit ni Lala.

Ilang sandali pa ay sumunod na din si Lala sa dalawa, ngunit may isang Solar Ursa ang humarang sa kanila at tila naghahamon ito ng isang laban.

 

*Fufufu.. Mukhang matapang ang isang ito.” Nakangiting pagkakasambit ni Khastro.

 

“Sa tingin ko siya ang pinuno ng mga osong ito at mukhang malakas din siya.” Sambit ni Vivi.

 

“Ayoko sa isang yan! Hindi siya cute tulad ng iba.” Medyo dismayadong pagkakasambit ni Lala.

 

“Ano na ang gagawin na’tin Khastro? Papatayin ba na’tin ang isang yan?” Tanong ni Vivi.

*Hmm.. Mukhang gusto lang ng isang itong subukan ang lakas na’tin, kaya naman pagbibigyan ko siya.” Sambit ni Khastro.

Ilang sandali pa ay mabilis ng sumugod si Khastro sa Solar Ursa. Bibigyan lang niya ito ng isang malakas na pag-atake, upang hindi na sila magsayang pa ng oras. Ngunit ng tuluyang makalapit at maka-atake ay labis na nagulat si Khastro, dahil tumagos lang siya sa napakalaking oso. Mabilis siyang napalingon dito at laking gulat matapos makita ang mabilis nitong pagkilos at papasugod na ito kina Vivi. Hindi naman inaasahan nina Vivi ang pangyayaring ito at dahil dito ay hindi na nila nagawa pang dumipensa.

Mabilis at malakas na inatake ni Ursula sina Lala at Vivi na nagresulta upang tumalsik ang mga ito ng malayo at malakas na tumama sa ilang mga puno. At sa sobrang lakas ng pag-atake ni Ursula ay nagawa niyang mapinsalaan sina Lala at Vivi na sa ngayon ay sabay ng bumabangon ng marahan.

 

*Fufufu.. Mukhang mag-e-enjoy ako sa isang yan.” Nakangiting pagkakasambit ni Lala.

 

“Sa’kin ang ulo ng osong yan.” Nakangiting pagkakasambit ni Vivi.

Sabay-sabay namang nag-ungulan ang mga Solar Ursa, ngunit wala kahit isa sa mga ito ang gustong sumali sa magaganap na paglalaban.

Ilang sandali pa ay mabilis na sumugod sina Lala at Vivi. Halos hindi masundan ng mga mata ang kanilang ginagawang bilis, ngunit laking gulat nila matapos masalag ni Ursula ang ginagawa nilang pag-atake at kasabay nito ay ang pag-atake din nito sa kanila.

Sa ngayon ay masayang nanonood si Khastro sa nanaganap na paglalaban at batid na niya ngayon kung bakit sobrang lakas ng Solar Ursa na nakaharap nila.

“Mukhang maraming beses nakipaglaban ang isang ito kay Tosara at dahil don ay natuto itong mag-accel walk. Natitiyak kong mas lalong lumalakas ang mga nilalang na ito sa oras na nakakalaban sila ng mga malalakas na nilalang at dahil don ay sila na nga ang tunay na nangingibabaw sa gubat na ito.” Sambit ni Khastro derekta sa kaniyang isipan.

Samantala, mabalik tayo. Tila nababasa ni Ursula ang mga galaw nina Lala at Vivi, dahil walang hirap niya itong naiiwasan at nasasalag. At kapag nakahanap ng pagkakataon ay nagagawa niyang umatake na derektang tinatanggap ng dalawa. Sa ngayon ay marami ng pinsala sa kanilang katawan sina Vivi at Lala at nakakaramdam na rin sila ng pagod. May ilang minuto na rin kasi silang nakikipaglaban kay Ursula at ang labis nilang ipinagtataka ay nagagawa nitong mahawi ang mga elementong pinapakawalan nila.

 

“Anong klaseng oso ba yan?! Bakit sobrang lakas naman niya at sobrang bilis! Pati ang mga kapangyarihan na’tin ay parang balewala lang sa kaniya.” Inis na pagkakasambit ni Lala.

 

“Hindi ko rin alam, pero sa tingin ko ay alam na ni Khastro ang dahilan kung bakit kakaiba ang isang ito sa iba pa niyang kauri.” Tugon ni Vivi.

 

“Hoy Khastro! Bakit ganito ang osong ito! Bakit nagagawa niyang masangga yung mga pag-atake na’min ng walang hirap!” Sigaw ni Lala.

*Hahaha! Sorry, pero nag-e-enjoy akong panoorin kayong makipaglaban. Sa tingin ko ay imposible nyong matalo ang isang yan, dahil maraming beses na niyang nakalaban si Tosara. At base sa obserbasyon ko ay mabilis mag-adapt ang mga nilalang na yan at mas lalo silang lumalakas o sabihin na na’tin mabilis silang matuto sa mga nakakalaban nila at dahil don ay mas lalo silang lumalakas at gumagaling sa pakikipaglaban. Hindi nyo ba napansin na marunong siyang mag-accel walk? Patunay lang ito na tama ang mga sinabi ko.” Sambit ni Khastro.

Sandaling natigilan sina Vivi at Lala matapos marinig ang mga sinabi ni Khastro. Muli ay napalingon sila sa oso at ngayon lang nila napansin na hindi na sila sinusugod nito. Sa ngayon ay iniisip nilang sinadya ng oso na sugurin sila kanina at malakas na atakehin upang makuha nito ang kanilang atensyon na nagawa naman nito ngayon.

 

“Nauunawaan nyo na ba? Sa ngayon ay hinihintay lang niya na sumugod kayo, dahil gusto pa niyang makipaglaban. Pero sa oras na magsawa na siya, natitiyak kong tatapusin niya kayong dalawa sa paraang hindi nyo inaasahan.” Sambit muli ni Khastro.

Batid nina Lala at Vivi na hindi sila pisikal na magaling sa pakikipaglaban, hindi tulad nina Bul, Khastro, Tosara at Dal. At kung tama ang mga sinabi ni Khastro na natuto ang osong kalaban nila sa pakikipaglaban nito kay Tosara. Imposible na ngang matalo nila ito sa paraang alam nila, dahil walang sinuman sa kanilang dalawa ang nagawang makalapit o derektang makatama kay Tosara nung mga panahong sinasanay sila nito.

 

“Hoy Khastro! Ano na ang gagawin na’min! Parang si Tosara na pala itong kalaban na’min, pero mabuti na lang at wala siyang taglay na Tosarapite!” Sigaw ni Lala.

*Hahaha! Ako na ang bahala sa isang yan, pero hindi ko maipapangako na matatalo ko siya.” Nakangiting pagkakasambit ni Khastro.

Ilang sandali pa ay mabilis tumalon patungo sina Lala at Vivi kay Khastro at sa mga sandaling ito ay napansin nilang mukhang masaya ang oso.

 

“Ano ba ang problema ng osong yan?!” Inis na pagkakasambit ni Lala.

 

“Mukhang gusto niya talagang lumakas at nabigo siya sa inyong dalawa.” Nakangiting pagkakasambit ni Khastro.

 

“*Hmmmp!” Inis na pagkakasambit muli ni Lala.

Mabilis na naglakad papalapit si Khastro kay Ursula at napansin nila na masaya ito.

“Mukhang gusto mo talaga akong makalaban tama ba? Pero hindi ako magbibigay ng partida kaya humanda ka na.” Nakangiting pagkakasambit ni Khatro.

Chapter end.

Afterwords.

Hello? Sorry kung may pagbabago sa title nito.. Sa totoo lang ay kagabi ko lang napalitan yung title nito, hindi ko kasi napansin na sobrang layo pala nung title sa chapter na ito, kaya binago ko.. Hindi ko pala na kuha yung goal ko nung sinusulat ko yung chapter na ito, which is "Sa loob ng sinaunang sibilisasyon".. Any sana po ay mapatawad nyo ako.. huehuehue.. selemet.. :3 

Susunod.

Chapter 19: Irathanium version c-00.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top