Part 20

December 16, 2015
07:01AM

GRABE YUNG BYAHE PAPUNTANG BICOL. ALMOST 12HOURS.

Pero syempre, almost 12 hours din kaming magkatabi ni Dom sa bus.

Kahapon pa kami ng gabi umalis. Mas gusto niya gabi para pag dating daw namen doon, umaga at makakapag gala na kami.

So, nagdala ako ng damit good for a week, laba laba na lang doon.

Pero hindi ko naanticipate yung lamig sa bus!! Sobrang lamig! OA sa lamig. Para kaming nasa iceland, ganon!

Nakapants naman ako at long sleeve na shirt pero hindi pa rin kaya. Si Dom naman may dala dalang jacket. Naaawa siya saken kasi alam niyang nilalamig ako kaya nagdoble na ako ng suot.

Medyo umokay naman na pero malamig pa rin.

Okay so this is the good part. :)))

4Hours nakalipas ng dumating kami sa stopover. Pagbaba namen agad kaming bumama. 11 na kaya malamig na rin sa labas pero hindi kasing lamig sa bus.

Tumatawa siya pero nakalimutan niya raw ipaalala saken na magdala ng jacket.

Binilhan niya ako ng cup noodles para makarecover ng init.

Inalok pa niya yung jacket niya saken. Hinubad na niya kaagad at inabot saken. Kahit alam niyang ayoko, wala na akong nagawa.

So bumalik na kami ng bus at pag upo pa lang namen, nilamig na siya.

Nakakaawa kasi halos yakapin na niya yung katawan niya sa lamig.

Inalok ko yung jacket kaso magagalit daw siya kapag hinubad ko yon. Kaya hindi ko na ginawa. Naglabas na lang siya ng damit para mag doble.

Mukhang okay naman na siya kaya napagpasyahan ko ng matulog.

Nagising ako ng maramdaman kong nakayakap siya saken. Oo!! Nakayakap siya!

Nakalagay sa tenga ko mga bibig niya kaya naririnig ko yung mahinang pag hinga niya. Ramdam ko na nilalamig siya kaya hinayaan ko siya.

Tinakpan ko na yung aircon pero malamig pa rin. Yung ibang pasahero eh nakakumot sa bus, naanticipate talaga nila yung lamig.

Pinasok niya pa yung kamay niya sa loob ng jacket.

Ewan ko kung gising siya o tulog pero ako, parang bato yung nararamdaman ko! Parang ayokong matapos tong araw na 'to na nakayakap siya saken.

Pero panira ang stopover.

Agad ko siyang ginising para bumaba kami. Ako naman bumili sa kanya ng cup noodles at nagkwento siya bigla.

Susunod daw mga tropa niya sa Bicol pati yung girlfriend niya. Tinanong ko siya kung bakit kaming dalawa lang yung umuwi, ang sabi niya.

"Baka maOP ka, gusto ko tayong dalawa lang magkasama"

Oh! Diba? Hindi siya nagpapakilig niyan pero ako kilig na kilig! Pinapaasa na naman niya ako.

 

Palagi raw silang nasa Bicol at first time din daw ng girlfriend niya.

Mabilis lang yung stopover don. Ayaw pa niyang sumakay dahil sa lamig pero sabi niya, yayakap na lang daw siya saken.

Okay. So tulog nga siya kanina at hindi siya aware na nakayakap siya saken. 

Syempre ako umoo lang ako.

Bigla niyang sinabi na.

Tropa tropa lang naman. Baka magalit yung partner mo.

Naintriga ako sa sinabi niya pero ang tinutukoy niya pala si Anthony. Kasi nakita niya raw ako na kasama ko siya pauwi nung isang araw.

Hindi nalang ako sumagot at okay na yung iniisip niya na may jowa at hindi ako patay na patay sa kanya.

Okay eto na yung part 2!!!

Sa bus, gising na siya at nakikinig ng music. Umakbay siya saken kasi nilalamig na siya. Maya maya nakatulog na naman siya at biglang yumakap saken.

Ewan ko talaga kung tulog siya o gising pero ang sarap sa pakiramdam ng yakap niya.

Kahit magulo siya matulog eh okay lang basta ganito lang kaming dalawa.

Ako naman kasi nasa loob ng jacket yung kamay ko. Nakayakap din ako sa sarili ko.

At dahil nga nasa loob ng jacket yung kamay niya, nararamdaman kong hinahawakan niya yung kamay ko!!!

Yes!! HHWRTB.

Holding Hands While Riding The Bus.

Hindi ko alam kung bibigay ko pero naisip kong minsan lang to.

Kaya binuka ko yung mga kamay ko at hinayaan ko siyang hawakan ako sa kamay.

Okay. Malamig pareho kamay namen pero mas malamig sa kanya.

Ang saya.

Hindi ko na napigilan antok ko non at nakatulog na ako.

Nagising lang ako ng sabihin niyang malapit na kami at nakasandal lang ako sa balikat niya non.

Tinanggal niya siguro yun nung gumising siya.

Hindi naman ako naghintay ng matagal at parang 20mins lang, nasa Pili Bicol na kami.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top