Part 4
November 11, 2015
8:34PM
OHMYGOSH. MWF pala yung schedule ng english ko so MWF ko kaklase si Poging Marine.
Oh sht. Nagkita na naman kami at this time, nagtagpo mga mata namen ng mga 3 seconds. Siya yung unang tumingin palayo pero ako nakatingin pa rin sa kanya ng mga 4 seconds.
Ang gwapo niya lalo kanina, parang ang ganda ganda ng gising niya. Nakangiti siya kaharap yung phone niya.
Sana nanunuod lang siya ng movie o kaya may sinend na joke tropa niya.
Sana hindi siya nakikipagtext sa jowa niya. Sana single siya.
Nasa harap kasi ako nakaupo, sa 2nd row sa may aisle, tapos siya sa 4th sa kabilang aisle naman.
Nahulog pa yung ballpen niya kanina tapos saktong may dumaan sa bandang ballpen niya kaya nasipa paharap, sakto mismo sa may harap ko.
Agad kong kinuha yung ballpen niya at nung lalapit ako sa kanya, napansin kong tumayo siya at siya na lumapit.
"Thank you" sabi niya saken sabay ngiti. Para akong namesmerize sa kagwapuhan niya. Naamoy ko pa pabango niya, alam kong afficionado yon! Ganon pabango ko dati eh!
Bumalik siya sa upuan niya at ako naman nakatingin pa rin sa kanya ng pasulyap sulyap.
11 number namen. Nung araw na nag thankyou siya saken dahil sa pagkuha ko ng ballpen niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top