#3: First Puppy Love
Ana's POV
Hanggang ngayon, naaalala padin ang pinaka-una naming pagkikita, bawat salita, ang unang shake hand, unang pangungulit, unang pagsusungit, ang sabay naming tawa't mga ngiti.
[Throwback]
8 yrs. old palang ako, kasakasama na ako nina Tita't Tito sa pagbibigay at pagdodonate ng mga damit, laruan, at mga gamit sa DSWD.
Isang araw, nakikipag-laro ako sakanila, pero dahil madali lang akong pagpawisan, pumunta ako sa likod ng isang building na kung saan maraming puno kaya naman mahangin.
Pagpunta ko doon, naramdaman ko agad ang napakapresko na simoy ng hangin...
Natuwa nga ako dahil natuyo yung pasmado kong kamay,
Sa tuwing pupunta kami dito noon, dito talaga ako tumatambay kapag naiinitan ako, kaya kabisado ko na to, lalo na ang swing na lumang nakalagay sa pinakagitnang likod ng building.
Akma na akong pupunta doon, nang bigla kong narinig ang pag-ugoy ng bakal nito.
Patakbo na ko palayo, kasi nga, NATATAKOT AKO!
Unang una, luma na ang swing kaya kapag umaandar to nakakagawa to ng mala-horror creepy sound effect.
Pero teka-...
Nahagip ng mata ko ang isang batang nakaitim, na mas lalo ngang nakapag-patakot sakin-
Pero paano kung bata talaga siya? Kawawa naman nag-iisa siya, tsaka isa pa, ayoko pang umalis kase mahangin dito.
Hindi naman ako nahiyang lumapit dahil alam kong maganda ako, nakaputing white dress ako, kabaligtaran ng batang nakaitim.
Paglapit ko umupo ako sa kabilang swing, dadalawa lang din kasi ang ito.
Pag-upo ko, wapakels lang siya, nakatingin sa kalawakan, este, nakatulala talaga,
Nang tignan ko siya, napansin kong iba ang itsura niya, may lahi yata siyang iba, medyo brown ang buhok niya, mahahaba ang pilik mata, matangos ang ilong, mapula ang labi, at maputi.
Ilang minuto akong nakatingin sa kanya, palipat lipat ang tingin ko sa tinitignan niya at sakanya,
Nakakahiya naman magsalita dahil sabihin niyang feeling close ako, at isa pa di ko siya kilala, don't talk to strangers nga daw eh,
At isa pa, dahil sa itsura niya, baka englishiro siya! Naku-
Napansin ko naman na may black pin siya sa damit,
Nong namatay si Lolo Wen, nagsout kami ng ganyan,
Ibigsabihin namatayan siya?
Ba't nga pala siya mag-isa?
Mukha din siyang malungkot!
Tsaka, kanina pa ko di manlang niya ko pinapansin!
O baka multo talaga siya?
Matanong na nga, wala namang mawawala,
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya nang bigla din siyang lumingon at nakita ko ng buo ang mukha niya,
Ang gwapo niya...
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Zane Philip's POV
Habang naka-upo sa kama ko, hawak ang cellphone, lapis at sketchpad ko, hindi ko maiwasang alalahanin ang una naming pagkikita
[Throwback]
8 yrs. old namatayan na ko ng ina, nagkagulo ang pamilya nina Papa't Mama
Gusto ng pamilya nila, na kunin ako at ang mga kapatid ko 10 yrs. old si Kuya, 7 naman ang kapatid kong babae.
Nakuha nila ang mga kapatid ko, pero ako? Ayoko.
Ayokong sumama dahil bilin ni Mama, na kahit anong magyari, wag akong papayag dahil baka hindi na kami pabalikin kay Papa.
Pero, napagbintangan si Papa, nagulo ang kaso kaya walang choice si Papa na iwan ako sa DSWD, galit ako sakanya at sinisisi din dahil sa nangyari, pero dahil sa bilin ni Mama, pumayag ako.
---------
8 yrs. old ako nong dumating ako sa DSWD, wala akong gana sa lahat ng bagay, kumain, mag-laro, makipag-kaibigan, makipag-usap, wala ngang nakakaalam ng pangalan ko, tinatanong naman nila pero hindi ako kumikibo,
Nakakulong lang ako lagi sa kwarto hanggang sa matanaw ko sa bintana ang dalawang swing, sa isang swing, may batang babaeng nakaupo habang nagalalaro ng bubbles,
Buti pa siya, buti pa sila... walang problema, tumatawatawa, nakakangiti, may buong pamilya, na kung meron pa si Mama ganyan din sana ako...
Natulog nalang ako na basang basa ang mata, iyak na wala na ngang katapusan,
----
Minsan, naisipan kong bumaba, naglalaro ang lahat, nang naalala ko ang swing, kaya naman, dun na lang ako pumunta,
Habang nakaupo ako nakatingin lang ako sa kalawakan, siguro, nasa heaven na si Mama...
Saglit pa naramdaman ko namang may batang babae ang umupo sa tabi ko,
Nagulat ako at natakot, naka-puti siya, naalala ko noong nanuod kami ng horror movies, laging may white lady na nakaputi
Pano kung White lady din siya?
Tsaka ano bang ginagawa niya dito?
Ba't tinititigan niya ko?
Kausapin ko kaya?
Baka sabihin, feeling close ako!
Pero, kung bata siya, nakakatakot, baka kainin niya ko bigla,
Siguro siya yung nakita ko din dito minsan, kaya tinanong ko na siya
Lumingon ako sa kanya "Anong ginagawa mo dito?" Sabay naming tanong,
Sumagot ako "Humihinga" na wala akong kagana gana
"Ha-ha-ha" tawa niya, sa tingin ba niya nagbibiro ako?
"Ikaw?" Tanong ko
Sumagot naman siya "Humihinga"
Nang-aasar ba siya? -_-
"Anong pangalan mo? ^_^ " Nakangiti niyang tanong,
Napansin ko naman ang itsura niya, itim na itim ang buhok na straight na straight, pabilog ang mata, maliit ang ilong, nakaputi siyang bestida, at nakangiti din siya
Naaalala ko si Mama sa kanya...
"Hello?" Ah oo nga pala tinatanong niya ko,
"Zane Philip" at nakipag-shake hands ako "ikaw?"
Inabot naman niya ang kamay niya "Anastasia" nakangiti niya pading sagot.
"Gusto mong maglaro?" tanong niya, aayaw pa sana ako kaso-
"Sige, tara halika! Punta tayo sa garden, alam mo maganda don, napaka daming butterfly, tapos makukulay ang mga bulaklak, ang bango nga nong sampaguita don eh, gusto ko talaga pumunta lagi don, kaso nalulungkot ako kapag mag-isa lang ako kaya ngayon mabuti naman may kasama na ko! Pero wag kang maingay ha, kasi pag-maingay ka baka palabasin tayo, atsaka, pag tapos natin don punta tayo sa playground maglaro tayo dun, magbubbles ka tapos, puputukin ko, alam mo ba pag naglalaro ako nun mag-isa para akong tanga, kaya ngayon buti nalang pumayag kang makipaglaro, kapag naglalaro kasi kami nung mga bata dito, lagi lang akong saling pusa, kasi nga lampa ako at lagi akong talo kaya ayoko na talagang maglaro kasama sila, TARA! TARA! BILISAN MO!"
Hila hila niya ako, habang palukso luksong tumatakbo, bigla akong napangiti sa mga sinasabi at ginagawa niya, kahit wala naman talagang kabuluhan, natutuwa akong kinaibigan niya ako, at lagi siyang handang makinig sa mga kwento ko,
Napadalas ang paglalaro namin at ang pagpasyal niya doon, sa tuwing makikita ko siya, palihim akong napapangiti,
kaso nung natapos ang bakasyon, sinundo nadin ako ni Papa nung naayos na ang kaso, nag-aral ako uli pero sa ibang eskwelahan na, dahil siguradong mabubully ako ng mga kaklase kong alam nang wala na kong mama...
Pagpasok ko, wala nanaman akong kaibigan, nang biglang may sumigaw
"ZAAAANNNNEEEEE!"
Nagulat ako at napalingon, at napangiti nang makita ko siya teka-
"Anong ginagawa mo dito?"
"Mangingidnap ng bata, school kasi to eh, kaya puntirya to ng mga sindikato" - Ana
"Nababaliw ka na ba?"
"Sira! Dati pa kaya!
"Oy andiyan na mga kaibigan ko oh!"
At nun nga, pinakilala niya ako sa mga kaibigan niya, naging close kaming lahat lalo na't mabait din naman sila sakin,
Kahit suplado at walang pakialam sa mundo ang tingin nila sakin, alam kong kaibigan ang dapat kong ituring sa kanila,
Lalo na sakanya..
-*-*-*-*-*-**-
Pinagpatuloy ko nalang ang pagdro-drawing, mula nang mag-kakilala kami, parte na siya nang mga dino-drawing ko, mula nong mag-katabi kami sa swing, naglaro, birthday niya, nong sinurprise nya ko sa birthday ko, at lahat ng masasayang ala-ala namin...
At ngayon, napapangiti nanaman ako ng lihim...
Tsk! Ana...
-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-*-*-*-*-*-*-*-
(N/A: Parang special and extra chapter lang to eh hahahaha, syempre, parte talaga ng kabataan life ang crushes, first love, puppy love, catty love, or whatever you called it!)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top