Part 8
November 18, 2015
10:33PM
It's official! Weeksarry namen ni Poging Marine. Isang linggo na nakalipas simula nung nag Thank You siya saken dahil sa pagpulot ko ng ballpen niya.
Syempre ako lang nag celebrate mag isa, pero syempre para mapansin niya ako, inulit ko kanina yung nangyari last week.
So naglakad ako sa harap niya at sinadya kong hinulog yung ballpen sa harapan niya. Pinulot naman niya kaagad yon at inabot saken.
Kinalabit pa niya ako kasi lumagpas ako sa kanya.
"Ballpen mo" sabi niya saken sabay smile. Ohmygosh, kanina nakasimangot siya pero nag smile siya para saken.
Nagthankyou rin ako sa kanya at yon ang celebration namen ng weeksarry! Ibang level talaga yung kilig ko kapag nakikita ko lang siya o kahit naaamoy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top