Chapter 27: Blank Space
Inaamin ni Vincent na pinangarap niyang dalhin si Althea Doe sa isang romantic date. Isang dinner date sa isang magandang restaurant sa Makati, o sa isang amusement park, o sa National Museum siguro. Pag-uusapan nila ang pagsusulat ng mga kuwento, paggawa ng mga libro, mga gusto at hindi nila gusto, mga libangan, mga bagay na dadako sa pagkilala nila sa isa't isa na gaya sa ginagawa ng mga typical na nagde-date.
Ang kaso, ang realidad ay may sariling bersyon ng kanyang mga pangarap, at hindi ito kasingganda ng inaakala niya. Mali ang timing. Mali ang lugar. Mali ang impression kay Althea Doe, malayo sa gaya ng inisip niya noon at noon pa.
"GT! Picture-an mo 'ko rito!" nakangiting utos nito habang itinuturo ang railing ng pond sa Luneta. Mas maganda sana iyon kung may drone at aerial view para makita ang map sa pond. Pero wala siya ng mga iyon.
Ang utos niya kay Eunice kanina bago sila bumaba ng sasakyan: "Babe, I want you to observe, feel, and narrate everything."
At ang ginawa nito? Ginawa siyang photographer.
Gusto niyang matuwa dahil masaya si Eunice, pero hindi kasi iyon ang tamang panahon para sa isang masayang date. Hindi ito marunong magsulat ng smut scene at mukhang bubuhatin niya ang kabuoan ng novel dahil doon.
"Babe, against the light ka." Pinaurong pa niya ito sa kanan at nag-pose naman ito nang naka-peace sign.
"Okay na?" masaya nitong tanong at nag-thumbs up pa.
Tumango siya at nakakunot ang noong tiningnan ang paligid. Siya na ang nag-observe dahil parang bata si Eunice na first time makapunta ng park.
Kung alam lang niyang sobrang tirik ang araw pagdating nila sa Luneta, nagdala sana siya ng payong.
Naka-writer mode na naman siya at masyadong seryoso si Gregory Troye kapag project na ang usapan. Lalo na kung sobrang bigat ng pressure para sa kanya dahil hindi talaga siya sanay sa collaboration.
"GT, mamamasyal ba tayo?" tanong ni Eunice, sinisilip ang mukha niya.
Seryoso lang siyang sumagot habang nakatanaw sa malayo, sinusukat ng mata ang distansiya. "If you were to write a scene here, what would it be?"
"Hmm." Nag-isip naman si Eunice at nakitanaw na lang din sa malayo. "Date scene?"
"Was that conventional for you?" tanong niya.
Itinakip ni Eunice ang nakahigang palad sa ibabaw ng mga mata para pamproteksyon sa liwanag ng araw. "You go to a park for a date, di ba? Unless you have another purpose to come here. Try natin si male lead mag-perform dito for a part-time job."
Napatingin siya agad sa kasama. Itinakip niya ang malaking palad sa ulo ni Eunice para hindi mainitan ang tuktok ng ulo nito. "That's a nice idea."
"I know." Itinuro nito ang kanang direksiyon. "He could play malapit sa may stage or sa garden. Mas maraming taong pumupunta roon."
Napangiti siya sa sinabi nito. "Palagi ka ba rito?"
"Kapag namamasyal."
"Kayo ni Justin?"
"Nope." Umiling ito. "Ako lang mag-isa."
"Hindi kayo namamasyal dito?"
"Ayokong pumasyal dito kasama siya. Boring kasi."
"Kailan ka huling pumasyal dito nang may kasama?"
"Maliban sa 'yo? Noong Grade 2 ako. Field trip namin."
Bahagya naman siyang nagulat doon. Ilang taon na si Eunice, halos dalawang dekada na kung bibilangin ang sinabi nitong panahon.
Inalis ni Eunice ang kamay niya sa ulo nito at hindi nito iyon binitiwan, sa halip ay tinitigan pang lalo.
"Ang laki ng kamay mo, GT," naa-amaze nitong sinabi habang sinusukat ang maliit na palad sa palad niya. Lumampas lang nang kaunti sa kalahati ng mga daliri niya ang mga daliri nito. "Hala! Sana all hindi maugat ang kamay. Kay Justin kasi maugat." Itinaas pa nito ang kamay niya para obserbahan. "Ang ganda ng kamay mo talaga."
Tinitigan lang niya si Eunice. Parang noon lang kasi nakakita ng kamay ng tao. Gusto niya tuloy matawa.
"Mamaya mo na titigan 'yang kamay ko, babe," sabi niya at halos yakapin ito sa kaliwang tagiliran habang tinatakpan ang ulo. "Mainit na, mabibilad ka sa araw."
Bumalik na rin sila sa sasakyan dahil mukhang pamilyar na si Eunice sa park. Mabilis na itong makakabuo ng idea base sa suggestion nito. Akala pa naman niya, kakailanganin pa niyang i-tour para lang makaisip ng panlaman sa novel nila.
"Bakit tayo nag-Luneta? Akala ko sa motel?" tanong nito sa kanya. Hindi yata nito napapansing para na itong batang ipinapasyal lang kung kumilos. Malayo sa Eunice na nakasanayan niya.
"Nagma-mapping nga tayo, babe. Mas clear ang setting, mas mabilis ma-visualize ng readers ang story dimension."
"Alam ko naman 'yon. Ang tanong ko, bakit nga Luneta?"
"Kasi nga, may back story dapat tayo sa characters. Dinala kita roon kasi ikaw ang magsusulat ng viewpoint ni bummer guy."
Ngumuso naman ito at saka siya inirapan. "May naisip na akong scene sa park," sabi ni Eunice. "I'll be writing some performance na lang doon. Sunday is his park performance day. Siguro, okay na iyon for exposition before sa bar. He could sing naman or play instruments."
"Good," simpleng sagot niya at nakalampas na sila sa Manila Zoo.
"Uy, diyan ba tayo pupunta?" tanong ni Eunice nang makita ang pula at dilaw na kulay at logo ng babaeng Haponesa. "May VC din sa tabi, o!" turo nito pagtapat nila sa entrance ng hotel.
"Classy pa ang VC, babe."
"Eh?" Kinuwestiyon siya ng tingin nito. "Nagtitipid ka ba? Gusto mo, ambagan na lang tayo? May pera akong dala."
Siya naman ang tumingin dito nang masama. "Babe, kahit mag-one-year stay ako sa hotel, may pambayad ako."
"E, bakit nga kasi sa motel?"
Ipinasok niya ang kotse sa loob ng parking lot ng motel. "Kasi hindi kita puwedeng dalhin sa mas cheap pang apartelle aside dito."
Bumaba na ang dalawa at bumungad sa kanila ang loob ng motel na isang buong compund. U-shaped ang lugar, katabi ng gate ang front office, at nakahiwalay ang hotel rooms.
May mga pulang Japanese lantern na nakasabit sa entrance, nakabantay sa front desk ang nakaunipormeng bell boy at naroon ang receptionist. Nginitian niya ang babaeng chinita at gumanti rin ito ng ngiti sa kanya.
"One executive room, please." Tiningnan niya si Eunice na nililibot ng tingin ang paligid. Mukhang nag-o-observe na.
Pagbalik niya ng tingin sa receptionist, nakatingin na ito sa kanya. Inilapit sa kanya ang isang logbook at itinuro ang dapat niyang sagutan. "Kasama n'yo po, sir?" mahinang tanong nito habang itinuturo ng tingin si Eunice.
"Yes," sagot niya habang nagla-log in.
"May ID po si ma'am?"
Saglit niya itong tiningnan. "Babe, ID."
Bago pa man siya matapos sa paglagay ng information niya sa logbook, naibigay na ni Eunice ang ID nito sa receptionist.
"Ah, akala ko minor pa si ma'am," sabi na lang nito. "Bawal po kasi ang minor kapag wala pong ibang kasama."
Nasulyapan pa niya sa gilid ng mata ang marahas na pagbawi ni Eunice sa ID nito. Halatang na-offend. At nakaka-relate siya, sa totoo lang.
Naiintindihan naman niya dahil may policy ang motel. Lalo na at may mga kaso ng prostitution at child trafficking na sa motel ang nagiging transaction. Siya pa naman ang nag-iisang kasama ni Eunice sa mga oras na iyon.
"Sir, sa Room 405 po ang room n'yo. Fourth floor ng building sa right," paliwanag ng receptionist, itinuturo ang kanang direksiyon. "We will call po sa phone's room to check if you already checked in." Ibinigay na sa kanya ang isang card at susi. Inabot niya agad iyon kay Eunice habang patuloy sa pagpapaliwanag ang receptionist. "You can ask for the room service sa iba n'yo pang request, sir. Nasa phone ang lines to call. Enjoy your stay."
Pinauna na niya si Eunice at kinuha ang phone para mag-check ng ilang updates. Unang lumabas ang email ng GFP. Binasa niya agad iyon dahil alam niyang tungkol na naman iyon sa contract niya.
"GT, please inform us immediately if you're still undecided about your contract renewal. Anyway, malapit na ang book fair. Nag-hire kami ng advertising company to promote our book. We'll meet Ms. Gomez by Thursday for the contract signing. Books mo ang first sa lineup. Sana maka-attend ka."
Hindi niya iyon masagot. Hindi kasi niya alam kung paano sasabihing lilipat na siya sa DCE dahil nakita na niya si Althea Doe.
Sinundan lang niya si Eunice paakyat sa fourth floor. Hindi naman gaanong nakakapagod kahit walang elevator. Kulay pula ang tiles ng sahig. Naghahati naman ang yellow and red na pintura sa dingding. Huminto si Eunice pagtapak na pagtapak nito sa gitna ng mahabang hallway.
"Babe, problem?" tanong niya. Hindi naman ito lumingon pero umiling para sabihing wala.
Tahimik sa buong lugar kaya dinig ang tunog ng AC sa hallway. Pagkapasok nila sa loob ng kuwarto nila, dilim ang bumungad bago pa man buksan ni Eunice ang ilaw.
Hindi iyon ang unang beses niyang makapasok sa motel na iyon. Kung puwede lang ikuwento kay Eunice na minsan na siyang naging modelo ng motel na pinuntahan nila na ginawang billboard sa Parañaque, ikukuwento niya rin dito. Kaso baka ma-turn off. Mukha pa namang ang laki ng respeto nito kay Gregory Troye.
Mas maganda para sa setting nila ang economy room dahil mas appropriate iyon para sa story content at character's reference na gusto niya. Pero hindi niya dadalhin si Eunice sa mas cheap pang kuwarto para sa story nila.
Mabango sa loob ng room nila. Kaamoy ng jasmine. Malaki lang nang kaunti sa bahay ni Eunice ang loob, minus ang mga kalat. Pinanonood lang niya itong libutin ng tingin ang paligid. Typical hotel room lang naman ang loob na nilagyan ng Japanese-themed wallpaper maging ang ambience. At maraming salamin.
"Para siyang apartment," pagtukoy ni Eunice sa kuwarto. Humarap na rin ito sa kanya at tiningnan siya nang napakainosente.
"Okay, babe, ito ang gagawin natin," panimula niya.
Humakbang agad ito paatras at gumawa ng krus gamit ang daliri.
Napabuga tuloy siya ng hangin sa ilong dahil nandoon na naman sila sa misinterpretation moment nila.
"I want you to look at this place very carefully," dugtong na lang niya. "Observe, check what's in here, feel and indulge the feeling, and I want you to narrate everything. And if you're not getting it, this is the place I want you to visualize for our novel's bed scene."
"Ah . . ." Napakamot ito ng leeg at matipid na ngumiti bago tumango. "Linawin mo, ha? Akala ko kasi . . ."
"Wala akong gagawin sa 'yo, babe. Saka ka na mag-assume," deretsahan niyang sagot at inabot ang kamay kay Eunice. "Akin na ang laptop ko."
Pinanlakihan lang siya nito ng butas ng ilong at inilapag ang malaking backpack sa kama saka kinuha roon ang pinatabi niyang gamit.
Ang daming umiikot sa utak niya sa mga sandaling iyon. Ang novel nila, ang email ng GFP, ang activities niya sa DCE—halos lahat, puro si Eunice ang pinag-uugatan.
Matapos sagutin ang tawag sa front office para i-confirm ang check-in time nila, naghubad na agad siya ng sapatos at medyas bago sumampa sa kama para mag-focus sa laptop niya. Paminsan-minsan, sumusulyap siya kay Eunice na kulang na lang ay halughugin ang buong kuwarto nila dahil iniisa-isa ang bawat sulok para tingnan.
"GT, mainit dito sa banyo!" narinig niyang reklamo nito sa shower room na toilet na rin.
"Babe, hindi tayo titira dito. Don't complain," paalala niya habang naka-focus sa blank document na binuksan niya sa laptop.
Ni-review uli niya ang story outline nila para makaisip ng generic scenes. Mukhang kailangan niyang gumawa ng napakaraming filler na hindi makakayang isulat ni Eunice.
"GT, hindi ko abot yung salamin!" reklamo na naman nito sa banyo.
"Babe, dito ka na lang sa dresser manalamin para abot mo," paalala na naman niya.
Lumabas na rin si Eunice sa banyo at pumunta sa may vanity dresser. Pagsulyap niya rito, iniisa-isa na nito ang mga nakapatong doong gamit na kasama sa binayaran nila.
"GT, may hair blower sila rito, o. Amazing!" sabi nito at kunwaring ginagamit sa buhok kahit hindi naman nakasaksak.
Natigilan tuloy siya dahil ang weird ni Eunice. Parang noon lang nakalabas ng bahay. Hindi na tuloy siya sigurado kung si Eunice pa ba ang kasama niya.
"'Lah! GT, may pa-Wi-Fi sila rito!" masayang sabi nito, hawak-hawak ang isang card. "Nandito rin ang mga channel sa TV."
Lumapit na ito sa kanya at umupo sa dulo ng kama hawak ang remote.
"Iba ang mga channel nila rito. Cool."
Hindi na niya inabala ang sariling tingnan ito. "Babe, you can observe nang tahim—" Kumunot nang kusa ang noo niya kasi pagtingin niya sa TV, porn scene agad ang bumungad sa kanya. Isang haponesang tumitili habang binabayo ng isang matandang lalaki.
"Pati porn channel, meron. Iba rin!" natutuwang saabi ni Eunice. "Puwede siguro akong mag-observe sa ganito."
Napaayos siya ng pagkakasandal sa mga unan at napakagat ng labi habang nagpipigil ng inis. Gusto na niyang batuhin si Eunice ng unan, kung alam lang nito.
"Puwedeng pakilipat na?" naiinis na niyang request.
"Why?" nagtatakang tanong ni Eunice nang linungin siya.
"Babe, kung ayaw mong i-lock kita sa banyo, ilipat mo na 'yan. Naiingayan ako."
"Killjoy!" Pinatay na nito ang TV at nagdadabog na nagkalkal ng bag. "Sasabihin, observe, observe. Tapos kapag nag-o-observe, ayaw naman akong mag-observe. Duh," bubulong-bulong nito habang kinukuha ang sariling tablet.
Napahawak siya sa unan at gusto na talaga niyang ibato kay Eunice para tumigil. Pang-ilang beses na niyang mairita sa crush niya. Ayaw pa naman niyang makarinig ng ungol dahil dalawa lang sila roon. Isang maling kilos lang nito, baka umalis sila roong balisa na ito dahil sa kanya.
Inayos lang nito ang mga gamit sa kama at dumapa sa kanang gilid niya. Masyado namang malaki ang kama para sa kanilang dalawa kaya wala namang problema.
Sa wakas, natahimik din sila.
At wakas din, nakapag-type na siya nang maayos para sa naiisip niyang eksena.
Dahil wala pa silang pangalan para sa character profile, ginamit na lang muna niya ang pangalan niya at ni Eunice para sa mga character niya. Ewan lang niya rito kung ano ang ipapangalan doon. Puwede namang i-replace all kapag nag-edit na.
"You must have met women more beautiful than I am in all these years."
"Maybe," he said cautiously. "I'll admit, a beautiful woman is difficult to resist. Don't you think of yourself as beautiful?"
Narinig niyang nagta-type na ito. Buti na lang. Ang kaso, naiirita talaga siya sa ingay. Napapansin niya lahat.
Napabukas siya ng isang butones dahil may gumagapang na pawis sa leeg niya kahit nakabukas ang AC. Naririnig niya ang mahinang tunog ng keyboard ni Eunice, iba pa ang kanya. Paglapat ng kamay niya sa mukha para punasan nang bahagya ang noo, narinig din niya ang tunog ng sarili niyang relo. Ganoon katahimik sa loob para marinig pa niya iyon. Kayang-kaya na rin niyang bilangin ang pulso niya nang saglit na huminto sa pagta-type.
Napaisip siya kung ano bang magandang eksena ang isusulat. Ang kaso, pagpikit niya, si Eunice talaga ang nakikita niya. Hindi tuloy niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis sa sarili dahil hindi maganda ang umiikot sa isipan niya. Sinubukan niyang mag-type ng kung ano ba ang laman ng utak niya.
"I never thought that I would want someone like I want you. I thought love was over for me . . . until you."
Blood rushed through Eunice's face as he pinned her to the cemented counter with a furious kiss that was as playful as it was passionate.
"Hoy, GT," biglang putol ni Eunice sa katahimikan. "Are you familiar sa sinasabi nilang may hidden cameras sa mga motel room?"
Sinulyapan lang niya ito. "Heard of it. Why?"
"Ang daming salamin dito. Di ba, ang awkward na nakikita mo yung ginagawa n'yo habang ginagawa n'yo 'yon?"
Siya naman ang napatingin sa magkabilang gilid na puro salamin.
"Some people find that kinky and exciting."
"Pero ang weird pa rin. Hindi ka ba mako-conscious n'on?"
Humilata si Eunice at nahiga sa tabi niya. Pagtingin niya rito, nakatingin lang ito sa kisame nilang may malaking salamin din kung saan nakikita silang dalawa.
"Paano kung may hidden camera diyan sa itaas? E, di may instant sex video na sila, if ever."
"We can't tell the truth unless proven, babe."
Halata nang bago kay Eunice ang ganoong paligid. Normal lang naman kasi ang mga ganoong kuwarto sa motel.
"Puwede ba 'yong magpapatay na lang ng ilaw para kahit may camera, hindi kayo makikita?"
Pinindot na lang ni Vincent ang switch na nasa gilid ng ulo niya, sa ibabaw lang ng headboard. "You mean this?"
Namatay ang white light at napalitan ng pulang dim light.
"Ooh . . . GT, can we write a horror scene?"
Sinulyapan niya ito habang bored ang tingin. "Babe."
"Horror na lang kasi, GT! Labas ka naman saglit sa comfort zone mo!"
"Why don't you try to do that first? Madali lang ang romance, di ba? I can write a horror story. What about you? Kaya mo bang lumabas sa comfort zone mo?"
Nagsisimula na naman siyang mainis. Hindi niya inaasahang may ikukulit pa pala si Eunice.
"Are you done?" tanong niya. "Nag-iingay ka na, e."
"Alam mo, this is cool." Imbes na sagutin siya, lalo lang itong natuwa. "Nakaka-turn on nga yung ganito, if ever. Kapag ba lights off, ganito talaga?"
Napailing na lang siya dahil sa ikinikilos nito. Hindi niya inaasahan. Malayo sa inaasahan niya. "Yeah. Ang innocent mo, babe. It's too obvious na." Binuksan na lang uli niya ang ilaw para magpatuloy sa ginagawa.
"Tse!" Inirapan na naman siya nito pero agad din namang bumawi. "GT, nagsusulat ka na?"
"Are you through with your narrative?"
"Opo."
"Good."
Nagulat na lang siya dahil bigla itong tumabi sa kanya.
"Bakit nagsusulat ka na? Hindi pa 'ko ready!"
Pagtingin niya rito, halos isubsob na nito ang mukha sa laptop niya.
"Babe, I'm keeping up my writing pace. You can write whenever you want."
Tiningnan siya nito nang masama. "Pero sana hinihintay ako, di ba?"
Gusto na niyang ilayo ang mukha nito sa mukha niya. Masyado nang malapit. Lalo siyang kinakabahan. "Don't talk to me muna, babe. Hindi ako makapag-focus."
"Kukulitin talaga kita. Madaya ka! Nagpapauna ka!" singhal nito harap-harapan sa mukha niya.
"Babe."
Nainis na siya. Saglit niyang pinatay ang laptop at binalaan ito ng tingin. Lumayo ito nang bahagya at nakipagtapatan din ng titig.
"Hintayin mo kasi ako . . ." pagmamakaawa nito sa kanya.
"Huwag ka munang makulit. Ila-lock kita sa toilet, sige ka."
"Bakit kasi nagsusulat ka na? Dapat sinabi mo agad para nakakapagsulat na rin ako! Ang daya mo naman, e."
Napakamot tuloy siya ng ulo.
Sa isip-isip niya, sa buong oras na nakatutok ito sa tablet, hindi pa pala ito nagta-type ng draft? Napakagaling. "'Kulit mo," naiirita niyang parinig kay Eunice.
"Huwag ka muna kasing mag-type! Sige na, pleeeease."
"Why don't you try to write something instead?"
"Hindi ko alam isusulat ko."
"Write a scene here. Inside this room."
Naningkit ito at mukhang nag-iisip na. "I . . ."
Tumango naman siya nang dahan-dahan para hintayin ang susunod nitong sasabihin.
"I . . ." Napailing pa ito. "I can't imagine something here," mabilis nitong dagdag saka sumimangot.
Napapikit tuloy siya dahil sa pagkairita. Sana lang kasi, kung hindi ito makapagsulat, sana hindi rin nang-iistorbo.
"Horror kasi talaga ang naiisip ko!" reklamo pa nito. "I could write a scene na may bloody lady na lalabas ng bathroom tapos gagapang siya papuntang kama to asphyxiate the guy—"
Binuksan na naman niya ang dim light at hinatak si Eunice pahiga sa tabi niya. Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha nito nang pandilatan siya dahil sa ginawa niya.
Lalong umingay ang AC. Lalong lumakas ang tunog ng relo. Kahit ang pintig ng puso niya, nararamdaman na rin niya sa sariling sentido.
At ang pinaka-kinaiinisan niya sa lahat . . .
Mas mature palang tingnan si Eunice sa dim light.
Kusa nang gumapang ang mga kamay niya sa katawan nito. Hindi niya magawang alisin ang titig sa mga mata nito dahil kapag ginagawa niya iyon, baka hindi na niya matantiya ang susunod na magaganap.
"I'll give you a prompt," bulong niya kay Eunice—umaasang baka nararamdaman din nito kung ano man ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. "Narrate this . . ."
"Fuck . . ." bulong nito.
Sabay pa silang napalunok na dinig dahil sa katahimikan.
"What are you feeling?" tanong na naman niya kay Eunice.
"Oh god . . ."
Nararamdaman niya ang init ng balat ni Eunice paglapat ng palad niya sa loob ng damit nito. Lalong lumakas ang pintig ng puso niya.
"Do you hear your heartbeat?" tanong niya rito. Umangat pa nang kaunti ang kamay niya hanggang sa makapa na niya ang dibdib nitong mas lalo niyang ikinagulat.
Naiyuko na lang niya ang ulo sa gilid ng ulo ni Eunice at saglit na pumikit. Mabilis niyang inalis ang kamay sa loob ng damit nito at humingi ng kapatawaran sa Diyos dahil may kasalanan na siyang nagawa.
"Whatever you're feeling right now . . . write it down.," iyon na lang ang naibulong niya dahil hindi na niya alam kung ano ang tamang sabihin.
"H-Huh?"
Umayos na siya ng pagkakaupo sa kama at mabilis na binuksan ang puting ilaw. Kinuha uli niya ang laptop at binuksan. "Narrate everything you felt, babe," seryoso niyang utos at nagbukas ng apat na browser tab kahit hindi naman niya kailangan. "And don't disturb me, all right? Or else . . ."
Ang bigat ng paghinga niya. Nagbukas na lang siya ng online streaming channel at nagpatugtog ng maingay na kanta ng PnE para makaiwas sa nakabibinging katahimikan.
Pinanood niya si Eunice na dahan-dahang bumangon. Gusto niyang mag-sorry. Nakonsiyensiya siya sa ginawa. Parang malaking bloke ng katotohanan ang bumagsak sa kanya nang maalalang may boyfriend ito sa malayo na hindi sila nakikita sa ginagawa nila.
"Eunice . . ." tawag niya rito nang bigla itong umalis sa kama. "I'm so—" Hindi na niya natapos ang sinasabi. Bahagya lang nitong itinaas ang kamay para patigilin siya.
"Wait lang," anito sa mababang tono.
"Babe . . . ?" Nag-aalala na siya. Baka nagalit.
"Maghihilamos lang ako." Dali-dali itong pumunta sa banyo at sobrang marahan iyong isinara.
"Oh Lord. I'm so sorry." Napatakip siya ng mukha gamit ang magkabilang palad.
Hindi niya naman gustong gawin. O sabihing sinasadya niya nang kaunti para matahimik lang ito pero hindi iyon ang intensyon niya. Gusto lang talaga niyang patahimikin ito para makapag-concentrate siya.
Inilapag niya ang laptop sa tabi at dadaluhan na sana si Eunice sa toilet pero lumabas na ito bago pa siya makatapak sa sahig.
"Whooh!" Nagpapaypay ito ng sarili paglabas. Nabanggit naman nitong mainit sa loob ng banyo pero mukhang init na init ito pagkagaling doon.
"Babe?"
Sinalubong nito ang mga mata niya pero agad ding nag-iwas ng tingin.
Hindi naman mukhang galit. Hindi nakasimangot. Hindi naiinis.
At hindi niya alam kung ano ba ang nasa isip nito matapos ang ginawa niya.
"A-Are you okay?" nag-aalala niyang tanong. Mas lalo siyang kinabahan. Hindi na kasi ito nagsasalita.
Tumango lang ito at nginitian siya nang napakatipid. Inangat nito ang magkabilang manggas sa balikat at sumampa uli sa kama sa tabi niya.
Lalo siyang kinakabahan. Hindi niya kasi mabasa ang iniisip nito.
"Are you . . . mad?"
Matipid na naman itong ngumiti at saka umiling. "Type ka na uli. Magsusulat na 'ko," sabi na lang nito at binalikan na ang tablet.
Lalo lang siyang nablangko. Tinitigan lang niya ang likuran nito. Napakuyom siya ng makasalanang kamao. Dapat talaga ay hindi niya ginawa. Pero hindi niya inaasahan ang naramdaman. Kaya siguro palaging malaking T-shirt ang isinusuot ni Eunice. May tinatago sa loob.
Binalikan niya ang draft na ginagawa at nagsulat ng laman ng isipan niya.
Vincent's free hand sought out and found the tender skin underneath her arm that rounded into her breast. He cupped the fullness of it and caused a thrill to rush into her.
"Oh, Vincent, I've never felt like this," she exhaled as he broke off the kiss and observed her—memorizing every inch of her pale skin.
Napapikit na naman siya dahil bigla na namang bumalik ang naramdaman niya kanina.
Ayaw na niyang mag-type. Lalong dumarami ang kasalanan sa isipan niya.
Kinuha na lang niya ang phone na nakapatong sa nightstand na katabi. Pagbukas niya ay bumungad sa kanya ang isang text. Galing kay Karen.
"Vincent, kumusta si Niz? Tell me if nahihirapan ka. She can write fantasy well. Try to reconsider."
Napabuga tuloy siya ng hininga. Kung alam lang ni Karen na kahit siya ay mukhang mahihirapan nang magsulat ngayon dahil sa ginawa niya.
Pagtingin na naman niya kay Eunice, lalo lang siyang napabuntonghininga. Kung alam lang nitong kanina pa siya nagpipigil.
Kinunan na lang niya ito ng picture habang naka-focus ito sa tablet. Hindi na lang din siya nag-tag.
Naisip tuloy niyang ang hirap maging mabuting lalaki para sa crush niya. Literal na masyadong masakit sa puson.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top