Part 22

December 21, 2015
11:13PM

Hinintay ko lang mag 11:11 para mag wish. And eto, kasama ko ngayon mga tropa ni Dom sa kabilang kwarto, dumating na kasi sila at syempre, yung girlfriend na niya kasama niya sa kwarto niya.

So ayon, kahapon ng umaga, si Warren lang yung familiar saken, yung dalawang lalaki hindi, yung girlfriend niya, si Lovely, nakita ko lang pero di niya ako kilala.

Hyper nilang lahat, parang hindi pagod sa byahe! Binati ako ni Lovely kasi matagal na daw niya akong gustong mameet.

Si Warren naman nakipag kamay lang.

Yung dalawa, si Emman at Tyrone. Si Emman, maliit lang siya pero mukhang mabait. Si Tyrone naman yung tropa mong matalino pero baliw.

Si Warren naman yung pogi, pero kapag hindi niya katabi si Dom. Kasi number 1 pa rin saken si Dom.

Kumain kaming lahat sa luto ni Dom, lahat sila sarap na sarap pero si Lovely eh may ibang pagkain, di kasi siya kumakain ng gulay.

Nakwento saken ni Dom na si Warren ang palaging nagpapatawa sa grupo nila, hindi nga siya nagkamali, tawa kami ng tawa sa mga banat niyang yung iba korny.

Nasa taas silang lahat at tinutulungan ko si Dom maghugas.

Mukhang masaya siya nung dumating sila kasi nakita niya yung girlfriend niya.

So, mga alas kwatro, nag iinuman na kami. At syempre, magkatabi sila. Katabi ko si Warren at Emman non habang umiikot ang tagay.

Masarap ang lambanog. First time ko makatikim. Sa sobrang sarap parang tinatamaan na ako. Pero gusto ko pang uminom.

Napansin ko rin na lasing na lahat. Sabi naman kasi ni Dom hindi sila malakas uminom. Kanya kanya na sila ng punta ng CR.

Naiwan kami ni Dom sa inuman.

Naghubad siya ng damit sa harapan ko habang nakatingin saken.

Okay so maganda kung kinekwento ko yung mga sinabi niya saken non pati mga sagot ko.

"Ikaw palagi kitang nahuhuli na nakatingin saken"

"Kasi cute ka eh" oh diba, palaban ng mga sagot ko. Iba rin tama ng lambanog, parang nakakasira ng pagkatao.

"Haha sayang ka, pogi ka pa naman"

"Ayaw mo yon? Pogi sa pogi?" pucha. Pinagsisisihan ko talaga yung mga sinabi kong yan. Nahihiya ako habang sinusulat to

"Haha loko ka. Pero salamat ha?"

"Salamat saan?"

"Kasi crush mo ko"

"Haha paano mo naman nasabi na crush mo ko?"

"So hindi mo ako crush?" aba aba, nagpapacute siya saken nung mga gabing yon para siyang tenge.

"Haha syempre, oo. Crush kita" seryoso kung may time machine ako, sasampalin ko sarili ko para tumigil sa mga sinasabi niya.

"Hehe, atleast may nakakaappreciate saken"

Pero seryoso, parang may something sa sinabi niyang 'yon. Parang may hugot. Pero binawi niya kaagad.

"Lasing na ako, Greg! Lasing ka na ba?"

"Medyo. Kaya ko pa."

"Lumayo ka saken nanghahalik ako kapag lasing haha"

"We? Try nga???" diba? Malandi. Pokpok. Pakarat. Ganyan ako pag lasing.

Tumawa lang siya at kita ko sa kanya na hilong hilo siya at di na niya napigilan na tumumba.

Ako rin naman tumagay lang ng isang malaki at natumba na.

Nagising na lang ako sa amoy ng pritong tuyo. Nagluluto na kasi si Dom at parang bagong gising siya.

Binati niya ako ng GoodMorning at nakipagkwentuhan. Nahihiya akong humarap sa kanya dahil sa mga nasabi ko pero siya kwento lang ng kwento.

Bumaba na rin ang lahat kasi nakaamoy daw ng pagkain.

Si Warren naman nakipagkwentuhan saken sa labas.

Okay, so si Warren eh may pagka pogi kaso kasi kenkoy kaya parang hindi napapansin, alam niyo yung ganon?

So ang sabi niya kung okay lang daw ba na magtabi kami mamaya kasi dala dalawa raw sa kwarto. Naisip ko naman na baka magtabi na si Dom at jowa niya kaya umoo ako.

Iba rin yung tinginan ni Warren, may pagka malagkit na ewan.

So pagdating nga ng gabi eh magkakasama kami sa isang kwarto. Hindi rin daw kaya nung dalawa na magsolo kaya sumama samen.

Syempre si Dom at Lovely magkatabi sa kabilang kwarto. Inaasar pa nilang lahat si Dom sa pagsigaw sa labas ng kwarto pero ako deep inside, selos na selos.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top