#11: Ana's Fault

Ana's POV

"Kasi nag seselos ako!" Di ko sinadyang sinabi,

Halatang nagulat siya sa sinabi ko, kahit naman ako, hay naku bakit ko ba naman kasi sinabi?

"Ha? W-what do you mean?" ika niya,
 
"W-wala, kalimutan mo na yun," pagtatanggi ko, "Nagulat lang ako nung may kasama ka kahapon di ako agad nakalapit tas umulan pa..."

Wala kwentang rason, ano ba naman kasi tong ginawa ko? Sisirain ko lang pagkakaibigan namin eh!

Bahagya naman siyang ngumiti, "Sige na nga, wag mo nang uulitin ha," pinisil naman niya ang pisngi ko, "Nag-alala tuloy ako,"

"Dibale, naiintindihan ko na Ana."

*Kriiiing! Kriiiiiiing! *

Tumunog na ang bell na hudyat na tapos na ang lunch, mabuti naman, para kasing di ko na din kakayaning sagutin pa ang mga tanong niya,

Bahagya lang akong ngumiti, "Promise! Hindi na po," wika ko, "Masaya ako na nagkita kayo ulit, tara na!"

At sabay na kaming nagtungo sa susunod naming subject.

______________________________________

"Dibale, naiintindihan ko na Ana."

Pa-ulit ulit na naalala ko ang sinabi niya, naiintindihan niya ba talaga? Naiintindihan niya ba na hindi nalang kaibigan ang tingin ko sakanya? Naiintindihan ba niya na gusto ko siya?

______________________________________

[Linggo]

Habang nag sasayaw kami ni Zane ay hindi ko maiwasang tumitig sa mga mata niya, mga mata niya na para akong tinatawag papalapit,

"Ana," tawag sa akin ni Zane, "May sasabihin ako sayo."

Bigla akong na excite sa sasabihin niya, "Hmmm... Ano yun?"

Linapit niya ang mukha niya sa akin at sinabing, "Ana, Gusto kita."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at akma ko nang aaminin din sakanya habang papalapit kami sa isa't isa, "Zane, gusto-"

"Ateeeeee! Ateeeeeeee!!!" sigaw ng batang lalaki sa likod ng pinto,

Bigla akong nagising mula sa mala fairy tale kong panaginip at namulat bigla sa katotohanan,

Anubayan!!!! Istorbo naman eh! ke-aga aga eh ang ingay ingay,

Sino pa ba? Syempre yung kapatid kong tukmol,

"Ano ba Drei? Natutulog pa ako ehhh!" Reklamo ko,

Narinig ko naman ang pagtunog ng mga susi at ang pag bukas ng doorknob ng aking kwarto, AYSSS!

Napabalikwas ako ng bangon at sinermonan siya,

"DREI NAMAN ANG KULIT KULIT MO EH! HINDI MO BA ALAM NA NAKAKAINIS KA, HADLANG KA SA AMIN EH!" pagsusumao ko,

opssss....

"Sa amin? sa inyo?" takang taka niyang inilibot ang tingin niya sa kwarto ko, "Aba may tinatago ka ba dito, hoy ikaw ah may pinapatuloy ka dito ate!?"

"Siraulo wala! Istorbo ka lang samin ng katawan ko, labas ka nga kasi, nagpapahinga pa ako! " pagdidipensa ko pa,

Agad akong nagtalukbong ng kumot ngunit saglit lang ay may nararamdaman na akong tumatalon talon sa higaan ko,

"Ayst! Drei ano ba kasing kailangan mo?" tanong ko,

Bigla naman siya umupo si kama ko, "Ate samahan mo ko sa mall please?" nag beautiful eyes pa ito na akala naman niya ay macucute-an ako sa kanya, 

"Ayoko, tinatamad ako!" saad ko, "At ano namang gagawin mo dun? 

"Malamang bibili,"  saad niya, "Sige na ate! Bibilhin ko na yung Gitarang pinag-ipunan ko pa eh! Diba birthday ko na sa Linggo!"

Oo nga pala, may pinag-iipunan siyang gitara para asa 15th birthday niya,

"Please ate..."

"Hay naku! sige na nga," ika ko,

"Yehey! Thanks ate! the best ka talaga!"

"Oo na, mangbola ka pa!" saad ko "Pero papayagan ba tayo ni Papa?"

Tumango naman ito, "Kaya nga kita isinama eh, para mas malaki ang posibilidad na payagan niya tayo."

"Aba ginamit mo pa ako ah," biro ko, "sige na, punta ka na dun, maliligo lang ako."

Dali-dali naman siyang nagtungo sa palabas ng kwarto ko habang ako ay nag-ayos pa ng kama,

"Ate!" nakatayo siya sa harap ng pinto habang nakahawak sa doorknob at bahagyang nakangiti sa akin,

Lumingon naman din ako sakanya, "Ano pa?"

"I Love You Ate!", saad niya at nag flying kiss pa sa akin.

Natawa naman ako, "Haha I love you too Drei!"

Kumaway kaway naman itong lumabas na sa pintuan.

______________________________________________________________________

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako sa kusina, doon ay nadatnan ko sina Mama, Papa at Andrei na nag-aalmusal,

"Oh saan ba kayo pupunta at bihis na bihis kayo?" tanong sa amin ni Mama,

Umupo naman ako sa pwesto ko, "Ahm.. sasamahan ko kasi si Andrei na bibili nung gitara eh, kung papayagan kami ni Papa?.."

Sabay sabay naman kaming lumingon kay Papa, "Sige na Pa, saglit lang naman po kami," paki-usap ni Andrei,

Dahan dahan naman umiling si Papa, "Hindi pwede, delikado ngayon, di niyo ba nababalitan yung mga nangunguha ng mga bata?"

"Eh Papa, hindi naman na po kami bata!" sabay naming tugon ni Andrei,

"Aba, sinong nagsabing hindi na kayo bata?", saad naman ni Mama, "Baby ko pa kayo noh, tsaka hindi ko kasi kayo masasamahan ngayon eh, may sakit ang lola niyo at kailangan ko siyang puntahan."

Ngumuso naman kaming dalawa ni Drei dahil parang wala nang ibang paraan para payagan kami kundi magpacute, "Sayang naman, pinag-ipunan ko yung gitara, para sana magamit ko sa birthday ko sa linggo." 

Hay naku, ang kapatid kong paawa, kahit kailan talaga!

Mukha naman niyang nakumbinsi sina Papa at Mama na nagkatinginan,

Nagkatinginan din kami at saka siya nagtaas baba ng kilay na animo'y nagkakapag-asa,

Bumuntong hininga muna si Papa bago siya magpasya, "Okay sige-"

"YEHEY!" sabay naming hiyaw ni Andrei,

"Pero," dagdag ni Papa, "Sasamahan ko kayo at saglit lang tayo ah, may meeting pa ko eh."

Nagkatingin naman at sabay ngumiti, "Sige Papa! Tara na!"  Dali dali na kaming tumakbo sa sasakyan ni Papa,
"Oh teka hintayin niyo ko!" saad ni Papa,

Nagpatuloy lang si Andrei at ako naman ay huminto sa sala nang maalala ko ang cellphone ko sa kwarto,

Dali dali naman ako umakyat sa itaas pero wala naman dito,

Hawak hawak ko pa yun kanina na eh! Nakakainis,

Hay naku! Asan na ba yun? Minsan talaga pag komportable na tayo sa isang bagay, doon naman natin sila mababalewala!

Paikot ikot pa ko sa kwarto ko at umaasang mahanap ko yung bagay na tila pinagkakait naman sakin ng tadhana-

Ay oo nga pala! Sa kusina ko naiwan,

Aba, ulyanin na ba ako?

Pagkababa ko sa hagdanan ay akma na akong papasok sa kusina nang  marinig ko ang usapan nina Papa, napahinto ako at nagtago sa likod ng pinto,

"Hindi ko nga alam kung anong nasa isip ng mga Abellera na yun eh," ika ni Papa, "Pilit nilang ipinapaako sa akin ang kasalanang walong taon nang nakalipas!"

Abellera?

Sa tono ni Papa ay halatang galit na galit siya,
"Huminahon ka," sagot naman ni Mama, "Alam naman namin na wala kang kinalaman doon-"

Hindi naman natuloy ni Mama ang sasabihin niya nang bumulyaw si Papa, "Alam natin yun ngunit iba parin ang paniniwala nila, ang ako, ako ang pumatay sa anak nila!"

A-ano?

Pumatay? Si Papa?

At sinong 'mga Abellera' ang tinutukoy nila?

"Bumalik pa sila dito para lang guluhin nanaman tayo," saad pa niya,

"Eh mahal, hayaan mo na, wag mo nang isipin yung mga pagbabanta nila," saad ni Mama, "Di rin naman nila mapapatunayan ang mga iyon."

Bumuntong hininga naman si Papa, "Dapat lang..."

Napaisip naman ako, Abellera? Middle name kasi ni Zane yun eh-

T-teka, sabi ni Papa, bumalik dito,

Hindi kaya mga kamag-anak niya yun, kung andito na nga yung kapatid niya eh diba mga lolo at lola niya ang nag alaga kay Zianara?

P-pero, b-bakit sabi,

.... pumatay?-











"ATE!"

"WAAAAAAAAAAAH!!!!"

Napasigaw ako sa gulat nang bigla nalang lumitaw dito si Andrei,

"Ohhh ano ba yan?" nag-aalalang tanong ni Mama mula sa kusina,

"Wala po ma, si Drei kasi!" bintang ko,
Tumawa lang ito at sinalubong si Papa na papalapit sa amin,

"Kayo kasi ang tagal tagal niyo!", saad ni Andrei, "Bakit ka pa kasi andito Ate? Kanina pa kita hinihintay doon!"

Napalingon naman si Papa sa akin,

"A-ah kasi, yung cellphone ko naiwan ko, kaya bumalik pa ko sa kwarto para hanapin," saad ko, "P-pero andito pala sa kusina.."

Nagtungo ako sa lamesa at kinuha ang cellphone kong nakalapag lang doon,

"Ah, sige.." ika ni Drei, "Hali na kayo, tara na! Hinihintay nako nung gitara kooooo!"

Patakbong lumabas ng bahay si Andrei habang napapailing iling na lamang kami ni Papa,

"Mag-iingat kayo ha!" bilin naman ni Mama,

"Opo Ma!" sagot ko,

_____________________________________

Nanahimik lang ako sa backseat buong byahe, habang ang katabi ko naman ay kanina pa pakanta kanta at nakasalpak ang headphone,

"SINUUUUSUUUNDOOOOOO KITAAAAAA AAHHHHH!!!! SINUSUNDOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!"

Habang paulit ulit namang imiikot sa isip ko yung mga narinig ko kanina, naguguluhan ako, lalo na nang mapansin ko ang pagka-init ng ulo ni Papa noong nga nakaraang araw, minsan may naririnig pa akong kaaway nito sa telepono,

O baka naman dahil lang sa trabaho lang talaga niya ito?  Pero impossible, wala akong nababalitaang malaking issue sa kumpanya, dahil ba talaga to sa narinig ko kanina? Pero bakit ngayon lang ako nakakaalam nun?

May kinalaman ba talaga doon si Papa, bakit naman siya ang napagbibintangan, may ugnayan ba siya sa mga Abellera,

Teka nga?! Sinong mga Abellera ba yun? Mga kamag anak ba talaga ni Zane yun? At sinong anak ang namatay? Baka naman kasi iba pero,-

Ang gulo naman eh! Nagugulo talaga ang buhay ko pag nagigising ako ng maaga.

Hayst!!!

"Ate!"

Natigil lahat ng iniisip ko nang bigala akong kalabitin ng kapatid ko, "Andito na tayoooo! Pa, tara na!"

Andito na pala kami sa Mall, di ko man lang namalayan,

"Oh si-" patayo na sana si Papa nang biglang magring ang telepono niya,

"Teka lang ha..."

Bumuntong hininga pa ito nang makita ang pangalan ng tumatawag, sinagot naman niya ito,

"Hello, Mr. Abellera."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang bati ni Papa sa kausap niya, napatingin naman ako kay Drei at nagulat ako nang parehas kami ni reaksiyon,

Nagpatuloy lang sa pakikipag-usap ni Papa sa kausap nito, ayon sa pag uusap nila tila ba may isinisisi kay Papa at paulit ulit naman niyang tinatanggi,

Nagulat kami nang bigla itong mag taas ng boses, "Yan ang huwag na huwag niyong gagawin," banta niya, "Isisi niyo sa akin pero wag na wag niyong gagalawin ang pamilya ko,"

Doon ay nagkatinginan kami ni Andrei sa isa't isa,

"Sa oras na may galawin kayo sa amin, makikita niyo ang hinahanap niyo!"

Sabay ng pagpatay ni Papa sa linya at pagbaba ng telepono ang buntong hininga niya habang magkahawak kamay kaming magkapatid,

Ilang segundo kaming nanamihik ngunit saglit lamang ay-

"Oh ano pang hinihintay niyo? Tara na!" Anyaya ni Drei,

"Ah mga Anak," saad ni Papa, "Kayo nalang siguro ang lumabas, hihintayin ko nalang kayo rito ha? Dalian niyo."

Napatango nalang kami, "Sige po Pa."

Akmang bababa na ako nang pigilan ako ni Papa, "Anastasia."

Bigla akong may naramdamang kakaiba sa tuno ni Papa, "B-bakit po Papa?"

Tumingin siya sa akin na parang may ipinapahiwatig, "Ingatan mo ang kapatid mo."

"Syempre naman po, Pa." may halong kaba kong tugon, 

Pagkababa namin ni Andrei ay pumasok na kami sa mall, doon na ako nagsimulang tanungin siya,

"Drei," huminto ako na siya ring ikinahinto niya,

"B-bakit ate? Katakot ka naman!!!" ika niya,

"May alam ka ba sa... ahm.. yung-"

"Yung pagbibintang kay Papa?" tuloy niya,

Napatango naman ako, "Oo doon nga, teka bakit mo alam?"

Napakamot ito sa ulo niya, "Eh kasi, lagi ko silang naririnig ni Mama, nag uusap sila sa kabilang kwarto, naririnig ko lang naman kasi syempre katabi lang ng kwarto ko, lagi kong naririnig yung 'Abellera' na yun na bumalik daw dito mula Manila, sinisisi raw si Papa sa pagkamatay sa anak nila eh, minsan tinatawag din ni papa yun na 'Zandrino Abellera', minsan pag naririnig ko sa telepono parang boses yun ng matandang lalaki, narinig ko rin ang pag-uusap nila kanina ni Mama kasi bumalik rin ako kaagad, pero parang ganun parin naman pinag-uusapan nila, at kahit kanina, sobrang galit si Papa... Kung iisipin, ang impossible naman kasi di magagawa ni Papa yun."

Hindi ko alam ang isasagot ko sa salaysay niya, ang dami na pala niyang alam tungkol dito noon pa, at kinikimkim lang niyang mag-isa, halos ngayon ko ngalang naisip na may koneksyon si Papa sa mga Abellera eh,

"Tsaka Ate," nanumbalik ang pakikinig ko sakanya nang tawagin niya ko, "N-naalala ko nga pala, middle name ni Kuya Zane ay Abellera diba? Ibig bang sabihin kamag-anak niya yung mga yun? Iisang anakan lang naman ang Abellera dito sa lugar natin at kilalang kilala sila, kaya na isip ko lang na baka kasi yung tinutukoy na pinatay ay-"

Bigla siyang napahinto at tila ba iniisip kung itutuloy pa ba niya ang sasabihin niya sana, pero sa mga mata palang niya ay parang alam ko na ang gusto niyang iparating, "Ano?"

Napabuntong hininga naman ang munti kong kapatid, "Yung pinatay ba na isinisisi nila kay Papa ay yung ina ni Kuya Zane?" Pahina nang pahina ang boses niya na tila ba ayaw pa niyang ituloy,

Yan din ang iniisip ko kanina pa, at ayaw ko naman dahil ayokong magkaroon ng gulo sa amin,

Isang kilalang angkan ang mga Abellera dito sa lugar namin dahil sa mga kayaman at lupain nila, kaya naman alam ko rin na isa na si Zane doon at ang mga kapatid pa niya, pero nang mamatay daw ang Mama nila ay umalis ang mga kamag-anak niya at dinala ang mga kapatid ni Zane, 

Ngayon ko lang napagtanto, gulat na gulat ako, hindi- 

Baka hindi,

"T-tara na Drei," anyaya ko sa kapatid ko na tila malalim din ang iniisip, "Bilhin na natin yung gitara mo."

Tumango naman siya at sabay na kaming nagtungo sa bilihan ng mga gitara,

Pagkarating namin doon ay bumungad sa amin ang iba't ibang klase ng gitara, nagtingin tingin naman si Drei ngunit isang gitara lang ang napag-interesan niyang lapitan,

[NASA TAAS YUNG PICTURE NG GITARA!]

Isang Sky blue na kamtaman lang ang laki at walang gaanong design ang napili ni Andrei, 

Nang palabas na kami sa mall ay napansin ko ang pag ngiti ngiti niya, "Ang saya mo noh?"

Patawa tawa naman itong lumingon sa akin, "Oo nga Ate eh, Thank you!"

"Oo na, hahaha!" saad ko, "Ay, oo nga pala may naalala ako, ano palang pangalan nung babaeng muntik mong masagi ng bike?"

"Ah.. oo nga pala, si ano," hindi naman ito mapakali sa pagkakaalala at namumula na ang pisngi, "Si Zianara ate! Zianara.. bakit pala?"

"Aba! Makakilig ka naman ah." biro ko, "Wala naman... Kakilala ko lang kasi."

Napasinghap naman ito na parang nakarinig ng himala, "T-talaga ate? Sino siyaaa!"

Natawa naman ako sa naging reaksiyon niya, "Oo haha, kapatid pala ni Zane Philip."

Napahinto naman ito at nanlaki ang mga mata, "Talaga ate! Sabi ko na nga ba eh, may similarities kasi sila ako ko dahil parehas silang half Australian, wow tadhana nga naman!"

"Hahaha tara na, naghihintay na si Papa." saad ko,

Inakbayan naman niya ako, "Okay Ate."

Nagpatuloy kami sa paglalakad patungo kung saan nakapark si Papa, natanaw nanamin ang sasakyan at akma tatawid na kami nang biglang may tumigil na itim na van sa harap namin,

Mabilis ang pag-andar nito kaya nagulat kami sa pagtigil nito sa harap namin, natigilan kami nang biglang naglabasan ang mga armadong lalaki,

"A-ate," bakas sa mukha ng kapatid ko ang kaba, nang bigla akong hilain ng dalawang nakaitim at nakamask na kalalakihan,

Nag kagulo ang mga tao at napuno ng sigawan ang mall habang nagtakbuhan ang lahat, nagkabarilan ang mga security guard at ang mga lalaking ito habang ako naman ay pilit nilang hinihila, halos lahat ng security guard ay napatumba dahil sa dami ng kalaban nila, patuloy akong nakahawak kay Andrei habng pilit ako hinihila ng isang to, dahil ang mga kasama niya ay nakikipagbarilan sa mga guard,

"ATE!! KUMAPIT KA LANG SAKIN!" sigaw na lamang ni Andrei ang naririnig ko ngayon, pilit niya akong hinihila kahit alam kong hirap na din siya,

Bigla niya binitawan ang gitara ni binili niya kanina.

Anong nangyayari!?

Habang nagkakagulo ang lahat ay may narinig akong tunog mula sa sasakyan ng mga pulis na paparating, tuloy tuloy ang barilan at halos mabibingi na ako habang hawak padin ako ni Drei na pilit ako ng hinila palayo sa lalaki.
















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top