#2: Their Family

Lyra's POV

"Oh ano, ginabi ka nanaman! Hindi ka na nakapaglinis, siguro sinadya mo yan para hindi mautosan noh? Wala ka nang ibang ginawa! Blahblahblah.. " Salubong na sermon sakin ni Tita

"May dinaanan lang po ako Tita, mag-aaply po sana ako ng trabaho. " sagot ko

"Aba! Bakit? Ginugutom ba kita, ha!" Bulyaw niya. "Aba Lyra, tumigil ka na sa imahinasyon mo, kahit anong gawin mo hindi na mababalik ang dating yaman mo!"

Yaman ko? Oo, yung pamana sana sakin ng magulang ko, alam kong hindi pa nila nakukuha yun sa bangko kung hindi ako kasama, dapat nga mag-18 muna ako, kaya siguro pinapatira padin ako dito, dahil sa gusto nilang makuha yun.

Hanggang ngayon, sinasabi padin nilang nakuha na nila, nagastos na raw nila sakin nong bata ako, siguro sinabi nila para hindi ko pag-interesan.

"Ano tutunganga ka nalang!Lyra!" sermon niya pa "Halika dito, tumulong ka na! Hindi ka prinsesa!" may karinderya sila at kahit may dalawa pa siyang anak, ako ang tumutulong sakanya, syempre, nakikitira lang naman ako.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

[Martes]

"L-lyra!" Tawag sakin ni Reyben

Pinagmasdan ko naman siya, itsura palang, nerd na...

"G-good m-morning." bati niya sabay ngiti.

"Hahaha, Good morning din!" Bati ko

"T-tara n-na." ano bang nangyayari sakanya!?

-----

"Guys! Andito na ang kiyomi! ^_^" panggugulantang ko pa,

"Nasan? nasan? Hindi ko makita!" Bully talaga tong si Mark "Oh Lyra, andiyan ka pala, tumayo ka naman. Ay wait! Oy nakatayo ka na pala!"

Sabay sabay naman silang tumawa sa height ko, maliban kay Zane.

Sa ming lahat, siya nalang yata ang matino, di pa siya nahahawaan ng virus.

At pumasok na kami sa classrom, maya maya pa andiyan na si Sir Dimangiti, bagay last name niya ha, di siya mangiti eh.

Kung last name niyan ibagsabihin, buong family niya galit?

"Okay Class! Now we will discuss a topic about Family" saad niya.

Family? Bakit anong subject ba ito?

"Hindi to kabilang sa mga lectures, gusto ko lang, marealize niyo, ang kahalagahan nito at! mabigyan kayo ng inspirasyon" pangaral nito

"Ngayon, isulat niyo sa papel ang mga pangalan ng mga kapamilya niyo, at mga pangyayari sakanila na di' niyo makakalimutan"

Kumuha kami lahat ng papel, sinulat ko pangalan ko, at napawi ang ngiti nang maalala kong...

Wala na dito ang pamilya ko.

[Throwback]

"Ohh you're so pretty naman anak" papuri ni mommy.

"How about me mom?" Tugon ni kuya habang pababa sa hagdan,

"Of course Liroy, you're handsome!" Salubong ni mommy sa kanya.

"Ready na ba kayo?" Dumating na din si Daddy at nagpunta na kami sa loob ng sasakyan.

Wow there's so many Christmas lights :D manghang mangha kong tugon.

8 yrs. old si kuya ako naman 7!

Papunta kami sa church, mag-sisimbang gabi kami, bait po namin noh?

"Mahal kita, mahal kita, hindi to' bola,~" sumabay kaming lahat sa kanta na tumutugtug ngayon.

Nang biglang may nasalubong kaming truck at-

dumilim na ang paningin ko kasabay ng hiyaw nila,

at yun nalang ang huling ala-ala ko kasama sila...

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Mika's POV

What the hell is wrong with sir?! Hindi niya ba naisip kaming NPYSB?

As in, "No Parents Yata Since Birth"

Then nag-isip ako, anong pangyayari ba? Nagpaka-parents ba talaga sila?

[Throwback]

"Mommy look! I got perfect score kanina sa school!" Habol ko kay mommy

"Wow! You're so smart naman anak!" Puri ni mommy

"Baby! Andito na si Daddy!" At dahil dun, dali dali ko siyang sinalubong

At syempre, kinuha din ang pasalubong "Wow doughnuts!"

Yumakap naman din si Mom kay Dad, "Yieee sweet!"

"Ikaw talagang bata ka! dito na nga mag-hapunan na tayo!" Yaya ni Mom

-------

Habang natutulog ako nagising ako sa kalabog, tila ba parang may nabasag

Lumabas ako at nakita ko si mommy na umiiyak, teka-

Ba't napakadaming bag? Aalis ba siya?

Nakita ko din ang basag na vase, habang pinipigilan naman ni Daddy si Mommy

"Mina, you can't go home to your parents!" -dad

"But my father is dead, kailangan kong umuwi!" Iyak naman ni mama.

Mukha ngang walang choice si daddy at napilitan nalang siya,

"All right, let's go! Sasamahan kita,"-dad

Tumahan naman na si Mommy at lumabas na sila, hahabol pa sana ako kaso hinarang ako ng mga katulong,

---

Kinabukasan, hindi pa umuuwi sina mommy, gabi na nong narinig ko silang nag-uusap

"Kailangan kong pumunta ng New York, ako na ang mamamahala sa kompanya ni Dad (lolo ko)"- Mom

"No way! Paano si Mika, sinong mag-aalaga sakanya! May trabaho din ako" -Dad

"Kaya nga tayo kumuha ng katulong diba? Tsaka saglit lang ako dun mga 3months lang naman."

Sobra akong nasaktan sa narinig ko, ipagkakatiwala lang talaga nila ko?

At nang dumating ang araw na paalis na si mommy.

"Mom, please don't leave me, I'll do everything!" Pagsusumao ko

Pero mukha lang nairita si Mom "Ano ba Mikha? I need to go na! Male-late na ako sa flight ko!"

"Mommy!" Sigaw ko pa habang hinihila ang paa niya at nakaupo naman ako sa sahig "Please don't! Gagalingan ko pa sa school!"

Pero she just ignored me, "Saglit lang ako dun!"

Yun naman ang pangyayaring, hinding hindi ko makakalimutan.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Yung saglit niyang yon, umabot ng ilang taon, well, maybe mas important talaga ang work niya than me. 7 yrs. old lang ako non, and I think hanggang ngayon, hindi na nila ako mahal...

But who cares tho?

----------------------

Laxus POV

[Throwback]

"P*t*n*i*a mo! Hayop ka! Wala ka nang ibang ginawa kundi mag-babae!" Sigaw ni Mama, "Hindi pa ba ko sapat! Hindi pa ba sapat ang katawan ko Lony?"

"P*t*! Tumahimik ka na!"

"Manahimik? Pagtapos mo kong buntisin, anakan, at pangakuan ng panghabang buhay, gaganyanin mo lang ako!"

"Hindi kita 'binuntis', 'nabuntis' lang kita!, at nagsasama lang tayo dahil kay Laxus!"

"Maghiwalay na tayo"-Mom

"Banta ka nang banta, hindi mo rin naman kayang gawin!"

"Aba! Kaya ko! Hindi ka naman gwapo ano!"

Gabi gabi, ganito naririnig ko, isa lang nga siguro akong pabigat, na kung hindi dahil sakin hindi sila mapipilitang magsama.

-------

Kausap ako ng isang babae "Laxus, maghihiwalay ang parents mo ah?, di' na kasi nila kayang magsama. " mahinahon na sabi niya.

"Bakit po? Dahil ba may marka ng lipstick sa leeg si papa?" Inosente kong tugon.

Nagulat naman ang babae, "May di lang naman sila pagkakaunawaan Laxus..."

"Yung text po sa cellphone ni dad na may 'honey, kEthA tHayUo sAmE pLacE'?"

Inosente, na kahit di ko maintindihan sinasabi ko, yun naman talaga ang mga naririnig ko sa parents ko eh.

"Ah kung ganun nga, maghihiwalay sila, kanino mo gustong sumama?" -Babae

"San ba sila pupunta? Magva-van ba o mag-kokotse? Pwede bang paki-request ng helicopter?" Hirit ko

"Ahh pupunta ang mommy mo sa Canada, while your Daddy is going to Japan naman"

"I'm going to Lola, diba bakasyon lang sila, edi bakasyon din ako!"

Oo, akala ko bakasyon lang, yun pala lifetime Vacation na.

-------------

25 si Mommy 26 si Daddy nong nagsama sila, 31 at 32 nong naghiwalay, sabi nila, masyado daw silang bata noong nagsama kaya naghiwalay din.

6 yrs. old din naman ako nong naghiwalay sila.

Ano readers? Sulat ko na ba sa papel yun?

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Chris POV

Wala kong pake, tutal wala rin naman silang pake.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Joy's POV

Naiingit ako at kumpleto sila, awa naman sa mga mayayaman nga pero hindi naman kasama ang parents, at mas lalo sa namatayan.

7 yrs. old ako nong namatay si Tatay, 12 si kuya Jay, si kuya J-ye naman 11, si kuya Jim naman 10, si kuya Jow 9, 8 naman si kuya Juz.

Bata pa kami kaya, hirap si Nanay na magtrabaho noon, nang lumipas ang ilang taon, nagtrabaho nadin sina kuya, at tudo kayod sa pag-tratrabaho.

Sa totoo lang, kahit wala na si Tatay, hindi ko naramdaman ang pagkukulang, dahil alam ko ginagabayan kami ni Tatay, at meron naman dito ang limang tumayo kong Tatay.

Nagsimula na kaming magsulat habang iritang irita sina Mika, Cris, Laxus, malungkot naman si Lyra

"Yung mga kasama niyo nalang sa bahay ang isulat niyo, o kaya, kaming mga kaibigan nyo, pamilya naman ang turingan natin sa isa't isa diba?" saad ko, napangiti naman sila.

Ang mga kapamilya, ay hindi lang yung mga taong kadugo, kundi ang mga taong minamahal mo at nagmamahal sayo.

------------

Ana's POV

Nagsimula na akong magsulat,

[Throwback]

Oh sweet 16th birthday ko na!

Excited na excited akong bumababa ng hagdan, sumalubong naman ang parents ko sa akin

"Dalaga ka na talaga anak!" Saad ni Papa, "Pag may gusto ka, sabihin mo lang ha, ilalakad kita" biro niya pa, namula naman ang mukha ko dahil sa pagkaka-alala ko

"Ang ganda ganda naman ng unica hija ko!" Puna ni mama

"Ma! Ang tagal ko nang naghihintay dun sa labas ah, san na ba si Ate!" Sabat ng kapatid kong 14 yrs. old, si Andrie,

"Andrie, ano ka ba! Syempre nag-ayos pa ang ate mo"-Mama

Kumunot naman ang noo niya "Maayos na ba yan?"

"Papa Oh!" Sumbong ko

"Joke lang Ate, ito naman!" Sabay akbay sa akin "Happy birthday ate! Be mature please!" Kiniss niya ko sa cheeks.

"Wow thanks ha! Regalo ko?" Biro ko,

"Hindi pa ba sapat na kagwapuhang to ate? Minsan ka lang makakita nito ah!" Yabang tsk!

"Tara na nga!" Natatawang yaya sa amin nina Papa.

------------

Nang-natapos ko na, tumingin ako sa kanila, tapos na ngarin naman siguro nila,

Kahit sabihin ni Sir Dimangiti na gusto niyang i-discuss is about family, alam kong gusto lang niyang makapaglaro ng C.O.C

Napalingon naman ako kay Zane, na ngayon ay nakacross arms, alam kong pag ganitong usapan, ilang talaga siya.

"Zam! Tapos ka na?" Tanong ko

"Yup, tsaka wag mo kong tawagin sa ganyang pangalan, ayoko"

"Bakit naman Zam?" pang-aasar ko

"Sia! -_-"

Tumawa naman ako sa reaksiyon niya, hanggang ngayon talaga, suplado pa din, tsk! #supladosicrush

"Ano palang sinulat mo?" Tanong ko

"Secret"

"Pabasa!"

"Ayoko nga!"

"Sige na!"

"Wala kong sinulat!"

"Weh?"

"Mga kapatid ko lang"

"Kapatid lang? Ba't naman?"

"Oo na sinulat ko din si Papa!"

"Eh si Tita Zyann?" Si Tita Zyann yung namatay niyang Mam T~T

"Oo na"

Nginitian ko naman siya, with 'ayos-lang-yan-look' #ICare

Hanggang ngayon tandang tanda ko at kabisang kabisa ko ang kuwento ng buhay niya...

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

(A/N: Sana talaga tuloy niyo ang pagbabasa! Thanks!)

Ewan by Imago

Ito yung kinakanta nina Lyra sa sasakyan, and tong kantang to ay dedicated din kay Zane, char!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top