Pink Rose 4

"Cayne may problema ba?" Tanong ng katabi ko.

Sya si love yung katabi ko lage sa lahat ng subject ko, sya lang kasi yung hindi nandidiri sa akin. Kahit yung iba kung ka blockmate ayaw tumabi sa akin.

"Wala naman bakit?" Tanong ko

Kahit namin hindi ito nandidiri may hidden agenda rin naman ang babaeng ito. Kina-ibigan lang ako dahil para may tagasilbi sya, taga bigay ng sagot sa mga test, taga gawa ng assignment, at ano pang taga dyan na alam nyo. Che! Kung hindi lang ako nagpapanggap, inilublub ko na talaga yung mukha nya sa iniduro.

"Kanina kapa tingin ng tingin sa phone mo" sabi nito

Tsk! Kasi naman eh, hindi ako makapaniwala sa gong2 na ka txt ko ang subrang sweet. Ganito ba ito sa lahat ng naging girlfriend nito?

"May tinitignan lang" hina kung sabi, sabay tingin sa harapan. Nag tuturo kasi yung prof namin sa harap, tamad ngang makinig eh.

"Oo nga pala cayne, nabalitaan ko. Amo mo na daw si sky?"

"Yup"

"Ang swerte mo naman, paki lala mo naman ako cayne ohh. Best friend mo naman ako eh"

-_-

Best friend your face.

"Okey, pakilala kita mayang lunch." Sabi ko

"Yes! Thank you besh"

Ewww!

"Wlcm"

Natapos yung subject ko sa umaga kaya ay nagpasya na akong pumuntang canteen upang kumain, kaya nga lang yung lintik na plastic hindi pa kinalimutan yung sinabi ko. Talagang sya pa yung kumaladkad sa akin pa punta duon. Tsk! Lintik talaga ohh.

"Oh nerd may kasama ka yata" sabi ni mark

"Eh malamang meron akong kasabay, anong tingin mo dito hologram?" Asar kung sabi sa kanya.

"Nakakainis ka talaga nerd" sabi ni mark

"Sino sya?" Tanong ni red

"Hi ako nga pala si Lovely Ann Gonzaga, nice too meet you"

"Ang ganda mo naman" sabi ni mark

"Yeah. Nice too meet you ako nga pala si red, ito naman si mark at si sky" pakilala niya sa lahat

Tumingin si love sa pwesto ni sky, ngunit hindi ito pinansin kasi busy ito sa phone. Ano kaya ginagawa ng gong2 na ito.

"Pagpasensyahan mo na itong si sky, namiss nya lang yung girlfriend nya kaya busy sa txt"

"GIRLFRIEND?" Gulat na sabi ni love

"Hahaha na gulat ka ano?" Mark

"Oo ka-kasi akala ko, i mean akala namin na walang gf si sky, lahat lang e ka fling nya" sabi nito.

Malandi naman kasi ang gong2.

"Well masasabi ko lang eh nuon yun, ngayon kasi eh parang mahal na nya gf nya" red

"Eh?" React ko

"Bat nyo naman nasabi yan?" Curious na sabi ni love

"Eh kasi kahit kaylan hindi yan nagkaka girlfriend, hanggang fling yan at bukas iba na naman babae. Hindi nag tetxt sa mga babaeng nag tetxt sa kanya. Ngayon halos parang baliw kung ngumiti nung ka txt nya ang gf nya. Nagulat nga ako nung sinabi nyang may kasintahan na sya, kung hindi ko lang nakita yung mga txt nila, hindi parin ako maniniwala. Ngayon nga eh tignan nyo" mahabang paliwanag ni red

Napatingin kami lahat kay sky, at kita ko ang pagkainis nya sa phone habang nagtatype.

"Tignan mo oh. Galit na ang gago, hindi na kasi sya nirereplyan ng jowa nito"

"Mahal na talaga nang kaibigan namin ang babaeng yun"

Namula naman ako sa sinabi nila. Hala eh!  Ayaw ko umasa no, playboy kaya ng gago.

"Oi boss na malandi ano nang order mo" sabi ko, kaylangan pa kasi ako ang mag order. Tamad kasi amo ko.

"Shit! Bat ba hindi ito nagrereply"

"Hoy" sabi ko sabay batok

"Shit naman nerd oh" galit na sabi nito sa akin.

"Ikaw naman kasi eh, ayaw mo akong pansinin. Ano nga order mo?" sigaw ko

"Kahit ano lintik" sabi nito sabay baling na naman ng phone na hawak nito.

Bahala ka nga dyan. Umalis na ako para mag order. At alam nyo kung ano binili ko? Hahahaha.

"Alam mong hindi ako kumakain ng gulay" sigaw nito.

Binilhan ko naman kasi sya ng ampalaya.

"Sabi mo kahit ano eh" tipid kung sabi.

"Walang akaijxicosjwvajdoxkahwidhxhxkxkx toot toot toot toot" hindi ko na pinansin yung reaklamo nya, sakit sa tinga eh.

Pasimple kung kinuha ang phone ko at tinignan, nakita ko nga ang rami nyang txt.

'Kumain ka nang maraming gulay baby boy ha' txt ko dito

"Lintik na ne-" tumigil ito sa kakasalita at tinignan ang phone na tumunog.

Lahat kami sa table nakatingin sa kanya, lahat nag aabang kung ano ang reaction nito.

"Thank you nerd" ngiting sabi nito habang nakatingin sa phone. Kinuha nya ang pagkain at kinakain ng subrang bilis.

"Pft" hahaha tae!

Nakanganga yung taong kasama ko sa table. Hindi ko akalain na gagawin nya yung nasa txt, malapit na akong maniwala na inlove yun sa akin.

"Boss!"

"Oh?" Sabi nito habang nakabaling ang attention nito sa pagkain.

"Mahal mo ba gf mo?" Tanong ko

Tumingin ito sa akin at ngumiti.

"Oo, unang kita ko pa lang sa kanya na love at first sight na ako"

Pffff hahaha" mark at red

Ako naman natulala sa sinabi nya. What the fuck!

"Omg! No way" sigaw ni love

"Anong no way?" Sabi ko nito.

Hindi nya ako pinansin at tumayo agad bago tumakbo.

Baliww!

Pero shock ako, lintik! May hd pala ang gong2 na ito sa akin eh, hindi ako makapaniwala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top