Chapter 35: The Nightmare and the Dream
There really is a fine line between regrets and enjoyment. Now Vincent was torn between regretting what he had done and enjoying the idea of it. Something memorable, and at the same time, something na gusto niyang isumpa.
Umaagos ang tubig sa katawan niya na galing sa shower. Nakatukod ang mga palad sa black marble tiles ng shower room na pinupuno ng moist ng usok. Kada pikit niya, naaalala niya ang nangyari nitong umaga lang.
He wasn't a saint. He knew his sins. And he somewhat dragged someone he loved into that pit of despair that was meant only for him. Gumagapang ang kilabot at init sa kanya. The glass walls of his shower room were covered with steam. He remembered it once more as if it was happening again and again and again.
Sinner. Alam niyang mali. That was his problem. And what was more thrilling about the idea? Eunice returned the kiss.
He bit her lip gently and smiled. "That's sweet."
He ran his fingers over her face, tracing her soft features. He placed his warm hands under her ear and felt her heartbeat. It was wild and fast. His lips moved hungrily on hers. He planned that kiss for so long with such endless cravings. He could hear the moan of arousal from Eunice, and that was his signal to release her before they ended up in a not-so-better position, literally and figuratively.
Kasi alam niya sa sarili niya na kapag itinuloy nila iyon, makakalimutan na niya kung ano lang ba siya sa buhay ni Eunice.
Pinatay na niya ang shower at isa na namang buntonghininga bago kinuha ang tuwalya.
He should be celebrating. He should treat that as a door of opportunity, but no. Willing siyang magkamali pero si Eunice, hindi. Paulit-ulit siyang binubulungan ng konsiyensiya, sinasabing mali ang ginagawa niya. At the same time, kokontrahin iyon ng demonyo niya sa loob at sinasabing tama lang naman dahil nagloloko rin naman ang boyfriend nito at nakabuntis pa nga.
Paglabas niya ng banyo, narinig niyang may tumatawag sa kanya. Tumutulo pa ang basang buhok, tinakpan lang niya ng tuwalya ang buong ulo bago dinampot ang phone sa nightstand. Unknown number kaya sinagot niya agad.
"Hello, Carl John speaking."
"Hi, Carl. Heard the news?"
Napatingala siyang saglit at napapikit. Pagyuko niya saka siya napabuga ng hininga. Si Fatima pala.
"What about it?" walang gana niyang tanong.
"I saw your book collection. I was surprised na ikaw pala si Gregory Troye. Guess what, I'm a fan. I read your Last Flight of Victoria. Hindi mo naman na-mention before na marunong ka palang magsulat."
Kinabahan tuloy siya nang matindi at lalong lumalim ang paghinga.
"Ako pala ang hahawak ng promotional project for you. I think it's destiny."
"Shut up. No destiny for us, Ma."
Biglang natawa ang kabilang linya. "I missed you calling me that."
Napatakip siya ng mata at biglang nainis sa sarili. He was just referring to the last syllable of her name. At ang ikinaiinis niya, sobrang hinhin pa rin ng tawa nito. Sapat na iyon sa pandinig niya para saktan na naman siya nang paulit-ulit.
"Nakuha mo ba kay Boss Migs itong number ko?" pagbabago niya ng usapan.
"I already had it the last time we talked. I want to inform you lang kasi baka hindi ka pa aware. We have three days remaining for your final TRO. Okay rin 'yon. Team ko ang gagawa ng posters for Gregory Troye. Isu-surprise na lang kita sa final output."
"I don't need any posters," naiinis niyang sinabi.
"Grey Feather hired us for this. You might not need it, but the company does. Hindi ikaw ang magde-decide ng dapat naming gawin."
"When I say I don't need that poster, I don't need that, understand? And stop talking to me!" matigas niyang sinabi rito. "Bakit ba bumabalik ka pa?"
"Bitter ka pa rin ba?"
Pinatay niya agad ang tawag dahil ayaw na niyang sumagot sa mga walang kuwentang tanong.
Hindi siya bitter. Kahit sinong nasa katayuan niya, hindi matatawag na bitter. Dahil iyon ang tamang salita para tukuyin ang sama ng loob niya sa dating asawa.
Hindi lang niya matanggap na makalipas ang mahabang taon ng paghihirap niya, babalik na naman at magpaparamdam ang ex-wife niya na parang walang nangyaring hindi maganda sa pagitan nilang dalawa. Tanggap sana niya kung siya ang umagrabyado, ang kaso hindi. Siya pa ang pinagbintangan sa korte, sa harap ng maraming tao, sa harap ng husgado, ng mga pulis, ng mga doktor at abogado na dumaranas ng emotional and psychological abuse ang asawa niya samantalang siya ang inabuso. Na kahit ang counter statement niya ay hindi na-grant dahil wala nga siya sa katinuan at mentally unstable daw siya.
Matapos ang maraming taon ng pagtatanong sa sarili kung saan pa siya nagkulang, sa pagmamakaawa sa babaeng minahal niya nang buong puso para lang balikan siya at huwag sumama sa iba, sa lahat-lahat ng masasakit na bagay na na dinanas niya, bigla na lang itong susulpot at sasabihin sa kanyang nami-miss siya nito.
She didn't even say she was sorry for everything that happened between the two of them. Nakapag-move on na naman siya sa ideya na wala na silang mababalikan pang dalawa bilang mag-asawa, but thinking about the whole scenario, okay na ang Carl John na kilala nila pero sana lang ay hindi na pakialaman nito ang pagiging si Vincent Gregorio niya, at mas lalo na ang pagiging si Gregory Troye niya. Naglagay na siya ng harang para doon. At hindi niya babasagin ang pader na binuo niya upang protektahan ang sarili bilang writer para lang mawasak ulit mula sa loob.
Pagsilip niya sa digital wall clock, malapit nang mag-lunch. Kakain siya sa labas at wala siyang ibang pagpipilian. Bigla tuloy niyang naalala si Eunice kaya nag-chat agad siya rito.
Vincent:
Babe, nakapag-lunch ka na?
Hindi ito online. Nagbihis muna siya habang naghihintay rito ng sagot. Limang minuto pa ang lumipas bago tumunog ang chat notification.
Eu:
Hindi pa. Why?
Vincent:
Kain tayo sa labas. Treat ko.
Nakita niya ang tatlong tuldok na gumagalaw sa ibabang parte ng screen. Nagta-type ito ng sagot.
Eu:
Lagi mo namang treat. Pero sige, go.
Vincent:
Sunduin kita sa bahay. See you.
Sinabi na ni Eunice na ang nangyari sa umagang iyon, huwag na lang isipin. Kasi kapag inisip pa nila, at kapag pinalaki niya, kailangan na nilang dumistansiya sa isa't isa. At ayaw niya niyon.
And Eunice being Eunice, she was ignoring everything again dahil ayaw nitong paniwalaan kung ano at sino ba talaga ang laman ng puso at isip nito
Wala namang bago sa ugali nito. She didn't even agree noong sinabi niyang hindi si Justin ang dahilan kaya ito pumayag na matulog siya roon sa bahay nito kundi deep inside, may gusto talaga itong mangyari, ayaw lang umamin. Magsisinungaling na lang, sa sarili pa.
He tried to be casual at nagsuot na siya sa wakas ng plain white T-shirt na hindi mukhang itatapon na lang at matinong jeans. Pagdating niya sa bahay nito, mukhang ready na si Eunice at naghihintay na lang sa kanya habang nakatutok sa computer. Naka-T-shirt na naman ito pero white na at mas hapit sa katawan kapares ng denim shorts na fitted din. Naglugay ito pero mas bagsak ang buhok na sinuklayan.
Unang beses niyang makita si Eunice na lumabas ang tunay na edad sa itsura dahil sa ayos. Maging ang kurba ng katawan nito, kusang inilabas ng napiling damit.
"Saglit, ha. Ayusin ko lang itong pending emails ko," sabi nito habang tutok sa monitor.
May partikular na anggulo talaga si Eunice na paborito niya. Iyong tatanawin mula sa malayo habang seryoso ito sa ginagawa. May kung anong tapang sa mga mata at porma ng kilay nito na natutuwa siyang makita.
"Saan mo gustong kumain?" tanong niya at sumandal sa hamba ng pintuan nito. Hindi na rin siya nag-abalang pumasok pa dahil lalabas din naman silang dalawa. "Sisig na naman?"
Nginitian lang siya nito para sumagot ng oo.
"Sure. Tara."
♥♥♥
When could they say it was the right time if they even knew that timing does suck? Ironically, timing didn't know how to execute time better kaya ang daming gulong nangyayari.
Magulo ang timing. Mahirap saktuhan. At hindi masaktuhan ni Vincent kung kailan ba siya eentrada sa buhay ni Eunice at kailan maghihintay.
He ordered steak sa kinainan nila kahapon sa food court dahil ayaw niya talaga ng lasa ng sisig, and Eunice was enjoying her favorite food. Imbes nga lang na matuwa siya, lalo lang siyang nakokonsiyensiya dahil masaya na ito.
Hindi naman sa gusto niyang malungkot si Eunice—goal naman talaga niyang pasayahin ito—pero sobrang laki na ng chance niya to the point na alam niyang isang pitik na lang si Justin, puwede nang maghiwalay ang dalawa.
At kahit anong tingin niya sa kabuoan ng kuwento nilang dalawa, kapag bigla siyang pumasok sa eksena, madidiin si Eunice sa kasalanang pakana rin naman niya. Dahil kung wala siya, baka nagtitiis pa rin itong maging tanga.
Iyon ang ayaw niyang mangyari. Kaya mali ang timing.
Malamang na babagsak ang lahat ng sisi kay Eunice at baka ito pa ang masabihang lumalandi kahit taken pa. Hindi naman lihim sa kanya na iba ang impression ng lahat sa ugali nito. Mabait naman kasi talaga si Justin, may kagaguhan lang talaga sa katawan. Doon pa lang, naaawa na siya sa crush niya. Sasabihin, ito na naman ang mali.
Gusto lang niyang pasayahin si Eunice pero ang laki ng hinihinging oras para sa kanilang dalawa. Mali kasi ang timing. Hindi pa tama ang oras.
"Babe," panimula niya, "noong first time n'yong magkakilala ni Justin, na-feel mo ba sa kanya yung spark? Kilig, gan'on?"
Sinulyapan siya nito habang pinipili ang karne sa plato. Umiling ito at ngumiti nang bahagya. "Wala. Hindi uso yung spark. Guwapo kasi siya kaya parang matic na ang kilig kapag tiningnan mo. Hindi mo na ma-identify kung nadala lang ng mukha or what."
"Niligawan ka?"
Natawa na naman si Eunice at umiling nang kaunti. "Yeah. Typical courting process. Hatid-sundo. May pa-gift. Kinantahan pa nga ako kaso wala sa tono." Sumubo ito bago nagpatuloy sa kinukuwento. "Pero, di ba nga sabi ko, pustahan lang. Wala pang feelings noon na seryoso talaga. Boys are douches. They love playing games. Hindi naman lahat, nagseseryoso."
Hindi siya umimik sa sinabi nito kahit na gusto niyang kontrahin. Tinitigan lang niya ito nang maigi.
"Wala nang ibang nag-try na ligawan ka?" seryosong tanong niya habang inuubos ang natitira niyang pagkain sa plato.
Umiling ito para sabihing wala. "Intimidating nga raw kasi ako. Maldita, gan'on." Nagkibit-balikat ito. "Hindi naman ako man-hater. Hindi lang talaga ako naniniwalang kailangan kong mangolekta ng love life sa iba't ibang guy."
Sumandal siya sa inuupuan. "Kaya naging kayo pa rin ni Justin."
Natawa na naman ito nang mahina. "Alam mo, noong nangyari 'yon, sabi ko nga destiny. Nanligaw ulit siya at talagang seryoso na siya. Wala nang pustahan. Nag-effort kasi talaga siyang manligaw that time. Sobra pa sa ginawa niya noong college."
Hindi niya maiwasang kumunot ang noo. Masaya si Eunice habang nagkukuwento. Masaya pero matipid. Masaya pero may kaunting hint ng lungkot.
"Alam mo, noong first date namin noon, dinala niya ako sa EK. Sobrang saya ko noon kasi talagang hindi ako pumupunta sa malayo. Madalas ako sa north, doon lang niya ako nadala sa south. Yung effort talaga kitang-kita ko, sobrang memorable."
Gusto na niyang umamin kay Eunice. Gusto na niyang magsabi ng totoo tungkol kina Justin at Myra. Lalong nagpapatong-patong ang konsiyensiya niya.
"'Tapos pumunta pa siya sa bahay, ni-legal niya kami kina Daddy. Sobrang tuwa nga ni Mommy noon kasi akala niya, tatanda na akong dalaga kasi nga raw, ang sama ng ugali ko."
Unti-unting nagbabago ang tono ni Eunice habang kausap siya. Mas naging mahinahon, mas naging friendly, mas naging open kausap. Bagay na kailangan munang lampasan ng mahahaba ang pasensiya para lang makita nila.
"Dati nga, every day kaming naka-videocall. Paggising, videocall. Bago matulog, videocall. Araw-araw nga kaming nag-uusap, parang walang kasawaan. Gusto ko, lahat ng time ko, sa kanya lang."
"Pero working kayong pareho," pagsingit niya sa kuwento nito.
"Ah, nope." Umiling ito nang mabilis. "That time, nag-freelance ako. May offer na ako noon sa DCE as junior editor pero hindi ko tinanggap kasi nga, kailangan kong pumasok sa office every day. E hindi puwede 'yon kasi mawawalan na ako ng time kay Jus."
Napasimangot agad siya sa katwiran nito.
Sobrang laking opportunity na maging member sa isang business gaya ng DCE. Pampabusog sa résumé, additional credentials. 'Tapos pinagpalit lang nito para lang sa love life?
Alam niyang matalinong babae si Eunice pero ang laking katangahan niyon.
"Sayang ang chance, babe," dismayado niyang sinabi. "If I were you, sana pinili mo ang position."
Nagkibit-balikat ito sa sinabi niya. "May priority ako. Saka may income naman sa freelancing. Sa bahay lang ako 'tapos hindi ko pa kailangang bumiyahe. Sa akin pa ang lahat ng oras ko. Win-win situation na rin kasi lahat ng time ko, open na for Jus."
"Pero, babe, based sa organizational chart sa DCE, editorial manager ka."
Nagkibit-balikat na naman si Eunice. "Mabilis akong na-promote, that's why. Nasa performance kasi talaga 'yan sa trabaho. Kahit pa mababa ang reliance ko sa office, ang importante naman, may natatapos akong sobra pa sa estimated deadline. Mabilis ang production ko kasi sobrang nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko. I don't think of that as work. Hobby lang pero kumikita, gan'on. Passion ko e." Sumandal ito sa inuupuan at saka siya matipid na nginitian. "'Yon nga lang, hindi pa rin ako regular kasi nga masasapawan ang time ko for Jus. Kailangan ko ng flexible schedule e."
Pinilit niyang huwag umaktong nadidismaya sa kinukuwento nito. Gusto na niyang sermunan si Eunice sa lahat ng naging desisyon nito sa buhay. Sobrang maling-mali kasi. Lahat ng magagandang opportunity, pinalampas nito para lang sa lalaki.
"Aware ba si Justin sa chances na ibinigay sa 'yo?" tanong niya at halata na sa tono ang inis.
Umiling na naman si Eunice. "Ayokong sabihin kasi alam kong sasabihin niyang piliin ko ang opportunity. Mawawalan ako ng time sa kanya." Lumungkot na ang tono nito at napahawak sa kutsara nito habang tinulak-tulak ang piraso ng pagkain doon. "Puwede namang palampasin ang passion para sa priority."
"Ano'ng nangyari? Bakit mo kino-complain na nawalan na siya ng time sa 'yo?"
Humugot ito ng hangin at puwersadong bumuga ng hininga. "Na-promote kasi siya as department head. Masaya naman ako. Sabi ko, ang gandang opportunity n'on for him." Sinulyapan siya nito mula sa pagkakayuko at matipid na ngumiti. "Doon na siya nawalan ng time sa 'kin."
"Busy sa work?"
Alanganing umiling si Eunice. "I don't know. Ang dalas nilang mag-party. Ang dalas ng lunch dates. Ang dalas ng night outs. Every day, may post siya na kumakain sila sa ganitong lugar, sa ganitong resto."
"What about you? Nasaan ka?"
"Sa bahay. O kaya namamasyal sa Manila."
"Mag-isa?"
Tumango lang si Eunice sa kanya.
Halos umawang ang bibig niya dahil sa hindi pagkapaniwala.
Mula sa pagkakasandal sa upuan, napaurong tuloy siya sa mesa para tingnan ito nang malapitan kung tama ba ang narinig niya.
"Mag-isa?" pag-ulit niya sa sinabi nito. "I mean . . . wala kang kasamang kahit na sino?"
Mabilis itong tumango. "Minsan, DCE ako kapag gan'on. Free time kasi dapat niya 'yon. Dapat time naming dalawa. Kaso kasi . . . sabi niya, part ng work e."
"My night out and eat out sila na hinihintay mo lang matapos? He should have brought you. Puwede naman 'yon kasi outside the company na 'yon. Kahit siya na lang ang magbayad sa meal mo," naiinis niyang sinabi rito. "If I were him, I'll take you out along with my friends. Kung hindi man, I'll choose you over them. Hindi sa pinapanigan kita, babe. Kasi—" Natitigilan siya habang dina-digest ang sama ng loob sa kuwento ni Eunice.
"Hayaan mo na. Pakikisama na lang daw niya sa kanila."
"Every day?"
Tumango lang si Eunice at malungkot na yumuko.
Lalo siyang napangiwi. "Yung time for you sana . . ."
"Doon sa mga ka-workmate saka sa friend niya napupunta."
"Yung time for you? Kailan? Anong time of the day?"
Hindi sumagot si Eunice. Pinilit lang ngumiti at idinaan sa kain ang pananahimik.
Napakamot tuloy siya ng batok dahil doon. Parang nawalan na siya ng ganang kumain.
Ano bang klaseng boyfriend ang mas pipiliin ang mga ka-workmate niya over his own girlfriend?
"Bumabawi naman si Jus kapag libre siya," biglang katwiran nito.
Natawa siya nang mapait doon at napailing. "Kapag libre o kapag convenient lang? Why would he choose them over you? Girlfriend ka niya, hindi ba niya alam 'yon?"
"Masaya naman siya sa kanila," malungkot na sinabi ni Eunice. "Si Shanaya nga, nabibigyan siya ng pagkain araw-araw. Proud na proud nga siya." Uminom ito nang kaunti at pinaglaruan na naman ang kinakain. "Sa akin, okay lang noong una e. At least, alam kong may nag-aasikaso sa kanya kapag wala ako. Kaso, sobra naman yung effort, talo pa ako."
Ito na naman sila sa Shanaya issue ni Eunice. Kung alam lang nitong hindi si Shanaya ang dapat nitong pagselosan.
"Hindi kasi ako partygoer. Sina Shanaya, oo." Tiningnan na siya nito. "Kaya nga, sabi ko di ba, hindi ako pumupunta sa bar. Ayoko kasi ng inuman 'tapos ayoko sa amoy ng yosi. 'Tapos makikita ko pang kung sino-sino ang yumayakap kay Justin, sa harapan ko pa. Alam ko namang hindi masamang yumakap ng iba, pero sana yung hindi ko nakikita kasi parang . . . alam mo 'yon?"
Tumingin ito sa ibang direksyon. Parang dina-digest pa ang kinukuwento.
"Sinubukan naman niyang ipasok ako sa circle niya," dagdag pa ni Eunice. "Kaso wala e." Muli na namang nadismaya ang tono nito. "Kaya nga noong nagpunta kami sa resort last time, sinubukan kong i-consider ang side niya." Inilapat nito ang palad sa dibdib. "I let him enjoyed the moment. Kahit hindi na ako, kahit siya na lang. Hindi ako nagtatampo sa ginagawa niya. Gusto ko lang siyang maging masaya." Bigla nitong dinuro ang mesang kinakain nila at bumakas na ang sama ng loob sa mga tingin. "If only he knew, I could have ruined that night for him, but I didn't. Kaya kong mag-eskandalo roon para lang makauwi kami agad." Umakto itong parang siya pa ang sinisisi nito sa kuwento nito. "Pero mas ginusto kong lumayo sa kanya, mag-enjoy siya kasama ang iba habang nag-e-enjoy ako sa solitary moments ko. Kahit doon man lang mag-meet kami halfway."
"Babe . . ." pag-awat niya rito.
"Pero alam mo kung ano ang masakit?" pagpapatuloy nito at hindi na siya hinayaang magsalita. "Yung parang kasalanan ko pang pinili ko ang best option for the both of us. I wanted to be alone, he wanted to party. I gave that! I did! Kasi nga gusto ko siyang masaya kahit na hindi na ako comfortable. Pero yung magagalit siya kasi bigla akong nawala habang nagsasaya sila? Na magagalit siya kasi sinira ko raw ang outing nila? Na imbes na mag-enjoy silang lahat, nag-aalala sila kasi baka nawala na ako sa resort. What the fu—I mean . . . di ba?"
Hindi nga ito nagmura pero alam niyang gustong-gusto na nito.
"Babe."
Padabog itong sumandal sa upuan at saka humalukipkip. "Nakakapagod ma-misinterpret ang lahat ng effort ko. Alam nilang kaya kong sirain ang mood nila that night, but I didn't do that kahit na kaya ko. Nag-a-adjust ako. Palagi naman. Pero palaging ako ang mali. Palaging ako ang masama ang ugali. Gusto ko lang namang maging maayos ang lahat, bakit parang kasalanan ko pa?"
"He should have appreciate that effort," iyon na lang ang nasabi niya pakunswelo kay Eunice. Kahit na sa loob-loob niya, gusto na rin niyang singhalan ito dahil sa pagpapakatanga nito kay Justin.
"Gusto ko lang siyang maging masaya kasama ang mga friend niya," malungkot na sinabi ni Eunice habang nakatingin sa kung saang direksyon. "Pagkatapos n'on, nagbago na lahat." Buntonghinga na naman at isang pag-iling. "Sinubukan ko namang bumawi. Pinapayagan ko nga siya e. Ilang taon din 'yon. Kung gusto niyang uminom, go. Kung may night out, go. Kung saan siya tangayin ng barkada niya, go. Pero kasi . . . after kong makilala si Shanaya, nawalan na ako ng tiwala." Inilipat nito ang tingin sa kinakain nitong hindi maubos-ubos kakukuwento nito. "Ang daming meron si Shanaya na wala ako. Kasalanan ko pa bang ma-insecure ako?"
Ang lalim ng buntonghininga nito at saglit na natahimik.
Napakamot siya ng leeg at nailang sa tanong nito. "Sa kanya na naman huminto ang story mo."
Sinulyapan siya nito bago ibalik ang atensiyon sa plato. "Hindi mo naiintindihan kasi iba ang saya ni Justin kapag kasama niya si Shanaya."
Hindi siya nag-agree sa sinabi nito. Hindi sa hindi niya naiintindihan. Paano naman kasi niya sisisihin si Shanaya kung si Myra ang dapat na pinaghihinalaan nito? Maling tao ang pinagseselosan ni Eunice at wala siyang karapatang magsalita dahil alam niya ang limitasyon niya. Wala siya sa lugar, mali ang timing.
"Babe, familiar ka sa 80/20 rule?" tanong na lang niya. Mukhang napaisip si Eunice sa tanong pero umiling na naman kalaunan.
"Not really. Tunog familiar. What about it?"
Inurong ulit niya ang sarili palapit sa mesa at ipinatong doon ang magkabilang braso para magpaliwanag nang maigi.
"Sa 80/20 rule kasi, babe, sa relationship, nakukuha natin ang eighty percent mula sa taong mahal natin. Loyal? Check. Supportive? Check. Maalaga? Check. But then, sa relationship, may hinahanap pa tayong twenty percent na hindi kayang ibigay ni eighty percent."
Pinaningkitan siya ng mata ni Eunice at mukhang hindi makuha ang pinupunto niya.
"Let's say, sa case mo, ikaw na ang eighty percent ni Justin. You're always there for him. Itong twenty percent naman ang friends niya. Outgoing person ang boyfriend mo, introvert ka." Itinaas ni Vincent ang magkabilang kamay para imuwestra ang paliwanag niya. "He tried to find that twenty percent in you pero hindi mo talaga naibigay gaya ng sa kuwento mo." Itinuro niya si Eunice. "Iba ang happiness mo sa happiness niya. You can't blame him for finding that twenty percent sa ibang tao. Masaya naman siya sa 'yo pero may happiness siyang nakukuha sa friends niya na hindi mo kahit kailan maibibigay kasi polar opposites kayo ng hilig."
Nagusot nang bahagya ang mukha ni Eunice at napatingin sa ibang direksyon. "Alam ko naman 'yon. Kaya nga kahit two hours lang ng araw niya, ibigay niya sa 'kin. Yung twenty-two hours, bahala na siya kung saan niya ilaan." Ibinalik na nito ang tingin sa kanya. "Pero madalas kasing wala na. Magpaparamdam siya, anong araw na. Tingnan mo ngayon, wala na namang paramdam. 'Tapos kanina, may post na naman siya na nagha-happy-happy sila sa lunch break ng mga friend niya."
Hindi na tuloy niya maiwasang magtanong dito dahil masyado nang halata ang problema nito sa buhay. "Masaya ka pa ba?"
Doon lang nito inalis ang titig sa kanya bago nagbuntonghininga. Bakas sa mukha nito ang sagot. Isang napakalaking HINDI. At mahirap ipamukha sa taong hindi ito masaya kung ayaw nitong tanggapin na hindi nga sila masaya. Lalo na kung ang iniisip lang nitong source of happiness ay hindi na kayang ibigay ang happiness na iyon ngayon.
"Wala ka bang ibang friend?" tanong pa niya. Dahil kung may ibang pinagkakaabalahan si Eunice o ibang nakakausap, hindi ito dapat magdadamdam nang ganoon.
Hindi ito sumagot. Naroon na naman ang timpla ng mukha nito na parang batang ayaw makinig sa sermon.
Wala itong kaibigan dahil hindi nito alam kung ano ba ang dapat i-prioritize sa hindi. Hindi nito alam kung ano ba ang magpapasaya rito kasi iba ang pinagtutuunan nito ng pansin.
"Babe," panimula niya sa bagong usapan, "I know risky itong suggestion ko pero ibi-bring up ko lang ulit. You must find yourself first."
Tinigilan nito ang kinakain at nagbalik ang masamang tingin nito sa kanya. "Hindi naman ako nawawala para hanapin ang sarili ko."
Napasandal siya sa kinauupuan habang tinatantiya ng tingin si Eunice para tanungin ito kung talaga bang hindi ito nawawala.
Sumagot na ito kahit wala pa siyang sinasabi. "Vincent Gregorio, tanga lang ang naghahanap ng sarili nila."
"What is it that you really love?"
"Ah, Lucifer Morningstar, don't you dare." Sarcastic pa ang naging tawa nito sa kanya at ginaya ang porma niya mula sa pagkakasandal.
Ito na naman si Eunice sa mga sagot nitong malayo sa tanong niya. Mga sagot na iniiwas ang tunay na sagot at mini-misdirect ang sarili sa dapat sabihin.
Sobrang dali ng tanong. Kung si Justin ang sagot para dito, madaling sabihin iyon.
Pero hindi nito sinabi.
Doon pa lang, alam na niya ang disposisyon ni Eunice dahil nanggaling na siya roon.
Minsan na niyang isinuko ang mga bagay na gusto niya para sa pag-ibig na hindi naman deserving para i-prioritize. Nilamon siya n'on nang buo. Sinira ang buhay niya at paniniwala niyang may happy ending sa bawat romantic story. Nanggaling na siya sa ganoong phase—sa phase kung nasaan si Eunice ngayon. Ngumiti lang siya dahil naiintindihan niya ang pinagdaraanan nito. Tumango siya dahil alam na niya ang ipaliliwanag.
"Kapag ang tao, nagmamahal, binabago nila ang sarili nila para sa taong mahal nila." paliwanag niya. May it be mannerism, attitude, mindset, habit, passion, looks. You give up something for them. You give in something for them."
Asiwang tumango si Eunice habang nagmamataray na naman. "Okay. But that's a part of the process, di ba? Babaguhin mo ang sarili mo para maging deserving ka para sa kanya."
"Exactly." Siya naman ang dumuro sa mesa para sa paliwanag niya. "Kakabago mo sa sarili mo, nawawala ka na. Yung dating ikaw—yung totoong ikaw—inaalis mo yung ikaw sa sarili mo para lang mag-fit ka sa standards niya. Ang mga gusto mong gawin noon, hindi mo na nagagawa kasi kailangan mong mag-adjust for the person you love. Ang mga nakasanayan mong gawin, hindi mo na nagagawa kasi kailangan mong mag-compromise sa partner mo. And like what you've said, you gave up almost everything for your boyfriend, and he can't reciprocate. Na hindi mo naman kailangang gawin in the first place."
Lumapit pa ito sa kanya para ipagdikdikan din ang mga salita nito. "Pero hindi ako nawawala."
"You're missing your soul, babe. Ni hindi mo na kayang i-identify kung ano ang totoong mahal mo. Nagpapalamon ka sa idea na mahal mo ang boyfriend mo habang pinakakawalan mo ang talagang mahal mo. Nagsi-stay ka sa iisang lugar, naghihintay sa kanya, and he's having fun while you're not. And you're blaming him for not being happy kahit na kung titingnang maigi, decision mong hindi maging masaya. Ikaw ang dahilan ng bitterness mo; hindi si Shanaya, hindi si Justin."
"Pero hindi pa rin ako nawawala."
Mapait siyang napangisi at saka umiling. Masyadong bulag si Eunice para isiping walang mali sa sarili nito kahit na kung tutuusin, ito ang gumawa ng lahat ng naging problema.
Regardless of him in the picture, kada punta nito sa DCE, doon lang ito kumakalma. Doon lang ang takbuhan nito kapag may problema. Sa binabalewala nitong trabaho ito nakahahanap ng kapayapaan. Kung taken for granted si Eunice para kay Justin, DCE naman ang taken for granted para dito, at hindi nito iyon napapansin.
Isa na namang buntonghininga sa kanya at napailing na lang.
"Lost souls will never understand the meaning of being lost until they find themselves happy with something they really love," mahina niyang sinabi sa isang memorable na linya sa isa sa mga kuwento niya. "You're blinded, babe. I know that feeling. Been there. And it's sad that Justin is just your twenty percent. Hindi siya ang eighty mo. Ang laki ng void sa loob mo na hindi niya mapunan kasi hindi mo kilala ang sarili mo." Ibinalik niya ang tingin kay Eunice. "Hindi mo ba naiisip na kaya hindi ka makapagsulat ay dahil sa issue mo sa boyfriend mo? Kung papipiliin ka between your passion and Justin, ano ang pipiliin mo? Sino ang pipiliin mo?"
"Pinili ko nga siya," matigas na sinabi nito at dinuro na naman ang mesa. "Pinili ko si Justin kasi mahal ko siya."
"Pero masaya ka ba noong pinili mo siya? Mahal mo nga ba talaga siya?"
Hindi na ito nakasagot. Pinanatili lang nito ang titig sa kanya. Parang may gustong sabihin pero hindi maituloy kasi mali.
Nag-iwas ito ng tingin at naiinis na tumingin na naman sa kung saan.
"Package ang tao kapag napunta sa 'yo. Kung ano man siya, dapat tanggapin ko 'yon kasi pinili ko siya. Kung ano lang ang kaya niyang ibigay, dapat tanggapin ko 'yon kasi 'yon lang ang kaya niya."
"'Yon lang ang kaya niyang ibigay, pero tanggap mo ba? Tanggap mo ba sa sarili mong masaya siya sa iba?" sagot niya agad sa sinabi nito. Ngayon, siya na ang nagsisimulang mainis. "Noong ginawa mo siyang mundo mo, saka mo lang na-realize na hindi pala ikaw ang mundo niya. Now your decisions are eating you alive kasi hindi ka naman talaga masaya kapag masaya siya."
Bumigat ang paghinga ni Eunice. Pinagkrus na naman ang mga braso at parang batang sinesermunan pero ayaw namang makinig. Napaghahalataan kung gaano ka-spoiled at katigas ang ulo.
"If I were you, palalayain ko ang sarili ko sa kanya," suggestion niya. Baka lang sakaling kahit sa ganoong paraan, makita ni Eunice ang dapat nitong makita. Let your mind rest for a few weeks, or maybe a month. Hayaan mo muna siyang mawala sa buhay mo kahit sa saglit na panahon lang. Para lang malaman mo kung saan ka talaga magiging masaya. Isipin mo kung mas masaya ka bang nandiyan siya o mas masaya ka kapag wala siya."
Nagsungit na naman ito gaya ng dati. "Sinabi ko na, di ba? Paano kung makahanap siya ng iba?"
"Natatakot kang makahanap siya ng iba? Pero hindi ka natatakot na kagaganiyan mo sa kanya, itinutulak mo siya palayo para maghanap nga ng iba."
Doon siya matalim nitong tiningnan. Halatang naiinis na rin sa kanya. Naiinis na rin naman siya dahil sobrang tigas ng ulo nito.
"You kept on saying na kasalanan ni Shanaya kung bakit palaging doon ang atensiyon ni Justin. Pero hindi mo napapansin sa sarili mo na kasalanan mo kung bakit nandoon siya. Toxic ka kasing kasama. Kapag nag-e-effort ang tao, hindi mo naa-appreciate 'tapos sasabihin mong walang effort. Tulak-kabig ka, Eunice. Walang mapaglugaran sa 'yo."
Mukhang naubos na rin ang pasensiya ni Eunice sa kanya. "Nawalan na 'ko ng ganang kumain." Inurong na nito ang plato palayo at umirap na naman habang nakasimangot.
May pagkakataong nakakasawa na ring i-tolerate ang attitude ni Eunice. Malamang na iyon ang dahilan ni Justin—o ng kahit sino sa paligid nito—kaya naiinis sila rito.
Naiinis na rin naman na siya pero nangingibabaw sa kanya ang pag-aalala. At gaya ng nangyari sa kanya, alam na niya kung ano ang mangyayari kay Eunice dahil sa katigasan ng ulo nito at ayaw makinig sa pinapayo niya. Kaya kung ipagpipilitan pa rin nito ang sarili sa Justin na iyon habang may Myra na, mas gugustuhin na lang niyang masaktan ito para ma-realize kung ano ang mali sa eksena. Lessons were taught the hard way. And Eunice must face that alone. Suko na siya. This time, gusto niyang matutuhan ni Eunice kung paano ba talaga nagwo-work ang character development.
"Babe, I'm expecting a lot of drama sa mga susunod na araw. I can't be with you," dismayado niyang sinabi. "And I won't be there for you. Ayokong maging dependent ka sa 'kin. I want you learn from your mistakes. I want you to find yourself. I want you to see what is it that you really love. Dahil kung talagang mahal mo at mahal ka, iwan mo man kahit gaano katagal 'yan, may mababalikan at mababalikan ka."
Ni hindi nito inintindi ang sinabi niya. "Puwede bang mag-usap na lang tayo ng tungkol sa novel, ha? Puwede?"
"Babe . . ."
"Ano na naman?" singhal nito sa kanya at tiningnan siya nang masama. "Kulang pa ba ang mga insulto mo? Pinangungunahan mo 'ko sa mga desisyon ko sa buhay. Ni hindi mo nga alam kung ano'ng nararamdaman ko at kung bakit ko 'to ginagawa."
Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya si Eunice. Wala talagang balak unawain ang sinasabi niya. Bukas lang ang utak at tainga sa kung ano lang ang gusto nitong marinig.
Isa pa naman iyon sa ikinaiinis niya sa lahat. Pinagsasabihan na, hindi pa nakararamdam.
Ayaw na niyang makipagtalo. Mahirap manalo sa taong sarado ang utak. Mga taong kailangan munang sinasampal sa kanila ang mali bago pa ma-realize na may mali palang nangyayari.
"Okay," kalmado na niyang sinabi at sineryoso na ang usapan. "I want you to open our document file sa Google Docs sa mga susunod na araw."
"O, tapos?
Dumilim ang timpla ng mukha niya para maghamon.
"I want you to tell everything. What you see, what you observe, what you feel. I want you to feel the pain. I want you to learn it the hard way. I want you to realize kung ano ang point ko at kung bakit ko sinasabi ang lahat ng 'to sa 'yo. We have our darkest hours. I want you to search your way back home where your heart really resides. And I want you to narrate everything. Write for me."
"Bakit? Ano ba'ng kailangan kong i-narrate sa susunod na araw?"
"Ikaw ang magsasabi sa akin kung ano 'yon."
Gusto pa sana niyang panigan si Eunice kahit bilang kaibigan man lang—kahit bilang ang nag-iisang taong puwedeng mag-stay rito sa nakakairita nitong ugali—pero tingin niya, dapat matutuhan muna ni Eunice ang leksyon nito sa pinakamasakit na paraan.
Kahit pa alam niya sa sariling isa rin siya sa higit na masasaktan.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top