Chapter 11: Ang muling pagkikita.

November 06, CS344. Halos apat na araw ang lumipas mag mula ng malaman ni Lisa ang tunay na pagkatao ni Eiel. Ngunit sa kabila nito ay nais pa rin niya itong hanapin at sa tulong muli ni Fate ay posible na silang magkita.

Sa ngayon ay hinihintay na lang ni Lisa ang pagdating ni Fate sa Gun x Bounty, dahil dito sila magkikita bago tuluyang magtungo sa Aruan.

 

“Darating pa ba si Fate? Kahapon pa dapat kayo magkikita diba?” Sambit ni Louise.

 

“Darating siya. Naka-usap ko siya sa telepono at sinabi niyang malapit na siya dito.” Tugon ni Lisa.

 

“Mabuti naman. Akala ko kasi ay hindi na siya makakarating eh.” Sambit muli ni Louise.

“Si Louise kung magreklamo akala mo siya yung naghihintay. Pwede bang tulungan mo na lang ako sa shop kaysa nagrereklamo ka dyan sa bagay na wala ka namang kinalaman.” Sambit ni Elris.

 

“Opo! Eto na nga po at susunod na eh. Nag-aalala lang naman kasi ako.” Sambit muli ni Louise.

 

“Nauunawaan kita, kahit naman ako ay nag-aalala din. Pero hindi naman makakatulong kung magrereklamo ka.” Sambit muli ni Elris.

 

“Oo na. Suko na ako sayo! Kailan ba ako nanalo sayo?” Sambit muli ni Louise.

Hindi maalis ang ngiti sa mukha ni Lisa habang pinanonood magtalo ang kaniyang mga kaibigan. Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Louise kay Lisa at kalaunan ay sumunod kay Elris upang tumulong sa kanilang negosyo.

Lumipas ang labing limang minuto ay dumating na si Fate. Agad siyang sinalubong ni Lisa at kalaunan ay nagtungo sila sa isang kwarto upang dito pribadong makapag-usap.

“Sigurado ka bang si Eiel talaga ang lalaking nagpakita sa bayan ng Aruan?” Tanong ni Lisa.

 

*Uhm.. Base sa paglalarawan sa kaniya ay siya na nga si Eiel. May saksi na naka-kilala sa kaniya nung araw na yon at natukoy niyang si Eiel ito.” Tugon ni Fate.

 

“Kung ganon ay magpunta na tayo don.” Sambit muli ni Lisa.

 

“Okay. Pero isang linggo bago tayo tuluyang makarating sa Aruan.” Tugon muli ni Fate.

 

“Pero ilang araw lang kung sasakay tayo sa eroplano.” Sambit muli ni Lisa.

 

“Nauunawaan ko. Naisip ko na rin ang bagay na yan, ngunit ikaw ang mas inaalala ko. Hindi ba’t takot ka sa sobrang taas na lugar?” Sambit muli ni Fate.

 

*Fufu.. Wag kang mag-alala, may paraan na ako para hindi matakot.. *Hehe! Tugon ni Lisa.

Napa-isip naman si Fate matapos marinig ang sinabi ni Lisa. Ngunit gayumpaman ay makakabuti ito dahil maraming oras ang kanilang matitipid.

Makalipas ang isang oras na pag-uusap ay naghanda na sina Lisa at Fate upang umalis. Kalahating araw na byahe mula sa Harogath ay may isang paliparan at dito magtutungo sina Lisa ngayon.

Matapos makapag-impake ay nagpaalam na si Lisa sa kaniyang mga kaibigan.

 

“Mag-iingat ka Lisa ah. At paki batukan na lang si Eiel sa oras na magkita kayo.” Sambit ni Elris.

“Batok lang? Ako paki suntok siya ng tatlong beses sa mukha! Lokong yon! Labis niya tayong pinag-alala!” Sambit ni Louise.

*Hehehe.. Wag kayong mag-alala. Makakatikim sa’kin yon sa oras na magkaharap kami.” Sambit ni Lisa.

 

“Tayo na Lisa.” Sambit ni Fate.

*Uhm. Sige, alis na kami ah.” Sambit muli ni Lisa.

 

“Mag-iingat kayo ah!” Sambit ni Elris.

Hindi na tumugon pa si Lisa habang naglalakad papalabas ng shop. Ilang sandali pa ay agad sumakay ang dalawa sa sasakayan ni Lisa at kalaunan ay umalis. Sandaling pinanood ni Elris at Louise ang pag-alis ng mga ito.

Samantala, sa bayan ng Kurast. Halos ilang pwersa na ng militar ang sumugod dito, kaya ang dating kaaya-ayang bayan para sa mga may malubhang karamdaman ay maitutulad na sa mga iniisip ng ibang tao/nadir dito, isang sinumpang bayan.

Bakas sa naturang bayan ang pag-atake dito, base na rin sa mga hukay sa kalupaan. Halos apat na araw na ring sinasalakay ng mga sundalo ang Kurast, dahil sa mga kriminal na narito, ang grupo nila Khastro. At kahit tatlo lang sila ngayon ay tila ginagawa lang nilang laro ang pag-atake sa mga sasakyang panghimpapawid na sumasalakay sa kanila. Kapansin-pansin din ang mga nagkalat na sirang sasakyang panghimpapawid hindi kalayuan sa pampang, dahil walang pinapatakas ang tatlo sa mga ito.

Sa ngayon ay sandaling tahimik ang Kurast, dahil kakatapos lang ubusin nina Khastro ang mga sundalo na sumalakay sa kanila.

 

*Haaay! Ang boring naman! Halos apat na araw na tayong nakikipaglaro sa mga sundalo! Sana naman dumating na dito si Tosara para naman makaalis na tayo.” Sambit ni Lala.

 

“Bakit kasi pati ang sasakyan ng mga nagbabalita ay pinasabog mo? Wala na tuloy nagtutungo ditong taga pagbalita para makita tayo ni Tosara sa telebisyon.” Sambit ni Vivi.

 

“Ganon ba? *Hmm.. Hindi ko naman kasalanan ang bagay na yon eh. Hindi ko naman sinasadyang tamaan ang sasakayang ng mga taga media eh!” Sambit muli ni Lala.

“Tama na yan, baka mamaya lang ay dumating na si Dal dala ang mga balita sa labas. Ang mabuti pa ay magpahinga muna kayo. Natitiyak kong nauubos na ang pasensya ng gobyerno dahil wala ng bumabalik na sundalo sa kanila. Nakatitiyak din ako na ang susunod na magtutungo dito ay hindi na mga sundalo.” Sambit ni Khastro.

Ikinatuwa ni Lala ang kaniyang mga narinig, dahil batid na niya kung sino ang mga tinutukoy ni Khastro.

 

“Mga bounty hunters!” Masayang pagkakasambit ni Lala.

Samantala, mapunta naman tayo dulong parte ng Noria Forest.

 

“Nakakabagot naman dito, pero ngayon ko lang napagtanto na ang gubat na ‘to ay gubat ng kayamanan.” Sambit ni Eiel.

*Hahaha.. Sang-ayon ako sayo. Lubhang napaka mapanganib ng lugar na ito para sa mga nadirion at tao, kaya wala pang nakakarating sa parteng ito maliban sa’tin. Sa tingin ko nga ay hindi pa nadidiskubre ang ilan sa mga mapapanganib na hayop at halaman na makikita sa parteng ito ng kagubatan.” Sambit ni Bul.

“Sa tingin ko rin, pero labis din akong namamangha sa bahay na ‘to. Wala naman dito ang mga kagamitang ito nung simulan na’ting gawin ang bahay na ito, mahigit tatlong daang taon na ang nakakalipas.” Sambit muli ni Eiel.

Agad napatingin si Eiel sa harapan kung nasaan ngayon si Bul. Sa ngayon kasi ay pinapanood nito sa mga malalaking monitor ang iba’t-ibang lugar at pangyayari na akwal na nagaganap sa kasalukuyan.

 

*Hahaha! Ikaw na rin ang nagsabi na nakakabagot dito, kaya naman gumawa ako ng paraan para may paglibangan.” Sambit muli ni Bul.

 

*Fufufu.. Hindi na nakakapagtaka na nalalaman mo ang mga kilos at pangyayari sa’kin, dahil sa mga spectator bugs. Hindi ko akalaing meron ka pa pala ng mga ito.” Sambit muli ni Eiel.

*Hahaha! Ang spectator bugs ay isa lamang sa mga paburito kong nilikha ng ating mga creator. Kahit tayo ay pawang mga sandata na nilikha nila ay labis pa rin akong humahanga sa angking talino ng mga Subtellon.” Sambit muli ni Bul.

*** Note: Ang “Spectator bug” ay isa sa mga naiwang teknolohiya ng mga Subtellon. Sa ngayon ay isa na lang itong alamat, dahil wala pang nakakakita o sabihin na na’ting nakatala na lang ito sa mga aklat. Wala na kasi ang mga ito dahil walang nakakaalam kung paano ito gagawain o lilikhain. Marami namang sumubok gumawa nito at nagtagumpay sila, ngunit may limitasyon ang mga yon, hindi tulad ng Spectator bugs na isang buhay na makinarya.

Kayang magmatyag ng Spectator bug ng ilang daang taon sa isang partikular na lugar, bagay o nilalang. At walang limitasyon ang layo nito sa gumagamit. Nasa gumagamit din nito ang pagpapasya kung alin/anong pangyayari ang nais niyang makita mula dito. At ang dahilan kung bakit nasabing isa itong buhay na makinarya ay dahil kumakain ito at ito ang nagsisilbi nitong enerhiya o baterya upang magpatuloy sa kaniyang pagmamatyag.

Gawa sa hindi tukoy ngunit espesyal na material ang Spectator bug. Sa ngayon ay hindi pa maipaliwanag kung papaano gumagana ang mekanismo sa loob nito at kung anong klaseng elemento ito gawa, ngunit matatagpuan lang sa planetang Lore ang mga elementong ito. ***

 

“Kahit ako ay nagtataka kung papaano nila tayo nalikha. Pero hindi naman yon mahalaga, dahil batid na’tin na sila lang ang posibleng maka-likha sa mga tulad na’tin.” Sambit ni Eiel.

 

“Tama! Pero alam ko kung papaano gawin ang iba sa kanilang mga nakakamanghang imbesyon. *Hahaha!Sambit ni Bul.

 

“Alam ko na ang tungkol sa bagay na yan. Pero ang problema ay ang mga materyal na kailangan upang malikha ang mga yon.” Sambit muli ni Eiel.

*Haha! Yun lang ang problema! Pero may ilan na akong nalikha. Gusto mo ba silang makita?” Sambit muli ni Bul.

 

“Sa susunod na lang.” Tugon ni Eiel.

Matapos magsalita ay napalingon si Eiel sa isa sa mga monitor. Dito ay nakita niya si Lisa at Fate sakay ng kaniyang sasakyan at sa ngayon ay tinatahak nila ang daan patungo sa pinaka malapit na paliparaan.

“Siguro kung makakabuting umalis na tayo dito.” Sambit ni Eiel.

*Huh? Bakit naman?” Nakangiting pagkakatanong ni Bul.

*Tsss.. Parang hindi mo alam ang lahat ah! Papunta na dito sina Fate at natitiyak kong tayo ang pakay nila.” Tugon ni Eiel.

 

“Talaga? *Hehehe.. Sige, aalis tayo dito. Pero kailangan ko munang makaharap si Fate.” Sambit muli ni Eiel.

Napa-iling na lang si Eiel dahil batid niyang hindi na niya mababago pa ang sinabi ni Bul.

 

“Nauunawaan ko, pero magpapaiwan ako dito.” Sambit muli ni Eiel.

 

“Nope! Nope! Nope! Sasama ka sa’kin!” Nakangiting pagkakasambit ni Bul.

Napa-face palm na lang si Eiel dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Bul. Batid din kasi niya na wala na talaga siyang magagawa pa tungkol dito.

Kinabukasan, narating na nina Lisa ang paliparan na malapit sa bayan ng Aruan. Laking pasasalamat ni Lisa, dahil natapos na ang kaniyang kalbaryo sa eroplano. Halos naging matagumpay naman ang ginawa niyang paraan upang malabanan ang takot niya sa eroplano, ngunit gayumpaman ay hindi pa rin nawala ang kaniyang takot dito.

 

“Salamat! Nakababa na rin tayo sa sinumpang sasakyan na yan! Okay lang sana kung anti-gravity mobile eh, medyo mababa lang kasi ang lipad non.” Sambit ni Lisa.

 

“Ngunit sadyang mahal ang anti-gravity mobile at ayon kay Tosara ay nasira ka na ng isa nito, kaya hindi na siya bumili pa.” Sambit ni Fate.

 

*Hehe.. Pwede bang wag mo ng ipaalala ang tungkol sa bagay na yon?” Awkward na pagkakasambit ni Lisa.

 

“Ang mabuti pa ay magtungo na tayo sa Aruan.” Sambit muli ni Fate.

 

“Okay, kunin ko lang ang kotse na’tin.” Tugon ni Lisa.

Matapos magsalita ay agad nagtungo si Lisa sa likuran na parte ng eroplano upang dito ay kunin ang kanilang sasakyan.

(Note: Dinala ni Lisa ang kanilang sasakyan at nakasakay din ito sa sinakyan nilang eroplano. At kung iniisip nyo kung papaano ito nangyari, yun ay dahil sobrang laki ng eroplanong sinakyan nila! xD)

Ilang minuto lang ang lumipas ay nagbalik na si Lisa dala ang kanilang sasakyan. Agad ng sumakay dito si Fate at kalaunan ay mabilis na silang umalis upang magtungo sa bayan ng Aruan.

Samantala, sa pinaka-dulong parte ng Noria Forest. Kasalukuyan ngayong naglilinis ng kaniyang Rotten skull si Eiel sa labas ng bahay. Ngunit ilang sandali pa ay agad siyang napalingon sa may pinto dahil narinig niyang nagbukas ito.

 

“Papunta na sila dito.” Masayang pagkakasambit ni Bul.

 

*Tsk! Bakit ba kasi kailangang sumama pa ako?” Sambit ni Eiel.

 

*Hehehe.. Hindi ko kasi alam ang sasabihin kay Fate eh.” Tugon ni Bul.

 

“Sa tingin mo ba ay alam ko ang mga sasabihin ko kay Lisa sa oras na magkaharap kami?” Medyo dismayadong pagkakasambit ni Eiel.

 

“Ikaw naman! Alam kong kaya mo na yun. *Hahaha! Masayang pagkakasambit Bul.

Napa-iling na lang si Eiel matapos marinig ang sinabi ni Bul.

 

“Oo nga pala, ano na ang balita kina Khastro?” Tanong ni Eiel.

“Wag kang mag-alala, nandun pa din sila sa bayang yon.  *Ahh! Oo nga pala, pabalik na din si Dal don.” Tugon ni Bul.

 

“Ganon ba? Hindi kaya sobrang naiinip na ang mga yon?” Tanong muli ni Eiel.

“Sa tingin ko hindi. Alam mo namang sobrang pasensyoso si Khastro na tanging nagustuhan ko sa kaniya. *Hahaha! Tugon muli ni Bul.

*Haaay! Natitiyak kong magugulat yon sa oras na malaman nilang niloko lang na’tin sila sa pagkamatay mo.” Dismayadong pagkakasambit ni Eiel.

 

*Hehehe.. Alam mo namang mahilig ako sa surpresa.” Nakangiting pagkakasambit ni Bul.

 

“At yon ang pinaka-hindi ko gusto sayo.” Dismayadong pagkakasambit muli ni Eiel.

Muli ay napa-iling si Eiel matapos magsalita at kalaunan ay nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.

Makalipas ang tatlong oras ay tuluyan ng narating nina Lisa ang bayan ng Aruan. Agad silang sinalubong ng isa sa mga kasapi ng Drago Gang na sa ngayon ay pinamumunuan na ni Gordon.

 

“Kanina pa po kayo hinihintay ni Gordon sa aming base.” Sambit ng isa lalaki.

 

“Kung ganon ay dalin mo na kami sa kaniya.” Tugon ni Fate.

Ilang sandali pa ay sumakay na ang lalaking kasapi ng Drago gang sa sasakyan nito at kalaunan ay nagsimula ng umusad. Sinundan ito nina Lisa hanggang sa tuluyan na silang makapunta sa kuta ngayon ng naturang na Gang.

Sa isang kaaya-ayang lugar sila nagtungo. Labis na nagulat si Lisa dahil hindi ganito ang kaniyang inaasahang makita.

 

“Whoa.. Ngayon lang ako nakakita ng mga bandido na ganito kaganda ang hide-out ah.” Sambit ni Lisa.

 

“Tayo na po sa loob.” Sambit nung lalaki.

Hindi na sila nag sayang pa ng oras at mabilis na silang pumasok sa loob. Nang tuluyang makapasok ay mas lalong nagulat si Lisa, dahil sa daming mahahalaga at magagandang kagamitan sa loob ng naturang lugar.

 

“Sigurado bang mga bandido kayo?” Tanong ni Lisa.

Hindi tinugon si Lisa nung lalaki bagkus ay nagpatuloy lang ito sa kaniyang paglalakad. Halos ilang minuto din ang lumipas bago nila tuluyang marating ang silid kung saan nila makakausap si Gordon.

 

“Maligayang pagdating, miss Fate Steinight at miss?” Sambit ni Gordon.

 

“Lisa. Lisa Griswold.” Sambit ni Lisa.

Labis na nagulat si Gordon pati ang mga kasamahan nito.

 

“Lisa Griswold? Ang sikat na Bounty hunter?” Sambit ng lalaking naghatid sa kanila.

Agad inihanda ng mga bandido ang kanilang mga baril at mabilis nila itong itinutok kay Lisa at Fate.

 

“Huminahon kayong lahat. Hindi mga napakatong sa ulo nyo ang pakay niya.” Sambit ni Fate.

 

“At papaano naman ako nakakasiguro sa bagay na sinasabi mo?” Tanong ni Gordon.

 

“Dahil patay ka na sana sa mga sandaling ito.” Sambit ni Lisa.

Labis na nagulat si Gordon dahil mula sa kaniyang likuran nagmula ang boses ni Lisa. Hindi siya makapaniwala, dahil halos wala pang isang segundo ng bigla itong nawala sa kaniyang paningin at napunta sa kaniyang likuran.

Napalunok na lang si Gordon at kalaunan ay marahang nagsalita.

 

“Ibaba nyo na ang inyong mga baril.” Sambit ni Gordon.

Matapos maibaba ng mga bandito ang kanilang mga baril ay marahang naglakad patungo si Lisa kay Fate.

 

“Kung hindi ang nakapatong sa ulo ko ang pakay ng Griswold’s Legacy, ano ito?” Sambit muli ni Gordon.

“Si Tosara ang pakay ko. Siya ang pumatay sa kapatid mo diba?” Tugon ni Lisa.

 

“Pero maraming nagsasabi sa’kin na siya ay si Eiel Griswold, ang iyong kapatid.” Sambit muli ni Gordon.

 

“Tama ka, siya nga si Eiel Griswold. Pero hindi ko talaga siya tunay na kapatid. Halos may ilang buwan na rin siyang nawawala at matagal ko na siyang hinahanap.” Tugon muli ni Lisa.

 

“Pero ipinatawag ko kayo upang patayin nyo siya.” Sambit muli ni Gordon.

 

“Si Fate ang kinontrata mo at hindi ako, pero wag kang mag-alala dahil hindi ko naman mapipigilan si Fate at hindi rin ako magiging hadlang sa kontrata nyo.” Sambit muli ni Lisa.

 

“At papaano naman ako nakakatiyak sa iyong mga sinasabi?” Tanong ni Gordon.

 

“Dahil hindi ako papayag na mamagitan siya. Wag kang mag-alala, Gordon. Naparito lang siya para malaman ang kinaroroonan ng kaniyang kapatid.” Sambit ni Fate.

 

“Wala akong tiwala sa inyo. Mabuti pa siguro kung humanap na lang ako ng ibang tatanggap sa trabahong ipinapagawa ko.” Sambit ni Gordon.

 

“Ganon ba? Kung ganon ay sabihin mo na lang kung saan ko matatagpuan si Eiel.” Sambit muli ni Fate.

 

“At bakit ko naman sasabihin sayo ang tungkol sa bagay na yon?” Tugon ni Gordon.

Sa mga sandaling ito ay muling inihanda ng mga bandido ang kanilang mga baril at mabilis na itinutok kina Lisa.

 

“Nauunawaan ko. Kami na ang bahalang umalam tungkol sa bagay na yan.” Sambit muli ni Fate.

Matapos magsalita ay sabay ng naglakad ang dalawa papalabas ng naturang gusali. Hindi naman inalis ng mga bandido ang pagkakatutok ng kanilang mga baril sa dalawa hanggang sa tuluyan ng makalabas ng gusali sina Lisa.

 

“Paki sabi sa boss nyo na maraming salamat sa impormasyon.” Sambit ni Lisa.

Sumakay na si Fate sa sasakyan, samantalang pasakay palang si Lisa. Ngunit muli itong bumalik para sa isang bagay.

 

“May nakalimutan nga pala akong gawin.” Sambit ni Lisa.

Mabilis kinuha ni Lisa ang kaniyang Dual Blind Griffon at mabilis siyang nagpaputok.

*** SFX: PUN! PUN! PUN! PUN! PUN! PUN! PUN! PUN! PUN! PUN! PUN! PUN! PUN! PUN! ***

Labis na nagulat ang mga bandido sa kanilang nasaksihan, dahil lahat ng baril na kanilang hawak ay nasira matapos patamaan ni Lisa ang mga ito. Ang totoo nito ay iniutos sa kanila na pasabugin ang sasakyang gamit nina Lisa habang nakasakay ang mga ito. Ngunit sa ngayon ay malabo na nila itong magawa.

Makalipas ang labing limang minuto, sandaling huminto sina Lisa sa isang bar upang dito ay kumalap ng impormasyon patungkol kay Eiel at sa kasama nitong babae.

Tinanong nila ang naturang may-ari ng bar na napuntahan nila matapos nilang maka-bili dito ng inumin.

 

“May alam po ba kayo tungkol sa pagkamatay ni Drago ng Drago gang?” Tanong ni Lisa.

 

*Ahh! Oo! Sa totoo lang ay dito namatay ang Drago na yon! At isang lalake ang gumawa non sa kaniya.” Tugon ng may-ari.

Agad nagkatinginan sina Lisa at Fate matapos marinig ang naging tugon ng may-ari sa kanila.

 

“Nakakagulat nga yung ginawa nung lalake kay Drago eh. Bigla na lang itong naglaho tapos ilang sandali pa ay nasa harapan na ito ni Drago. Sinakal niya ito tapos ilang sandali pa ay biglang nagliyab si Drago at pagkatapos non ay biglang naging abo.” Sambit muli ng may-ari.

Nagulat si Lisa sa kaniyang mga narinig, dahil hindi niya alam kung papaano nagawang sunugin ni Eiel si Drago ng halos ilang saglit lang.

“Totoo po ba ang sinabi nyo? Bigla na lang pong nagliyab si Drago tapos ilang sandaling ay bigla na lang itong naging abo?” Sambit ni Lisa.

“Tama, ganon na nga. Saksi ako sa mga pangyayari at ang akala ko nga ay masama yung lalakeng yon eh. At kung hindi ako nagkakamali ay Tosara yung tinawag sa kaniya nung kasama niyang babae.” Tugon ng may-ari.

 

“Yung babaeng kasama niya, kulay pula na may pagka-dark red ba yung buhok niya?” Tanong ni Fate.

 

*Uhm! Bul yata yung tinawag sa kaniya nung lalake. Hindi ko lang sigurado, kasi may edad na ako at medyo mahina na ang aking pandinig.” Tugon ng may-ari.

Sandaling natahimik ang dalawa sa mga oras na ito.

 

“May alam po ba kayo kung nasaan sila ngayon?” Tanong ni Lisa.

 

*Hmm.. Ayon sa mga naririnig ko sa mga kasapi ng Drago gang ay nasa loob daw ito ng Noria Forest. Halos araw at gabing binabantayan ng gang na yon ang bawat sulok ng gubat, kaya nakakatiyak akong nasa loob pa rin gubat ang dalawang yon kung buhay pa sila.” Tugon muli ng may-ari.

 

“Isang magandang lugar nga ang Noria, pero labis na mapanganib dito.” Sambit ni Fate.

 

“Ganon ba? Kung ganon ay patuloy pa rin silang nagtatago sa gubat na yon?” Tanong ni Lisa.

 

“Siguro.” Tugon ni Fate.

 

“Kung ganon ay magtungo na tayo don.” Sambit muli ni Lisa.

“Kung binabalak nyong pumasok sa gubat na yon ay binabalaan ko na kayo ngayon pa lang.” Sambit ng may-ari.

 

“Bakit naman po?” Tanong ni Lisa.

 

“Mag mula nung pumasok ang dalawang yon sa gubat ay tila mas naging agresibo ang mga nilalang na naninirahan don. Ayon sa mga narinig ko ay hindi pa natutukoy at ngayon pa lang nakita ang ilan sa mga nilalang na sumalakay sa mga tao at nadir na nagtangkang pumasok sa loob ng gubat. Walang nakakaalam kung ano talaga ang nangyayari sa gubat na yon ngayon at kung nasa loob pa rin ng gubat ang lalaking pumatay kay Drago at ang kasama niyang babae ay malamang patay na din sila.” Tugon ng may-ari.

Muli ay sandaling natahimik sina Lisa at Fate sa kanilang mga narinig. Batid nilang may hindi tamang nangyayari sa loob ng gubat at ang hinala nila ay may kinalaman dito si Eiel at ang kasama nitong babae.

 

“Maraming salamat po sa impormasyon, pero naniniwala akong buhay pa rin silang dalawa at kasalukuyang nagtatago lang sa loob ng gubat. At kung sakali mang magbalik sila dito ay maaari nyo ba kaming tawagan sa numerong nakasulat sa card na yan?” Sambit ni Lisa.

Habang nagsasalita ay may isang card na inabot si Lisa sa may-ari na agad naman nitong kinuha.

*Hmm.. Wala namang problema sa’kin ang bagay na yon. Pero ang hindi ko sigurado ay kung magpapakita pa sila dito. Ang hinala din kasi ng Drago Gang ay patay na ang hinahanap nila eh.” Tugon ng may-ari.

 

“Baka sakali lang po. Sana po talaga ay tawagan nyo kami sa oras na magbalik sila dito.” Sambit muli ni Lisa.

 

“Nauunawaan ko, pero ano ba ang kaugnayan nyo sa kanila?” Sambit ng may-ari.

 

“Ako ang kapatid ng lalaking tinutukoy nyong si Tosara.” Tugon ni Lisa.

Sandaling natahimik ang may-ari sa kaniyang narinig. Ilang sandali pa ay nagpaalam na sina Lisa at kalaunan ay umalis na sa naturang bar.

Matapos makakuha ng impormasyon ay naghanap na ng matutuluyan ang dalawa. Halos palubog na rin kasi ang araw, kaya ipagpapabukas na lang nila ang kanilang paghahanap.

Samantala, napanood ni Bul ang naging pag-uusap nina Lisa at ng may-ari ng bar sa pamamagitan ng kaniyang spectator bug.

 

*Fufufu.. Hindi na ako makapaghintay na magkita silang dalawa bukas.” Masayang pagkakasambit ni Bul.

Halos ilang minuto rin ang lumipas bago nakabalik si Eiel mula sa kaniyang pangangaso. Agad naman siyang binati ni Bul matapos makita ang pagbabalik nito.

 

*Tsk! Bigla na lang humirap mangaso sa lugar na ‘to. Halos sa kalagitnaan pa ako ng kagubataan nakakakita ng maaari na’ting kainin.” Sambit ni Eiel.

 

*Hahaha! Batid kasi ng mga nilalang dito ang kaibahan na’tin sa kanila. At dahil mga mababangis sila ay nalalaman nila kung nasa panganib na ba ang kanilang mga buhay. At yun ang dahilan kung bakit sila pansalamantalang umalis sa kanilang mga teritoryo.” Sambit ni Bul.

 

“Badtrip nga eh! Hindi ko pa sila nakikita, nararamdaman ko na ang kanilang pag-alis. Dapat kasi namili muna tayo sa bayan ng mga pagkain eh.” Sambit muli ni Eiel.

 

“Kung ganon ay pumunta na tayo sa bayan bukas!” Masayang pagkakasambit ni Bul.

 

*Tsk! Hindi ko gusto ang ngiti sa mukha mo! Ano na naman ang binabalak mo?” Dismayadong pagkakasambit ni Eiel.

 

 “*Hehe.. Hintayin mo na lang!” Nakangiting pagkakatugon ni Bul.

Mabalik tayo kina Lisa. Sa ngayon ay nakahanap na sila ng matutuluyan. Tulad ng kaniyang ipinangako sa kaniyang mga kaibigan ay tinawagan niya ang mga ito upang ipaalam ang kaniyang sitwasyon.

Kinabukasan, halos tanghali na ng makatanggap ng isang tawag si Lisa. Mula ang pagtawag sa bar na napagtanugan nila kahapon. Ayon dito ay nagpakita na sina Eiel sa naturang bar. Labis itong ikinatuwa ni Lisa at Fate kaya hindi na sila nag-aksaya ng panahon at mabilis na silang umalis upang matungo sa naturang bar.

Halos labing limang minuto ay narating na nina Lisa ang bar. Agad silang pumasok sa loob at kalaunan ay hinanap si Eiel, ngunit bigo silang makita ang mga ito. Ilang sandali pa ay nilapitan nila ang may-ari upang maka-usap.

 

“Nasaan na po sila Tosara?” Tanong ni Lisa.

 

“Kalalabas lang nila ng bar ah! Hindi ba kayo nag-abot?” Tugon ng may-ari.

 

“*Tsk!” Sambit ni Fate.

Hindi na tumugon ang dalawa sa may-ari ng bar at mabilis na silang lumabas. Sa labas ay agad silang naghanap, ngunit bigo pa rin silang makita si Eiel. Ngunit mabuti na lang at maraming tauhan si Gordon na kasalukuyan ngayon hinahanap si Eiel at ang kasama nito. Narinig nila mula sa mga ito ang eksaktong lugar kung nasaan ngayon sina Eiel.

 

“Tayo na Fate! Mahihirapan tayo kung papasok sila sa gubat.” Sambit ni Lisa.

 

“*Uhm!” Tugon ni Fate.

Muli ay nagmadali na ang dalawa upang matungo sa kinaroroonan ngayon nina Eiel. At halos ilang minuto lang ay sunod-sunod na ang mga putok ng baril ang kanilang naririnig. Batid nilang sa Drago Gang ang mga ito at natitiyak nilang kinakalaban ng mga ito sina Eiel.

Ilang minuto pa ay nakita na nina Lisa ang nagaganap na labanan. Kapansin-pansin ang mga pinsala sa lupa at mula ang mga ito sa mga pagsabog. Ngunit labis silang nagtataka matapos makita ang mga sasakyan at mga sandata, ngunit wala naman silang makita ni isang tao o nadir maliban sa isang lalaki at isang babae na nakatayo sa gitna.

 

“Eiel..” Sambit ni Lisa.

 

“Bul? Pero imposible..” Gulat na pagkakasambit ni Fate.

 

“Kamusta ka na, Fate?” Masayang pagkakasambit ni Bul.

Sa ngayon ay nagkita na ang kanilang mga landas. Walang ideya si Lisa tungkol sa pagkatao ni Bul, ngunit labis siyang nagulat sa malaking pagbabago ni Eiel.

Chapter end.

Afterwords.

Medyo baka mapa-aga na ang pag-UD ko dito. Tapos ko na kasing isulat ang SOM book 2.. kaya medyo nagpapadami na lang ako ng mga chapters para masabi ko na yung regular na UD nito.. Ayun, maraming salamat po.. :)

Susunod

 Chapter 12: Pagsubok

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top