Part 21
December 18, 2015
10:09PM
Okay, so eto, magkatabi kami ngayon ni Dom sa kama. Argh nakakainis bakit ang laki ng kama niya!
Edi sana nagsisiksikan kami at no choice kundi magpatungan.
Joke.
Okay, so ganito nangyari kahapon at ngayon, pinakilala niya ako sa Lolo niya. Siya lang kasi yung tao rito.
Napakalaki ng bahay nila, wala OA.
Bali apat yung kwarto sa itaas, tapos lahat may sariling CR. Naglalakihan din mga kama. Pero, ayun lang yung laman. Kama lang. Walang kahit ano.
Yung bintana eh napakaganda ng view, yung Mt. Isarog.
Sabi niya tabi na lang daw kami sa kama pero kung ayoko eh sa sahig daw siya.
Diba parang ang sama ko naman kung ganon gagawin ko. Sabi ko tabi na lang kami.
Inayos lang namen yung bag sa gilid, naglabas siya ng sampayan at nilabas namen mga damit sa bag.
Hindi naman kami nagsayang ng oras at lumabas kaagad kami. Tinanong niya ako kung nauuhaw daw ba ako, syempre sabi ko oo. Gusto ko sana sabihin, uhaw sa kanya eh.
Pero imbis na kumuha ng tubig, umakyat siya ng puno ng niyog.
Shet. Ang cute niya habang umaakyat. Sana naging puno na lang ako.
Pagdating sa tuktok eh naghiwa siya ng mga limang buko. Siya na rin yung naghati non at grabe, fresh buko juice. Fresh BJ galing sakanya. Ang sarap sarap.
Ang gwapo niya rin uminom ng juice. Parang nag sslow mo habang umiinom siya.
Yung natatapon yung juice sa labi niya papunta sa leeg at katawan niya habang nakapikit at umiinom. Oh shet.
Sabi niya rin kung okay lang ba gulay at isda kainin namen, sabi ko naman oo, kahit siya pa kainin ko.
Syempre di ko sinabi yung last na yon.
Kaya kumuha siya ng pangbimwit at pumunta kami sa ilog.
Oh naghubad pa siya ng sando niya! Why!
Malapit lang yung ilog doon sa bahay nila at namingwit siya. May mga isda nga doon! Nakailang huli rin siya.
Tinanong ko kung pwede kong itry kaya inabot niya saken.
Pero palagi kong nabibitawan kapag may nahuhuli ako kaya ang ginawa niya, pumwesto siya sa likod ko at yumakap.
Totoo to!! Hanggang may mahuli kaming isda. Sabi ko pa sana wala kaming mahuli para nakaganon lang kami.
Pero agad agad meron at humigpit hawak niya sa kamay ko hanggang sa makuha ko.
Sobrang nakakaproud na makahuli ako ng isda!
Next naman eh pamimitas namen ng gulay. Literal na pinipitas lang namen yung talong, ampalaya at kalabasa. Nakakatuwa lang kasi sobrang fresh ng mga gulay.
Siya rin nagluto pagbalik at sabi ko sa kanya.
Swerte ng mapapangasawa mo
Ngumiti lang siya saken at sabi "kung merong magtatangka"
Sumagot ako, ako, I Volunteer hahaha sabay sabing joke.
Tumawa lang din siya ng malakas don sa sinabi ko.
Parang ang bilis ng oras don, siguro dahil ang dami nameng ginagawa, nagtatanim din kasi si Dom sa labas tapos nagpapakain ng mga hayop.
Nakakatuwa siyang pagmasdan. Ganyan lang ginawa namen maghapon. Nakatulog ako kaagad kagabi sa pagod at kanina, ganon pa rin ginawa namen.
Pero this time, kumuha na siya ng lambanog sa kapitbahay nila dahil bukas daw ng umaga eh darating na mga tropa niya at girlfriend niya.
Okay. So sinulit ko siya maghapon at sinamahan sa mga ginagawa niya.
Ayoko ng matapos yung oras na kasama ko siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top