Part 7

November 16,2015
7:01PM

Okay, so my day was okay. Good thing pumasok si Poging Marine kaso kung gaano siya kablooming last wednesday, at kung gaano siya kasarap nung weekend, ayun naman yung kinalungkot niya kanina.

Nakatulala lang siya, literal na nakatulala tapos minsan makakatulog. Tapos magsosoundtrip tapos makakatulog uli.

Gusto ko siyang lapitan kanina para tanunging, "babe okay ka lang?"

Pero syempre diba may hiya pa ako ng konti sa sarili ko kaya hindi ko ginawa.

Pero syempre dahil ibang level na rin yung pagkacrush ko sa kanya, sinundan ko siya after class.

Yung level ng crush ko kasi sa kanya level 2 na.

Level 1 kasi yung pasulyap sulyap.

Level 2 yung susundan ko na siya after class kung saan siya pupunta.

So after nga ng klase, sinundan ko siya kanina pero dumiretso siya ng CR, di sana ako papasok pero narealize kong lalaki pala ako at pwede rin akong pumasok.

Nakita ko siyang naghihilamos sa loob, sabay punas at labas uli. Hindi niya siguro ako kilala, mabuti na rin yon para ma stalk ko siyang mabuti.

Nakita ko ring tumambay siya sa may court mag isa.

Wala ba siyang friends? Bakit mag isa lang siya?

Naupo ako sa may kalayuan sa kanya pero syempre enough pa rin para makita ko siya. Nag tetext ata siya o naglalaro, hindi ko sure.

Nung malelate na ako sa klase ko, umalis na ako at hinayaan ko na siyang mag isa.

Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya at yun ang nakakainis!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top