Chapter 6: Secret Admirer
Two days na ang lumilipas magmula nang simulan ni Vincent ang trabaho sa Dream Catchers Edition. Ilang beses na siyang nag-email sa Grey Feather Press tungkol sa kontrata niya. Next month na kasi ang end of contract niya sa publishing company kung saan siya ang bestselling author. Kung sakali mang kailanganin siya ng DCE, baka lumipat na siya sa publishing team ni Karen hangga't hindi pa ito financially stable at nagkukulang pa rin sa tao. Na-brief na siya tungkol sa financial issues ng DCE, at kahit wala siyang background sa accounting, alam naman niya kung kumikita ang negosyo o hindi. Sayang lang dahil masyadong maraming empleyado ang DCE pero kulang sa pondo. Hindi talaga maisasalba basta-basta ng loan lang. Kailangan na talagang magtanggal ng tao at magpalit ng katumbas ng mga tatanggalin na kayang magtrabaho nang may mataas na kalidad.
Pasado alas-sais na nang gabi nang makarating si Vincent sa Fairview mula sa isang set sa Araneta. Doon sana siya magdi-dinner sa Kenny Rogers pero habang nilalakad niya ang second floor ng pinuntahang mall, nakita na naman ang babaeng iyon—si Eunice Riodova. Nanggaling si Eunice sa bilihan ng cake.
Balak sana niya itong sundan nang bigla itong sumakay ng elevator pababa.
Bigla niya tuloy naalala ang usapan nila ni Karen.
"If I see her again, tingin mo, siya na kaya ang tamang babae for me?"
Aminado si Vincent na secretly crush niya si Eunice. Ang kaso, hindi niya matanggap na pansinin naman ang itsura niya at ilang endorsement na rin ang natanggap niya dahil sa mukha niya pero hindi pa rin siya nito mapagtuunan ng atensiyon.
At dahil nababanggit na rin naman ang endorsement . . .
"Uy, Carl, thank you talaga sa favor, ha?"
"Yeah, no problem," sagot niya.
"Sana next time, um-attend ka naman ng press release. Hinahanap ka na ni Madame P. Sabi niya, may libro ka raw, gusto niyang mabasa."
At kahit hindi nakikita si Vincent ng baklang kausap sa phone, pinilit pa rin niya ang ngiti habang sinisilip ang laman ng ref niya.
"Hindi kaya ng sched ko, Jonah. Alam mo namang marami akong trabaho," sagot niya rito.
"Pero kapag may libreng time, dalaw ka naman sa set."
"Sure. Sige, I'll inform you some other time."
Bago pa niya madiskubreng kaya pala niyang magsulat ng nobela, nagtrabaho na siya bilang electrical engineer sa isang advertisement company at nag-part-time din doon bilang model. Doon din niya nakilala ang ex-wife niya bilang part-time endorser din.
Wala naman siyang planong bumalik bilang endorser, ang kaso, nakasalubong niya ang dating talent manager ng ex-wife niya. Hindi rin naman siya makatanggi kaya bago siya umuwi, naaya pa siyang mag-photoshoot para sa isang advertisement ng red tea. Para sa mga banner and tarp, sabi nito sa kanya. Umoo naman siya kasi ilang shot lang naman. Wala naman siyang problema sa maliit na bayad kasi kaibigan naman niya ang nakiusap. Bibigyan na lang daw siya ng one year supply ng product bilang isa sa payment.
Kaya pagbukas niya ng ref, walang ibang nasilayan ang mata niya kundi puro bote ng red tea.
Hindi niya kayang ubusin iyon kaya naisip niyang ipamudmod na lang sa mga tao ng DCE kinabukasan.
Alas-onse ng gabi, naroon na naman siya sa kanyang personal night life. Kompara noon na nasanay siya sa party at night outs dahil sa dating trabaho, simula nang maging writer siya, mas na-enjoy na niya ang katahimikan. At yakap-yakap na naman niya ang lady bug na throw pillow habang nagtse-check slash nagsi-stalk ng profile ng crush niya.
Sa sobrang hilig niya sa libro, hindi talaga mahahalata sa itsura niyang nerd at weirdo siya. In-add na niya si Eunice Riodova gamit ang real account niya na may pangalang Carl John. Ang kaso, hindi pa siya nito ina-accept. Naka-follow lang tuloy siya rito at mga public post lang nito ang nakikita niya—na sobrang kaunti lang.
Binuksan na lang niya ang isa pa niyang Facebook account—ang Vincent Gregorio account niya. Doon na lang siya naglabas ng sama ng loob sa nangyari kanina bago siya umuwi.
Tadhana bang pagtagpuin ang landas nating dalawa? Kasalanan ko bang magustuhan ka kahit hindi mo ako kilala?
Kompara sa Carl John account niya, wala pang fifteen seconds, may thirty reactions na ang post niya. Sunod-sunod ang comments.
kuya beaaans!!! pa-add na akooo
pa add po kuya otor
kuya beans idol po kita
Kuya Beans Notice Meeeee T__T
Koya Beans!!! Ako nalang girlfrenin mooooo
Noon, kaya pa niyang reply-an isa-isa ang mga fan niya. Pero kung umaabot na ng daan-daan at libo-libo ang comment, mauubos lang ang oras niya, hindi pa siya nakakakalahati.
Kung puwede nga lang, papalitan na niya ang display photo niya ng picture ni Eunice na naka-peace sign kasi sobrang cute n'on. Kaso baka sabihin na naman, poser siya. At hindi rin naman kasi sikat si Eunice Riodova para i-DP niya—maliban na lang kung magiging girlfriend niya.
Bigla siyang napakagat ng labi habang nakangiti at napayakap nang mahigpit sa throw pillow habang iniisip ang tungkol doon.
Hindi na niya matandaan kung kailan niya huling naramdaman iyon. Noon pang unang beses niyang nakilala ang dati niyang asawa. Basta bigla na lang siyang natuwa sa maliit na babaeng masungit na iyon, at nagising na lang siya isang araw, sobrang curious na niya at naging follower na siya nito—literal.
Hindi na tuloy niya alam kung paano ito kakausapin kapag nagkatagpo na naman sila ng landas.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top