Blue Rose 28


Nakarating kami sa pwesto namin kanina. At marami rami na rin ang nandito. Kung titignan mo ay ika 16 na kaming grupo, ang bilis nila makahanap ahh.

Tinignan ko ang paligid at marami ang mga assassin ang nakaligtas.

Nakita ko pa ang dating grupo nila king na masamang nakatingin sa aming pwesto.

'Problema mo?' Sigaw ko sa isip ko.

Nag smirk ako sa kanya.

"Dito tayo!" Sabi ni gino.

Pumasok kami sa isang tent na nakalatag.

Lumabas naman si cloud para tawagin ang mang gagamot.

"Hindi ka ba talaga na saktan rose?" Tanong sa akin ni gino.

Umiling ako.

Hindi naman talaga ako na saktan eh, at kung may mga sugat man ako ay parang isang kagat lang yun ng langgam. Na sanay narin ang katawan ko sa mga sugat na natamo ko noong nag aaral pa kaming makipag laban. Buwis buhay kami noon. Kung hindi kay Mr. Takano, hindi namin magagawa ang mga bagay na ito.

"You better rest, the game still isn't over. Hindi pa natin alam ang next stage ng laro, kaya magpahinga ka muna para sa susunod na round" sabi ni king bago umalis palabas.

"Tama siya rose, magpahinga ka muna."

"Pano kayo?"

"Mamaya na kami! Titignan muna namin ang flow ng laro."

"Tanong ko lang gino, ngayon lang ba kayo nakasali sa larong ito?"

"Hindi naman. 3 beses na kami nakasali kaso nga lang ay hindi kami nagwawagi. Bugbug at maraming sugat ang natamo namin sa larong ito."

"Bakit gusto niyo manalo?"

"Kasi! Gusto lang namin makontrol ang mga kaaway. At Maging isang makapangyarihan sa lahat na sinusunod ang gusto namin. Kaya kami sasali ay dahil narin kay michel. Gusto na namin siya makasama at makuha sa mga gangster's master."

"Wow! Talagang napaka swerte ng babaeng yan ahh. Mahal na mahal nyo."

"Wag kang mag selos labs! Kaibigan ko lang si michel. Silang tatlo lang ang may gusto sa kanya, parang lil sis ko lang yun eh. Hahaha"

=_=

Back to normal na ang gago.

Inirapan ko siya bago humiga, mabuti pang matulog na lamang ako.

Napansin ko naman ang papalayong tunog ng sapatos ni gino sa akin.

Nakikita ko sa mga mata nila na determinado silang manalo sa larong ito. Kaylangan ko ng tapusin itong mission na ito upang ipagpatuloy ang mga na udlot naming plano sa aming kalaban.


Nagising ako sa isang presensiya na malapit sa akin. Bago pa lamang nito makuha ang glasses ko sa mukha ay hinawakan ko na ang kamay nito. Déjà vu lang!

"King" sabi ko ng mapansin kung ito pala ang may ari ng presenya na napansin ko.

"You're sleeping with a glasses" sabi nito.

Tinignan ko ang paligid, at napansin kung may munting liwanag na sa paligid.

"Nasaan ang ilan?" Tanong ko at binitawan ang kamay nito.

"There outside" tipid na sabi nito bago umalis.

Tinignan ko ang pwesto ni myco na nakahigang nakatingin sa akin.

"Gising kana pala lampa" sabi ko sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi ako lampa."

"Weee?! Itatak mo nga sa bato. Dapat times new roman gamit mo ha, para mapansin talaga alam mo namang yun yung uso sa sulatan."

Mas lalo namang sumama ang timpla ng mukha nito.

Joke lang naman. Sineryoso agad agad eh. Kaluka!

"Ewan ko sayo nerd. Nakakainis ka talaga."

"Ito naman galit agad. Haha joke lang naman ehh. Ngingiti nayan ngingiti nayan."

"Ang ingay mo"

"Oi ngiti kana para bumalik kana sa pagiging masayahing unggoy, hindi bagay sayo ang bugnuting unggoy eh. Hahahahaha"

"Fuck you Kham!" Sigaw nito sa akin.

Bigla namang pumasok ang tatlo sa luob.

"Anong nangyayari dito?" Gino.

"Why are you shouting?" King

"What the heck myco!" Cloud

Gusto kung matawa sa reaksyon ng tatlo. Epic lang kasi eh!

Bago pa may magsalita ulit ay may umalingawngaw na isang tunog mic, na nagsasabing nag sisimula na ang ikalawang stage ng laro.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top