Chapter 2: Carl John
Siguro nga, para sa ibang sanay sa conventional na trabaho, never magiging trabaho ang pagiging writer. Pero sa kaso ni Vincent, dahil sa pagiging writer siya yumaman. Klase ng kahit natutulog siya, umiikot at nadaragdagan ang pera niya.
One of the Philippine's bestsellers, ilang taon na ring pinaghaharian ni Gregory Troye ang top ten ng mga bookstore. Kada release ng book installment, instant hit agad. Sino nga bang publisher ang tatanggi sa kanya?
But his life story was way different than anyone could imagine.
He grew up with his Tita Mamu in Cita Roma, Bulacan. He was not the product of a fairy tale family. Hiwalay ang parents niya. Na-deport ang biological mother niya at kinailangang bumalik sa Australia. Nanatili namang bell boy ang ama niya sa isang two-star hotel sa Maynila. And unfortunately for him, walang may gustong akuin siya. Eldest sister ng ama niya ang umampon sa kanya para lang hindi siya dalhin sa Bahay Kalinga.
Hindi pa developed ang lugar noon sa kanila kaya nasanay siya sa bahay na nasa gitna ng damuhan, at ang susunod na bahay slash tindahan ay kailangan pang i-tricycle. Lumaki siyang walang kaibigang kapitbahay at sobrang dalang niyang lumabas ng bahay nila. At dahil sobrang hilig ng Tita Mamu niya sa pocketbooks, lumaki siyang iyon na rin ang naging libangan. Kaya naman tuwing alas-tres ng hapon, kasabay ng 3 p.m. prayer sa Channel 2, sisigaw lang ito ng, "Carl John!"
Alam na niyang may bago itong librong dala mula sa bookshop sa palengke ng Phase 1 sa kabilang baranggay.
Iniwan niya ang bahay ng Tita Mamu niya noong mag-nine siya. His father died that year, a month before his birthday. Dadalaw lang sana sila sa bahay nito pero napuna ng ibang kapatid ng ama ang itsura niya. Napakaguwapong bata nga raw, sabi nila sa lamay. Kaya imbes na magdalamhati, ginawa siyang bagay na maaaring pagkakitaan.
Kaya naman paglipat niya ng school, nagulat siya dahil hindi gaya sa dati niyang paaralan ang nakuha niyang atensiyon. Twelve lang silang estudyante noon sa klase nila sa dating eskuwelahan. Paglipat niya, nasa forty na at may ibang section pa.
Akala niya, masaya ang makakuha ng atensiyon dahil lumaki siyang hinahanap iyon. Sumikat siya sa school habang dumaraan ang bawat taon. Walang mintis na may tumatawag sa kanya kahit saan siya pumunta.
"Carl John!"
May mga pagkakataon talagang nilalamon ang tao ng kasikatan. At masyado siyang nasanay sa kasikatang iyon. Na umabot pa sa puntong ipinasok siya at pinag-audition ng mga tita niya para sa commercial ng biskuwit sa TV. Hindi lang iyon, pati sa mga ad ng tsitsirya, sa instant noodles, sa toyo, kahit sa ad ng panty liner, ipinasok din siya.
Hindi na bago sa kanya ang ngumiti.
Hindi na bago ang kumaway sa madla.
Hindi na bago ang mapansin.
Hindi na bago ang camera.
Hindi na bago ang exposure.
Nagbago lang ang lahat noong napagod na siyang maging siya.
"Hi, GT! Good to see you again!"
"Karen!" Niyakap niya ang babaeng sumalubong sa kanya pagdating niya sa opisina nito sa Manila.
Sa trabaho lang siya pumapayag tawaging GT. Kapag tinawag siyang GT, alam na niyang writing-related ang connection niya sa kausap.
Masyadong personal sa kanya ang pangalang Carl John. Iyon ang bahagi ng pagkatao niyang naiwan sa bahay ng Tita Mamu niya. Wala rin namang tumatawag sa kanya ng Carl John dahil sa isang napakababaw na dahilan niya: nakakabulol.
Iginala niya ang tingin sa kausap. Mahilig pa rin ito sa floral shirt. Bihira niyang matiyempuhang naka-plain shirt ito. Lalo pa itong nadagdagan ng timbang noong huling kita nila last year. Nakapusod ang buhok na mahogany ang tina at unti-unti nang nagpapakita ang edad na treynta sa wrinkles at eyebags.
"'Kapal na yata ng salamin mo," bati ni Karen sa suot niyang eyeglasses. "Ayaw mong mag-contact lens?"
"Hindi ko pa nakukuha 'yong contacts ko. By the way, ano'ng nangyari sa DCE?" Saka lang niya naisipang umupo sa upuang kaharap ng mesa nito.
"Tsk! Bad news all over town." Alanganin ang ngiti nito at papilig-pilig ang ulo sa magkabilang gilid. "Bumaba ang production level. Pero ang daming tao. Alam mo naman na 'to, right? Ngayon lang naramdaman ng workforce ang impact."
"I told you before, hindi magiging madali for you pagdating sa financial. Where's Richie?"
"Resigned."
Napaatras siya at nagulat sa sagot ni Karen. "Really? Pero, di ba, partners kayo?"
Tumango lang si Karen pero halata sa mukha nito ang panghihinayang sa nangyari. "Kinuha siya ng global headquarters. Alam mo namang big time opportunity 'yon. Dollars ang salary."
Sa bagay, aniya sa isip. That was a good deal for Richie. Hindi lahat ay nabibigyan ng opportunity to work with the global community.
"Sino na yung in-chief mo?" tanong niya.
"Ayun lang. Freelancer siya."
"What?" Iyan lang ang mababasa sa mukha niya. "Karen, what are you doing?" he said in a very curious yet low-toned voice.
Napakamot tuloy ng ulo si Karen habang pinipilit ngumiti sa mesa nito.
"Let's make it short, darling," dagdag niya. "The bottom line is nag-hire ka ng iresponsable bilang team lead, and you expect everything to be fine. Did I hit the bull's eye?"
Bigla ang pagbuga ng hangin ni Karen at ngumiti na naman nang sobrang pilit sa kanya. Parang batang nakagawa ng kasalanan at umaasang mapapatawad agad kapag idinaan sa ngiti ang lahat.
"Oh dear. You're doing it wrong." Nginitian lang din niya nang pilit si Karen.
"I'm firing my people, GT. Wala akong choice."
"Where's your lead editor?"
"Um . . . home?" kumikibit na sagot ni Karen.
Pumikit siya at ipinaling nang bahagya ang ulo para masigurado kung tama ba ang narinig niya.
Home.
Doon lang ulit siya dumilat at parang may nakitang nakakadiri sa kung saan kaya napangiwi.
"Alam niya 'tong termination and financial issue?" tanong niya habang pinapagpag sa hangin ang kamay. Pinipili ang salita sa hangin, baka lang makuha roon ang sagot.
"Well . . . hindi ko alam. Wala siyang response sa emails. Busy yata sa personal life."
Pilit na ngiti na naman mula sa kanya at saka isang beses na tumango. "Bakit hindi siya ang i-fire mo? Napaka-useful niya rito. Para kang bumili ng electric fan tapos naputulan kayo ng koryente."
"GT, lahat ng junior editor ko, ang bagal ng activities. Yung five editors ko, katumbas na niya. Hindi ko kayang i-give up kasi handpicked siya ni Richie sa position. The rest, hindi talaga nila kaya ang bilis niya para sa mababang rate lang."
Kahit siya, napabuntonghininga na lang din. Tumingin pa siya sa labas, naghanap doon ng isasagot. Nanghihinayang naman siya sa opisina ng DCE kung mawawala.
"Hindi kasi ito masosolusyunan ng short-term investment. Kailangan mo talaga ng tao." Hinimas niya ang baba at nag-isip pa ng solusyon. "Anyway, may project pala ako ngayon. Ni-reject 'to ng Grey Feather kasi ayaw nila ng title. Pinababago nila. Ayokong baguhin, so I guess, I'll release it na lang under Dream Catchers Edition. Pero self published. Ako ang magbabayad sa production para hindi mabigat sa 'yo."
"GT . . . contract."
Tinawanan lang niya nang mahina iyon. "Endo na 'ko next month. Sige, G ako sa editorial project. Pero ngayon lang 'to, ha? For a limited time only." Kinindatan niya si Karen at saka siya tumayo. "Tell Carmela I went here. Hindi ako puwedeng magtagal." Itinuro niya ng kanang hinlalaki ang likuran. "May hahanapin pa kasi ako sa bookstore. Sana makita ko na. Bye, Karen!" Kumaway lang siya rito at dali-daling umalis.
May bagong release ang Lightbooks na libro ngayong araw. Baka lang may maligaw na libro ni Althea Doe sa branch na pupuntahan niya. Kabubukas pa lang naman ng mga mall. Mahahabol pa niya ang truck ng delivery, kung sakali.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top