Chapter 26: Pressured
May napakanipis na linyang naghihiwalay sa pagiging magkaibigan at magka-ibigan, at sinusubukan ni Vincent na tawirin ang linyang iyon nang hindi nahihirapan para lang sa taong gusto niyang mapansin siya.
Natapos na ang early sermon ni Mother Karen Manabat sa kanya kaya binalikan na niya si Eunice para malaman kung hanggang saan ba ang kailangan niyang adjustment. Okay na ang story outline nila kaya kailangan na niyang mag-focus sa point of view na gagamitin nilang dalawa. Ipinagdarasal na lang niya ang magandang resulta mula kay Eunice.
"Hi, babe," bati niya bago pa man siya makatapak sa loob ng cubicle nito.
"Hoy, GT!" tawag nito. "Tara nga rito, may ipagagawa ako sa 'yo."
Sinundan lang niya ng tingin si Eunice nang kunin nito ang braso niya at hinatak siya paupo sa office chair nito. Takang-taka naman siya kasi para itong nagmamadali.
"May problema ba?" tanong niya. Itinuro nito ang monitor at nagbalik lang sa kanya ng isa ring tanong.
"Degrading ba 'yong comments? Is it rude?"
Napatingin tuloy siya sa tinutukoy nito. Nanlaki ang mga mata niya dahil iyon ang manuscript na inaayos nila noong nakaraan.
Binasa pa niya ang iba bago sumagot. "It is strict. And . . . questionable."
"But not rude."
"Well, siguro, depende sa magbabasa. If I were the author, ma-o-offend ako. It sounded like you're trying to juice out something in me na kaya ko namang ibigay nang kusa pero tinatakot mo 'ko. Something like that."
Biglang tumaas ang kilay nito at pinagkrus ang mga braso. Mukhang hindi nagustuhan ang sinabi niya.
"But not rude."
"Did you receive a complaint about this?"
Nagkamot ng leeg si Eunice at mukhang naiirita na. "Can you tone that down? You sounded sincere naman sa mga comment mo."
"I can, of course."
"Good!" Itinuro ni Eunice monitor. "Do that. Now."
"Nope. I'll do it later. I can finish this before we go."
"But—"
"Hold up!" Nagtaas siya ng kamay para patigilin si Eunice. Nagbukas siya ng blank document. "I need to see your writing style. Urgent. Please. Write for me." Tumayo na siya at umatras bago itinuro ang upuan. "Sit down."
Takang-taka naman si Eunice sa kanya habang papaupo na. "I thought okay na yung audition?"
Siya naman ang lumipat sa puwesto nito sa kanang gilid ng upuan. "Write in English. Smut scene. Or anything sexual-related. Third person's viewpoint. Omniscient or limited, your call." Tinapik pa niya ito sa balikat para pasunurin. "Start."
Tinitigan lang siya ni Eunice. Ang tingin pa naman nito, nagtatanong kung ano ba ang nangyayari sa mga sandaling iyon.
"Eunice, I'll do your job, but please, I need you to cooperate with me now."
Bigla itong ngumiwi at biglang nagbuga ng hininga.
Itinapat nito ang magkabilang kamay sa keyboard at bumuga na naman ng hininga.
Inilapat nito ang mga daliri sa keyboard at bumuga na naman ng hininga.
Mukha ngang mahihirapan itong magsulat nang on the spot.
Pumikit ito at bumuga na naman ng hininga.
Siya tuloy ang na-pressure para kay Eunice kaya napahilamos siya habang naghihintay ng gagawin nito.
Gusto na niyang tanungin kung ilang buntonghininga pa ba ang balak nitong gawin bago makapagsulat.
Madaling magsulat ng smut scene—para sa kanya. Ikukuwento lang niya kung ano ang kailangang isulat. Pero mukhang tama si Karen.
Ilang saglit pa ay nagsimula nang mag-type si Eunice.
"Did you just have sex inside the . . . what?"
Anna adjusted the strap of her white halter top dress. It was too provocative for their business, and Alice wanted to ask her if she had a decent shirt, but Alice knew it wasn't the question to which she needed an answer.
"In the elevator of the hotel, Alice."
Kumunot agad ang noo niya sa first sentence pa lang.
Gusto na niyang singhalan si Eunice. Hindi dahil may "sex" word sa line, smut scene na. Hindi lang iyon tungkol sa mga salita. Iyon ay tungkol sa eksena mismo. At hindi iyon ang eksenang hinahanap niya.
"Girl, normal people don't have sex in closed elevators."
Anna rolled her eyes. "Stop dating boring guys, Alice. Date a guy who's not afraid to mess you up a little."
Napahawak siya sa tangos ng ilong niya dahil hindi iyon ang eksenang tinutukoy niya. Gusto niya ang steamy na eksena, hindi ang mga reaksiyon sa nangyari na.
"You need to have sex on elevators, let your hair get down a little while you're still able. Quit acting like you're in your seventies—
Pinigilan na niya ito. Hindi nga nito alam ang gusto niyang mangyari. "Babe, okay we're good."
Tiningnan siya nito. Napatakip tuloy siya ng bibig at inisip kung paano ba ipakikita kay Eunice ang gusto niyang isulat nito.
"It's wrong . . . I did it wrong." Tumayo ito at nagsumiksik sa sulok ng cubicle. Parang natatakot dahil mali ito ng ginawa.
"Karen said something about you, okay?" sabi niya habang nakatitig sa monitor. "This is not your genre . . . right?"
"And?"
"I know you can write, but. . . ."
Wala na siyang magagawa. Kailangan talaga ni Eunice ng experience. Na-overestimate niya ang mabilis nitong pag-pick up ng mga bagay-bagay.
Humarap siya sa computer at siya na ang nag-type ng eksenang gusto niyang isulat nito. Bumase siya sa isinulat ni Eunice at inisip ang eksena ng tinutukoy nitong elevator sex.
"Okay! Read." Tumayo na uli siya sa gilid at namaywang habang nakatingin kay Eunice.
"I will . . . read?" tanong nito, halatang nalilito sa gagawin.
Itinuro lang niya ng palad ang monitor para utusan ito. Binasa naman nito ang gawa niya.
He crushed her in a pinioning embrace and captured her mouth in a punitive, brutal kiss. His lips bruised her as he drew out the punishment, one hand breaking free to invade the looseness of the red blouse she wore, to take possession of a tight breast.
Hatred merged with undeniable desire as Anna weakened under the sensuous demand he elicited from her body. She could barely breathe under the relentless exploration of his mouth on hers, and her head reeled as he tipped her backward enough to put her balance in his complete control.
At alam na niyang tapos na itong magbasa nang dahan-dahan na itong tumingin sa kanya.
"That's what we're going to write, babe," sabi niya rito sa seryosong tono. "Yung POV mo kanina, masyadong pa-virgin."
Kulang na lang ay kuminang ang mga mata nito habang nakangiti sa kanya.
"This is the reason why I wanted to work with Gregory Troye. You're so amazing."
"Babe, if you can't write a scene like that, mahihirapan akong mag-adjust," sermon niya pero nakangiti pa rin ito. "Gusto mong mag-Taglish? Or Filipino? Kaso mahina ako sa Filipino. Saan mas madaling mag-deliver sa 'yo ng scene? 'Yong comfortable ka?"
Nakangiti lang ito sa kanya habang nakapaling ang ulo sa kanan. Kung makatingin ito, parang siya na ang pinakamagandang lalaki sa balat ng kalupaan.
"Babe? Nakakarinig ka pa ba?"
"I love you so much, GT . . ."
Napangiwi siya habang takang-taka kay Eunice. "Nagpa-fangirl ka ba ngayon?"
Imbes na sumagot, ngumiti pa ito habang nagpapa-cute sa kanya.
"Don't give me that puppy eyes, babe. Alam kong cute ka, pero hindi ka pasusulatin ng ka-cute-an mo."
"Can I hug you na lang, GT?"
Sa mismong minutong 'yon, alam na niyang may mali na kay Eunice. Never pa niyang nakitang tiningnan siya nito na para siyang anghel na hulog ng langit. At mas lalong hindi pa niya ito narinig na mag-alok na yakapin siya. Hindi tuloy niya alam kung matutuwa ba siya o maiilang.
"Babe, gusto rin kitang i-hug, but now is not the right time, ha? Bumibigat ang pressure ko," aniya dahil nagkaganiyan lang naman si Eunice nang makabasa ito ng gawa niya—ni Gregory Troye.
Hindi na ito sumagot pero nanatili ang ngiti. Sayang lang dahil mas nangingibaw ang problema niya kaysa kalandian niya.
Hindi inalis ni Eunice ang tingin sa kanya. Kinuha na lang niya ang kamay nito at hinatak palabas para kausapin ang boss nito sa kabilang cubicle. "Talk to Karen, babe. May i-e-explain siya sa 'yo. I'll try to tone down your flags." Tinapik niya ito sa balikat at hinayaan nang pumunta kay Karen.
Bumalik siya sa upuan ni Eunice at tiningnan ang inuutos nito.
Hindi na siya nagtaka na na-memo-han sila dahil sa attitude. Hindi naman kasi lahat ng editor ay nabibigyan ng chance para makipag- communicate sa author. Madalas sa madalas, pagkapasa ng author sa publisher, naghihintay na lang ito ng publishing. Walang idea sa gagawin sa libro, bahala na sa final result.
Isa sa mga standard practice ng DCE ay ang pagiging open nito sa mga author para sa feedback mula sa mga editor. May mga author na hindi tumatanggap ng rejection sa mga isinulat nila. Alam nila iyon sa DCE pero gusto pa rin nilang gawin ang nakasanayan nilang trabaho.
Ang kaso, masakit naman talaga sa damdamin ang feedback ni Eunice. Mas lalo namang mas masakit ang feedback ng editor na hindi nila nakasama last time. Si Mariz—ang laging bukambibig ng lead editor ng DCE kada tapak sa opisina.
Kung nakasusugat lang ang salita, malamang na duguan na ang author.
Nag-edit siya nang kaunti sa mga below-the-belt comment at naglagay ng disclaimer na kailangang tanggapin ng author ang feedback kahit na gaano pa iyon ka-negative dahil sa kabuoan naman ng mga nasa flag, naroon na ang sagot. Kung paiiralin ang pagiging sensitive, lalo lang na-i-spoil ang author at hindi siya nagkakaroon ng growth bilang writer.
Mabilisan lang ang ginawa niyang pag-edit. Nagkalkal pa siya ng mga nakabukas na tab at nabasa ang convo nina Eunice at Mae sa Workplace chat thread. Nasermunan nga si Eunice tungkol sa attitude nito.
Siya na ang nag-chat para kay Eunice.
Niz (Editorial)
Hi, Mae. This is Vincent. I've addressed the issues with Pichi's work. Tell her not to be sensitive about the feedback. Tell her GT just checked her work and agreed with the flags. Kapag nag-drama, i-forward mo sa 'kin, huwag na kay Eunice. Ako ang aayos. Ipu-pull out ko muna si Eunice sa position niya. We'll start our project ASAP.
Hindi na niya hihintay ang response. Tumingin siya sa email ni Eunice para malaman kung may mga dapat pa bang ayusin para dito. Pagtingin niya sa primary mails nito, puro memo ang nabasa niya. Puro reklamo. Halos lahat, related sa attitude nito.
Harsh ang comment.
Masakit magsalita.
Below-the-belt ang atake.
Kada bukas niya ng email, wala siyang mabasa kundi negative response sa ugali at mga post nito.
Ang toxic ng email ni Eunice. Ang unang sampung message na nabuksan niya, enough na iyon para sirain ang araw niya kung siya ang nasa katayuan nito.
Paano natatagalan ni Eunice ang makabasa ng harap-harapang reklamo tungkol sa attitude nito?
Kung siya iyon, baka nagkulong na lang siya sa bahay at hindi na nagpakita sa lahat. Ang tibay ng sikmura ng crush niya. Mukhang sanay na kinaaayawan ng lahat.
"Hindi ka ba nalulungkot sa ganito?" tanong niya sa monitor patungkol kay Eunice.
Binasa niya ang may pinaka-degrading na response so far.
Bakit dika nalang mamatay? Di ka naman nakakatulong. Nakakasakit kalang ng feelings.
May reply naman na si Eunice pero naka-draft, hindi pa sine-send. Ang nakalagay lang:
Soon. Gusto mo, sabay pa tayo. But for now, lalaitin ko muna ang gawa mo kasi wala talagang maganda sa nabasa ko. Sorry not sorry. Saka mo na ako kausapin kapag alam mo na kung paano susulat ng matinong storyline.
Iba nga ang tapang ni Eunice. Halatang sanay sa negativity. Ayaw patalo.
Binura na lang niya iyon at binago ang nakalagay. Ginawa niyang: Watch your language, please. Wishing someone's death is bad. Know your limits. Saka niya s-in-end.
"Okay ka na?" dinig niya sa entrance ng cubicle. Kahit hindi niya tingnan, alam na niyang si Eunice iyon. Itinuro na lang niya ang kaharap na upuan.
"Take a seat," seryoso niyang utos habang tinatapos ang pagbabasa sa mga natitirang message.
Napansin niya sa peripheral view na lumapit si Eunice sa table pero hindi naman umupo.
"I made a disclaimer saying that the tone of the editors was not meant to degrade but to inform and to suggest," paalala niya kay Eunice. "Pichi should understand the point. Hindi siya puwedeng i-baby. Her and the others. If they're too weak for corrections, then they should write accordingly and responsibly. I already sent it to Mae."
"WHAT THE—" tili nito.
"Babe, I know what I'm doing." Tumayo na siya at nagkrus ng mga braso. Kunot na kunot ang noo niya at gusto na namang sermunan si Eunice dahil sa mga nabasa niya. "Ang dami mong issue, babe. Warfreak ka ba?"
Agad namang namaywang ito at tinarayan siya. "Nangialam ka ba ng email ko, mister?"
"Babe."
"Ang sabi ko, di ba, mag-tone down ka lang ng flags? Baka gusto mo, ikaw na rin ang kumuha ng posisyon ko para masagad mo na ang pangingialam sa lahat ng ginagawa ko."
Ngumisi siya ngunit bakas ang pagkainsulto at tiningnan nang matalim si Eunice. "Dare try me, Miss Eunice Riodova. You're talking to the right man. I can take over your position whenever I want to."
Hindi pa man nagtatagal ang paninitig niya nang matalim dito ay mukhang sumuko na ito at nawala ang katarayan dahil sa sinabi niya. "Doon ka na nga!" sigaw nito at hinatak na agad ang braso niya. "Mang-aaway ka na naman, e!"
"Nope," pigil niya at siya naman ang humatak kay Eunice. "You're going with me. Nakausap ko na si Mae and si Karen. We're going to start our research . . . right now."
♥♥♥
May plano nga siyang isama ang crush niya sa isang lunch date, kahit hindi na sa mamahaling restaurant. Kahit sa Tapa King na lang. Buti na lang at pumayag si Eunice na makipag-lunch date sa kanya. Sa kasamaang palad, wala siya sa mood na lumandi. Sayang ang porma dahil ayaw mawala sa sistema niya ang trabaho.
Nag-order siya ng Tapa King meal para sa kanya at Tapa Queen meal para kay Eunice. Kahit na gusto niyang mag-request ng separate table for two, hindi puwede kasi crowded na ang store sa mga oras na iyon kaya wala silang choice kundi sa mahabang counter sa may sulok umupo.
Hindi kasing-romantic gaya ng inaasahan niya. Sayang na naman.
Pero mukhang masaya naman si Eunice at ilang beses sinabing, "Ang bango talaga dito," at "Ang sarap ng tapa nila, 'no?"
Doon, kahit paano, okay na siya.
Hindi marami ang serving na kayang patagalin ang pagkain niya nang sampung minuto kaya ilang subuan lang, halos malinis na niya ang sariling plato. Patapos na rin si Eunice saka siya nagtanong para sa project nila.
"Babe," tawag niya rito habang papasubo pa lang ng huling pagkain nito.
"Hmm?"
"Nakipag-sex ka na, di ba?"
Natigilan ito at napatingin sa kanya. Hindi naman na siya nagtaka nang tingnan siya nito na parang gusto na siyang sipain sa mukha.
"Alam mo, bagay kayong mag-usap ni Daddy," naiinis sa sabi nito at saka lang isinubo ang laman ng huling kutsara nito. "Ganiyang-ganiyan ugali niya, e."
"I was just asking kasi mahihirapan kang isulat ang hindi mo alam," mahinahon niyang sagot dito habang pinanonood itong magpunas ng bibig. "Let's be open-minded here. Hindi naman ako manyak. I can write a limited viewpoint, okay? Actions, thoughts, I got no problems with those. Pero kasi—"
"Oh! Nah. No!" Itinaas nito ang hintuturo at itinapat sa mukha niya. "Kung aayain mo 'kong gawin 'yon. Never!" Umiling agad ito sa kanya para tumanggi. Napangiwi tuloy siya sa ikinilos nito.
Gusto lang naman niyang i-request na baka puwedeng gawin nila iyon ni Justin—kahit pa medyo masama ang loob niya—para lang makuha ni Eunice ang gusto niyang isulat nito. Iba naman ang iniisip nito sa iniisip niya.
"Babe, no offense, pero kung mag-aaya man ako, you wouldn't be the girl I'd ask. Baka mapagkamalan pa 'kong pedophile who loves to touch twelve-year-olds."
"Uhmp!" Pinalo nito ang balikat niya. "Mapang-insulto ka talaga, 'no? Nasa dugo, ha? Nasa dugo?"
Siya naman ang sumimangot. "I'm just asking, babe. It's a yes-or-no question, pinalalaki mo. If yes, okay. If no, okay. Bakit big deal lahat sa 'yo?"
"Ewan ko sa 'yo. Hanap ka ng kausap mo." Uminom lang ito at nagpagpag ng kamay para makaiwas sa usapan nila.
Aminado naman siyang may mga pagkakataong nagkakainteres siya kay Eunice pero ayaw niyang gawin dito. Kasi unang-una, nirerespeto niya ito bilang babae. Kaya niya mang hawakan ito, pero hangga't maaari, ayaw niyang pinatatagal ang paghawak dahil alam niyang mali. Pangalawa, may mga pagkakataong tinatangka niyang halikan si Eunice pero hindi niya magawang ituloy dahil alam niya sa sarili niyang bawal pa. Higit sa lahat, hindi iyon ang habol niya sa crush niya. Dahil kung iyon lang naman ang batayan niya ng kaligayahan, hindi na niya hahabulin pa si Eunice at magsi-stick na lang siya sa mga fling kung init ng katawan lang naman ang pag-uusapan.
Pero sa mga sandaling iyon, wala roon ang focus niya kundi sa nobelang gagawin nila kaya naman nagtanong uli siya.
"Fine. Do you read erotic novels?"
"Fifty Shades, gano'n?" tinatamad na tugon nito.
"I don't find Fifty Shades enticing to read. Own preference. Based on my evaluation kasi—overall, ha—willing to seek answers and to explore ka naman. 'Yon nga lang, there's something in you that holds you back from going beyond your limits." Tinadtad pa niya ang mesa gamit ang gilid ng palad habang nagpapaliwanag. "I mean, you need a reason pa to cross the line. It's like you can do things naman kaso parang tinatamad kang gawin or ayaw mong gawin kasi wala kang reason para gawin 'yon. Pero kapag naman ginusto mo, nakukuha mo, and you will do anything to get that kahit na may mga bagay or rules na hindi ka nako-consider. Do you follow, babe? That's where we adjust."
Wala itong sinabi. Nakatitig lang ito sa kanya, nagngangatngat ng kuko sa kaliwang hinlalaki.
"Remember last night when I attempted to kiss you? May reflex kasi ang babae na kapag may danger na papalapit sa kanila, the body will fight for itself. It's a fight or flight response, if you know what I mean. Like if you'd feel something's not right, you'd run. Tama? If you could fight, you'd counterattack."
Biglang kumunot ang noo nito, mukhang may hindi naiintindihan. Mukhang kailangan pa ng mahabang paliwanag.
"Last night, I was expecting na sasampalin mo 'ko because of what I did," kuwento niya sa plano niya kagabi.
"Gusto mong ngayon na kita sampalin?" alok nito sabay ngisi nang sobrang lapad habang nakataas ang mga palad para umamba ng sampal.
Biglang bumagsak ang balikat niya at tiningnan ito na parang gusto na niya itong kutusan nang ubod nang lakas. "Babe, I'm serious."
"Seryoso din naman ako, a!" natatawa pang sabi nito.
Napasapo siya ng mukha at saka umiling. "Cute mo. Sarap mo ibalot sa cling wrap tapos itatapon kita sa Nagtahan Bridge."
"Hahaha!" Ang lakas pa ng tawa nito. Napangiwi siya kasi katunog ng tawa nito si Odile sa Barbie and the Swan Lake. "Di na, seryoso na, promise!" dagdag ni Eunice habang nakataas ang kanang kamay, nangangako.
Napabuga tuloy siya ng hangin at tinantiya ito ng tingin. Unang beses niyang nakitang tumawa ang crush niya, at hindi siya natuwa. Lalo pa siyang nairita. Dapat nga talagang magsungit ang crush niya para hindi nakakasira ng impression. Boses nakakabuwisit na kontrabida. "Babe, huwag mo 'kong ngisihan diyan."
"Seryoso na nga!" Ayaw talagang mawala ng ngisi nito. Mukhang walang balak magseryoso.
Wala na siyang magagawa. Kailangan na talaga niyang gumawa ng paraan para makapagsulat ito ng dapat nitong isulat.
Kinuha niya ang kamay nito pagtayo niya. "Tara."
"O? Saan mo na naman ako dadalhin?"
"Magde-date tayo," sarkastikong sagot niya habang nakasimangot.
"Saan?"
"Sa motel."
"Saan?!"
Mababasa sa tingin niya ang pagwa-warning nang tingnan si Eunice. Hindi na kasi siya natutuwa. Masyadong nag-e-enjoy ang crush niya sa araw nito samantalang nasi-stress siya rito.
"Galit ka, GT?" tanong nito habang parang batang nag-uusisa sa mood niya. Ni hindi nga ito nagre-react nang masama kahit magkahawak sila ng kamay habang naglalakad. Gusto nga sana niyang kiligin kaso may kakulitan din sa katawan si Eunice, ngayon lang niya nalaman.
"GT? Uy, GT?"
"Babe." Huminto siya sa paglalakad at tiningnan na naman ito nang seryoso. "Quiet ka, ha? Kasi alam mo, yung pressure ko, hindi nakakatawa. You know that? I mean business right now tapos tumatawa ka lang."
"Sorry na nga! Arte. Pero pupunta nga talaga tayo sa motel?" tanong nito, na hindi naman mukhang galit. Mas mukha pa ngang naku-curious.
"Dadaan muna tayo sa park tapos sa motel. May ipapasulat ako sa 'yo mamaya. Mamaya ka na rin magtanong. I'll give you your guidelines. Okay?"
"Okay." Tumango ito sa kanya at sumunod na lang din.
"Good. Now behave."
May mga pagkakataong sa sobrang pressured niya sa sitwasyon, hindi man lang niya napansin na hawak niya ang kamay ng crush niya nang sobrang higpit at hindi naman ito nagrereklamo. Mga sandaling memorable sana ang sweetness kung hindi lang iba ang umiikot sa isipan nilang dalawa. Mga oras na ma-e-enjoy sana niya kung hindi lang talaga occupied ng writer's dilemma para sa romantic fictional story ang romantic reality story niya.
Sayang talaga.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top