Chapter 15: Solar Ursa/Bear.

November 12, CS344. Halos ilang milya na lang ay nasa dulo ng kagubatan sina Lisa, ngunit sa ngayon ay isang malaking balakid ang kanilang hinaharap. Literal na malaki ito dahil tinatayang 7’0” ang taas ng isang kulay dilaw na pinaniniwalaan nilang isang uri ng oso at wala na silang pagpipilian kundi ang harapin ito at talunin.

 

“Mukhang malakas nga siya pero kayanin kaya niya ang lakas ng mga baril ko?” Sambit ni Lisa.

Matapos magsalita ay mabilis pinaputukan ni Lisa ang oso gamit ang kaniyang dual blind griffon.

 

*** SFX: PUN! PUN! PUN! PUN! ***

Agad inihinto ni Lisa ang pag-atake dahil may napansin siyang kakaiba. Ang mga bala kasing derekta niyang pinatama dito ay tila mga naging bulitas lang, matapos tumalbog ang mga ito sa katawan ng malaking oso.

 

*Tsk! Mukhang sobrang flexible ng katawan ng osong ito. Mukhang mag sasayang na naman ako ng mamahaling bala.” Inis na pagkakasambit ni Lisa.

Tila walang alam sa nangyayari sa kaniyang kapaligiran ang oso, dahil hindi ito kumikilos o gumagalaw.

 

“Mukhang walang balak makipaglaban ang oso.” Sambit ni Andalus.

 

“Mag-ingat po kayo, baka po pinag-aaralan lang niya ang mga kilos na’tin.” Sambit ni Fate.

 

“Kung ganon panoorin niya ‘to!” Sambit muli ni Lisa.

Matapos magsalita ay mabilis itinutok ni Lisa ang kaniyang Eagle’s eye sa malaking oso at karga ngayon nito ay isang blast bullet.

 

“Umatras muna kayo!” Sambit ni Lisa.

 

*** SFX: PUN! BOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Labis na nagulat sina Lisa matapos maka-ilag ng malaking oso sa mabilis na bala. Hindi makapaniwala si Lisa, dahil sa lapit ng kaniyang distansya sa kaniyang target ay nagawa nitong makaiwas.

 

“Imposible!” Gulat na pagkakasambit ni Lisa.

Sa ngayon ay nakalingon ang oso sa lugar kung saan tumama at sumabog ang blast bullet. At tila nagtataka ito dahil kasalukuyan itong nagkakamot ng kaniyang ulo. Samantala, agad namang kinuha ni Fate ang pagkakataong ito upang umatake, kaya mabilis na siyang sumugod.

Tahimik at mabilis ang kilos ni Fate at ng nakahanda na siya para umatake ay laking gulat niya ng biglang nawala ang oso sa kaniyang harapan.

 

“*Huh?” Nagtatakang pagkakasambit ni Fate.

 

“Fate sa likuran mo!” Sigaw ni Lisa.

Mabilis napalingon si Fate at sa pagkakataon ito ay nakita na niya ang mabilis na pag-atake na paparating sa kaniya. Sa mga puntong ito ay imposible na para sa kaniyang ang umiwas kaya mabilis siyang tumilapon matapos tamaan.

 

“Miss Fate!” Sigaw ni Andalus.

Nakaramdam ng galit si Lisa sa mga sandaling ito kaya mabilis siyang sumugod at pinagbabaril niya ito sa iba’t-ibang parte ng katawan upang malaman kung saan ang kahinaan nito. Ngunit hindi tumatalab ang normal na bala sa katawan ng malaking oso, kaya hindi na ito umiiwas pa. Samantala, mabilis namang tumakbo si Andalus upang puntahan si Fate, dahil batid niyang malaki ang pinsalang tinamo nito matapos tumalsik at tumama ng malakas sa isang puno.

Labis namang nakakaramdam ng inis si Lisa, dahil hindi siya pinapansin ng oso. Tila minamaliit siya nito at hindi katanggap-tanggap upang labanan.

 

“Ganon pala huh? Pwes tataniman ko ng mga bala ang malaki mong katawan.” Seryosong pagkakasambit ni Lisa.

Mapunta tayo sa isang bayan, sa ngayon ay nandito sina Khastro at kasalukuyang nagpapakasaya matapos makakuha ng malaking mga bounty.

 

“Woooo! Ito ang bagay na gusto kong gawin.” Masayang pagkakasambit ni Lala.

 

“Siguro naman hindi ka na bored ngayon?” Tanong ni Vivi.

 

*Hehehe.. Salamat kay Dal at nakaalis na din tayo. Medyo nag-enjoy din ako sa paghunting ng mga bandits!” Tugon ni Lala.

 

“Saan naman tayo ngayon pupunta, Khastro?” Sambit muli ni Vivi.

 

“Diretso lang tayo hanggang sa makapunta na tayo kay Tosara. Hayaan muna na’tin siyang magsaya.” Sambit ni Khastro.

 

“Okay! Pero na-mimiss ko na talaga siya! Sana naman sumama na lang siya sa’tin!” Sambit muli ni Lala.

 

*Fufufu.. Wag kang mag-alala, hindi imposibleng mangyari ang bagay na yon.” Sambit muli ni Khastro.

Mapunta naman tayo sa bahay kung nasaan sina Eiel. Sa ngayon ay masayang pinanood ni Bul ang pakikipaglaban nina ni Lisa sa dilaw na oso. Samantalang nagtungo na sa labas si Eiel upang personal na panoorin ang nangyayari.

Mabalik tayo, halos paubos na ang mga bala ni Lisa at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya pinapansin ng oso. Kahit labis siyang naiinis ay walang talab dito ang kaniyang mga pag-atake at ang dalawang blast bullet niya ay na sayang lang, dahil pawang naiwasan ito ng oso. Sinubukan na rin niyang lumagpas dito, ngunit mabilis na humaraang sa kaniya ang oso kaya ang tanging paraan lang para makapagpatuloy ay ang talunin ito. Sa ngayon ay mukhang hindi pa rin nakaka-recover si Fate sa tinamo nitong pinsala, ngunit tiwala naman si Lisa dahil kasalukuyan na itong nilulunasan ni Andalus.

Sa ngayon ay tatlong blast bullet na lang ang hawak ni Lisa at hindi niya alam kung ilang mga halimaw pa ang kanilang makakaharap pagkatapos nilang talunin ang malaking osong ito. Posibleng may mas malakas pa dito at posible ding higit sa isa ang dami nito.

“Hindi niya talaga ako pinapansin. Sinubukan ko ng asintahin ang mga mata niya, pero nagagawa lang niyang maiwasan ang mga yon. Tatlong blast bullet na lang ang natitira kong bala at walang kwenta ang Stasis at Paralyze bullet, dahil hindi naman bumabaon sa balat nito ang mga bala. *Tsk! Kung si Eiel ang nandito, ano ang gagawin niya?” Sambit ni Lisa derekta sa kaniyang isipan.

Ilang sandali pa ay nagbalik na sina Fate at sa ngayon ay mukhang okay na ito. Agad namang lumayo si Andalus upang kuhanan ng larawan ang oso at para na rin pag-aralan ang kilos nito upang magamit nila laban dito.

 

“Fate, okay ka lang ba?” Tanong ni Lisa.

 

*Uhm! Medyo nagulat lang ako don. Pero kung hindi ko nagamit ang Zephyr baka patay na ako sa lakas ng pag-atakeng ginawa niya sa’kin.” Tugon ni Fate.

 

“Kaya mo pa bang lumaban?” Tanong muli ni Lisa.

 

“Oo, pero sa dami ng pilat na nakuha niya ay natitiyak kong may mas malakas pa dito na gumawa non sa kaniya.” Tugon muli ni Fate.

 

“Alam ko! At naiinis ako dahil hindi niya ako pinapansin!” Sambit muli ni Lisa.

 

“Sobrang nakakagulat ang bilis ng osong yan. Hindi ko maisip kung papaano niya ginagawa ang bagay na yon kahit sobrang laki niya.” Sambit muli ni Fate.

 

“Ang mabuti pa ay bigyan mo ako ng opening para mapatamaan ko siya ng blast bullet.” Sambit muli ni Lisa.

 

“Okay! At wag na siyang umasang mauulit niya sa’kin ang ginawa niya kanina.” Sambit muli ni Fate.

Matapos sandaling mag-usap ay mabilis ng sumugod si Fate. Samantala, agad inihanda ni Lisa ang kaniyang Eagle’s eye at mabilis na itinutok sa oso.

Mabalik tayo kay Fate, sa ngayon ay higit ang bilis na ipinakita nito kanina at labis itong ikinagulat ni Andalus, dahil batid niyang hindi biro ang naging pinsala sa katawan ni Fate kanina.

Ilang sandali pa ay mabilis na sumugod si Fate. Kasalukuyan siyang nasa ere at nakahanda para umatake. At tulad ng kaniyang inaasahan ay mabilis nawala ang oso at sa ngayon ay nakahanda na itong umatake mula sa kaniyang likuran. Sa mga sandaling ito ay mabilis ginamit ni Fate ang kaniyang Zephyr at inatake niya ang lupa gamit ito upang maitulak siya ng malakas na hanging inilabas ng kaniyang sandata. Sa paraang ito ay nagawa niyang maiwasan ang pag-atake ng oso na tila ikinagulat nito. Batid ni Fate na hindi makakaiwas ang oso, dahil sa lakas ng momentum ng ginawang pag-atake nito. At gamit ang kaniyang bigat ay malakas niyang inatake ang oso gamit ang kaniyang, Rift.

 

*** SFX: *Slash! BOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

“Burn time!” Sambit ni Fate.

Mabilis tumalon si Fate papalayo matapos mapagtagumpayan ang ginawa niyang pag-atake. Samantala, mabilis ng nagpaputok si Lisa at sa pagkakataong ito ay tinamaan na niya ito.

 

*** SFX: BOOOOOOOOOOOOOOOOM! ***

Isang malakas na pagsabog ang nalikha matapos tumama ng blast bullet sa oso. Sa ngayon ay nababalutan ito ng usok at katulad ng inaasahan ni Lisa ay buo pa rin ang katawan nito.

 

“Grabe ang kunat talaga niya! Para siyang boss sa isang RPG game!” Sambit ni Lisa.

 

“Pero nagawa nyo siyang talunin! Kamangha-mangha kayong dalawa.” Sambit ni Andalus.

Agad namang napalingon si Lisa kay Andalus at kasabay nito ay ipinakita niya dito ang kaniyang victory pose. Ngunit ilang sandali pa ay nagtaka siya matapos makita ang naging reaksyon ni Andalus. Tila nagulat kasi ito at parang alam na niya kung bakit. Dali-dali silang napatingin sa oso at laking gulat matapos makita ang mabagal na pagtayo nito.

 

“Buhay pa siya?!” Gulat na pagkakasambit ni Lisa.

 

“Hindi na ito ang tamang oras para magulat! Maghanda ka na Lisa!” Sambit ni Fate.

Matapos magsalita ay mabilis na sumugod si Fate. Hindi na niya sasayangin ang pagkakataong ito at batid na niya na posible siyang atakehin ng oso at posibleng sa ibang pwesto niya ito magpakita matapos nitong maglaho o derekta na siya nitong atakehin, kaya nakahanda na siya sa mga posibilidad habang mabilis na tumatakbo.

Ilang hakbang pang layo ay buong lakas ng inatake ni Fate ang oso at katulad ng isa sa kaniyang mga inaasahan ay mabilis itong naglaho. Agad niyang pinakiramdaman kung saan ito magpapakita, ngunit labis siyang nagtaka ng maramdaman ang pagkilos nito patungo kay Lisa.

 

“Lisa!” Sigaw ni Fate.

Hindi naman nagawang kumilos ni Lisa sa ngayon, dahil hindi niya inaasahan na siya ang susugurin ng oso. Kanina kasi ay hindi siya pinapansin nito, ngunit tila nag-iba na ito ngayon at batid niyang kamatayan agad ang naghihintay sa kaniya sa oras na tamaan siya ng oso.

Ilang sandali pa ay malakas na inatake ng oso si Lisa, ngunit tila isang imahe na lang ang na-atake ng oso, dahil mabilis na nag-accel walk si Lisa patungo sa likuran nito. Magandang ang angulo niya sa ngayon at batid niyang tatamaan niya ang oso kung papuputukan niya ito, ngunit hindi niya ito maaaring gawin dahil malapit ang oso kay Andalus. Napatalon na lang si Lisa patungo kay Fate at dito ay muling naghanda para sa susunod nilang pag-atake.

 

“Anong nangyari?” Gulat na pagkakasambit ni Andalus.

 

Hindi maunawaan ni Andalus kung papaano naging posible na bigla na lang nawala si Lisa sa kaniyang harapan at mabilis na nakapunta sa likuran ng oso. Batid din niyang tinamaan ito ng oso, ngunit naiwang imahe na lang din ni Lisa ang kaniyang nakita.

“Fate, tapusin na na’tin ito!” Sambit ni Lisa.

 

“Okay!” Tugon ni Fate.

Ilang sandali pa ay umungol ng malakas ang oso at labis itong ikinabahala nina Lisa, dahil tila isang pagtatawag ang ginawa nito. Sa ngayon ay hindi nila alam ang kanilang gagawin, dahil nakakarinig na sila ng malalakas na pagyabag at mga malalakas na ingay na kahalintulad ng narinig nila mula sa oso kani-kanina lang.

 

“Ginoong Andalus! Umalis na po kayo dito!” Sigaw ni Lisa.

Ikinagulat ni Andalus ang kaniyang mga narinig at sa pagkakataong ito ay hindi niya magawang gumalaw, dahil naalala niya ang kaniyang nakaraan.

 

*** Konting Flashback! ***

 

Labing dalawang taon na ang nakakalipas, 26 years old pa lang si Andalus ng mga panahong ito at sa ngayon ay masugid nilang sinusuyod ang Noria kasama ang mga kapwa at kaibigan niyang professional hunters. Halos malapit na sila sa pusod ng gubat ng makakita sila ng isang pulot-pukyutan. Batid nilang mapanganib ang mga insektong naririto, ngunit nais pa rin nilang malaman kung anong klaseng bubuyog o insekto ang nakatira sa nakita nilang pulot-pukyutan. Hindi kasi ito normal na pulot-pukyutan dahil halos kulay pula ang kulay nito. Sa labis nilang kagustuhang malaman at mapag-aralan ang hindi pa tukoy na insekto ay sinubukan nilang humuli ng kahit isa mula dito. Agad silang gumawa ng usok dahil batid nilang hindi ito gusto ng mga bubuyog. Ilang sandali pa ay may lumabas ng mga bubuyog at laking tuwa nila matapos makita ang itsura nito. Halos triple ang laki nito sa normal na bubuyog at tila mukhang maliliit na dragon ito na may maliliit at maninipis na pakpak. Matagumpay na nakahuli si Andalus ng isa sa mga ito at napansin niya na kakaiba ang sting nito. Batid din niyang nakakalason ito, kaya nagpasya na silang umalis upang makaiwas sa posibleng sakuna. Ngunit bago tuluyang umalis ay kinuhanan muna ng larawan ng isa sa mga kaibigan nila ang pulot at dito ay hindi nila inasahan ang sumunod na nangyari. Labis palang sensitibo sa puting liwanag ang mga mata ng bubuyog kaya nabulabog sila at kalaunan ay sumugod sa magkakaibigan. Hindi makapaniwala si Andalus habang pinapanood ang ilan sa kaniyang mga kaibigan na inaatake ng mga bubuyog. Ikinagulat din niya matapos makitang kinakain ng mga bubuyog ang kaniyang mga kaibigan at dito niya napagtanto kung bakit kulay pula ang pulot ng mga ito.

 

“Tumakbo ka na Andalus! Umalis ka na dito!” Sigaw ng isa sa kaniyang kaibigan.

Walang nagawa si Andalus ng mga panahong yon kundi ang tumakbo habang ang mga kaibigan niya ay pinagpe-fiestahan ng mga bubuyog. Nang araw ding yon ay mabilis na siyang bumalik sa kanilang bayan at don na inulat ang masamang balita. Siya na rin ang nagpangalan sa naturang mga bubuyog, ang Dragon bee at labis niyang pinag-iingat ang iba tungkol dito.

 

*** Flashback end’s here xD ***

Mabalik tayo, sa ngayon ay patuloy pa ring nakatayo si Andalus at pinagmamasdan ang malaking oso na nasa kaniyang harapan.

 

“Ginoong Andalus! Ano pa po ang hinihintay nyo?! Tumakbo na po kayo!” Sigaw muli ni Lisa.

Bumalik sa kaniyang sarili si Andalus matapos muling marinig ang sigaw ni Lisa. Sa ngayon ay nasaksihan niya ang pagdating ng hindi baba sa dalampung dilaw na oso at hindi nalalayo ang laki ng mga ito sa una nilang nakita.

Hindi inaasahan nina Lisa ang ganitong senaryo at sa ngayon ay wala na silang pagpipilian pa kundi ang subukang tumakas. Ngunit mukhang imposible itong mangyari kung kasing bilis ng mga bagong dating ang una nilang nakalaban.

 

“Hindi maganda ang nangyayaring ito.” Sambit ni Fate.

 

*Tsk! Mukhang mabibigo tayong makita sina Eiel.” Sambit ni Lisa.

Ilang sandali pa ay mabilis ng sumugod ang oso na una nilang nakaharap. Batid nina Lisa na ito ang pinuno ng mga bagong dating, base na rin sa taas at mga pilat nito sa katawan. Wala na silang mapag-isip pang paraan kundi ang subukang talunin ang pinuno at umasang matakot sa kanila ang iba, dahil ganon ang instinct ng mga hayop.

 

“Humanda ka na Lisa!” Sambit ni Fate.

 

“Kanina pa ako nakahanda, Fate.” Tugon ni Lisa.

Halos ilang hakbang na lang ang layo ng oso at ilang sandali pa ay nakahanda na ito para sa kaniyang pag-atake.

 

“Ito na siya Lisa!” Sigaw ni Fate.

 

*** SFX: PSSSSSSSSSSSSST.. BOOOOOOOOOOOOOM! ***

Labis na nagulat sina Lisa matapos biglang tumilapon papalayo ang oso. Agad naman itong tumayo, ngunit muling bumuwal at kalaunan ay umungol.

 

“Tama na yan, Ursula!” Sigaw ng isang lalaki.

Hindi makapaniwala sina Lisa matapos makita si Eiel. Hindi kasi nila nakita ang pagdating nito, ngunit batid nilang ito ang may gawa kung bakit tumalsik ang oso papalayo. Nasaksihan din ito ni Andalus, ngunit hindi niya maunawaan ang nangyayari.

 

“Sino ang lalaking yon?! At papaano niya nagawa ang bagay na yon?!” Sambit ni Andalus.

Samantala, mabilis naglapitan ang maliliit na oso sa napatalsik ni Eiel at tila nag-aalala ang mga ito para sa kalagayan ng kanilang ka-uri. Ilang sandali pa ay bumangon na ang oso at kalaunan ay sumenyas na sa kaniyang mga kasama na umalis na. Hindi maunawaan nina Lisa ang nangyayari at ang tangi lang nilang nauunawaan ay pinuno ang osong nakalaban nila at ang apat na lumapit dito ay ang kaniyang mga anak.

 

“Eiel?” Sambit ni Lisa.

 

“Sa totoo lang ay kanina pa ako nanonood at alam kong wala kayong laban dito kay Ursula, kaya itinigil ko na ang laban sa pagitan nyo.” Sambit ni Eiel.

*Huh? Pero papaano mo yon nagawa?!” Tanong ni Lisa.

Habang nag-uusap ay mabilis na lumapit si Andalus sa dalawa upang dito ay tuluyang makilala ang lalaking kausap ng mga ito sa ngayon. Samantala mabilis naman nilapitan ni Eiel ang oso at kalaunan ay hinawakan ang braso nito.

 

“Kung makikita nyo kasi, si Ursula ay ang pinuno ng mga Solar Ursa at matagal ko na siyang kaibigan.” Tugon ni Eiel.

 

*Eh?! Kaibigan?! Yang halimaw na yan?!” Gulat na pagkakasambit ng tatlo. xD

 

“Ganon na nga! Siguro mga tatlong daan taon na din yun nung huli kaming magkita ni Ursula! Diba Ur? *Hahaha! Sambit muli ni Eiel.

Ngunit ilang sandali pa ay malakas na dinagukan ni Urusula si Eiel na dahilan upang bumaon ito sa lupa. Muli ay ikinagulat ito ng tatlo, ngunit tila wala lang ito para kay Eiel at mabilis na bumangon.

 

“Ang mabuti pa ay magtungo na tayo sa bahay. Sa ngayon ay pumasa na kayo, ngunit marami pa kayong dapat matutunan at sobrang hina nyo pang dalawa!” Sambit muli ni Eiel.

Ilang sandali pa ay mabagal na naglalakad papalapit si Lisa kay Eiel. Sa mga sandaling ito ay tahimik lang si Eiel habang pinapanood ang mabagal na paglapit ni Lisa sa kaniya.

 

“Pasensya ka na sa lahat.” Sambit ni Eiel.

*** SFX: PAAAK! BUUUUG! BLAAAG! KAPOW! PAAAK! PAAAK! THUGS! TAAAKS! PAAAK! PAAAK! ***

Tila nagulat ang mga Solar Ursa matapos makitang binubugbog ni Lisa si Eiel sa kanilang harapan. Ikinagulat din ito ni Andalus at kalaunan ay nagtanong kay Fate kung ano ang nangyayari.

 

“Siya ba ang hinahanap nyo dito?” Tanong ni Andalus.

 

*Uhm.. Siya po si Eiel, ang kapatid ni Lisa.” Tugon ni Fate.

“Talaga? Pero ang sinabi nyo ay hindi isang tao o nadirion ang hinahanap nyo dito? Pero bakit tila normal naman siya?” Sambit muli ni Andalus.

 

“Siguro okay na ding sabihin ko sa inyo ang tungkol dito.” Sambit muli ni Fate.

Sandaling natahimik si Andalus at kalaunan ay napaisip.

 

“Isa pong sandata si Eiel.” Sambit muli ni Fate.

 

*Huh? Sandata? Hindi ko maunawaan pero papaano siya naging isang sandata?” Sambit ni Andalus.

 

“Mahabang kwento po, pero may ilang libong taon na din siyang nabubuhay.” Sambit muli ni Fate.

Labis na nagtataka si Andalus sa kaniyang mga naririnig at hindi lubos maisip kung totoo ba ang mga sinasabi ni Fate sa kaniya. Gayumpaman ay masaya siya dahil nagtagumpay sila ngayon at maraming kaalaman ang kaniyang kakuha at walang nagbuwis ng buhay para dito.

Sa ngayon ay masaya nilang pinapanood ang pagulping ginagawa ni Lisa sa kaniyang kapatid at tila nagmamakaawa si Eiel na tigilan na siya nito.

Chapter end.

Afterwords.

Wooot! Announcement lang po, ire-Remake ko po yung Fallen wing: Ang makasalanang sandata. Balak ko na kasing ituloy ito, dahil sayang naman kasi yung story kung hindi matatapos. Sana po ay suportahan nyo din ito at umasa na mas gaganda pa ito.. ayun maraming salamt po.. :)

Susunod  

Chapter 16: Gantimpala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top