Chapter 1: The Stalker
He was scanning the shelf for this specific book published by Lightbooks way back in 2013. Nakailang hanap din siya pero wala na talaga siyang makita.
Kanina pa niya napapansin na may grupo ng mga estudyante ang nakatitig sa kanya. Ilang beses niyang nginitian ang mga iyon—hindi yata sanay na may gaya niyang tumatambay sa pop fiction books. Nagpapaluan na ang mga iyon habang nakatingin sa kanya.
Sanay naman na siya sa ganoong eksena, pero hindi iyon ang ipinunta niya sa panlimang bookstore na dinaanan. Wala na ang hinahanap niyang libro. Hindi na tuloy niya alam kung saan pa siya makakahanap niyon.
Sa dami ng librong naroon, kung ano pa ang gusto niyang bilhin, iyon pa ang wala.
He left that shelf at nadatnan na naman ang mga libro niyang nasa bestseller stalls. Kahit saan siya lumingon, nakikita niya ang sariling pseudonym.
Hindi naman sa ikinakahiya niyang writer siya, pero sa panahon kasi kung kailan niya naisipang magsulat, kinailangan talaga niya ng pseudonym para lang hindi malaman ang tunay niyang pagkatao sa likod ng napiling pen name.
Gregory Troye
Humihilera sa mga alamat ng romantic novels ang pangalang iyon sa bansa. Unang labas pa lang ng unang libro niya, hindi niya inaasahang tatangkilikin iyon ng mga mambabasa. Hanggang sa nasundan ng isa, naging tatlo, hanggang umabot na sa twenty-six novels ang nai-publish under sa pangalang iyon.
At kahit hindi niya hiniling, alam niya sa sariling malaki ang utang na loob niya sa pagsusulat.
He just wanted a release. Gusto lang niyang maglabas ng sama ng loob noong umpisa, na malay ba niyang yayaman siya sa paglalabas ng sariling libro.
"Miss, wala na talaga kayo ng kopya ng libro ni Althea Doe?"
Nagmamakaawa na ang tono niya sa babaeng naka-uniform sa customer service.
"Sir, nag-check na po kami ng inventory, na-pull out na po lahat ng copy."
Na-pull out. Again, bigo na naman siya.
"May copy pa kaya online?" nasabi niya habang nakatingin sa kahabaan ng aisle ng NBS sa isang mall sa Novaliches.
"Hawakan mo ang aking kamay . . ."
Napadukot siya sa bulsa ng suot na jeans dahil sa tumatawag.
"Good morning, Carl John speaking."
"GT, hi!"
Inilayo agad niya ang phone sa tainga at sinilip kung sino ang tumatawag.
Karen
Binalikan niya ito at saka siya ngumiti nang malapad habang nilalakad ang palabas ng bookstore.
"Hi, Karen! How are you?"
"Doing good! Anyway, sorry, alam kong busy ka. Alam ko namang ayaw mo nang naaabala kapag walang kailangan sa 'yo."
Alam na alam na agad ng kausap kung ano ang ugali niya. Sinabi naman na niya dati pa sa mga kaibigan na huwag siyang tatawagan o kukumustahin kapag walang kailangan sa kanya. Mauubos kasi ang oras niya kakakausap sa kanila, nawawala siya sa concentration.
"Drop it, darling," sabi niya at nginitian ang guwardiyang nakabantay sa entrance ng bookstore bilang paalam.
"I really need help. My business is unstable right now."
"Manghihiram ng pera?"
"Not really. I could use a loan naman, pero kasi . . . kailangan kong magbawas ng tao. Pero ayokong maapektuhan ang quality ng output namin. You understand me naman, di ba?"
Pinagmamasdan niya ang paligid habang pinakikinggan ang kausap. Nadaanan niya ang mga nasa makeup section ng Ze Beau. Sinusundan siya ng tingin ng mga transgender na makeup artist doon at kinikindatan pa siya habang matipid na kinakawayan.
Ngumiti na lang din siya pabalik at kumaway rin bago ideretso ang tingin.
"Yung lead editorial specialist ko, freelancer lang, and madalas siyang wala sa office. Wala akong makuhang ka-level niya or beyond her skills na kaya ng pasahod namin—"
"Let me guess," putol niya agad sa kausap at itinaas pa ang kanang hintuturo, "editorial job?"
He heard Karen sigh. "Sana."
"Okay, Karen, I have a personal project right now. Gusto ko sanang isingit sa schedule pero—" Natigilan siya sa paglalakad nang makita na naman ang maliit na babaeng nang-agaw sa kanya noon ng libro ni Gregory Troye. May hawak itong chocolate sundae na nasa cone na balot ng tissue at kalalabas lang ng Booksale. Pinalabas siguro dahil bawal ang pagkain doon, pero parang sumilip lang yata, sa tingin niya.
"If hindi avail, GT, okay lang, ha? Nagbabakasakali lang naman. I know you're so busy."
"It's fine, Karen. Siguro, I'll pay a visit na lang sa office n'yo tomorrow. Usap tayo about your company's problem. Baka matulungan kita."
"Oh, thank you so much, GT. I owe you one."
"You're welcome. Anyway, I gotta go. Bye!" At nagpatay na agad siya ng phone at saka sinundan ang babaeng halos ipahiya niya noon, mabili lang nito ang huling kopya ng Young Blood's Debt, ang third published novel niya.
Hindi naman sa may galit siya, but he really thought that she was a minor buying a Rated 18 book. At ayaw niyang nakakakita ng minor na bumibili ng libro niya kaya pinilit niyang agawin ang huling kopya ng libro. Sinabi niyang siya ang bibili niyon dahil minor pa ang kaalitan. He was surprised na pagkatapos niyang dalhin sa customer service ang babaeng akala niya ay minor, malalaman niyang 25 years old na pala ito at mukha lang Grade 9 student. Malay nga ba niya?
Sinundan niya iyon hanggang sa tapat ng Padi's Point bago sumakay ng jeep pa-Philcoa.
♥♥♥
Sampung taon—hindi singhaba ng taon gaya ng sa ibang writer na kasabayan niya sa mga shelf ng MC Room, pero sampung taon na siyang sikat bilang contemporary, romantic-suspense, romantic-drama, at gothic-romance, at erotic writer. At karamihan naman talaga ng readers niya ay puro adults dahil iyon ang target market niya.
"Shit!"
Except for some cases na may naaabutan siyang minor na bumibili ng libro niya sa bookstore.
"Oh my gosh! Hala, nag-iisa na lang!"
He stood there, staring at this girl na naka-T shirt na black, naka-denim shorts, at naka-sandals. Kasabayan niya iyong naghahanap ng libro. Hinahanap niya ang libro ni Althea Doe at malay ba naman niyang bigla itong titili sa tabi niya habang hawak ang isang libro—librong pinanlakihan niya ng mata dahil libro niya iyon.
"Wala na? Nasaan na ang iba?" He grunted at her voice. Boses batang inaagawan ng candy. Pinanood pa niya itong magkalkal ng bookshelf. "Kuya, excuse nga, huwag kang harang."
Napaatras na lang siya at lalong pinanlakihan ng mata ang batang babaeng nag-iisa-isa ng libro sa bookshelf na hinintuan niya.
"Shit, wala na! Hnngg!" Nagpapadyak ito sa kinatatayuan at nagdadabog pa dahil hindi nito nakita ang hinahanap. Ilang saglit pa ay tinitigan na naman nito ang libro na parang nakakuha ng kayamanan. "Sa wakas, mabibili na rin kita."
Pahakbang pa lang ito nang bigla niyang sinakbot ang libro.
"What the fuck?" Bigla siya nitong dinuro—o ang libro ang itinuturo nito. "Hoy!"
"Can't you see? Bawal sa minor 'to?" Ipinakita pa niya ang likuran ng libro at itinuro ang barcode sa ibaba na may nakalagay na Rated-18.
Namaywang ang dalaga at tinaasan siya ng kilay. "Paki ko?"
Oh Lord, bulong niya sa isip. Umiling na lang siya at pumunta sa counter.
"Hoy! Mister, excuse me! Ako ang unang nakakuha niyan!"
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad papuntang counter. Sa ganitong araw at oras pa naman, wala halos tao dahil wala naman gaanong pumupunta ng bookstore sa buwan ng Oktubre.
"Miss, I'll buy this book," sabi niya sa babaeng cashier at inilapag sa counter ang librong may title na Young Blood's Debt ni Gregory Troye.
"Ate, waaait!" Halos lumipad naman ang dalaga sa counter at inagaw ang libro bago pa makuha ng cashier. "Ako ang nauna rito, e!"
"Any problem?" Iyan ang mababasa sa timpla ng mukha at tindig niya. Namaywang lang ang dalaga at pinagtaasan din siya ng mukha habang tinitingala siya.
"Ang kapal mo, 'no? Wala kang magawang maganda, ha?" sabi pa nito.
"You don't talk to me like that, baby girl," sagot niya sa dalagang tinataasan din siya ng kilay.
"Baby girl mo mukha mo." Ibinaling nito ang atensiyon sa cashier. "Ako ang bibili nito, miss." Saka nito ibinagsak ang libro sa counter. "Ako ang naunang nakakuha niyan, ako ang bibili." Masamang tingin ang ipinukol nito sa kanya para maghamon.
"Bawal sa minor ang book," pagpipilit niya.
"So?"
"Ma'am, bawal po talaga sa minor," segunda ng cashier at nginitian nang matipid ang dalaga.
"So?" pag-uulit na naman nito at lalo pang nagmataray.
"In short, bawal sa 'yo," panapos niya at inurong sa tabi niya ang libro para ilayo sa batang babaeng kaaway.
"E, kung sampalin kaya kita, makita mo?"
Hindi siya makapaniwalang sinasagot-sagot lang siya nang ganoon ng isang bata. Parang hindi nito nakikitang nakasuot na nga siya ng blue-and-khaki casual formal attire, naka-eyeglasses pa siya, at halos ipamukha na niya rito ang edad niya, pero nagawa pa siyang sagutin nang pabalang.
"Sino ang parents mo?" Iyon na lang ang naitanong niya at saka namaywang, talo pa ang propesor na nanenermon ng estudyante niya.
"Fuck that."
Dinuro niya ito. "Watch your language, baby girl."
She just smirked and shook her head in dismay. Dumukot ito sa bulsa ng shorts at inilabas ang UMID nito sabay lapag sa counter habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"Miss, pakisabi nga sa lalaking 'to kung paano naging bawal sa akin 'yang libro?" hamon nito habang tinitingnan siya nang sobrang talim.
Hindi nito inalis ang tingin sa kanya kaya hindi rin siya bumitiw sa tingin nito.
"Sino po ang bibili ng libro sa inyo?"
"Ako!" magkasabay nilang sinabi.
"Sir, 25 na po pala si ma'am. Magkasundo na lang po kayo kung sino ang bibili."
"Who's—she?" Itinuro niya ang batang babaeng namamaywang sa kanya at tinataasan siya ng kilay.
Hindi lang naman siya makapaniwala. Malay ba niya?
"Ako na'ng bibili, miss. Nauna ako," sabi nito sabay irap sa kanya.
Hindi na siya nakipagtalo pa. Tinitigan na lang niya nang maigi ang babaeng nasa harapan niya. Mukha kasi talaga itong bata. Ni wala ngang pimple sa makinis na mukha, parang balat ng bata. Mukhang naalagaang mabuti kasi kutis-gatas. Mahaba rin ang deretsong buhok na sobrang taas ng pagkaka-ponytail dahil halos umabot na sa tuktok ng ulo. Kahit ang relo nito, kulay pink din. Maganda nga kung tutuusin, mukha lang talagang spoiled na Grade 9 student.
"Next time, don't meddle with other people's business, ha?" paalala pa nito sa kanya. "Daming alam?"
At saka ito umalis dala ang libro niya.
Hindi na siya nakapalag pa. Hindi lang talaga siya makapaniwalang mangyayari iyon.
Ayos lang sana kung libro ng ibang author ang pinagtatalunan nila . . . pero libro niya?
Binastos siya ng isang punggok dahil sa sarili niyang libro?
The nerve!
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top