Chapter 38: Outburst
Vincent wasn't born in a fairy tale. He grew up like the other kids, kaiba sa impression ng ibang tao sa kanya na anak-mayaman daw siya.
Marie Anderson was an Australian national na na-destino sa isang Methodist church sa Bulacan para mangaral. Vicente Gregorio, on the other hand, was a bell boy sa isang hotel sa Manila. Nagkakilala ang dalawa nang minsang mag-stay nang isang buong buwan si Marie sa hotel kung saan nagtatrabaho si Vicente habang naghahanap ng permanenteng matitirhan.
At sino nga ba ang hindi magagandahan sa isang foreigner na matangkad, mestisa, at malaking babae?
Vicente wasn't a dream man pero sobrang bait na tao at masuyo. Ipinagmamalaki nga ito ng mga tiyahin ni Vincent, kahit ng Tita Mamu niya. He tried to work for his family kahit sobrang baba ng suweldo bilang bell boy sa isang hindi sikat na hotel.
Vincent was conceived in the worst era. Patapos pa lang ang bangungot ng Martial Law noon. Napakahigpit ng batas. His mother did something na labag sa batas noong panahong iyon—bagay na gusto niyang alamin pero walang nagsabi sa kahit sino sa mga kamag-anak niya. Ang narinig nga niya sa lamay ng ama niya noon, tourist visa lang daw ang meron ang ina niya. TNT lang pala ito at noong na-check ay expired na ang Visa kaya wala silang magagawa kundi ipa-deport pabalik sa Australia. Wala naman daw magagawa ang magkabilang panig dahil hindi nga naman sila mayaman para mag-file ng residency nito sa Pilipinas.
Hindi naman inilihim sa kanya ang katotohanan ukol sa pinagmulan ng kanyang ina, ipinamukha pa nga. Wala kasing gustong kumupkop sa kanya kaya ipinasa siya sa kapatid ng ama niyang matandang dalaga. Wala naman daw itong asawa at anak kaya walang ibang responsabilidad kundi sarili lang.
Lumaki siyang bihirang makita ang ama. Kung dalawin man siya ay minsanan lang. Malabo ang alaala nito sa kanya dahil kung magkita man sila, isa o dalawang beses lang sa isang taon at palaging Tita Mamu lang niya ang humaharap.
Pinunan lang ng Tita Mamu niya ang lahat ng pagkukulang ng mga magulang. Sinasabi nito palagi sa kanya na sa buhay, hindi masamang dumepende sa iba pero huwag hayaang idepende ang buong buhay sa kanila. Kasi nga raw kapag nawala sila, mawawala ka na. And he felt that.
May picture ang ama at ina niya sa bahay nila sa Bulacan. Mas lamang ang features ng ina sa kanya na hinalo pa sa mukha ng ama. Magandang lahi nga raw, sabi ng mga kamag-anak nila. Masuwerteng bata. At nagamit pa siya para ibenta sa kung saan-saang patalastas sa TV, magazine, diyaryo, at hanggang sa media na available sa kasalukuyan. Hindi na nga bago sa mga ad agency si Carl John.
Walang kaso sa kanya ang exposure. Walang kaso ang poster, ang banner, ang presscon, ang endorsement. That was his bread and butter once in his life. But the latest issue was something na isang dekada niyang pinilit ilayo sa buhay niya bilang Carl John.
At sa dinami-rami ng mastermind sa pagsira ng imahen niya bilang anonymous writer, iyon pang babaeng dahilan kung bakit siya naging writer.
Sobrang daming chat at messages ang natanggap niya sa Vincent Gregorio account, nagtatanong kung siya nga ba si Gregory Troye dahil photo niya ang nasa poster nito. Walang confirmation mula sa kanya o sa GFP na iisa lang si Gregory Troye at Bean's Talk kaya wala siyang magagawa kundi i-deactivate ang FB account.
Isang buong Sabado siyang nagkulong sa bahay. Kung lumabas man, para lang bumili ng sigarilyo at chichiryang sobrang alat. Ayaw niyang kausapin muna ng kahit na sino. Ayaw niyang makipag-usap kasi wala pa man ang usapan, napapagod na siyang magpaliwanag.
Linggo lang ng umaga nang bigla siyang tawagan ni Karen habang nakahiga lang sa blangkong bahagi na iyon ng second floor ng bahay. Nakatitig sa kisame at pilit nilalamon ng kalungkutan. At alam na alam nitong may problema siya.
"GT, are you sure you're okay?" nag-aalalang tanong nito. "Deactivated ang FB mo. Niz is asking. Akala ko ba, magkasama kayo?"
Si Eunice. Dalawang araw din siyang wala, ngayon lang pala ito nagtanong kay Karen.
"I told her to do something sa Google Docs. Doon niya ako makakausap."
"GT, I could give her your personal number."
"This is part of our collaborative work," katwiran niya rito. "Kailangan niyang magsulat."
"I told you, Niz can't write romantic stories. Wala pa naman kayong one month, puwede n'yo pang palitan ang genre."
Doon lang siya tumayo at pumunta sa kuwarto niya. "No. Let her write beyond her comfort zone." Kinuha niya ang laptop na nasa tabi lang ng desktop niya. Hindi muna niya bubuksan ang PC niya dahil mukha lang ni Eunice ang bubungad sa kanya roon sa wallpaper kompara sa laptop niyang pang-business talaga.
"GT, if you can't handle the pressure sa GFP, you can give up naman my company," malungkot na sinabi ni Karen. "Ayokong dumagdag sa problem mo ngayon."
Bumalik siya sa puwesto niya sa tabi ng bintana sa blank room at binuksan ang laptop.
"Karen, I promised na tutulungan kita, di ba?"
"Pero, GT, nagkakaroon ka ng conflict sa contract mo. Yung issue mo sa GFP, issue ko na rin. Issue na rin ng DCE. Ayokong mahirapan ka. I could ask for another help din sa ibang kakilala."
"No. I can handle it, Karen, don't worry. Tell Eunice, I'm checking our existing document. If she wants to talk to me, she needs to write for me."
"GT, pine-pressure mo ba si Eunice?"
Natigilan siya habang nakatitig sa kabubukas pa lang na blank document nila sa Docs. Hindi siya nakasagot. Blangko ang laman ng utak niya para sumagot sa kahit anong tanong.
"Just . . . tell her active ako ngayon."
Nagbuntonghininga lang si Karen. "GT, whatever your problem is, nandito lang ako. I'm willing to hear your thoughts. Tell me whatever it is that's bothering you."
Mapait ang ngiti niya sa narinig kay Karen pero kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya sa pag-aabala nitong makinig. "Thank you, Karen. Bibisita ako bukas sa DCE."
"Okay, I'll tell Niz about the Docs. I'll call again to check up on you. Hindi ako sanay na malungkot ka."
Napangiti siya sa narinig. "I'll be fine. Promise."
Siya na ang nagpatay ng tawag at tinitigan ang blangkong document nila ni Eunice.
Gusto na rin naman na niyang kausapin ito pero hindi niya alam ang sasabihin dahil unang-una, kagustuhan niyang huwag itong pakialaman muna. Isang araw din ang lumipas at alam niyang mamayang gabi na ang usapan nila ni Myra na magkikita sa isang bar sa Timog.
Ilang saglit pa, nakita niyang gumagalaw ang mga letra sa blank document at nakalagay sa green flag ng bawat letra kung sino ang nagta-type sa mga sandaling iyon.
Hindi naging maganda ang araw ko. Yung collab partner ko kasi, MIA.
Napakatipid ng ngiti niya at umisang iling. Dinampot niya ang isang bote ng C2 sa tabi saka uminom.
Mukha namang okay pa si Eunice. Mukhang okay pa rin sila ni Justin.
~ Hawakan mo ang aking kamay, at tayong dalawa'y magha—
Sinagot niya agad ang tawag. "Hello, Carl John speaking."
"I had no idea na mas sikat ka pa pala sa inaasahan ko, Carl."
Napahugot siya ng hininga dahil narinig na naman niya ang mahinhing boses na iyon. Hindi siya sumagot, tiningnan lang niya nang masama ang screen ng laptop.
"We've checked the inventory for GFP. Best news for GFP sales, ang taas ng demand ng book mo after we launched your posters."
Habang tumatagal, lalo lang siyang naiinis habang naririnig ang boses nito.
"I talked to my lawyer, may hearing kami tomorrow about sa dismissal ng final restraining order for you sa part ko. Based naman sa previous psychiatric treatment mo, you can cope with your emotional outburst na."
Tumalim ang tingin niya sa laptop pagkarinig n'on at hindi na naiwasang magtagis ng mga ngipin niya. "Pinagpalit mo 'ko sa iba nang hindi ko alam. Nagmakaawa ako sa 'yo dahil alam mong kasal ka sa 'kin, pero ano? Pinili mo yung kabit mo. At kasalanan ko pang nagalit ako? Ang kapal ng mukha mong sabihing nababaliw ako pagkatapos ng lahat ng ginawa mo."
Inaasahan niyang makaririnig ng pagsisisi kay Fatima dahil doon, ngunit kabaligtaran ang nangyari. Tumawa pa nga ito na parang isang napakagandang biro ng sinabi niya. "Carl, move on, okay? Past is past—"
"Kahit huwag mo nang ipa-dismiss ang restraining order mo. Ayoko nang makita ka pa kahit na kailan."
"You know that's impossible. And don't lie again about your so-called new wife. Miguel said, single ka pa rin until now. Alam kong magaling kang gumawa ng kuwento, pero mabilis lumabas ang totoo."
"May asawa man ako o wala, that's none of your goddamn business kaya tantanan mo na 'ko."
"Why? Don't tell me, may iba ka na namang hinahabol na babae kaya tinigilan mo na 'ko. Or baka siya yung nakita ko sa post mo last time na ka-date mo. Siya na ba ang bago mo? Kailan ko siya mami-meet?"
"Why?" tanong niya sa sarkastikong tono. "Does it bother you na nagsawa na akong habulin ka? Does it bother you that I've met someone else na handa kong paglaanan ng mga bagay na binalewala mo lang? Does it bother you that I'm loving somebody right now and have forgotten that you once existed in my life?" Lalong tumalim ang tingin niya sa monitor ng laptop habang nakikitang may gumagalaw sa document. "I've been with her for the past years of my life, and I love her so much. I'm faithful and never laid eyes on anybody aside from her. And I did everything mapasaya lang siya and she appreciated that. And she didn't ask for it. She never asked for it. Does it bother you that I'm doing that now sa iba at hindi na sa iyo?"
Saglit na tumahimik sa kabilang linya.
"Don't inform me about the dismissal ng restraining order ko," pagpapatuloy niya. "I don't need you anymore. I love somebody else right now, and she deserves that from me. Huwag ka nang magpapansin dahil hindi na kita asawa. Noong naghanap ka ng iba, pinakialaman ba kita?"
Bigla na lang namatay ang tawag. Ibinaba niya ang phone at bumungad sa kanya ang basag na screen at ang wallpaper niyang si Eunice at nakangiti.
Pagtingin niya sa screen ng laptop niya, hindi niya napansin na may sumunod na palang naka-type.
Vincent, akala ko si Shanaya.
Ang tanga ko naman hahaha. Putang ina.
Sorry, ha? Alam kong ayaw mong nagmumura ako pero kasi . . .
Vincent . . .
Bakit ganoon?
Doon lang siya nabuhayan ng dugo. At lahat ng blangkong pakiramdam niya, nagsibalikan lahat dahil iyon na ang sandaling hinihintay niya.
Itinapat niya ang mga kamay sa keyboard at akmang magta-type ng response.
Natigilan lang siya nang paisa-isang sumunod ang mga letra sa document.
Are you happy now?
Nabawi niya ang kamay. Hindi natuloy ang pagsagot niya.
Are you happy that I'm sad, huh?
Pakiramdam niya, parang may sumasakal sa lalamunan niya habang binabasa iyon.
GREGORY TROYE, ARE YOU FUCKING HAPPY NOW!
Napalunok na lang siya at naisara ang laptop. Agad siyang pumikit at humugot ng malalim na hininga.
Galit si Eunice sa ginawa niya.
Inaasahan niya pero iba pa rin talaga kapag naroon na. Muli na namang gumapang ang kilabot sa katawan.
Susugal siya nang malaki sa pagkakataong ito. Kapag nalaman ni Eunice ang totoo, hindi niya alam kung may pag-asa pa siya sa susunod. Hindi niya alam kung pipiliin pa rin ba nito si Justin kahit nagloko iyon. O pipiliin siya nito dahil niloko ito.
Binuksan ulit niya ang laptop at nag-open ng dummy account. Nag-chat agad siya kay Myra na online sa mga sandaling iyon at may chat sa kanya.
Myra:
Cnabi q na sakanya.
tumawag c jus. sasama raw mamaya sa bar ung eunice
plano?
pag to nagwala dun talaga wag mo q sisihin pag pinatulan q to
Gregory:
Pupunta ako. Tell me the exact location.
And don't ever try to hurt her.
Don't you dare.
Wala siyang balak lumabas ng bahay pero kailangan.
Para kay Eunice. Para sa maliit na pag-asa niya. Susugal siya kahit hindi niya alam kung pipiliin pa rin ba siya nito matapos ang lahat ng ginawa niya.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top