Chapter 32: Dream Catcher
Lumubog na ang araw, alanganin ang init at lamig sa business park na nilalakad nila. Sabi nga ni Eunice, puwede naman daw silang sumakay ng jeep para makabalik sa kani-kanilang subdivision dahil hindi joke ang layo ang palibot ng mga pinanggalingang mall. Pero ang sabi naman niya, gusto niyang maglakad-lakad para makakalap ng ideas. Kung alam lang ni Eunice, na sumisimple lang siya ng HHWW rito, baka sinipa na siya nito sa sikmura.
Hawak-hawak ni Vincent ang magkabilang kamay ni Eunice at inaalalayan na naman itong maglakad patalikod.
Habang tumatagal, napapansin niya ang childish side nito na parang sobrang tagal naitago at ngayon lang nailabas. At mas clingy na ito sa kanya ngayon. Natutuwa siya kasi hindi na ito malungkot, and at the same time, feeling lucky na naman siya kasi mukhang na-break na niya ang pagkataas-taas na wall ng crush niya. At hindi lang iyon, nagkaroon pa siya ng getting-to-know-each-other moment dito. Iba talaga kapag nagiging shoulder to cry on, mabilis makadagit ng marupok.
"Babe, bakit wala kang library sa bahay mo?" tanong niya habang nakatingin dito.
"May kuwarto ako sa bahay nina Daddy. Nandoon ang bookshelf ko. Saka hindi 'yon shelf talaga." Bumitiw ito sa kanang kamay niya at nagmuwestra sa hangin. "May levels sa dingding na ginawa kong patungan. Lahat ng libro ko parang nakasabit. 'Tapos meron din sa center table. Saka ilang books sa dresser."
"Ayaw mong maglagay ng library sa bahay mo mismo?"
Matipid itong ngumiti. "Work place ko ang bahay ko. Kapag may libro doon, hindi ako nakakatrabaho. Unless, for book review ang gagawin ko."
Tumango lang siya sa kuwento nito at matipid na ngumiti. Inalok na naman nito ang bumitiw na kamay at kinuha rin naman niya habang patuloy silang naglalakad sa kahabaan ng business park. Dati, ang tahimik at ang sungit ni Eunice. Kung mag-ingay man, palaging galit. Ayaw nga raw sa madaldal. Ngayon, ito naman ang dinadaldal siya.
"Naalala ko ang kitchen counter mo. Sabi nila kapag magulo ang work place, matalino raw ang tao," sabi niya. "Kaya ba magulo ang kitchen counter mo pagkakita ko last time?"
Natawa nang mahina si Eunice. "Hindi rin. Tamang tapon lang talaga ako ng gamit doon 'tapos tinamad na magligpit." Inangat-baba nito ang magkabila niyang kamay habang tumatalon-talon nang kaunti. "Uy, thank you pala sa pagligpit n'on, ha! Ang organize mo."
"You're welcome," nakangiti niyang sagot at saka tiningnan ito. Gumala na naman ang tingin niya sa katawan at mukha ni Eunice. Hindi nakakasawang titigan mula ulo hanggang paa. "Bakit ka pala laging naka-T-shirt?" puna niya. "Bagay sa 'yong naka-dress palagi."
"Hmp!" Umirap na naman ito. "Kinukulit ako ng mga lalaki kapag nagde-dress ako."
"Cute ka kasi," papuri niya.
"Letse!" Umirap na naman ito. "'Yan din ang dahilan ni Justin kaya ako niligawan n'on e. Kasi cute daw ako."
"He's right naman, babe."
"Hindi rin. Niligawan ka lang kasi cute ka?" Tiningnan na naman siya nito. "Kung ikaw manliligaw, 'yon lang ba ang dahilan mo?"
Nagkibit-balikat siya. "Puwede. But I guess, sa infatuation lang 'yon applied. Saka, hindi naman ako nanliligaw."
"Why? Choosy?"
"Ako kasi ang nililigawan."
"Kapal!"
"Why? That's true kaya! Mukha ba 'kong nagsisinungaling?"
"Ang conyo mo, Vincent hahaha!" Tumawa na naman ito at narinig na naman niya ang mala-Odile nitong tawa. Hindi niya alam kung maririndi siya o matatawa na lang din. "Kapag ba talaga La Sallista, conyo?"
Napaurong siya ng ulo sa sinabing iyon ni Eunice. "Did you stalk me, babe? How did you know na galing akong La Salle?"
Pinaikutan siya nito ng mata at inirapan na naman. "Baka may CV ka for DCE, 'no? Bawal basahin ang résumé? Boss mo pa rin ako, hello?"
"Oh." Napatango na lang siya nang maalala iyon. May detalye na pala si Eunice sa background niya. "I see, I see. Hindi naman sa conyo lahat. You just adapt the mannerisms ng mga tao sa paligid mo. You talk how they talk, you act how the act. Adjust lang sa environment."
"Kaya mas bet mo ang English kaysa Filipino."
"I find English lang as easy to craft kasi English lang din ang language sa courses na tinake ko related sa writing."
Kitang-kita niya ang pagkinang ng mga mata ni Eunice habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Kahit hindi ito magsalita, damang-dama niya kung gaano kalaki ang paghanga nito kay Gregory Troye, kung hindi man sa kanya bilang si Vincent Gregorio.
"Parang ang gandang ilagay nitong business park sa story," sabi pa ni Eunice habang nakatingin sa langit.
Umiling agad siya para sabihing hindi. "Babe, based sa personality ng characters, hindi sila tatambay sa ganitong lugar. Sa food hub o kaya diyan sa Rooftop bar sa labas nitong park, puwede pa."
"Eh?" Napaisip tuloy ito habang nakatanaw sa ibang direksyon. "Kung ikaw ang magsusulat ng character ni bummer guy, aside sa magaling ka sa sex, ano pa'ng maipagmamalaki mo sa sarili mo para magustuhan ka ng isang strong, independent woman?"
"Hmm." Nag-isip siya sa tanong na iyon at nakitanaw na rin sa nilalakarang damuhan. "If I were to write that, 'yon lang ang isusulat ko. The rest, he needed to exert some effort for him to be good at it somehow. Maybe cooking? Or cleaning? Something na mabibigyan siya ng value as a person. For character development, gano'n. Hindi mo kasi puwedeng i-drop lahat sa umpisa. Spoon-feeding na 'yon."
"Agree din naman. So, kapag ba nabasag ni bummer guy ang wall ni independent woman, mai-in love na sila sa isa't isa?" curious na tanong nito na parang nag-aabang sa kanya ng kuwentong sila naman dapat ang gagawa.
Tumango naman siya roon para sabihing oo. "Depende. Lonely people find home sa mga taong kaya silang pasayahin. Yung present sa worst moments nila. More likely, pipiliin nila ang mga taong kaya silang pangitiin kahit na parang pinaglalaruan na sila ng buhay. Or pipiliin nila ang mga tao kung saan sila comfortable."
"Pipiliin mo pa rin kahit temporary lang?" tanong nito, naghalo ang lungkot at curiosity. "Susugal ka ba sa panandaliang saya kahit na walang label between sa inyong dalawa?"
Napangiti siya sa sinabi nito. Napaiwas siya ng tingin at napatango. Pagkatapos mag-isip nang kaunti, sumagot na rin siya. "May mga taong willing to wait naman, babe."
"Willing to wait saan?"
"Na piliin kapag puwede na. May tamang time para sa lahat. May tamang tao para sa lahat."
Biglang nalungkot ang mukha ni Eunice at alanganing tumango. "Paano kung hindi siya piliin ni independent woman kasi hindi pala puwede? I mean . . . may iba kasi siya."
Napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ito para mag-abang ng sagot sa kanya. Nakagat niya ang labi at tumanaw sa dulong kalsada palabas ng business park. Nasa dulo na pala sila.
Ilang saglit pa ay sumagot na rin siya. "Ang mahalaga naman, sumugal. Di ba, mas sweet basahin kapag nakita mong nag-effort siya para mapasaya ka kahit hindi mo naman hiningi ang favor? Hindi naman kailangang suklian agad-agad."
"Tse! Walang gano'n! Lahat ng lalaki, kapag nag-effort, may hinihinging kapalit. Dapat sinusuklian agad."
"Ah, nuh-uh!" Agad ang iling niya rito. "Huwag mong lahatin, isa pa lang ang naging boyfriend mo, babe. Saka okay lang kahit hindi maging sila sa ending kung hindi talaga puwede. Puwede rin naman niyang piliin ang isa kung sila talaga ang meant to be."
"Adik ka? E di sana, yung bida na lang ang jowa ni independent woman, di ba?"
"E di maghiwalay sila para single na siya."
Nadismaya ito sa isinagot niya. "Romantic story 'yon, GT. Required ang happy ending. Hindi puwede ang breakup!"
"Kung gusto mo ng happy ending, e di choose me."
Bumitiw agad ito sa kanya at pinalo ang kamay niya. "Letse! Anong choose me ka diyan?"
"Hahaha!" Tinawanan lang niya ang sinabi nito. "O, sige, let's kung ikaw ang bida ng story then ako si bummer guy, pipiliin mo 'ko?" tanong pa niya habang nakangisi.
"Bakit kita pipiliin, aber?" pagmamataray nito sa kanya. "May dahilan ba e bummer ka nga?"
"Kung bibigyan kita ng maraming dahilan para piliin ako over your boyfriend, pipiliin mo 'ko?"
Dinuro siya nito para pagbantaan siya pero nginitian pa rin siya. "Tantanan mo 'ko diyan."
Tinawanan lang ulit niya ito saka inakbayan. "Cute mo." Inakay na niya ito patawid sa kabilang kalsada. "Tara, meryenda tayo."
♥♥♥
DREAM GUYS were a product of idealistic assumptions. Perfect. Flawless. Ilang beses na rin siyang natawag na dream man ng mga babaeng nakilala niya. Pero kataka-taka nga namang sa itsura at status niyang iyon, single pa rin siya. At talagang pinipilit ni Eunice ang bagay na iyon sa kanya.
"Ano'ng hinahanap mo sa isang babae, GT?" pang-uusisa ni Eunice sa kanya.
Naroon na naman sila sa conveience store nagmemeryenda. Nakalatag sa mesa nila ang isang malaking balot ng chicharon at dalawang Slurpee.
"Dapat ba may hanapin?" pagbabalik niya ng tanong habang kinakagat-kagat ang straw ng iniinom.
"Siyempre!" sabi nito at sumubo ng tsitsirya.
"Babe, nawawala ang lahat ng standard mo sa tao kapag nagmamahal ka."
"Hmp!" Sumubo na naman ito at tiningnan siya. "Love is blind ba motto mo sa buhay?"
Napangiti agad siya sa sinabi nito at umurong palapit sa mesa saka ipinatong doon ang kaliwang braso. "Hindi totoo yung Love is blind motto. Kapag mahal mo kasi ang tao, mas lalo mong nakikita ang lahat sa kanya." Tinulak-tulak na naman ng daliri nito ang laman ng tsitsirya.
"Talaga ba?" nagdududang tanong ni Eunice at nakitulak na lang din ng laman ng tsitsirya, namimili ng isusubo. "Di ba, mas nakaka-turn off kapag nalaman mo ang lahat sa kanya?"
"Ah, that's wrong, babe. Love means full acceptance, okay? Not blindness. Kasi aware ka sa flaw niya, yet tanggap mo kasi nga mahal mo. Meaning kahit gago ang lalaki, kapag mahal mo—"
Napansin niya ang paghinto ni Eunice at napatingin sa kanya mula sa pagkakayuko. Hindi na lang niya itinuloy ang sinasabi. Baka kasi ma-offend at maibalik ang Justin na iyon sa usapan.
"Basta, I don't believe sa Love is Blind quote," iyon na lang ang sinabi niya at iniwas ang sarili habang iniinom ang Slurpee.
Hinayaan na lang niyang sakupin sila ng ingay ng kanta ng The Calling sa convenience store.
~ And maybe, I'll find out
A way to make it back someday.
To watch you, to guide you
through the darkest of your days ~
Pagtingin niya sa kalsada, namumuo na naman ang traffic gawa ng mga sasakyang naghihintay ng go signal sa stoplight. Bumagal na naman ang takbo ng mga ito patungo sa iba't ibang direksyong pupuntahan.
"Sa mga post sa FB, lagi kong nakikita ang caption na 'Speed lang'," pagbabago niya ng topic habang nakatingin sa mga humihinto at bumabagal na sasakyan. "Kapag may mga banat post. Sasabihin nila, speed lang."
"O, 'tapos?"
"Speed has no direction kasi," paliwanag niya at dumukot ng tsitsirya. "Dapat velocity lang, hindi speed lang." 'Tapos ay isinubo ang kinakain.
"Ang weird naman ng velocity," sagot ni Eunice sa kanya habang nakakunot ang noo. "Velocity lang? Ang sagwa pakinggan."
"Hindi naman weird 'yon. Kino-correct mo lang. May displacement ang velocity. May definite direction like after mo sabihin, may patutunguhan ang salita. Kapag speed lang, para lang siyang random shooting star na dumaan 'tapos hindi mo alam kung para saan maliban sa alam mong nag-exist siya. Payag ka, babanatan ka ng speed lang 'tapos hindi mo alam kung para saan ang banat? Walang point, walang purpose. Hindi mo alam kung para sa 'yo o para sa iba na nataong nakita mo lang din the same time with them."
Nagtagpo na naman ang tingin nila ni Eunice. At kung tingnan siya nito, kulang na lang ng sulat sa noo nito para sabihing "Ano'ng pinagsasasabi mo? Okay ka lang?"
"Never mind," sabi na lang niya. Tinawanan lang siya nang mahina ni Eunice at binato ng maliit na piraso ng chicharon.
"Nerd ka siguro kaya wala kang girlfriend," sabi ni Eunice sa kanya at kinagat-kagat ang straw. "Pero, hindi rin. Masaya ka naman kausap kahit abnormal ka."
"Hindi mo ba talaga matanggap na single ako?" tanong niya at nagbalik sa pagtutulak-tulak ng laman ng pagkain nila.
"Ang sweet mo kasi," sabi nito. "Para ka kasing yung mga dream man sa novel books. Kung ako ang liligawan mo, sasagutin na kita agad-agad."
Natigilan siya sa narinig. Sumulyap siya kay Eunice na nakikipili rin ng laman ng tsitsirya at doon lang nakatuon ang atensiyon. May gumagapang na namang kakaibang feeling sa kanya, lalo na noong pag-angat nito ng tingin, nahuli agad nito ang titig niya.
"Babe, may tanong ako?"
"Sige, ano 'yon?"
"Kung dream catcher ka 'tapos dream man ako, and if I wander around you, maka-catch mo ba 'ko?"
Nagtaas agad ito ng kilay sa kanya. "Banat ba 'yan?" Nagtaas na rin ito ng kamao para magbanta. "Gusto mong banatan kita? Corny mo, ha."
"Hahaha!" Napahalakhak siya sa sinabi nito. "Babe." Umiling siya at napatingin na naman sa kalsada. Umandar na rin ang mga sasakyan. "But seriously, no pick-up line," seryoso na niyang pagbalik dito kahit nakangiti. "Just wanna see your wit."
Sumandal siya sa inuupuan at inabangan ang isasagot ni Eunice sa kanya. Umirap na naman ito habang nagpipigil ng ngiti—o kanina pa naman nakangiti, ayaw lang mawala ng saya sa labi nito.
"Depende sa pagiging dream man mo," sagot nito sa kanya. "At depende sa paniniwala ko sa purpose ng dream catcher. May good and bad dreams. If you're a good dream, I might catch you and keep you until the morning comes."
Lalong lumapad ang ngiti niya. Hindi niya inaasahang maiisip pa iyon ni Eunice. It was a yes-or-no question, naroon na naman sila sa palalawigin pa nito ang sagot. Pero kung sakali man, naintriga siya sa paliwanag nito kung bakit nito iyon nasabi.
"Bakit ganyan ka makangiti?" naiilang nitong tanong habang nakatingin sa kanya. "Parang hindi ka gagawa ng maganda." Humigop na naman ito sa Slurpee at mukhang naubos na iyon nang marinig ang garalgal na hangin sa straw.
"So, hypothetically speaking," panimula niya at saka ipinagkrus ang mga braso, "if I'm a bad dream, you'll deflect me away."
Inilapag nito ang iniinom at itinuro siya. "Logically and emotionally speaking, you're not something to catch, first and foremost. " Sunod nitong itinuro ang mesa. "Second, you're not a bad dream naman para i-deflect ka. Wala ka naman sigurong back story na psychotic, sociopath killer ka before."
Napangiti na naman siya sa sinabi nito. Nangalumbaba siya sa mesa gamit ang kanang palad at tiningnan ito nang taimtim.
"Babe?"
"Hmm?"
Gusto sana niyang sabihin kung anong klaseng tao ba siya bago sila magkakilala.
Na siya si Vincent Gregorio, dating engineer, endorser, sikat sa mga babae at bading, most-sought model sa mga ad agency, famous sa social media, magaling na writer.
Pero biglang sisingit ang idea na siya si Carl John, na-diagnose na may clinical depression noon saksi ang korte, nabigyan ng napakaraming restraining order ng ex-wife at ng bagong asawa nito para tigilan lang ang dalawa, na stalker talaga ito na hindi dapat niro-romanticize, na somewhere beyond his façade, he was worst, at nagpapakabuti lang siya base sa kung paano niya gustong makita siya ng ibang tao.
That was too much for a back story. At hindi siya sigurado kung matatanggap iyon ni Eunice dahil ang creepy pakinggan. Mas mabuti na lang na itago ang dapat itago.
Tumahimik na naman sa pagitan nilang dalawa. Umangat na naman ang panibagong kanta.
~ Even God himself and the faith I knew
Shouldn't hold me back, shouldn't keep me from you
Tease me, by holding out your hand
Then leave me, or take me as I am ~
"And live our lives . . . stigmatized," pagsabay niya sa kanta habang nakatitig sa magandang babaeng nasa harapan niya.
Bigla siya nitong nginitian nang marinig ang boses niyang kumanta. Nagpakita na naman ang matamis na ngiti nito dahil sa kanya.
At kung puwede lang, sana bago matapos ang araw, makita pa rin niya iyon. O kung mamarapatin man, sana hanggang bukas paggising niya.
Agad itong nag-iwas ng tingin at ibinalik ang atensiyon sa kinakain nila.
"Can I request something, babe?" seryoso niyang tanong.
"What?"
"Can I sleep with you tonight?"
Napuna niya ang pagtingin ni Eunice sa mesa pagkatapos ay sa kanya na. Halatang nagulat ito sa pakisuyo niya.
Naipilig nito ang ulo sa kanan at tinantiya siya ng tingin kung seryoso ba siya.
Ready naman siyang mamura nito. Kahit na itaob pa nito ang mesa, wala naman na siyang magagawa. Kinakabahan tuloy siya sa pananahimik nito.
Humindi na lang sana kung hindi puwede. Pinapatay siya ng suspense.
Dumukot lang ito ng chicharon, sumubo, saka nagsalita.
"Wala akong extrang kumot. Hindi malaki ang kama ko."
Bigla siyang napangiti sa sinabi nito. "Okay lang kahit sa sahig ako mahiga," sabi niya. "Magdadala ako ng kumot ko."
"E di sige, bahala ka."
Hindi na nawala ang ngiti niya. Paano nga naman mawawala?
"Payag ka?" tanong niya.
Tumayo na lang si Eunice at nagpagpag ng suot nitong bestida.
"Uuwi na muna ako, ililigpit ko lang yung bahay." Itinuro nito ang likuran. "Sumunod ka na lang, ha?"
Aba nga naman, kapag pinapalad. May go signal na ni crush na mag-overnight siya sa kanila. Ano pa nga ba ang hinihintay niya?
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top