#10: The Boyish Guy- este! Lady
(SamNote: Thanks po sa mga nagbabasa! Hebebebe!
Ate choupan! Dedicated po to sayo! Basa na po daliiii!
Pretty Pls. Vote ^_^ lavyall!)
∆×∆∆×∆∆∆×∆×∆∆×∆∆∆×∆×∆∆×∆∆∆×
Rica Joy Lavaro Havennia's POV
Watzup?!
Ako nga pala si-
Alam niyo naman na diba -_-
Aba'y bakit kasi 'Rica Joy' pa pangalan ko? Kabaligtaran naman nito eh dapat sweet, angelic, girly, and feminine?! (Yak!)
Buti pa sina Kuya, Rosstom Jayen, Romel Jeyye, Rolando Jimin, Rojandrio Jorow, Romindrew Juliuz tapos ano?
Rek-ka-choy?!
Hindi naman sa sinisisi ko si Mama, pero napakadaming pangalang nagsisimula sa 'R' bat Rica pa? :|
Wala naman na rin naman akong choice, edi wow!
"Kuya pasaaaa!!!" Sigaw ko kay Kuya Jim
"Bunso salo!" Saka niya inihagis sakin ng bola,
Pagkapasa naman sa akin, agad ko itong inihagis sa ring,
"WALANG MINTIS! HOO!" sigaw ni kuya Jow,
Naglalaro kami ngayon ng basket ball sa harap ng bahay.
"Mga anak, pumasok na nga kayo, tanghalian na!" Sigaw ni Nanay sa mula sa pinto,
"Opo Nay"-Jay
"Ok pows"-Jye
"Okey Mudrakels!" -Jim
"K po"-Jow
"Potassium"-Juz
Hindi na ako sumagot at nauna na sa pagkain,
Pagkatapos nun ay naligo na ako, pagkatapos kong nagbihis ay napatitig ako sa salamin,
Nagpupulbo lang naman ako,
Hindi ako nagsusuklay dahil isa pa, nakakasawa,
Noon nga pinipilit ako nina kuya na wag magpagupit kaso nilagnat ako bigla kaya napilitan talaga silang gupitan ako,
Hay naku! Humahaba nanaman tong buhok ko -_- wala rin naman talaga to sa ayos, ako lang ang gumugupit nito,
May mga hiblang mahahaba mero namang maikli pero pinakamaikli na ngayon ay hanggang balikat ko,
Kinuha ko agad ang gunting, at kumuha ng hibla nito,
Akma ko nang gugupitin nang-
"BUNSO WAAAAAAAG!"
"NOOOOOOOOOOOOO!"
"WAG MONG GUPITIN!"
"HAYAAN MO NA LANG!"
"Kyot wag"
Sabay sabay na tinig ang narinig ko sa pinto, hay naku naman! Ipagpipilitan parin nila??
"Hayan niyo na kasi ak-
Lumapit si Kuya Jay "Bunso, magka-new look ka naman, tignan naman namin yung babae naming kapatid, to naman oh!"
"Oo na! Oo na!" Wala na akong nagawa nang agawin nila ang gunting,
Mga walang modo -_- tinatapakan nila pagkalalaki ko!
Nag-papatuloy sila sa pag-aaral,
Oo! Huminto sila, pero isang taon lang naman, nagwoworking student na sila, naguguilty nga ako kasi wala man lang akong matulong, sabi naman nila-
"Ang babae kase bunso, pinagsisilbihan talaga, kaya ikaw, ang atupagin mo lang ay ang pag-aaral mo, dahil kapag nakapag-arak ka na, makakahanap ka ng lalaking pagsisilbihan kadin..."
Grade 11 si Kuya Juz, 12 si Jow, College first year si kuya Jim, second year si Kuya J-ye, at third year naman si Kuya Jay,
Napakaswerte ko namang magkaroon ng masisipag na kuya!
°°°=°°°=°°°=°°°[Lunes]=°°°=°°°=°°°=°°°
Lunes na lunes badtrip ako!
Pano naman kasi? Pinilit ako nina kuya na ilugay ang buhok ko, pinantay pantay pa nila to, at dahil nga palasunod ako, hinayaan ko nalang, baka makita kasi ako nina Kuya Jow (same school kami diba?) isumbong pa 'ko tss!
At dahil pa dun! Nalate ako!
"Letche! Letche letche!!! Letche!...." Paulit ulit kong bulong habang tumatakbo,
Pagkapasok ko ng classroom, biglang natahimik ang lahat at napatunganga sa akin, yung iba nakanganga pa,
Bakit? Ngayon lang ba sila nakakita ng buhok?!
At bigla namang napahiyaw si Sir Dimangiti, "OWWW" hay...sigurado papagalitan niya ako-
"THERE! I THINK WE ALREADY HAVE OUR REPRESENTATIVE OF MUTYA NG WIKA!!!" Pagkasabi ni Sir nun, ay nagpalakpakan at naghiyawan ang mga kaklase ko
"S-sir?" ang tangi kong nasabi,
Bigla namang itinuro ni sir ang board namin,
At dun nakasulat
Search for Ginoo at Binibining Buwan ng Wika 2017
"Ano?! Hindi po ako pupwede! Tsaka hindi ko afford-"
"No Miss Havennia! Sagot ko na at paghahatihatian namin ng mga kaklase mo ang gastusin, ang kailangan mo lang gawin ay...irepresent ang section natin! Isn't exciting?!"
"EXCITING!" sabay sabay na sigaw ng mga kaklase ko
"P-pero Sir, hindi po ako marunong rumampa-"
"Kukuhaan kita ng magtuturo sayo, at isa pa, mababa ang grado mo sa A.P at Filipino diba?" Oo nga noh? Boring nun eh! "Madadagdagan yun once na sumali ka, at! Mas lalo kapag nanalo ka! So isn't Surprising?"
"Surprising!!!" -Mga kaklase kong letche
"Okay, you may sit down, at pumunta ka sa office ko mamaya, so we can talk about this later"
°o°
=_=
×_×
•_•
>_<
Ano???
×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×=×
>>>Afternoon(Walang Good!)<<<
"Hello Miss, transferee ka?" Pinagtritripan ba ko nito?
"Manahimik ka Laxus!" Sabay talikod ko,
"Haaaaaard!" Pagsusumao niya,
"Bagay mo palang maglugay, ngayon ko lang na-realize na maganda ka ha?"
At dahil sa sinabi niya bigla akong namula-ay letche! este naberde pala ang mukha ko! (Berde is may peburit kulur!)
"Hee! Nambobolatis ka nanaman!" Irita kong tugon sakanya,
Nasa kubo kami ngayong hapon at kumakain,
"Roy..." Lumapit nanaman siya! =_=
"Hoy Roy!" Letche
"Wag mo nga akong hino-hoy!!!"
"Ayos ka lang Roy?" Tanong ni Mark, "Kaya mo naman yun eh, ikaw pa!"
"Mukha ba kong ayos Mark?"
"Let it be Roy!" Payo ni Cris, ano daw???
Pinaliwanag naman na ni Sir ang pageant, meron daw talent, rampa with casual wear, and lastly, Filipiña, then Q AND A!
Nong tinanong ko naman siya kung bakit, ako daw kasi ang pinaka fluent sa tagalog, mukha din akong morena, at gusto daw nilang ma-experience ko ang ganito...
Abay Letche!!!
Ayaw kong ma-experience to!
Makakakuha naman daw ako ng additional grade kaso---
Mapapahiya lang ako!!
Hay naku!
÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×÷×
=×=×Gabi (Walang Maganda)×=×=×
"Bunso! Musta?" Salubong nila sakin,
Habang ako'y natulala lamang sa sahig ng aming tahanan na tila ba'y isasalin na ang lahat ng responsibilidad, problema at suliranin sa mundo,
Letche!
"Mga Kuya..." Mamromroblema nanaman sila oh! AnobayanJo!
"Ano buns?"
"Ohh Joooy?"
"wee?" ['What' in korean] feeling -_-
"Oh bakit?"
"Batkyot?"
"Isinali nila ako sa Binibining Buwan ng Wika!!!"
"Woahhh! Talaga bunso!!" Galak na galak na tugon ni Kuya Jay,
"Astig ah- ay este, napakaganda mo nun panigurado!"-J-ye
"Wow?! Excited akong makita ka nun!" -Jim
"Panonoodin ka namin!" -Jow
"Kyot!" -Juz
Hayy...
So ano? Mapipilitan talaga ako dito? Hindi ko diretsong masasabing 'Tomboy Ako' pero!
Pero iba ang mga hilig ko!
Hindi ako sanay sa mga love story, mas gugustuhin ko ang mga pelikula ni Jackie Chan, Jetli, at mga action movies,
Ayoko ng yellow, orange, red, purple, at mas lalong PINK! Gugustuhin ko ang green, blue, violet, at black!
Grabe! Hindi ko maimagine na magsusuot ako ng Gown! Hindi nga ako makasuot ng short shorts, palda, at lalong bestida!
Mas lalong ayokong mag-make up! Nakakangati nga yun!
At sa lahat daw ng Grade 10! Ako ang napili,
Oo Section1 kami kaso mas marami pa namang matalino't maganda sa iba diba?
Nakuuuuuuuuuu haaaaaaaaaaa!
Letche
×√×√×√×√×√×√×√×√×√×√×√×√×
Umaga (Si Claris lang ang maganda!)
July 25 na ngayon, at sa Agosto 25 naman gaganapin yun,
'bigsabihin may 30 days pa ako para maghanda,
Hapon ngayon at inexcuse ako ni Ma'am Fia (Isa sa aming teacher)
Nagulat nga ako nong i-excuse din nila si Laxus,
Hmmmm????
Si Ma'am Felicity Imery Alerain Aquino Salazar (A.K.A Fia) ay isang 25 yrs. old na dalaga, Oo dalaga! Wala siyang bf o kahit ano!
Maputi at matangkad siya, pangbeauty Queen ba! Kaya nga nagtataka ako, ba't ba wala siyang bf?
Balita ko marami namang nanliligaw sakanya pati ng teachers eh,
Mabait at Matalino din siyang teacher, paborito nga siya ng lahat eh!
"Hello Rica Hello Laxus!" Bati niya sa amin, mala-anghel talaga siya!
"Hello po Ma'am" bati namin,
Bigla tuloy nawala ang kaba ko sheeet natotomboy na yata ako,
bigla namang tumunong ang cp niya kaya dali dali siyang lumabas,
"Oy Jorica!" San nanaman ba siya nakapulot ng pangalang yan?
"Matomboy ka ha!" Bilin niya,
Alam kong masama ang pagiging tomboy noh, hindi ko din naman yun gagawin!
"Pakialam mo naman?"
"Masama yun eh, tsaka isa pa, hindi mo bagay!"
Mas lalo namang-
"Mas lalo naman tong pagent na to!"
"alam mo, alam kong ganiyan kalang kasi puro lalaki ang kasama mo, subukan mo lang magpakababae, mas lalo namang walang masama dun eh!" Pangaral pa niya
"Sus! Masyado kang maraming alam.." Kantyaw ko,
"Tsaka isa pa,
....maganda ka naman eh"
Biglang nag-init ang mukha ko at naistatwa sa kinatatayuan ko,
Ako? Maganda?
"Okay...sorry ha! May tumawag kasi eh" nakabalik na pala si Ma'am Fia,
"At ito na pala si Miss Fraila, Veriña, Jemaica, kaibigan ko sila, sila ang magtuturo ng talent, lakad, at pagrampa niyo"
Ahhh, tsaka nga pala ang gaganda nilang bakla, akala ko nga tunay silang babae,
Nagulat ako ng bigla akong hilain ni Miss Veriña, "Oy! Maganda tong si babygurl ah! Kaso, hindi siyaaaaa....."
Ano? Hindi ako?
"Kaso hindi siya mukhang nag-aayos ng itsura niya." Puna niya, hayy..
"Maganda nga yan eh! Makakakita tayo ng malaki-laking improvement!" Sabat ni Miss Fraila,
"Ganda kaya niya oh! By the way ha! Bagay sila ni Babyboy!" Sabay turo niya kay Laxus,
A-ano daw?
Tumingin ako kay Laxus at nginisian naman niya ako,
Sira ulo ang letche!
"What's your name pala mga bebe?" Tanong ni Miss Veriña,
Kahiya naman tong pangalan ko,
"Laxus Drake po Miss-"
"Wag mo na kaming tawaging Miss, tawagin mo nalang akong Love..." Tugon ni Miss Fraila, Aba?
"Hahahahaha de joke lang, ate nalang!" Dagdag niya,
"Ahh sige po Ate Fraila" sabay ngiti, aba mabait siya sakanila ha?
Pakitang tao ang letche!
"Ako naman po si Rica Joy, tawagin niyo nalang po akong, Jorica..."
Hindi ko nga alam kung bakit eh, pero feeling koooo...mas bagay ko nga yang Jorica,
"Okay, magsimula na tayo!!!" Yaya nila,
Nakakapagod sobra!!
Mga first step palang hirap na hirap na ako, mag-partner pala kami dito ni Laxus, nakakailang nga-
Ehh! Bat naman ako maiilang? Eh sayaw lang naman to!
Pagkatapos ng mahaba kong dusa ay sa wakas! Natapos din!
Nagpaalam na kami sa isa't isa,
6:20 na pala! Letche! Hinahanap na ako nina Kuya!
Halos ilang minuto na ako dito nang biglang nay tumigil na dark blue na sasakyan sa harap ko,
Teka kay-
"Jorica, sumabay ka na!"
Kaso, nahihiya ako kay Laxus, hindi naman makapal ang mukha ko noh!
"Sige na nga! Hinahanap na ko nina kuya eh!"
Lowbat pa naman ako! Hindi ko sila matext haaaaay!!
After 15 mins. nakarating din kami,
Pagbaba ko humirit pa siya,
"Oy Jorica, thank you ko?"
"S-salamat!" Tsaka nako tumakbo papasok ng bahay,
Kumaway naman siya,
Wala namang dahilan para hindi ako kumaway kaya kumaway ako,
Pagkapasok ko ng pinto,
"Ba't ngayon kalang? Alalang alalang tanong ni Kuya Jay,
"Eh kasi Kuya, nagpraktis kami sa buwan ng wika, nalowbat naman ako kaya yun..."
"Eh oy bunso, sino naman yung naghatid sayo????" -J-ye
"K-kaklase ko, kasali din kasi siya k-kaya sabay kaming p-pinauwi" bat ba ako inuutal?
"Oy bunso ahhh"-Jim
"Anoo? Wala nga! Kaklase ko lang siya pumayag lang ako kasi alam kong nag-aalala na kayo!"
"Yieee defensive!"-Jow
"Kuya Jay oh!"
"Dalaga ka na bunso!" -Jim
"Kyot"
"Basta kapag nagkataon, ipakilala at ipaalam mo muna sa amin ha!" -Jay
"W-wala nga e! Letche!" Saka na ako umakyat sa kwarto...
Pagkababa ko ay naghapunan na kami, patuloy padin anman silang nang-aasar dahil sa paghatid at pagsali ko sa pageant,
Pagtapos nun ay naghilamos na ako saka nahiga sa kama,
Hmmp! Lagi nalang nila akong inaasar!!
Hay naku naman!!
Binibining Buwan ng Wika?
1 new text message
[Hoy boyish guy- este lady, matulog ka na.....goodnight Jorica]
∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆
(A/N: Thanks for reading po bwehehehe!!
Gusto niyo ba ng kwento ni Ma'am Fia? "Hey Nerd to Dear Dyosa: My Heart Waits" ang title, comment down below!!! ------->
Tsaka nga pala yung story kong "I see ghosts" at "I am you | Ako ay Ikaw" ay siguro i-update ko pag trip ko, lol xD)
Geh bye!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top