Chapter 17: Asteruins
November 17, CS344. Sa ngayon ay nasa bayan na ng Aruan sina Lisa, ngunit sa mga sandaling ito ay tila takot na takot ang mga tao at nadir sa kanila, kahit batid ng mga ito na sila ang naglitas sa kanilang bayan mula sa Drago Gang. Inaasahan naman nila na mangyayari ang ganito, dahil sa kanilang kasama. Isang malaking oso na naglalakad ng parang isang tao/nadir, isang Solar Ursa, si Kuro. Isinama nila kasi ito dahil na rin sa posibilidad na ito ay mamatay sa gubat. Inaaway lang kasi siya ng kaniyang mga kauri, kaya nagpasya na si Andalus na isama ito at patuluyin sa kaniyang bahay sa Rugid. Ikinagulat nina Eiel ang disisyon ni Andalus, ngunit hindi nila maaaring isama si Kuro sa kanilang gagawing paglalabay dahil na rin sa laki nito, kaya wala na silang pagpipilian pa kundi ang sang-ayunan ang sinabi ni Andalus.
Ilang minuto pa ang lumipas ay narating na nina Lisa ang bar. Agad silang pumasok sa loob nito samantalang nagpaiwan na lang si Andalus sa labas upang bantayan si Kuro.
Sa loob ng bar ay masaya silang binati ng may-ari.
“Whoa! Kung ganon ay nagkita na rin pala kayo!” Sambit ng may ari.
“Opo. At kaya lang po kami naparito ay para mag-iwan sana ng isang mensahe para sa mga hahanap sa’min.” Sambit ni Lisa.
“Isang mensahe? Kung ganon ay walang problema, pero para kanino naman ang mensahe na iiwan nyo?” Sambit muli ng may ari.
“Para po kay Khastro at sa mga kasamahan niya. Mga ilang araw pa po siguro ay pupunta na sila dito, kaya natitiyak kong magpupunta sila sa bar nyo para magtanong.” Sambit muli ni Lisa.
“Kung ganon ay walang problema. Ako na ang bahalang mag-abot sa kanila ng mensahe nyo.” Sambit muli ng may ari.
Napangiti na lang sina Lisa at kalaunan ay inabot dito ang isang silyadong sobre na naglalaman ng isang liham.
“Umaasa po akong makakarating ang mensahe na’min sa kanila.” Sambit muli ni Lisa.
“Wag kang mag-alala, Lisa. Sa oras na malaman ko kung sino sila ay agad kong ibibigay sa kanila ang sulat nyong ito.” Tugon ng may ari.
“Maraming salamat po.” Sambit muli ni Lisa.
Ilang sandali pa ay lumabas na sila ng bar at kalaunan ay umalis na rin sa bayan gamit ang dalawang sasakyan. Sa ngayon ay patungo na sila sa bayan ng Rugid upang dito ay ihatid si Andalus.
Ilang oras pa ang lumipas ay narating na nila ang naturang bayan at laking gulat nina Lisa matapos makita ang malaking pagbabago dito. Kahit si Andalus ay medyo nagulat ngunit batid na niya ang nangyariring pagbabago sa kanilang bayan. Siguro dahil may ilang araw din siyang nawala at may nakita pa siyang mas malaking pagbabago, bago siya tuluyang umalis para samahan sina Lisa sa Noria.
Kapansin-pansin ang buhay na kalakaran sa bayan at ang mga tao at nadir dito ay magigiliw na at ang mga nagsaradong tindahan ay kasalukuyan ng nagbukas. Agad naman silang napansin ng mga tao at nadir at sa puntong ito ay masaya silang binati ng mga residente. Ang iba ay binalak pang lumapit ngunit natigilan sila matapos makita ang malaking nilalang na kasama nina Lisa sa gamit nitong sasakyan.
Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan na nilang narating ang bahay ni Andalus. Masaya siyang sinalubong ng kaniyang mga anak at tulad ng iba ay natakot ang mga ito matapos makita ang malaking oso sa likuran ng kanilang ama.
“Ha..ha..halimaw!!” Sigaw ng nakababatang anak ni Andalus.
“Wag kang matakot sa kaniya, Mimhie. Kaibigan na’min siya.” Sambit ni Andalus.
Sandaling natahimik ang magkapatid matapos marinig ang sinabi ng kanilang ama at napatingin sa malaking oso.
“Sigurado po kayo?” Sambit muli ni Mimhie.
“Ang mabuti pa ay lapitan mo na siya.” Nakangiting pagkakasambit ni Lisa.
Agad napalingon ang magkapatid kay Lisa at dito ay mabilis siyang niyakap ng nakatatandang anak ni Andalus, si Orlene.
“Lisa!” Masayang pagkakasambit ni Orlene.
“Mukhang mabuti na ang kalagayan mo.” Sambit ni Lisa.
“*Uhm! At utang na’min sa inyo ni Fate ang lahat.” Sambit muli ni Orlene.
Napangiti na lang sina Eiel matapos makita ang senariong ito. Samantala, mabagal namang nilapitan ni Mimhie si Kuro at kalaunan ay sinubukan itong hawakan.
“Mag-iingat ka sa kaniya, paburito niyang kainin ay isang tao.” Nakangiting pagkakasambit ni Bul.
Agad napaatras si Mimhie at kalaunan ay napatago sa likod ng kaniyang ama.
“Miss Bul, pwede bang wag mong takutin ang anak ko?” Sambit ni Andalus.
“*Hahaha! Nagsasabi lang ako ng totoo, pero wag kang matakot sa kaniya. Mabait na Solar Ursa si Kuro.” Nakangiting pagkakasambit muli ni Bul.
Sa mga sandaling ito ay napalunok si Mimhie at muli ay sinubukan niyang hawakan si Kuro. Ngunit laking gulat niya matapos siyang kunin nito at kalaunan ay ilapit sa malaki nitong bibig.
“Wa..wa..wa..wa..! Papa! Papa! Tulong!” Sigaw ni Mimhie.
“Wag kang matakot, kinikilala ka lang niya.” Sambit ni Andalus.
Kahit totoo ang sinasabi ni Andalus ay imposible pa rin para kay Mimhie na hindi matakot, dahil na rin sa nasa harapan na siya ng malaki nitong bibig. Ngunit ilang sandali pa ay dinilaan siya nito sa mukha at kalaunan ay ibinaba. Medyo natuwa si Mimhie, pero kalaunan ay nandiri dahil na rin sa makapal na laway na nasa kaniyang mukha ngayon.
“Mukhang nagustuhan ka din niya.” Nakangiting pagkakasambit ni Bul.
“Ang mabuti pa ay dalin mo muna sa storage house si Kuro at ihahanda ko lang ang kaniyang pagkain.” Sambit muli ni Andalus.
“Pero papaano ko po gagawin ang bagay na yon?” Tanong ni Mimhie.
“Matalino ang mga Solar Ursa at kaya nilang maunawaan ang mga pagsenyas na gagawin mo.” Sambit ni Eiel.
Agad napatingin si Mimhie kina Eiel at Bul at sa pagkakataong ito ay ngayon lang napaisip kung sino ang mga ito.
“Ga..ganon po ba?” Sambit ni Mimhie.
Kahit hindi sigurado ay sinubukan ni Mimhie na kausapin si Kuro at laking tuwa niya matapos siyang sundan nito patungo sa kanilang storage house.
Hindi naman na nagsayang pa ng oras si Andalus at inaya na niya ang lahat na pumasok sa loob upang makakain at makapagpahinga na rin.
Sa loob ay masayang nagkweto si Andalus tungkol sa mga nangyari sa kanila sa gubat. Ipinakita rin niya ang mga larawan na nakuha niya gamit ang kaniyang camera at ang mga bago at matataas na kalidad na gamot at iba pang may matataas na halaga na kaniyang nakuha. Naging masaya ang mag kapatid habang pinanoood ang kanilang ama, dahil ngayon lang nila ito nakita na ganito kasaya.
Sa bahay na ni Andalus nagpalipas ng gabi sina Lisa. Sa isang bakanteng kwarto ay magkakasamang natulog sina Lisa, Fate at Bul. Samantalang mas pinili na lang ni Eiel na samahan si Kuro sa storage house kung nasaan ito sa ngayon.
Madaling araw, nagising si Lisa at sa ngayon ay nagulat siya matapos makita na wala si Bul sa kanilang tabi. Agad siyang kinabahan dahil posibleng umalis na ito at kasama nito si Eiel. Hindi pa naman siya sigurado sa kaniyang mga iniisip, kaya minabuti niyang wag na lang gising si Fate. Ilang sandali pa ay lumabas na siya ng bahay at sa labas ay nakita niya si Bul habang kausap si Eiel. Agad siyang nagtago ngunit laking gulat niya matapos siyang tawagin ni Bul. Napakamot na lang siya ng ulo habang mabagal na naglalakad papalapit. Hindi naman lumingon si Eiel sa kaniya at sa ngayon ay naisip niya na napansin agad siya nito bago pa niya ito tuluyang makita.
“Hindi ba kayo makatulog?” Tanong ni Lisa.
“*Hmm.. Hindi naman sa hindi.” Tugon ni Bul.
“Anong klaseng sagot yon?” Sambit muli ni Lisa.
“Wag mo ng sayanging ang laway mo kay Bul. Maiinis ka lang pagkinausap mo siya. Ang totoo nito ay pinanood na’min sina Khastro ngayon.” Sambit ni Eiel.
“*Huh?” Nagtatakang pagkakasambit ni Lisa.
Labis na nagtataka si Lisa sa kaniyang mga narinig at ilang sandali pa ay tuluyan na siyang lumapit kay Eiel upang tingnan ang kasalukuyang hawak nito, isang maliit na monitor.
“Whoa! Kung ganon ay gamit nyo pa rin ang mga spectator bugs?” Gulat na pagkakasambit ni Lisa.
“*Hehe.. Kahit saan ako magpunta ay dala ko ang mga ito. Maraming magandang kagamitan ang mga Subtellon, pero ilan lang sa mga ito ang pwede kong dalin.” Nakangiting pagkakasambit ni Bul.
Hindi na nagawa pang magsalita ni Lisa at itinuon na lang nito ang kaniyang atensyon sa panunuod sa maliit na monitor na hawak ni Eiel.
“Ano ang ginagawa nila?” Tanong ni Lisa.
“Bounty hunting.” Tugon ni Eiel.
Nagulat si Lisa matapos marinig ang mga sinabi ni Eiel.
“Pero bakit nila ito ginagawa?” Tanong muli ni Lisa.
“Para mag libang at para na rin siguro makalikom ng pera.” Sambit ni Bul.
“Sa ngayon ay hindi pa rin na’min alam ang mga binabalak ni Khastro, pero may inaalala pa kaming ibang bagay.” Sambit muli ni Eiel.
Matapos magsalita ay may pinindot si Eiel sa gilid ng maliit na monitor at dahil don ay nalipat ang kuha at napunta sa isang malaking lalaki na tulad nila sa ngayon ay nasa labas at nakatingin sa isang monitor.
“Sino ang isang yan at bakit parang tulad niya ang ginagawa na’tin?” Tanong muli ni Lisa.
“Siya si Iratha at tulad na’min ay isa ding siyang sandata.” Tugon ni Bul.
Agad palingon si Lisa kay Fate at dito ay hindi makapaniwala sa kaniyang mga narinig, dahil ang pangalan nito ay mukhang hindi isang elemento at imposible ding kasapi ito sa Bul-Khatos Vidala dahil kilala na niya ang lahat ng myembro nito.
“Isa siyang sandata tulad nyo? Kung ganon ano ang ginagawa niya?” Tanong muli ni Lisa.
“Siguro tulad na’tin ay pinapanood niya ang mga ginagawa nina Khastro, gamit ang mga spectator bug. Kaya hanggat kaya na’ting umiwas sa kaniya ay gawin na’tin, dahil wala akong ideya sa kung papaano lalabanan ang lalaking yan.” Sambit ni Bul.
“Wala ka bang impormasyon tungkol sa kaniya?” Tanong muli ni Lisa.
“Wala, ngunit kasabay ko siyang nilikha. Nagtataka lang ako kung papaano siya nagising at kung sino ang mga nakahanap sa kaniya sa mga guho.” Sambit muli ni Bul.
“Kung ganon ay mukhang delikado ang lalaking yan.” Sambit muli ni Lisa.
Ilang sandali pa ay pinatay na ni Eiel ang monitor at kalaunan ay tumayo.
“Ang mabuti pa ay magpahinga na tayo. Mahaba pa ang gagawin na’tin byahe bukas.” Sambit ni Eiel.
Matapos magsalita ay nagsimula ng maglakad si Eiel patungo sa storage house, samantalang inaya na ni Bul si Lisa na bumalik sa loob.
Mapunta naman tayo sa lugar kung na saan si Iratha. Kasalukuyan itong nanunuod sa isang maliit na monitor sa labas ng kanilang tent, nang bigla itong tumayo at sumigaw ng malakas.
“Waaaaaaaaaaaaaaaaah! Saaaaaaaaaaaaaaber!! Baaaakit?! Anong nangyare?! Bwisit ka Caster!! Waaaaaaaaaaaaaaaah! Saaaaaaaaaaaaaber!!” Sigaw ni Iratha.
Mabilis lumabas ang isa sa mga kasamahan ni Iratha at kalaunan ay gulat na nagsalita.
“Anong nangyayari Iratha? May mga kalaban ba?!” Sambit ni Timothy.
“*Ahh! Sorry, nagising ba kita?! Nabitin kasi yung anime na pinapanood ko!” Tugon ni Iratha.
“*Tsk! Bwisit ka! Akala ko tuloy may mga kalaban! Ang mabuti pa ay matulog ka na rin! Panira ka ng tulog eh!” Inis na pagkakasambit ni Timothy.
Matapos magsalita ay bumalik na sa kanilang tent si Timothy at itinuloy ang naputol niyang tulog. Samantala, muling binalikan ni Iratha ang monitor at kalaunan ay itinuloy ang kaniyang ginagawa. Ngunit ilang sandali pa ay muli na naman itong sumigaw.
“ANG SEASON 2 NG FATE/STAY NIGHT! SA APRIL PAAAA?! WAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!” Sigaw ni Iratha.
Muli ay lumabas ng tent si Timothy at kalaunan ay pinagbabaril na si Iratha. Nagawa namang iwasan ni Iratha ang lahat, ngunit sa pagkakataong ito ay nagising na ang lahat ng kanilang kasama at sa ngayon ay masamang nakatingin sa kaniya.
“*Eh? Sarreh ah!” Medyo awkward na pagkakasambit ni Iratha.
Hindi naging maganda ang gabing ito para kay Iratha. At dahil hindi na nakatulog ang kaniyang mga kasama ay itinuon ng mga ito ang kanilang galit sa kaniya.
(chufalse: Kawawang Iratha, laki-laking tao tapos otaku pala. Nabitin na sa Fate/stay night, hindi pa pinatulog ng kaniyang mga kasama. </3 xD)
Kinabukasan, maagang nagpaalam sina Lisa kay Andalus. Kampanteng iniwan nina Bul si Kuro na mukhang masaya naman bago sila tuluyang umalis. Sa ngayon ay hindi alam nina Lisa kung saan sila pupunta, pero naipaalam na niya kina Elris ang balita tungkol sa paghahanap niya kay Eiel. Ikinatuwa naman ito ng dalawa at umaasa na muli silang magkikita-kita.
Ilang oras pa ang lumipas at sa ngayon ay hindi na makita pa nina Lisa ang bayan ng Rugid. Sa pagkakataong ito ay nagtanong na siya kung saan ba talaga sila pupunta.
“Saan ba tayo pupunta ngayon, Eiel?” Tanong ni Lisa.
“Sa lugar kung saan kami ipinanganak.” Nakangiting pagkakatugon ni Eiel.
Agad nagkatinginan sina Lisa at Fate dahil wala silang ideya sa lugar na sinabi ni Eiel.
“Saan naman ang lugar na yon?” Tanong muli ni Lisa.
“*Fufufu.. Wag kayong mag-alala, malalaman nyo rin ang bagay na yon mga ilang araw pa siguro. *Hehehe.” Sambit ni Bul.
“Mga ilang araw pa?” Tanong muli ni Lisa.
“Kung ganon ay sobrang layo pala. Ito ba yung nakwento mo sa’kin dati kung saan kayo natagpuan ng mga nadirion?” Tanong ni Fate.
“*Hehe..” Sambit muli ni Bul.
Agad napalingon si Lisa kay Fate, dahil mukhang alam na nito kung saan sila ngayon pupunta.
“Kung ganon ay sa Asteruins tayo pupunta?” Tanong ni Fate.
“Yup!” Tugon ni Bul.
“Pero bakit?” Tanong muli ni Fate.
“May sisiguraduhin lang akong isang bagay.” Seryosong pagkakatugon ni Bul.
Nagulat si Fate matapos makita ang seryosong ekpresyon sa mukha ni Bul. Ito palang kasi ang unang beses na nakita niya ito.
Nagpatuloy pa sa kanilang pagbyahe sina Lisa patungo sa Asteruins. Halos may ilang araw na din ang lumipas at ilang mga bayan na rin ang kanilang nadaanan. Samantala, patuloy pa rin sa kanilang pagba-bounty hunting sina Khastro habang unti-unti silang nakakarating sa bayan ng Aruan. Sila Iratha naman ay patuloy sa pagsunod kina Khastro, subalit mailap ang impormasyon tungkol sa kanila, dahil walang nakakakilala sa grupo nina Khastro lalo na ngayon na mga pansamantala silang bounty hunters.
Saktong isang linggo ang lumipas magmula ng makalabas sa Noria sina Lisa ay tuluyan ng narating nina Khastro ang bayan ng Aruan. Agad silang nagtanong sa mga tao at nadir na kanilang nakasalubong hanggang sa makapunta sila sa bar.
“Magandang araw po, pwede po bang magtanong?” Sambit ni Lala.
“May maitutulong ba ako sayo, magandang binibini?” Tugon ng may ari.
“*Ehe.. Si misis naman nagsasabi ng totoo.” Makulit na pagkakasambit ni Lala.
Napakamot na lang si Vivi at kalaunan ay siya na ang nagtanong sa may ari ng naturang bar.
“Pasensya na po kayo, pero itatanong lang po sana na’min kung may alam kayo sa lalaking nag ngangalang Tosara.” Sambit ni Vivi.
“*Ahh! Ikaw ba si Khastro?” Tugon ng may ari.
Agad napatingin si Vivi kay Khastro ganon din si Lala. Ilang sandali pa ay muli niyang hinarap ang may ari at muling nagsalita.
“Vivi po ang pangalan ko.” Sambit muli ni Vivi.
“Ako si Khastro. Kung tama ang iniisip ko ay may iniwang isang mensahe para sa’kin si Torasa, tama po ba?” Sambit ni Khastro.
“*Ahh! Oo, teka sandali lang ah! Kukunin ko lang yung liham na iniwan niya sa’kin.” Tugon ng may ari.
Matapos magsalita ay agad ng umalis ang may ari upang kunin ang liham na iniwan ni Eiel. Halos ilang sandali lang naman ay nagbalik na ito at kalaunan ay iniabot na ang sobre kay Khastro. Agad-agad namang binuksan ni Khastro ang sobre at kalaunan ay binasa ang liham. Tahimik niya itong binasa at matapos mabasa ay muling nagtanong sa may ari ng naturang bar.
“Kailan pa po ibinigay ni Tosara ang liham na ito sa inyo?” Tanong ni Khastro.
“*Hmm.. Siguro saktong isang linggo na ngayon.” Tugon ng may ari.
“At sino naman po ang kasama niya?” Tanong muli ni Khastro.
“Kasama niya ngayon ang kaniyang kapatid, si miss Fate at si miss Bul.” Tugon muli ng may ari.
Agad nagkatinginan sina Khastro at kalaunan ay nagsimula ng maglakad papalabas ng bar.
“Marami pong salamat.” Sambit muli ni Khastro.
Nang tuluyan ng makalabas sa bar ay agad kinausap nina Dal si Khastro tungkol sa laman ng liham na iniwan ni Eiel sa kanila. Hindi naman tumugon si Khastro, bagkus ay inabot na lang nito ang liham sa kaniyang mga kasama.
“Patungo kami ni Bul ngayon sa Asteruins. Mag-iingat kayo dahil may isang sandata ang kasalukuyan ngayon sumusunod sa inyo. Hindi pa na’min tukoy kung anong klaseng elemento ang taglay niya, pero lubha daw itong mapanganib sabi ni Bul. Ang pangalan niya ay Iratha at kung hindi kayo naniniwala, bakit hindi nyo kami kaagad sundan dito sa Asteruins para malaman nyo ang totoo. –Tosarapite version c-03.” Sambit ni Dal.
Nagulat sina Vivi at Lala matapos marinig sinabi ni Dal na ayon sa binasa nito sa liham ni Eiel.
“Isang sandata ang kasalukuyang sumusunod sa’tin? Pero papaano naman nila nalalaman ang tungkol sa bagay na yon?” Sambit ni Vivi.
“Si Bul?! Buhay pa ba talaga siya?!” Tanong ni Lala.
“Hindi ko pa tiyak pero posibleng may spectator bug ang kasalukuyang nagmamatyag sa’tin. Kung totoo ang sinabi kanina ng may ari ng bar na kasama ngayon ni Tosara si Bul ay malaki ang posibilidad na totoo ang iniisip ko at ang liham na yan.” Sambit ni Khastro.
“Kung ganon ay malalaman lang na’tin ito sa oras na makarating na tayo sa Asteruins.” Sambit ni Dal.
“Tama at sa pagkakataong ito ay hindi na tayo maglalaro pa.” Sambit ni Khastro.
“Nauunawaan ko.” Sambit ni Vivi.
“Yey! Mukhang magkikita na muli kami ni Tosara at sana buhay pa nga si Bul at kasama niya!” Masayang pagkakasambit ni Lala.
“Pero hahanapin muna na’tin ang dahilan kung bakit sila nagtagal sa lugar na ito.” Nakangiting pagkakasambit ni Khastro.
Mapunta naman tayo kina Eiel. Kasalukuyan na silang nasa Asteruins at ito ang unang beses na nakita ni Lisa ang lugar na ito.
“Anong klaseng lugar ito? Ito na ba ang Asteruins?” Gulat na pagkakasambit ni Lisa.
Sa ngayon ay labis na nagtataka si Lisa dahil isang tambakan ng mga basura ang lugar kung na saan sila ngayon. At karamihan ng mga nakatira dito ay pawang mga mahihirap, mga bandido at mga kriminal.
“Tama ito na nga ang Asteruins.” Nakangiting pagkakasambit ni Bul.
Sa kanilang pagdating sa Asteruins ay agad naglabasan ang mga nakatira dito at base sa mga mata ng bawat isa ay desperado ang mga ito at may balak na hindi maganda. Napangiti na lang sina Eiel at kalaunan ay marahang umusad upang hanapin ang eksaktong lugar ng hinahanap nila. Samantala, sinusundan naman sila ng tingin ng mga residente at ang ilan sa mga ito ay palihim na silang sinusundan. Batid ito nina Lisa at sa ngayon ay inalerto na nila ang kanilang mga sarili para sa mga posibleng mangyayari.
Ilang sandali pa ay isang pag-atake ang kanilang hinarap at mula ito sa isang sniper. Gamit ang kaniyang Zephyr ay agad nasalag ni Fate ang bala bago ito tuluyang tumama kay Eiel na kasalukuyang nagmamaneho. Labis itong ikinagulat ng sniper, dahil sobrang imposibleng masalag ang bala na pinakawalan niya at siniguro niyang hindi siya nakita ng kanilang target. Muli ay itinututok ng sniper ang kaniyang baril at sa pagkakataong ito ay si Fate na ang kaniyang inasinta, ngunit bago pa niya ito tuluyang iputok ay may napansin siyang kakaiba. Inilipat niya ang kaniyang tingin sa katabi nito at laking gulat matapos makita na naka-asinta na din ito sa kaniya.
*** SFX: PUN! ***
Agad napatayo ang sniper matapos patamaan ni Lisa ang baril nito at masira. Mabilis naman naalarma ang mga kasamahan nito at agad ng naglabasan sa kani-kanilang pinagtataguan. Ilang sandali pa ay mabilis na silang kumilos at pina-ikutan na nila ang sasakyang nina Eiel. Samantala, napangiti na lang si Eiel at kalaunan ay inihinto ang kanilang sasakyan matapos siyang pagsabihan ng isa sa mga lalaking humarang sa kanila, habang nakatututok ang baril nito sa kanila.
“Ang lakas ng loob nyong magpunta dito! Kung gusto nyo pang mabuhay ay mabuti pang ibigay nyo na ang lahat ng mga pera at gamit nyo sa’min.” Sambit ng isa sa mga lalaki.
Napakamot na lang ng ulo si Eiel at kalaunan ay kinausap si Bul.
“Bul, bigyan mo na nga lang ng pera ang mga ito para umalis na sila.” Sambit ni Eiel.
“Ganon ba? Teka, sandali lang ah.” Tugon ni Bul.
Hindi nagustuhan ng mga lalaki ang kanilang narinig, kaya pinaputukan na nung lalaking nagsalita kanina si Eiel. Ngunit laking gulat niya ng naiwasan ito ni Eiel sa pamamagitan ng paglingon nito kay Lisa. Inisip ng lalaki na swinerte lang si Eiel, kaya muli ay inasinta na niya ito. Ngunit ilang sandali pa ay bigla siyang natigilan matapos mawala si Eiel sa kaniyang paningin. Pati ang mga kasamahan nito ay nagulat at nagtaka din, kaya agad nilang hinanap si Eiel na agad din naman nilang nakita. Kasalukuyang siyang nasa likod ng lalaking bumaril sa kaniya.
“Base sa paghawak mo sa baril ay natuto ka lang ng mag-isa. Lisa, Fate makinig kayo. Wag nyo silang papatayin, ginagawa lang nila ang bagay na ito para mabuhay ang pamilya nila.” Sambit ni Eiel.
Nagulat ang mga lalaki sa kanilang narinig at kalaunan ay mabilis na pinaputukan sina Eiel. Muli ay sa tulong ng Zephyr ni Fate ay nagawa niyang masalag ang lahat ng bala na dapat ay tatama sa kanilang sasakyan. Samantalang hindi naman umiilag si Eiel, ngunit laking pagtataka ng lahat dahil tila tumatagos lang sa katawan nito ang mga bala.
Ilang sandali pa ay naubusan na sila ng bala at halos sabay-sabay nag reload ng kanilang mga baril. Kinuha ni Eiel ang pagkakataong ito para magsalita.
“Makinig kayong lahat, wala kaming balak na makipaglaban sa inyo dahil batid na’ming kailangan nyo lang gawin ang bagay na ito para mabuhay ang inyong mga pamilya. At kung iniisip nyong magagawa nyo kaming matalo, mapasuko o mapatay ay nagkakamali kayo, dahil kung gusto na’min kayong labanan ay dapat kanina pa kayo patay.” Sambit ni Eiel.
Sandaling natigilan ang mga lalaki at napatingin na lang kay Eiel habang mabagal na naglalakad patungo sa kaniyang mga kasamahan. Ilang sandali pa ay kumuha ito ng isang malaking supot ng gold coins at kalaunan ay hinagis sa mga lalaki.
“Kunin nyo na ang pera na yan at umalis na sa lugar na ito. At kung hindi nyo naman maiiwan ang lugar na ito ay wag nyo ng tangkain gawin ito sa mga susunod na pupunta dito, dahil hindi tulad na’min ay walang awa nila kayong papatayin.” Sambit muli ni Eiel.
Hindi nag dalawang isip ang umaastang pinuno ng mga kalalakihan at mabilis na kinuha ang supot ng gold coins pati na rin ang mga tumapon mula dito. Samantalang ang iba ay nanatiling nakatutok ang kani-kanilang mga baril kina Eiel.
“Sa tingin mo ba ay basta na lang kaming maniniwala sa mga sinabi mo?!” Sambit ng isa sa mga lalaki.
Sa pagkakataong ito ay biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Eiel. Naglabas ito ng nakakatakot na aura na agad naramdaman ng mga kalalakihan. Halos sabay-sabay napalunok ang mga ito kasabay ng biglang panginginig ng kanilang mga katawan. Ilang sandali pa ay mabagal na naglakad si Eiel patungo sa isang malaking bato na hindi kalayuan sa lalaking nagsalita kanina. Sa ngayon ay nakatutok na ang lahat kay Eiel at hindi na pinansin pa sina Lisa na kasalukuyang nasa sasakyan.
Mabalik tayo kay Eiel, nang tuluyan na itong makalapit sa malaking bato ay malakas niya itong sinuntok. Sa pagkakataong ito ay isa-isa ng ibinaba ng mga lalaki ang kanilang mga braso dahil na rin sa takot na kanilang naramdaman matapos masaksihan ang ginawa ni Eiel. Mabilis kasing naging abo ang malaking bato na sinuntok nito.
“Siguro naman ay nauunawaan nyo na ang sinasabi ko? At ang katulad ng sinabi ko kanina, wag nyo ng gawin ang bagay na ito sa mga susunod na pupunta dito, dahil hindi tulad ko o na’min ang gagawin nila. Natitiyak kong magiging masaya sila habang walang awa kayong pinapatay.” Sambit muli ni Eiel.
Hindi magawang magsalita o gumalaw ng mga lalaki. Napa-iling na lang si Eiel at kalaunan ay bumalik na sa sasakyan. Ilang sandali pa ay umalis na sila at iniwan na nila ang mga lalaki na kasalukuyan pa ring nakatayo.
“Hindi pa rin nagbabago ang taglay mong lakas, Tosara.” Nakangiting pagkakasambit ni Fate.
“*Eh?! Kung ganon ay ito talaga ang tunay mong lakas, Eiel?” Gulat na pagkakasambit ni Lisa.
Ang totoo nito ay labis ding nagulat si Lisa matapos maglabas ng nakakatakot na aura si Eiel kanina. At mas lalo itong nagulat sa ginawa nito sa malaking bato.
“Sana lang ay wag na nilang gawin ang bagay na yon sa oras na dumating na dito sina Khastro. Natitiyak kong ang bawat segundo ay magiging pahirap lang para sa kanila sa oras na gawin nila ang ginawa nila sa’tin kina Khastro.” Sambit ni Eiel.
“Hoy Tosara!” Medyo galit na pagkakasambit ni Bul.
“Bakit parang galit ka yata?” Tanong ni Eiel.
“Paanong hindi ako magagalit eh pera ko yung ibinigay mo sa kanila!” Inis na pagkakasambit ni Bul.
“*Ahh! Wag kang mag-alala, papalitan na’min ni Lisa ang pera mo! Hindi ba Lisa?” Sambit muli ni Eiel.
“Okay.. *Eh?! Mag-isa mong palitan yon!” Sigaw ni Lisa.
“*Hahahaha!” Masayang pagkakasambit ni Eiel.
Natawa na lang din si Bul matapos marinig ang sinabi ni Lisa. Nagpatuloy pa sila hanggang sa marating na nila ang kanilang hinahanap. Sa isang tambak na basura ay muli silang huminto. Muli ay labis na napaisip sina Lisa, dahil wala naman silang makitang kakaiba bukod sa tambak ng mga basura.
“Bakit tayo huminto dito?” Tanong ni Lisa.
Halos ganito din ang tanong ni Fate sa kaniyang isipan, ngunit ngiti lang ang tugon nina sa kaniya. Ilang sandali pa ay kumumpas si Bul gamit ang kaniyang kanang kamay at pagkatapos nito ay biglang gumalaw ang lupa. Ramdam ng mga nakatira sa Asteruins ang pagyanig at sa ngayon ay may hinala na sila sa dahilan kung bakit yumayanig ang lupa.
Mabalik tayo kina Eiel. Sa ngayon ay isang malaking lagusan ang bumukas na labis na ikinagulat nina Lisa at Fate. Ilang sandali pa ay pumasok na sila sa loob at hindi inaasahan nina Lisa at Fate ang kanilang nasaksihan, dahil kahit luma na ang lugar kung nasaan sila ngayon ay sobrang makabago o sobrang advance ng teknolohiya dito.
“Sandali lang, anong klaseng lugar ba ito?” Tanong ni Lisa.
“Ito ang secret passage ng ginawa na’min ni Tosara, 400 years ago.” Tugon ni Bul.
“400 years ago at daan lang ito? Pero sobrang advance ng technology dito ah!” Sambit muli ni Lisa.
“Wag ka munang magsaya Lisa, dahil mukhang may gumamit na ng lagusang ito matapos na’min itong gawin.” Sambit ni Eiel.
Agad napalingon sina Lisa at Fate kay Eiel at matapos nito ay nagsalita.
“Talaga?” Sabay na pagkakasambit nina Lisa at Fate.
“*Tsk! Mukhang tama nga ang hinala ko.” Sambit ni Bul.
Chapter end.
Afterwords.
Hello? Mabuti naman at nagbalik na ang aking boses! Wahahaha! Oo nga pala, baka sa april ko pa i-publish ang SOM book 3.. Sa ngayon kasi mas priority ko ang GXB at ang Remake ng Fallen Wing: Ang makasalanang sandata. Ayun, sana po ay patuloy nyo akong suportahan.. Thanks.. :3
Susunod
Chapter 18: Tempest
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top