#4: The Nerd Guy
Reyben's POV
Hi! Ako nga pala si Reyben Lopez Klitonio,
Madalas talagang tawag nila sakin ay 'Nerd Guy', palaging nabubully, pinagtatawanan, kasi lampa, mahina, at Mama's boy ako.
Minsan nga tinatawag nila ako siraulo, pero sa tingin ko mas siraulo naman sila, pumupunta sila sa paaralan pero hindi naman sila nag-aaral...
Bata palang, lagi na akong nag-iisa, wala kasi akong kapatid, si Papa naman nagtratrabaho, at ang lagi kong kasama ay si Mama,
Hindi naman sa pinepressure nila akong mag-aral ng sobra, sarili ko tong desisyon, dahil mas gusto ko sa library kaysa sa maiingay at magulong lugar na laging pinupuntahan nina Cris.
Bisyo ko ang pagbabasa ng libro at hindi alak at sigarilyo.
At hinahayaan ko nalang ding magpabully kaysa maging isa sa mga nangbubully...
Katahimikan, yan lang ang gusto ko...
Kakaiba man sa kanila, hindi mahirap para sa akin, at para sakanila na kaibiganin ako, tanggap namin ang ugali ng isa't isa.
"Oh anak andiyan ka na pala" salubong sakin ni Mama, "Kamusta Anak?"
"Ayos lang po ma, alam niyo ba?" Pagmamalaki ko sa kanya "Nagtest kami kanina at nakakuha ako ng 34/35, sayang nga hindi ko naperfect!"
"Wow! Ang galing galing naman anak!" tuwang tuwa niyang saad "Lahat ng pagod at hirap namin ng Papa mo ay hindi talaga nasasayang"
Inakap ko si Mama "Yan din naman po ang gusto kong mangyari Mama, maraming salamat po!"
At inakap na din ako ni Mama...
Mula bata alagang alaga ako ni Mama, may hika kasi ako, at bukod don, sakitin din ako...
Pero kahit ganon hindi yun nagiging hadlang para mag-aral ako ng mabuti, at worth it naman hindi dahil nangunguna ako sa klase kundi dahil nakikita ko ang pagkatuwa sakin ng aking magulang,
At yun lang, sapat na...
-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-
[July 5 Mierkules]
Habang naglalakad ako lumapit sa akin ang grupo nina Joshua, na mula pagkabata ay bully na.
"Oy Nerd Guy! Kamusta? Natulog ka nanaman bang libro ang unan?" kahit di' nakakatawa, tumawa yung mga kasama niya.
Walo silang lahat, walong lalaki na mali-mali ang pagkakabutones...
"M-mauna na a-ako" nauutal na ko dahil alam kong malapit nanaman nila akong ang pagtripan.
Ginaya naman niya ako "W-wait lang h-hindi pa k-ko t-tapos!" At tumawa ulit sila.
"Anong assignment ba ang kokopyahin niyo?" Tanong ko at pagpaparaya para matapos na to,
Ngunit-
"Anong akala mo samin, mukhang assignment?" Sabat ng isa, nagtawanan naman sila
"A-ano bang g-gusto niyo?"
"I-i-i-i-ikaw! Haahahahahahahaha" nakakabinging tawanan naman ang narinig ko at hinila nila ako papuntang C.R
"Alam mo parekoy maganda ka naman eh!" Saka nila nilabas ang mga make-up at mga ponytail na may ribbon, ayoko nito...
Oo, ayoko nito, ayokong maging katuwaan lang nila ako, pero anong magagawa ko? Mas ayoko namang magsumbong sa mga kaibigan ko dahil mas lalaki pa ang gulo...
May mga kolorete silang pinaglalagay sa mukha ko habang tumatawa, picture doon, picture dito, sinara nila ang comfort room kaya walang nakakapasok,
Nang natapos sila itinulak nila ako sa isang cubicle, at hinarangan nila ng mop ang hawakan kaya hindi ko mabuksan
Hiyawan at tawanan naman ang narinig ko mula sa labas hanggang sa tunog ng pintong isinara
Anong gagawin ko?
Mukhang walang makakapasok dahil isinara nila at nakita kong nilagyan nila ng sign na "Barado" isa din to sa mga lumang C.R kaya kunti lang ang pumapasok, naiwan ko naman ang cellphone ko sa bag ko na nasa labas ngayon ng cubicle,
Nagdasal muna ako ng taimtim bago gumawa ng paraan...
Tsaka ko naisip na umakyat, nagkagasgas naman ang braso ko na nagasgas sa gilid ng cubicle, nahulog naman ako pababa, nauntog ang ulo ko sa pader, pero sa awa ng diyos, hindi masyadong masakit,
Pagtayo ko, nakita ko naman ang kalunus lunus na itsura ko,
Hinilamosan ko nalang ito at pinagtatanggal ang mga pinaglalagay nila,
Kinuha ko na din ang mga gamit ko at lumabas na ako, pero bago yun,
Pinunasan ko muna ang mga luhang sumisimbolo ng awa sa sarili ko...
-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Tinext na nila sa akin kanina pa na wala kaming pasok sa tatlong magkakasunod na subject dahil nag-LBM daw si Sir Dimangiti.
Kaya naman nag-punta agad ako sa kubo kubo na tinayo ng mga barkada ko na madalas nilang tambayan.
Isang bahay kubong nasa corner ng campus, Lolo ni Laxus ang may-ari ng campus kaya naman, natayo namin ito.
Pagpasok ko nakita kong kumakain ng Piattos ang mga girls, samantalang naglalaro ang iba, may kanya kanya na silang buhay...
7:30 na rin ngayon at at 10:30 dapat ang dismissal namin kay Sir, ibigsabihin, tatlong oras kaming tutunganga, sakto lang ang teachers dito kaya wala talagang mag-aasikaso sa amin.
"Oh Reyben, ba't namumutla ka?" Lumapit si Lyra sa akin at hinipo naman ang noo ko "May sakit kaba?"
"Wala lang to Lyra, hayaan mo na" pagtanggi ko
Lumingon naman si Mark "Pinagtripan nanaman nila Joshua yan!"
"H-huh? H-hindi ah" nauutal kasi talaga ako pag kinakabahan o natatakot ako, ngayon parehas na kaba at takot na baka malaman nila at magkagulo!
Tsk! Ba't naman kasi ngayong pa nagka-LMB si Sir?
"Reyben...Umamin ka" mahinahon na saad sakin ni Laxus
Nagtapang tapangan naman ako "Hindi nga, ano ba kayo?"
"Kung hindi, eh ano to?" Sabay turo ni Cris sa mga gasgas ko, napansin naman ng mga girls ang mga bakas ng koloreta dahil puti ang uniporme namin,
"Why do you keep on denying ba Reyben?" Saad ni Mika
"Yah! You can tell us naman eh!" Sang-ayon ni Clariss
"Nasan sila!" Matapang na tugon ni Rica
"Guys, isumbong niyo nalang, wag niyo nang umpisahan ang away!" Pangaral ni Ana, na sinang-ayonan naman ni Lyra pero-
"Pero kung reresbakan niyo? Game ako diyan!" Pilyang saad ni Lyra,
"Namumuro na sila eh! Lagi nalang ah!" Pagsusumao ni Mark
Nagbiglang tumunog ang cellphone ko
Unknown number
"H-hello?" Kabado kong sagot dahil mukhang alam ko na kung sino to.
Nagulat naman ako nang inagaw ni Zane ang telepono at iniloud speaker to.
"Hey Reyben! Kung ayaw mong kumalat tong mga picture nato, pumunta ka dito, at! Wag na wag kang magbabalak na magsama ng iba, kung hindi...mababasag yang eyeglass mo!"
"S-saan? a-at p-para saan?" Tanong ko,
"Sa covered court..."
Pinatay narin nila ang linya
At dahil dun, nagkatinginan naman silang lahat, na kahit pa tinginan, bigla akong kinabahan...
"Hayaan nyo na please,.."
Nagulat ako nang tignan ako Zane "Namumuro na sila, hindi na to dapat palagpasin, taga agaw na nga ng assignment, tagapagawa ng project, tas ngayon, sasaktan ka nila?"
Nagulat kaming lahat sa sinabi niya, akala ko-
"Matagal ko nang alam, hinahayaan ko lang kasi alam kong ayaw mo nang gulo, pero Reyben, hindi sila titigil hangga't hindi nakakatikim" saad ni Zane at naglakad na palayo.
Sumunod naman sina Mark, Cris at Laxus,
Sumunod naman ang girls "Leggo!" Excited na tugon ni Mika at sumunod na sila maliban kay Ana
"Philip!" Tawag nito kay Zane...
Pero wala kaming nagawang dalawa kundi sumunod sa kanila,
Natatakot at kinakabahan ako, hindi dahil baka masaktan ang mga kaibigan ko kundi dahil-
Kundi dahil baka makasakit sila dahil sa akin...
Sumunod na kami ni Ana, at kahit anong pigil sakanila, wala talagang nagpatinag, alam ko din na kaparehas ng mararamdaman ko ay ganoon kay Ana,
natatandaan ko pa noong-
*-*-*-*-*-*
Ana's POV
Natatandaan ko pa noong nagyaya si Cris na sumali kami sa teakwando noong Grade 5, lahat sila sumali, libre itong lahat dahil Tito ni Cris ang nagmamanage nito.
Maliban to kay Reyben dahil may hika siya, tuwing bakasyon lang naman yun at 2 bakasyon lang ako at tumigil na.
Samantalang hanggang nong last summer naman ang pasok nila doon, maliban na sa girls...
Lalong lalo kay Philip, alam kong buong katapangan niyang ipaglalaban si Reyben,
Hindi ko naman alam ang gagawin ko kundi sumunod na lang...
Malapit na kami sa covered court at tanaw na tanaw ko na ngayon ang mahigit walong kasama ni Joshua, nang subukan kong bilangin nasa mahigit 12 sila...
"Walang hiya ka Nerd! Anong sinabi ko ha!" Sigaw ni Joshua na ikinaatras ni Reyben.
"Bakit natatakot ka?" Hamon ni Mark, at dahil dun sinenyasan ni Joshua ang mga kasama niya at naglinya naman sila paharap sa amin,
"Eh kayo anong mga dala niyo? Mga babae lang.." Pagyayabang nila, na ikinagalit ko, pinagilid ko naman si Reyben,
Kahit anong tigil ko ayaw nila, kaya ngayon, kay sa pumigil, makikisali ako dahil that's are friends are for!...
Sabay naman kaming magkatabi ni Zane na bumulong-
"Let the game begin!"
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Sound of Silence
Para sa mga Nerds out there!
(N/A: Nagtataka na ngalang ako na kahit walang nagbabasa at walang magbabasa, update padin ako ng update hahahahah)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top