Chapter 4: The Writing Contest

"I want to see my perfect collaboration partner!"

Napakalawak ng ngiti ni Vincent habang palipat-lipat ang tingin kina Karen at Carmela. Mababasa sa mukha ng dalawang babae na hindi nila siya naiintindihan, at naiintindihan din naman niya kung bakit.

"You can write that alone, GT," paalala ni Karen sa kanya sa sobrang babang tono, halatang hindi nito gusto ang plano niya.

"Pero gusto ko ngang mahanap ang gusto kong ka-collab." Pinagkrus niya ang mga braso at nginitian na naman ang dalawa. Hindi siya nagpatinag sa tindig habang inaalam ang reaksiyon ng dalawang nakaupo at ka-meeting niya sa di-kalakihang conference room ng DCE.

Hinawi lang ni Carmela ang rainbow-colored na buhok at saka nag-abang ng sasabihin ni Karen. "Can we call Niz right now?"

Napahimas ng sentido si Karen sabay buga ng hangin. Inilahad nito ang palad, akmang may sasabihin sana, kaso biglang nawala ang salita sa utak.

"Come on, guys. Ito lang ang condition ko for you! I can be your freelance editor. Tatapusin ko, at least half of your projects, promise! Please, please, please . . ." Ipinagdaop pa niya ang mga palad habang pilit na ngumingiti sa dalawang kausap. "Wala ang lead editor ninyo right now. I can substitute."

Panibagong buntonghininga mula kay Karen at itinuon ang tingin kay Carmela. Kung naghahanap ito ng sagot sa kanya, gusto rin niyang maghanap ng isasagot dito.

"Take it or leave it, mga darling. Madali rin akong kausap," panakot ni Vincent at umariba na naman ang kaunting sama ng ugali.

Hindi naman sa gusto niyang ipitin ang owner ng DCE para lang mahanap ang author na gusto niyang makita—pero parang ganoon na rin. Nagbabakasakali lang naman.

"Kakausapin muna namin si Niz, ha?" dismayadong sagot ni Karen. "Kasi possible na siya ang hahawak nito, if ever."

"Then . . . where is she?" tanong pa niya sabay pamaywang. Tinagalan nang kaunti ang tingin kay Karen, sunod kay Carmela.

"Freelancer pa rin kasi siya, Vincent," sabi na lang ni Carmela at saka siya malungkot na tiningnan. "Sobrang open ng schedule niya for DCE, and we're just waiting for her to come here. Hindi kasi regular ang duty niya rito."

"Umaasa kayo ng response sa isang freelancer?" sarkastiko niyang tanong sa dalawa. "Why can't we decide on our own? Freelancer din naman ako. Ibig sabihin, may karapatan ako to decide, as in now." Tumango-tango siya sa dalawa. Sinusubukan lang niyang papaniwalain, baka bentahan ng panse-sales talk niya. "Ako muna ang papalit sa kanya. Kahit wala akong office, kahit walang definite position. You both know I can do the job better than what you're expecting."

Saglit na tumahimik sina Karen. Halatang may gustong sabihin pero tikom lang ang bibig at nagtuturuan ang tingin nila ni Carmela kung papayag o hindi.

"Okay, I changed my mind na," pagsuko ni Vincent at saka tumalikod papuntang pintuan. "I should go—"

"Wait! GT, wait."

Lalong lumapad ang ngisi ni Vincent bago pa tuluyang lumingon sa dalawang kausap.

"Fine, we'll do it." Sumuko na rin si Karen. Halatang wala nang magagawa pang iba kundi pumayag.

"'Yan naman pala, madali naman pala tayong magkakasundo." Nginitian niya ang dalawa. "Magpa-audition na tayo!"

♥♥♥

Hindi pa kahit kailan naranasan ni Gregory Troye ang mag-organize ng writing contest. May idea siya pero hindi niya gustong simulan nang siya lang. At mukhang sobra pa sa dapat na requirements ang gusto niyang mangyari.

"Uh . . . seryoso ka sa gusto mong babaeng writer lang ang puwedeng magpasa?" tanong ni Karen kay Vincent nang tanungin siya nito sa mechanics ng contest. Ilang minuto na rin siyang nasa cubicle nito para hingan siya ng opinyon ukol sa contest na gagawin nila.

"Yes! Absolutely," masaya niyang sagot at tumango habang kagat-kagat ang labi.

Mababasa naman sa mukha ni Karen na sobrang wirdo ng ganoong mechanics. Hindi tuloy nito naiwasang magtanong. "Naghahanap ka ba ng girlfriend?"

Napaatras tuloy siya at bahagyang pinandilatan ng mata si Karen. "I'm just looking for—um, best partner . . . to write?" nakangiwi niyang tugon dito.

"O . . . kay?" Halata namang hindi naniniwala si Karen sa kanya. Nahahalata rin dito na may balak siyang kung ano at ginagamit niya ang DCE para mangyari iyon.

Gagamitin din naman siya ng DCE kaya bakit hindi niya puwedeng samantalahin ang pagkakataon?

"GT, I am not sure kung ano'ng trip mo ngayon, pero sana alam mo pa ang ginagawa mo," paalala ni Karen sa kanya.

"I know what I'm doing, Karen."

Pinandilatan na lang din ni Karen ang mesa at kumukutitap na sa noo nito ang mga salitang "Talaga lang, ha?"

"Sure kang di ka naghahanap ng girlfriend?" paninigurado ni Karen. Single pa rin kasi siya, at baka lang ginagamit niya ang DCE para sa love life niya.

"May hinahanap lang ako," sagot niya at saka tumango para manigurado.

"Babae," sagot nito, sinusubukang hulihin siya.

"Yes."

"Ano'ng pangalan?"

"Gusto ko ring malaman."

Natigilan si Karen at napasandal sa ergonomic chair nito. Tinantiya siya ng tingin kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari. "Sana, di 'to love life related, GT, ha?"

"Actually . . ."

"No way." Umurong paharap si Karen at buong pagtataka siyang tiningnan. "Really, GT? Love life?"

"No!" tanggi niya. "I mean—not really love life. I'm looking for my long-time crush kasi."

Tinaasan agad siya ng kilay ni Karen at saka ito humalukipkip. "Sa writing contest? Carl John Vincent Gregorio, are you freaking serious right now? Sino ka? Si Prince Charming na may dalang glass shoes. Kung kanino mag-fit, siya na si forever?"

Itinuro niyang saglit si Karen habang pinaliliit niya ang mata. "That's a nice idea."

"GT, this is not a joke."

"I'm serious!" pagpilit niya at ipinagpag pa sa hangin ang mga kamay na para bang may hinihiwa roon. "I . . . want . . . to . . . see . . . her!"

"E, di ipanawagan mo na lang!" sermon ni Karen.

"I did! But it was no use! Hindi nila siya kilala!"

Saglit silang tumahimik. Nag-abang ng susunod na sisigaw pero wala namang nagsalita.

Sumandal na naman si Karen sa upuan at saka umiling. "Whoever that girl is, sobrang liit ng chance na makita mo siya sa contest na 'to, GT. Sure kang susugalan mo 'to?"

Halata sa mukha ni Vincent ang pagiging desidido. "Sa writing contest ko siya nakilala. I'm sure makikita ko siya ngayon."

Napakamot na lang tuloy ng ulo si Karen at saka umiling na naman bago ibinalik ang atensiyon sa monitor. "That's so absurd. You're crazy, GT, frankly speaking."

Alam naman niyang wala nang magagawa si Karen. Papayag pa rin naman ito kahit ano pang tanggi nito sa gusto niya. Kailangan siya nito kaya sa ayaw o sa gusto nito, masusunod ang mechanics na gusto niya.

"I informed my lead editor din regarding this plan. Di pa siya nagre-reply sa email."

Ipinatong ni Vincent ang magkabilang siko sa mesa ni Karen at saka siya nangalumbaba. "You hired the wrong person, Karen. Not passionate enough for DCE."

Isang malalim na buga na naman ng hangin mula kay Karen at umiling na naman. "May issue sa personal life si Niz. Home-based kasi ang request niya sa akin."

"And you agreed."

Nagkibit-balikat si Karen. "I had no other choice."

"That's irresponsible for the both of you."

Saglit na tumirik ang mga mata ni Karen doon at binalewala na lang ang sinabi niya. Napapansin din niyang sobrang mali ng desisyon nito sa mga nangyayari, at nakikita na niya kung ano pa ang ibang problema ng DCE sa mga oras na iyon.

"Are you familiar with the book entitled Last Paragon?" tanong niya kay Karen. Para lang mabago ang usapan. Tinitigan lang siya nito pagkatapos ay tumingin sa itaas para isipin kung alam nga ba nito ang tinutukoy niya.

"English novel?" tanong pa nito.

"Filipino."

"Ah, nope." Umiling agad ito. Nagsimula kasi si Karen sa popular fiction, at young adult fictions ang kadalasang market nito maliban sa inspirational books. Hindi sigurado si Vincent kung nagbabasa ito ng fantasy novels, lalo na kung Filipino. Sayang lang dahil hindi ito pamilyar sa librong hinahanap niya. Kung hindi nito alam ang libro, hindi rin nito makikilala ang author.

Sa bahay lang naman tahimik si Vincent. Pero kapag nasa labas, sobrang ingay niya. Tahimik lang sa cubicle at sa buong office ng DCE. Ingay lang ng keyboard ni Karen ang naririnig niya. Hindi tuloy siya mapakali at gusto na namang magtanong habang abala ang owner sa paggawa ng mechanics ng contest niya.

"Know what, I met this cute girl sa bookstore," panimula ni Vincent sa bago na namang usapan. "Three years ago pa, actually."

Sinulyapan siyang saglit ni Karen bago nito itinuloy ang pagta-type. "And . . . what about it? I mean, her?"

"Lagi ko siyang nakikita."

Natawa nang mahina si Karen at nginitian ang ginagawa. "Tagasaan?"

"Not sure. Pero parang malapit lang yata sa bahay ko."

"Um-hmm." Lalo lang itong ngumiti habang itinutuloy ang pagta-type. "And now you're what? Infatuated?"

"Sort of. I stalked her."

"You what?" Napahinto tuloy si Karen at napaatras sa kinauupuan habang gulat na gulat na nakatingin sa kanya. "You? Stalking? A girl?"

"She's so cute talaga, Karen." Ngumuso pa siya habang tumatango.

"Oh whoah, hahaha!" Napailing ito at hindi makapaniwala sa reaksiyon niya. "That's something, huh?" Nagkibit-balikat ito at itinuloy ang pagta-type habang napapangisi sa pinag-uusapan nila. "You two talked?"

"Um, not really talked." Umayos siya ng upo at saka inalala ang ilang beses nilang pag-uusap ng babaeng tinutukoy—kung pag-uusap nga ba ang tawag doon. "We had an argument before."

"Oh, interesting. Okay? Then?"

"Binili niya kasi yung libro ko."

Nagkibit-balikat na naman si Karen. "Di ka ba sanay na may nakikita kang reader mo sa bookstore?"

"Akala ko, minor siya. Inagaw ko yung book, then I went to the cashier, then we had an argument. Doon ko lang nalaman na hindi na siya minor."

Tumigil na naman si Karen sa pagta-type at iginilid ang tingin nito sa kanan para isiping maigi ang kuwento niya. "That's odd. Nangharang ka ng buyer sa bookstore?" kunot-noong tanong nito habang ibinabalik ang atensiyon sa monitor.

"Ang cute kasi niya!" depensa ni Vincent. "Maliit lang siya, mababa pa sa balikat ko. Tapos laging naka-ponytail na sobrang taas. Tapos naka-T shirt lang lagi and shorts. Mukha lang siyang grade school student."

Natawa naman si Karen at saka umiling. "You better see Niz. Ganyang-ganyan din ang ayos niya parati. Anyway, what about this girl?"

"I like her. Not sure, ha? Pero alam mo 'yon? Parang ang sarap niyang habulin kasi madalas kaming nagkikita. At mukhang wala siyang boyfriend at the moment."

"Um-hmm . . ." Tumango na naman si Karen habang nakatutok ang tingin sa monitor. "Then, confess."

"Di ba niya 'ko ire-reject? What do you think?"

Natigilan na naman si Karen sabay sulyap sa kanya. Puno ng kuwestiyon ang mukha nito dahil parang sobrang maling-mali ng mga lumabas sa bibig niya. "Ikaw? Ire-reject? GT, ire-reject ng mga babae ang kahit sino pero hindi ikaw."

"Ah, that's so sweet, Karen. Let me hug you." Inalok ni Vincent ang mga braso para yakapin si Karen, pero itinaboy lang nito ang mga braso niya dahil alam nitong nagbibiro lang siya.

"GT, seryoso, if you like her, mag-confess ka na. Sabi mo, di ba, three years ago pa 'yan? Ang tagal na no'n!"

"Pero kasi, I can't commit right now. Alam mo naman ang lifestyle ko."

"E, ano? Gagawin mo na lang na novel yung story ninyong dalawa? Para kahit sa fiction man lang, magkatuluyan kayo, gano'n ba?"

Napaisip tuloy siya sa idea. Why not?

"Do you believe in signs?" tanong niya kay Karen. Curious lang sa idea. "Yung magwi-wish ka kay Lord ng sign na kapag nakita mo ang ganito, then you go?"

Kumibit lang si Karen. "That might be. I always do that, lalo na kapag gipit. It's a nice game of chance din naman, based on previous experience. What's the relevance?"

Tumango na lang siya sa sinabi nito. Hindi siya naniniwala sa signs, pero magandang concept para sa bagong nobela. At magandang laro din kung subukan man niya.

"If I see her again, tingin mo, siya na kaya ang tamang babae for me?"

Pinandilatan na naman ni Karen ang mesa nito at saka itinuloy ang hindi matapos-tapos na ginagawa. "GT, malamang makikita mo na naman siya kung tagaroon siya sa inyo. Hello?"

"Okay, fine." Sinukuan na niya ang idea ng tungkol sa mga sign. Posible naman kasi talaga ang sinabi ni Karen sa kanya. At malamang na magkikita na naman sila kapag nagpunta na naman siya sa mall lalo pa't doon naman sila parating nagkakasalubong.

"Kausapin mo na lang kasi, Vincent," utos ni Karen na halatang naiinis na sa usapan nila.

Napanguso siya habang nakayuko. "Parang di ko kaya 'yon."

"Because?"

"Nahihiya kasi ako."

"Nahiya ka pa, walanghiya ka naman."

"Hahaha!" Ang lakas ng tawa niya pero itinigil din niya agad. "Seryoso ba 'yang insulto mo?" alanganin niyang tanong.

"That's a fact. And can you—" Iminuwestra nito ang kamay para paalisin siya. "You can check the editorial team right now. Di ako matatapos sa ginagawa ko, iniingay mo 'ko."

"Ay, wow!" Iingayin at iingayin pa rin naman talaga niya si Karen hangga't hindi siya umaalis sa harapan nito. "Sige, I'll talk to the other employees. Pinalalayas mo na 'ko, e. Ang sama ng ugali mo."

"You, of all people, know how we abhor disturbances, GT."

"Yeah, yeah, yeah." Tinuktok niya nang dalawang beses ang table ni Karen bago tuluyang lumabas sa opisina nito. "I'll steal the team your lead editor has been taking for granted. Pagdating niya rito, sabihin mo, wala na siyang trabaho."


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top