Chapter 10: Sa muling paghahanap.
November 02, CS344. Halos kakatapos lang makipag-usap ni Fate kay Lisa. Nakita din siyang lumabas ng kwarto nila Elris, kaya dali-dali na nilang pinuntahan ang kanilang kaibigan. Muli ay pumasok sila sa loob ng kwarto at halos sabay-sabay naupo sa may kama. At katulad ng inaasahan nila Elris ay magiging malungkot si Lisa matapos malaman ang kanilang mga nalaman tungkol kay Eiel. Ilang sandali pa ay mahigip ng niyakap ni Elris si Lisa at kusunod nito ay ang kaniyang pagsasalita.
“Wag kang mag-alala, natitiyak kong babalik si Eiel.” Sambit ni Elris.
“*Uhm.. Kaya wag ka ng malungkot Lisa.” Sambit ni Louise.
“Kung ganon ay alam nyo na rin na si Eiel ay kasapi sa Bul-Khatos Vidala?” Sambit ni Lisa.
Sandaling natahimik ang dalawa at kalaunan ay nagkatinginan. Ilang sandali pa ay tinugon na nila si Lisa.
“*Uhm.. Pero naki-usap si Fate na siya na ang magsasabi nito sayo, kaya hindi agad na’min ito nasabi kanina.” Sambit ni Elris.
“At isa pa ay halos dalawang oras lang naman bago dumating si Fate eh.” Sambit ni Louise.
“Wag kayong mag-alala, hindi ako nagagalit. Pero sana ay ilihim nyo ang tungkol sa bagay na ‘to.” Sambit muli ni Lisa.
“*Uhm.. Wag kang mag-aalala, walang makaalam tungkol sa bagay na ‘to bukod sa’tin.” Sambit ni Elris.
“Maraming salamat.” Sambit muli ni Lisa.
Matapos magsalita ay mabilis ng tumayo si Lisa at kalaunan ay lumabas ng kwarto. Agad namang siyang tinanong ni Elris kung saan ito pupunta, ngunit hindi siya tinugon nito.
Sa ngayon ay labis ang pag-alala ni Elris at Louise para sa kanilang kaibigan, kaya mabilis nila itong sinundan.
“Saan ka ba talaga pupunta?” Tanong ni Elris.
Pero matapos magsalita ay may mabaho silang naamoy. Agad silang napatakip ng ilong, samantalang mabilis namang tumakbo si Lisa patungong banyo.
“Grabe naman! Mag-babanyo lang pala siya!” Sambit ni Elris.
“Kaya pala hindi siya makapagsalita at mabilis maglakad.” Sambit ni Louise.
Makalipas ang ilang mga minuto ay pawisang lumabas ng banyo si Lisa. Marahan itong naglakad patungo sa kaniyang mga kaibigan, ngunit tila pinandidirian siya ng mga ito dahil sa bawat kaniyang paghakbang ay napapaatras ang dalawa.
“Grabe naman kayo! Kung tutuusin ay kasalanan nyo ‘to eh! Sobrang dami kasi ng ipinakain nyo sa’kin kanina.” Sambit ni Lisa.
“Ganon ba? Pero ansama pa rin talaga ng simoy ng hangin sa paligid mo eh.” Sambit ni Louise.
“Mabuti pa siguro kung maligo na ka. Pawis na pawis ka na rin kasi eh.” Sambit ni Elris.
“Okay..” Medyo inis na pagkakasambit ni Lisa.
Kahit papaano ay naging masaya si Elris at Louise para sa kanilang kaibigan, dahil hindi na ito malungkot sa ngayon. Ngunit batid nilang dalawa na ito’y panandalian lamang.
Makalipas ang isang oras ay muling kinausap ni Elris at Louise si Lisa sa kwarto kung nasaan ito sa ngayon.
“Ano na ang plano mo ngayon, Lisa?” Tanong ni Louise.
“Ano pa ba? Syempre hahanapin ko si Eiel.” Tugon ni Lisa.
“Kung gusto mo ay kunin na’tin ang serbisyo ni Fate.” Sambit ni Elris.
“Hindi na kailangan. At isa pa ay natitiyak kong hindi niya yon tatanggapin. Masyadong personal ang bagay na ‘to para sa kaniya.” Sambit ni Lisa.
“Nauunawaan ko, pero sa papaano mong paraan siya hahanapin?” Sambit muli ni Elris.
“At saan ka magsisimula?” Tanong ni Louise.
“Hindi ko pa alam, pero natitiyak kong nasa paligid lang siya at nagmamatyag. Kilala ko si Eiel, hindi siya basta sasalakay ng walang planong dala.” Sambit muli ni Lisa.
“Sabagay..” Sambit muli ni Louise.
“Tama.. Alam ko na kung saan ako pupunta.” Sambit muli ni Lisa.
Agad nagkatinginan ang dalawa matapos nilang marinig si Lisa. Wala silang ideya kung ano ang iniisip nito ngayon, kaya agad na silang nagtanong.
“Saan?” Tanong ng dalawa.
Sandaling tumahimik si Lisa at halos may pitong sigudo ang lumipas bago ito muling nagsalita.
“Elris, Louise. Kailangan ko ang tulong nyo.” Sambit ni Lisa.
Muli ay nagkatinginan ang dalawa at kalaunan ay sabay na tumugon kay Lisa.
Samantala, sa isang mapanganib na kagubatan, ang Noria Forest. Makikita ang gubat na ito sa paanan ng isang tanyag na bundok, ngunit labis na panganib ang magtungo dito at pawang mga propesyonal na mga hunters lang ang naglalakas loob na pumasok sa naturang gubat. Marami sa nilalang at mga halaman na naninirahan o makikita sa naturang gubat ay hindi pa nakikita o na pag-aaralan at ang mga ito ay halos makikita sa pinaka-dulong parte ng kagubatan. Sadya ring mahiwaga ang Noria Forest, dahil natatakpan ng makapal na usok/fog ang itaas na parte nito, kaya wala rin makita mula sa himpapawid. At dahil ang naturang gubat ang nag-iisang daan patungo sa tanyag na bundok ay wala pang nakakapunta sa paanan nito na hinihinalang sagana sa mga miniral.
Sa ngayon ay kasalukuyang nandito si Eiel upang magtungo sa isang partikular na lugar at hindi ito alam ng apat sa dati niyang ka-grupo. Patungo siya sa pinaka-paanan ng naturang bundok at labis na mapanganib ang magtungo dito, lalo na kung mag-isa. Ngunit si Eiel ay hindi na naghanda at tila hindi alintana ang panganib, dahil dire-diretso lang ito sa kaniyang paglalakad. Nakakapagtaka naman dahil ang mga mapapanganib na nilalang ay tila natatakot sa kaniya, dahil kusa na itong umiiwas at umaalis sa direksyong tinatahak niya.
Lumipas ang ilang mga oras na paglalakad ay tuluyan ng narating ni Eiel ang lugar na kaniyang pakay, isang maliit na bahay. Halos nasa pinaka-dulo ito ng kagubatan at imposible para sa mga nadirion o mga tao na mapuntahan ito, dahil dito namamalagi ang mga pinaka mapapanganib na hayop at halaman.
Sandaling huminto si Eiel sa harapan ng pinto. Ilang sandali siyang namalagi dito hanggang sa tuluyan na siyang pumasok sa loob. Sa loob ay may isang babae ang bumati sa kaniya.
“Maligayang pagbabalik, Tosara.” Nakangiting pagkakasambit ng isang babae.
“Ano na ang plano mo ngayon, Bul?” Nakangiting pagkakasambit ni Eiel.
Mabalik tayo sa bayan ng Harogath. Sa ngayon ay tapos na sa kaniyang paghahanda si Lisa para muling umalis. Nagtagal ng ilang oras bago tuluyang matapos sila Elris sa bagay na hiniling niya sa mga ito kanina.
*** Flashback! xD ***
Kasalukuyan ngayong nag-uusap sila Lisa, Elris at Louise sa isang kwarto.
“Elris, Louise. Kailangan ko ang tulong nyo.” Sambit ni Lisa.
Agad nagkatinginan ang dalawa at kalaunan ay sabay na tumugon kay Lisa.
“Ano naman yon?” Tanong ni Louise.
“Maaari nyo ba akong ipagluto ng mga pagkain para hindi na ako huminto pa sa pag mamaneho?” Tugon ni Lisa.
“Sus! Yon lang pala. Walang problema don! Pero kailan mo ba binabalak na umalis?” Sambit muli ni Louise.
“Ngayong araw din.” Tugon ni Lisa.
“Pero kaka-dating mo lang dito kahapon ah. Hindi kaya mapagod ka na naman nyan?” Sambit ni Elris.
“Wag nyo akong intindihin. Kaya ko na ang sarili ko at isa pa ay hindi naman ako gaanong nagmamadali.” Sambit muli ni Lisa.
“Okay, sige. Pero dapat mangako ka sa’min na magpapahinga ka at matutulog ng sapat.” Sambit muli ni Elris.
“*Uhm.. Wag kayong mag-alala. At isa pa nga pala. Kailangan ko na rin ng supply ng ammunitions.” Sambit muli ni Lisa.
“Okay sige. Si Louise na ang bahala dyan at ako naman ang bahala sa mga pagkaing babaunin mo.” Sambit muli ni Elris.
“Maraming salamat.” Nakangiting pagkakasambit ni Lisa.
*** Flashback end’s here! xD ***
Mabalik tayo, matapos mailagay ang lahat ng kaniyang dadalin sa sasakyan ay agad ng nagpaalam si Lisa sa kaniyang mga kaibigan at matapos nito ay umalis na siya. Sa ngayon ay binabalak niyang bumalik sa kanilang bayan, sa Devias. Babalik siya dito hindi upang muling makausap ang kaniyang lolo, bagkus ay gusto niyang makausap ang doktor na sumuri dati kay Eiel at batid niya kung sino ito at kung saan ito makikita.
Halos tatlong araw bago tuluyang makakabalik si Lisa at natitiyak niyang aabutin ng ilang linggo bago tuluyan siyang makakuha ng impormasyon sa kinaroroonan ni Eiel o nung mga dati nitong kasamahan.
Samantala, mabalik muli tayo sa kagubatan ng Noria. Kasalukuyan ngayong nag-uusap si Eiel at ang dating pinuno ng kanilang grupo, si Bul.
“Katulad ng ating napag-usapan, wala akong sinabi tungkol sa pagkawala mo kay Fate.” Sambit ni Eiel.
“Alam ko na ang tungkol sa bagay na yan, Tosara. Pero hindi ko inaasahang aabutin ng anim na taon bago tuluyang bumalik ang mga alala mo.” Sambit ni Bul.
*** Bul. Ayon kay Fate ay isang mabuting nilalang ito, magaling na leader at malakas. At kung pagba-basehan ang anyo nito ay tinatayang nasa edad 25 ito pababa.
Slim ang pangangatawan ni Bul, nasa 5’4” ang kaniyang taas, maputi at makinis ang kaniyang balat, maganda ang mahabang dark red niyang buhok at may pyutsur naman. (if you know what I mean! :3) ***
“Hindi ko rin inaasahan na ganito ang mangyayari. Na kay Fate naman kasi ang susi upang manumbalik ang aking mga alala.” Sambit ni Fate.
“*Fufu.. Batid kong aabutin ng ilang mga taon, pero hindi ko inaasahang ganito katagal.” Nakangiting pagkakasambit ni Bul.
“*Heh.. Bakit? Masyado ka bang nainip dito?” Nakangiting pagkakasambit ni Eiel.
“Hindi naman, halos apat na taon din siguro akong nakatulog dito. Ang akala ko nga ay ikaw na mismo ang gigising sa’kin eh. *Hahaha!” Sambit ni Bul.
“Ganon ba? *Hahaha! Pasensya ka na, pero ano na ang susunod na’ting hakbang?” Sambit muli ni Eiel.
“*Hmm.. Siguro makakabuti kung panoorin muna na’tin ang magiging mga hakbang nila Khastro. At ikaw, ano naman ang balak mo sa ngayon? Maniniwala ka ba kung umabot sa’kin ang balita na naging sikat kang bounty hunter?” Nakangiting pagkakasambit ni Bul.
“*Fufufu.. Kung ganon ay matagal mo na pala akong sinusubaybayan?” Sambit muli ni Eiel.
“*Haha! Alam mo naman na dito ako magaling diba? Easy go lucky lang ako at nag-eenjoy sa mga simpleng bagay.” Sambit muli ni Bul.
“Kaya hindi ka gusto ni Khastro eh!” Sambit muli ni Eiel.
“Matagal ko ng alam ang tungkol sa bagay na yan, Tosara. Pero ang batang itinuring mong kapatid ay natitiyak kong hinahanap ka na sa ngayon.” Sambit muli ni Bul.
“Alam ko na rin ang tungkol sa bagay na yan at natitiyak kong hindi yon titigil sa paghahanap sa’kin.” Sambit muli ni Eiel.
“So ano na ang binabalak mo?” Tanong ni Bul.
“Sa ngayon wala pa, mas mahalaga ang mga plano na’tin.” Tugon ni Eiel.
“Nauunawaan ko.” Nakangiting pagkakasambit ni Bul.
Mapunta naman tayo sa isang malayong bayan, ang Kurast. Makikita ang bayang ito sa isang isla at sa lugar na ito ipinapatapon ang mga may malulubha at nakakahawang sakit. Sa ngayon ay nandito sila Khastro at napaslang na nila ang lahat ng tao/nadir na mapayapang naninirahan dito.
“Ang boring naman! Gusto ko na ulit makita si Tosara!” Sambit ni Lala.
“Pero ayon kay Dal ay nawawala daw ngayon si Tosara, matapos kong makipaglaban sa kanila.” Sambit ni Vivi.
“Hindi kaya bumalik na ang kaniyang mga alala?” Tanong ni Lala.
“Posible ang bagay na sinabi mo, Lala. Pero wala siyang magagawa laban sa’tin. At alam mo ang tungkol sa bagay na yan.” Nakangiting pagkakasambit ni Khastro.
“*Hmm.. Nasaan ba ngayon si Dal?” Tanong ni Lala.
“May ginagawa siya ngayong mahalagang bagay. At isa pa naghahanap siya ng impormasyon tungkol kay Fate at Tosara.” Tugon ni Vivi.
“*Ahh! Okay.. Ano naman ang plano nyo sa mga bangkay ng mga tao at nadir dito? Susunugin ba na’tin sila?” Tanong muli ni Lala.
“Bakit hindi mo na lang sila tunawin?” Tugon ni Vivi.
“Wag! May pag gagamitan ako sa mga katawan na yan.” Sambit ni Khastro.
“Booooooo! Ano ba kasi talaga ang balak mong gawin sa mga bangkay na yan! Wala ka naman yatang mapapala dyan eh!” Medyo inis na pagkakasambit ni Lala.
“Wag kang mag-alala, malalaman mo rin ang tungkol sa bagay na ‘yon.” Nakangiting pagkakasambit ni Khastro.
Dalawang araw ang lumipas, ang mga bangkay ng mga naninirahan sa bayan ng Kurast ay natagpuan sa pampang ng bayan ng Lut Golain. Halos ilang daang kilometro ang layo nito sa Kurast, kaya hindi na nakakapagtakang umabot ng dalawang araw bago ito tuluyang makarating sa bayang ito.
Labis itong ikinagulat at ipinagtaka ng mga residente sa naturang bayan. Ngunit gayumpaman ay may nagsagawa upang kunin ang mga bangkay upang maimbestigahan kung sino ang mga ito at kung bakit sila namatay.
Halos tumagal din ng kalahating araw bago tuluyang nakuha ang mga katawan at naidala ang mga ito sa isang bakanteng pwesto upang dito masuri. Gustong malaman ng mga nakatira sa naturang bayan ang dahilan kung bakit namatay ang mga tao/nadir, kaya halos ang karamihan ay nanunuod at nag-aabang ng balita tungkol dito. Pero ilang sandali pa ay may isang tao na ang bumuwal at kalaunan ay sumuka na ito ng dugo. At ang taong ito ay isa sa mga bumuhat sa mga bangkay. Labis na nabahala ang mga residente sa kung ano ang nangyari sa kanilang kababayan. Ngunit ilang sandali pa ay may isang sumigaw at ito ay ang isa sa mga sumuri sa mga bangkay.
“Umalis na ang lahat ng naririto! Ang mga bangkay na ito ay nagmula sa bayan ng Kurast!” Sigaw ng isang doktor.
Labis na nagulat ang mga residente at ilang sandali pa ay mabilis silang nagtakbuhan papalayo. Batid nila ang panganib na dala ng mga bangkay na yon, dahil ang bayang narinig nila na sinigaw ng doktor ay tila isang sumpa para sa kanila. Ngunit huli na ang lahat para maiwasan ang pagkalat ng sakit. Dahil marami na ang nagkasakit dahil may ilang oras din nakalantad sa mga tao at nadir ang mga bangkay. At kung hindi ito agad malulunasan ay mabilis kakalat ang sakit at magdudulot ito ng epidemya.
Mabilis kumilos ang mga doktor at agad humingi ng tulong sa ibang mga bayan. Labis namang nabahala ang maraming organisasyon tungkol sa balitang nangyari sa bayan ng Lut Golain. Agad silang nagpatawag ng pulong upang mapag-usapan ang tungkol sa bagay na ito, dahil sa tingin nila ay hindi ito nagkataon lang. Ang hinala nila ay isang pag-atake ang nangyari trahedya sa bayan ng Lut Golain.
Agad na rin silang nagpadala ng pwersa ng militar patungo sa bayan ng Kurast upang alamin ang mga kasalukuyang nangyayari sa bayang yon.
Kinabukasan, sa bayan ng Devias. Kasalukuyan ng nakabalik sa kanilang ikalawang bayan si Lisa. Agad siyang dumiretso sa kanilang bahay upang ipaalam sa kaniyang lolo ang kaniyang pagbabalik.
Sandali lang nagtagal si Lisa sa kanilang bahay, dahil matapos nitong makapagpahinga, maligo at kumain ay nagpaalam na ito sa kaniyang lolo na sandaling aalis. Pinahintulutan naman ito ni Sander dahil batid niyang tungkol kay Eiel ang gagawin ng kaniyang apo.
Kinatanghalian, nagtungo na si Lisa sa doktor na sumuri dati kay Eiel. Kilala siya nito dahil isa itong malapit na kaibigan ng namayapa niyang mga magulang.
Halos sa pusod ng Devias nakatayo ang ospital na pinapasukan nito, kaya hindi naging mahirap para kay Lisa na ito ay puntahan. Ngunit ng marating niya ito ay hindi niya naabutan ang tao na kaniyang pakay. Ayon sa nurse na kaniyang napagtanungan ay day-off ngayon ng doktor na hinahanap niya, kaya pupuntahan na lang niya ito sa mismong bahay nito.
Ilang minuto pa ay narating na ni Lisa ang bahay, hindi naman kasi ito gaanong kalayuan sa naturang pagamutan.
Sa kaniyang pagkatok ng pinto ay sandali lang siyang naghintay, dahil agad na siyang pinagbuksan.
“Whoa Lisa! Mabuti naman at napadalaw ka. Kamusta ka na?” Masayang pagkakasambit ni Kondrad.
*** Kondrad Ishmal. 35 years old at siya ang matalik na kaibigan ng mga magulang ni Lisa. Isa siyang magaling na doktor at syentipiko, ngunit mas pinili niyang mag lingkod sa bayan ng Devias dahil dito na naninirahan ang kanilang mga kababayan.
Slim ngunit may katikasan ang pangangatawan ni Kondrad, nasa 5’7” ang kaniyang taas, maputi ang kaniyang balat at brown na nasa katamtamang haba ang kaniyang buhok. ***
“Mabuti naman po tito.” Tugon ni Lisa.
“*Oh pumasok ka muna sa loob para makapag-usap pa tayo.” Sambit muli ni Kondrad.
“*Uhm!” Tugon ni Lisa.
Matapos tumugon ay pumasok na sa loob si Lisa. Agad silang nagtungo sa may sala upang dito ay makapag-usap. Sandali namang umalis si Kondrad upang maghanda ng maiinom at makakain. Nang makabalik ay agad ng sinabi ni Lisa ang kaniyang pakay dito.
“Tito, maaari nyo po bang sabihin sa’kin ang lahat ng nalalaman nyo kay Eiel.” Sambit ni Lisa.
Napangiti na lang si Kondrad dahil batid na niyang ito ang pakay ni Lisa. Nakwento na rin kasi ito ni Sander sa kaniya.
“Nauunawaan ko. Si Eiel ay masasabi kong hindi isang tao o kaya ay nadir.” Sambit ni Kondrad.
“Alam ko na po ang tungkol sa bagay na yan. Sa totoo lang po ay mukhang marami ako nalalaman tungkol sa pagkatao niya sa ngayon, pero gusto kong alamin ang ibang bagay na nalaman nyo tungkol sa kaniya.” Sambit muli ni Lisa.
Ikinagulat ni Kondrad ang kaniyang narinig, ngunit hindi niya ito ipinahalata.
“Okay, nauunawaan ko. Siguro ay nasabi na sayo ng iyong lolo ang tungkol sa tosarapite na nakapaloob sa kaniyang mga buto.” Sambit ni Kondrad.
“Opo.” Tugon ni Lisa.
“Pero hindi ka ba nagtataka?” Tanong ni Kondrad.
“Tungkol po saan?” Tugon ni Lisa.
“Tungkol sa mga buto, dugo at katawan ni Eiel. Sa totoo lang ay nakakuha ako ng sample ng mga buto at dugo niya, ngunit hindi ko malaman kung anong klase ang buto niya o kung ano ito mismo. Labis akong naging interesado na malaman kung anong klaseng elemento ang buto ni Eiel, ngunit bigo akong malaman ito. At ang katawan at dugo naman niya ay hindi ko rin matukoy kung ano ito, basta may kung anong hindi normal dito.” Sambit muli ni Kondrad.
“Dahil po ba nakakaya nitong panghawakan ang taglay na init ng tosarapite?” Tanong ni Lisa.
“Ganon na nga. Magandang powersource ang tosapite, ngunit wala pang naiimbentong makinarya na tatagal sa taglay nitong init. Pero ng malaman ko ang tungkol kay Eiel ay labis akong natuwa, dahil malaking bagay ang maidudulot nito para sa bayan.” Sambit muli ni Kondrad.
“*Hmm.. Ayon po sa nadiriong labis na nakakakilala kay Eiel ay isa daw po siyang sandata. Pero pasensya na po kayo kung ito lang ang bagay na masasabi ko tungkol sa kaniya. Nangako po kasi ako na hindi ito sasabihin sa iba.” Sambit muli ni Lisa.
“Nauunawaan ko. Pero ang nadiriong sinasabi mo ba ay isang babae?” Sambit muli ni Kondrad.
“Ganon na nga po. Fate Steinight po ang pangalan niya.” Tugon ni Lisa.
“Kung ganon ay Fate pala ang pangalan ng babaeng yon.” Sambit muli ni Kondrad.
“Nagkita na po kayo ni Fate dati?” Tanong ni Lisa.
“*Uhm.. Dahil siya lang naman ang nag-iisa na nakita kong bumisita kay Eiel nung mga panahong hindi pa ito nagkakamalay. Hindi mawawala sa isipan ko ang imahe ng babaeng yon at ang magandang pulang buhok niya.” Tugon ni Kondrad.
Ikinabigla ni Lisa ang kaniyang mga narinig, dahil batid niyang hindi si Fate ang tinutukoy ni Kondrad.
“Tito, ano po ang itsura ng babaeng nakita nyo?” Tanong ni Lisa.
Ipinagtaka ito ni Kondrad, dahil ang alam niya ay kilala ni Lisa ang babaeng tinutukoy niya.
“Bakit mo natanong? Hindi ba’t kilala mo siya?” Tugon ni Kondrad.
“Si Fate po ay silver ang buhok at tatlong taon lang po ang agwat ng edad na’ming dalawa.” Sambit muli ni Lisa.
Medyo nagulat si Kondrad sa kaniyang mga narinig, dahil hindi isang bata ang babaeng nakita niya dati.
“Kung ganon, sino ang babaeng nakita ko dati?” Sambit ni Kondrad.
“Yun din po ang gusto kong malaman, tito.” Sambit muli ni Lisa.
“Pero hindi ko naman siya nakausap. Sa totoo lang ay bigla na lang siyang naglaho, bago ko pa siya tuluyang malapitan.” Sambit muli ni Kondrad.
Sandaling natahimik si Lisa sa pagkakataong ito dahil sa labis na pag-iisip.
“Sino ang babaeng tinutukoy ni tito? Kilala kaya siya ni Fate?” Tanong ni Lisa derekta sa kaniyang isipan.
“Natitiyak ko na may alam ang babaeng yon sa pagkatao ni Eiel. At nakatitiyak akong hindi isang ilusyon o halusinasyon ang aking nakita, dahil lumingon ito sa’kin ng mapansin ko siya.” Sambit ni Kondrad.
“Alam ko po tito. Labis lang po akong nag-iisip kung sino ang babaeng sinabi nyo.” Sambit ni Lisa.
“Baka kilala din siya ng Fate na sinasabi mo.” Sambit muli ni Kondrad.
“Yun din po ang iniisip ko.” Sambit muli ni Lisa.
“Mabuti pang tawagan ko na si Fate para tanungin ang tungkol sa bagay na ‘to.” Sambit ni Lisa derekta sa kaniyang isipan.
Ilang sandali pa ay nagtanong na si Kondrad tungkol sa mga nangyari. Kung bakit nawala si Eiel at kung ano-ano pa. Tinugon naman ito ni Lisa at kalaunan ay nagkwento tungkol sa naging paglalakbay niya ng mag-isa sa ngayon.
Samantala, kumalat na ang balita tungkol sa nangyari sa bayan ng Lut Golain. Marami na rin ang nagkasakit at namatay, dahil mabilis kumalat ang epidemya. Nalaman na rin ang dahilan kung bakit ang mga nakatira sa sinumang bayan na yon ay namatay at napadpad sa bayan ng Lut Golain at sa ngayon ay pinapalabas ang aerial video nito sa mga telebisyon.
“Sa ngayon po ay nandito tayo sa itaas ng bayan ng Kurast. At kung makikita nyo po ay mukhang walang nangyaring kakaiba dito. Pero kung inyo po itong tititigan ng malapitan ay mapapansing nagkalat ang dugo sa lupa. Meron din po kaming nababasa na “Bul-Khatos Vidala” na naka-ukit sa lupa. Kapansin-pansin po ito dahil umuusok pa ang mga letra. Hindi po na’min tukoy kung ano ang ibig sabihin nito, si Bul-khatos Vidala kaya ang may kagagawan ng lahat ng ito? O isa lamang siyang kriminal na ginagamit ang pangalan ng tanyag ngunit hindi kilalang kriminal? Alamin po ang susunod na’min balita, kaya tutok lamang po sa aming channel. Ako si Precious at dito ko na po tinatapos ang aking pag-uulat.” Sambit ng isang reporter sa telebisyon.
Napanood ni Lisa at Kondrad ang balitang ito at labis itong ikinagulat ni Lisa.
“Kung ganon ay nagsisimula na pala sila.” Sambit ni Lisa.
Mapunta naman tayo sa bayang katabi ng kagubatan ng Noria, ang bayan ng Aruan. Sa ngayon ay nasa loob ng isang bar si Eiel at Bul. Napanood na din nila ang balita tungkol sa nangyari sa bayan ng Lut Golain.
“Kung ganon ay nagsisimula na pala sila.” Sambit ni Eiel.
“*Fufu.. Mukhang natutuwa ngayon si Khastro sa kaniyang ginagawa. Ano kaya ang maganda na’ting gawin?” Nakangiting pagkakasambit ni Bul.
“Sa’kin ka pa talaga nagtanong? At isa pa, saan ka ba kumuha ng ganito kadaming pera?” Sambit muli ni Eiel.
Matapos magsalita si Eiel ay sinipa nito ang isang sako ng gold na nasa kanilang tabi. Kanina kasi ay nagtungo sila sa bangko, dahil may itinabi daw na pera si Bul dito. Pero laking gulat ni Eiel matapos malaman na isang sakong gold pala ito at tinayang nasa daang libong gold ang laman.
“*Huh? *Ahh! Para nag benta lang ako ng isang puno eh.” Tugon ni Bul.
“Isang puno?” Nagtatakang pagkakasambit ni Bul.
“May nakausap kasi akong hunter dati sa labas ng Noria. Tinanong niya ako kung saan ako pupunta at syempre sinabi kong papasok ako sa loob ng gubat. Nagulat nga siya nung sinabi ko yon, pero hindi ko nakalimutan natanungin siya kung bakit siya papasok sa gubat. Pero ang sabi niya ay naghahanap siya ng isang puno, Viper tree yata ang tawag sa punong yon.” Sambit ni Bul.
“*Ahh! Hindi na nakakapagtaka na ganito kadami ang kinita mo. Kung tutuusin ay mukhang kulang pa nga ito eh.” Sambit ni Eiel.
“Talaga? Pero hindi ko naman kailangan ng pera eh. Sapat na siguro para sa’tin ‘to.” Sambit muli ni Bul.
“*Uhm.. Sapat na yan. Makakabili na tayo ng isang magandang sasakyan sa perang yan.” Sambit ni Eiel.
Tila hindi alintana ng dalawa ang panganib sa kanilang paligid, dahil nakabuyang-yang lang ang kanilang pera. Napukaw nito ang atensyon nang lahat ng nasa bar at ang iba ay may kausap na sa kani-kanilang mga telepono. Tila ibinabalita ang tungkol sa perang dala nila Eiel.
Batid naman nila Eiel ang mga ikinikilos ng lahat ngunit hindi nila ito pinapansin. Pero ilang sandali pa ay may malalakas na ingay na ang naririnig sa labas ng bar at nagmumula ito sa mga sasakyan. Ilang sandali pa ay ilang mga kalalakihan ang dumating at tila isang buong gang ito. Mabilis naglabasan ang iba sa bar at tila takot ang mga ito matapos makita ang mga pumasok.
Ilang sandali pa ay mabagal na naglakad ang isang malaking lalaki patungo sa lugar kung nasaan sila Eiel.
“*Fufufu.. Totoo nga ang sinabi mo Simon. Isang sakong gold nga ang dala nila at masasabe kong nakapaganda nga ng babaeng ito.” Sambit ni Drago.
*** Drago Lukdonia. 35 years old at siya ang pinuno ng Drago gang. Isa siyang malupit na nadir at kinatatakutan sa bayan ng Aruan. Malaki din ang bounty na nakapatong sa kaniyang ulo.
Matikas ang pangangatawan ni Drago, tinatayang 5’11” ang kaniyang taas, kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat at kulay pula ng punk ang ayos ng kaniyang buhok. ***
“Kung ako ang tinutukoy mong magandang babae, maraming salamat. Mr. Manok.” Nakangiting pagkakasambit ni Bul.
“*Fuwahahaha! Gusto kita, babae! Bakit hindi ka na lang sumama sa’kin at maging isa sa mga asawa ko?” Masayang pagkakasambit ni Drago.
“Ganon ba? Pasensya ka na, dahil may kasintahan na ako.” Nakangiting pagkakasambit muli ni Bul.
Matapos nitong magsalita ay mabilis itong yumakap kay Eiel. Napa-iling naman si Eiel, dahil batid niyang ginagawa lang ito ni Bul para maaliw niya ang kaniyang sarili. Samantala, napangiti naman si Drago matapos titigan si Eiel.
“*Fufu.. Yan ang kasintahan mo?! *Buwahahaha! Papaano kung patayin ko siya? Okay lang ba?” Masayang pagkakasambit ni Drago.
“*Uhm! Bakit hindi mo siya subukan!” Masayang pagkakasambit ni Bul.
Napa-face palm na lang si Eiel matapos marinig ang mga sinabi ni Bul. Ikinainis naman ito ni Drago dahil na insulto siya sa kaniyang mga narinig.
“*Fufufu.. Kung ganon ay pagbibigyan kita, kutong lupa.” Masayang pagkakasambit ni Drago.
Matapos magsalita ay mabilis na naglakad si Drago patungo kay Eiel. Hindi naman ito gaanong pinansin ni Eiel at labis itong ikinainis ni Drago.
Ilang sandali pa ay tuluyan ng nakalapit si Drago, agad nitong sinakal si Eiel at kalaunan ay inangat. Ngunit mas lalong nainis si Drago dahil hindi naman nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Eiel, napa buntong hininga pa nga ito na mas lalong nag painit sa kaniyang dugo.
“Talagang inuubos mo ang pasensya ko.” Galit na pagkakasambit ni Drago.
Sa pagkakataong ito ay mas lalong hinigpitan ni Drago ang pagkakasakal niya kay Eiel, ngunit ilang sandali pa ay bigla na lang niya itong binitiwan at kalaunan ay napawak sa kaniyang kamay na ginamit niya upang sakalin si Eiel.
“Boss! Ano po ang nangyari?!” Tanong ni Simon.
Hindi nagawang tumugon ni Drago sa ngayon, dahil kahit siya ay hindi alam ang nangyari.
“Bakit bigla na lang akong napaso? Ano ang nangyari?” Tanong ni Drago derekta sa kaniyang isipan.
Sa ngayon ay gulat itong nakatitig kay Eiel. Samantala, agad namang nagpatunog ng kaniyang leeg si Eiel at matapos nito ay mabagal na naglakad patungo kay Drago. Ngunit ilang sandali pa ay bigla na lang itong naglaho at huli na ang lahat ng makita ito ni Drago, dahil kasalukuyan na siyang sakal nito.
Labis na nagulat ang mga tauhan ni Drago sa kanilang nakita at sa ngayon ay hindi mga makagalaw, dala na rin ng sobrang bilis ng pangyayari.
“Pagkakataon ko naman, diba?” Nakangiting pagkakasambit ni Eiel.
Agad napahawak si Drago sa braso ni Eiel, dahil nakakaramdam siya ng labis na init mula sa palad na kasalukuyang nakasakal sa kaniya. Ngunit ilang sandali lang ay biglang nagliyab si Drago at mabilis itong naging abo. Muli ay labis na nagulat ang lahat sa kanilang nasaksihan, dahil ang kinatatakutang pinuno ay saglit lang na naging abo sa kamay ng isang hindi kilalang lalaki.
“Sino pa ang gustong sumunod sa inyong pinuno?” Nakangiting pagkakasambit ni Eiel.
Matapos niyang magsalita ay mabilis na kinuha ni Simon ang kaniyang baril. Mabilis niya itong itinutok kay Eiel, ngunit bago niya ito tuluyan maiputok ay sakal-sakal na siya ni Eiel. Tulad ng nangyari sa kanilang pinuno ay mabilis din siyang nagliyab at kalaunan ay naging abo.
“Sino pa ang gustong sumunod sa kanila?” Nakangiti muling pagkakasambit ni Eiel.
Sa mga sandaling ito ay mabilis nagtakbuhan ang lahat ng nasa bar dahil sa labis na takot. Muli ay napabuntong hininga si Eiel at matapos nito ay napalingon kay Bul.
“Masaya ka na ba sa mga napanood mo?” Medyo dismayadong pagkakasambit ni Eiel.
“*Uhm! Wala ka pa rin kupas Tosara!” Masayang pagkakasambit ni Bul.
“Haaaay! Ang mabuti pa ay umalis na tayo dito. Ayokong mabalitaan ni Lisa na nanggaling tayo dito.” Sambit muli ni Eiel.
“Okay!” Masayang pagkakasambit muli ni Bul.
Matapos magsalita ay nagbayad na sila sa may-ari ng bar na tila natatakot sa kanila. Agad humingi ng dispensa dito si Eiel sa nangyaring kaguluhan, ngunit ikinatuwa ng may-ari ang ginawa niya kanina. Isang malaking perwisyo sa kanila ang Drago na yon at kaya lang naman natakot ang may-ari kay ay dahil ang akala niya ay katulad ni Eiel ang gang leader na yon.
Tahimik na lumabas ng bar sila Eiel at katulad ng kanilang inaasahan ay maraming tao/nadir ang naghihintay sa kanila. Sandali silang huminto sa paglalakad at kalaunan ay nagsalita.
“Kung gusto nyo ng maging abo, bakit hindi nyo na kami pagbabarilin?” Sambit ni Eiel.
Napa-atras ang mga myembro ng Drago gang matapos magsalita ni Eiel, batid kasi nila na nagsasabi ito ng totoo, base na rin sa kanilang nasaksihan kanina na mabilis nitong paglapit sa kanilang pinuno at kasama.
Napa-iling na lang si Eiel at kalaunan ay nagsimula na muling maglakad papalabas ng bayan. Palihim naman silang sinundan ng iba hanggang sa tuluyan na silang makapasok sa kagubatan ng Noria.
Kinabukasan, isang tawag ang natanggap ni Fate. Nagmula ang tawag sa nakababatang kapatid ni Drago, si Gordon. Kinukuha nito ang serbisyo ni Fate at may gusto siyang ipapatay dito. Isang lalaki na nag ngangalang Tosara. Labis na nagulat si Fate sa kaniyang narinig, kaya agad niyang tinanggap ang trabaho, pero mas nagulat pa siya sa isa pa niyang nalaman. Hiniling din kasi ni Gordon na kung mapapatay din nito ang kasama nitong babae na nag ngangalang Bul ay dodoblehin ang ibabayad sa kaniya.
“Si Bul? Pero imposible! Saksi ako nung mamatay siya, pero tugma ang sinabi ni Gordon tungkol sa paglalarawan niya sa anyo ni Bul. *Tsk! Dapat ko ‘tong puntahan at mabuti na rin siguro kung malaman ito ni Lisa.” Sambit ni Fate.
Nung araw ding yon ay tinawagan ni Fate si Lisa at ipinaalam niya dito ang nakuha niyang impormasyon. Labis itong ikinatuwa ni Lisa, kaya matapos maka usap si Fate ay dali-dali na siyang nag-impake para sa kaniyang pag-alis.
Bago tuluyang umalis ay tinawagan ni Lisa si Fate at sinabi niya dito na magkita sila sa Gun x Bounty, tatlong araw mula ngayon. Sinang-ayunan naman ito ni Fate na labis na ipinagpapasalamat ni Lisa.
“Sandaling panahon na lang Eiel. Magkikita na tayong muli.” Sambit ni Lisa derekta sa kaniyang isipan.
Chapter end.
Afterwords.
Wooooo! Mind fuck ba? ahhahaha! Well madami pa akong mga pakulo hahaha! Hintay hintay lang kayo sa mga susunod pang pangyayari.. Fufufu.. :3
Susunod
Chapter 11: Ang muling pagkikita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top