Part 19
December 11, 2015
09:01PM
I felt sorry for Anthony. Niyaya niya ako na pumunta sa probinsiya nila sa Davao kaso nagsabi na ako kay Dominique eh. Nagpareserve pa raw siya ng ticket sameng dalawa pero sabi ko icancel na.
Nakita kong nalungkot siya kanina, hindi ko alam kung paano siya pasayahin kaya nilibre ko na lang siya kumain.
After non, magkakasama kami nila Patricia at Jane. Inaasar nila ako kay Anthony.
Sabi nila may gusto raw saken si Anthony pero ayokong maniwala. Parang imposible, hindi naman siya mukhang katulad ko.
Sabi pa nila, palagi raw akong hinahanap ni Anthony sakanila. Puro pang aasar to the point na di na ko makasalita.
Malakas mang asar yung dalawang to.
Huwag na raw akong umasa kay Dom kasi may girlfriend.
Nakita ko na kasi yung girlfriend niya, ang ganda nga. Dyosang dyosa.
Ano ba laban ko.
Pero habang nasa classroom kaming tatlo kanina, biglang pumunta si Anthony. Sabi niya sumama raw ako sa kanya, siguro medyo guilty ako kasi tinanggihan ko siya sa pagsama sa kanya sa probinsiya kaya sumama ako sa kanya.
Laking gulat ko ng isama niya ako sa bahay nila!
Pinakilala niya pa ako sa mama at papa niya. Pakilala niya saken "siya yung palagi kong kinekwento".
Nagtinginan sila na parang kilalang kilala nila ako. Medyo awkward pero masaya kasama pamilya niya lalo na yung bunso niyang kapatid na maliit.
Pinilit din ako ng parents niya na sumama kaso talagang tumanggi ako, nakakahiya rin naman kay Dom kung bigla akong sasama sa kanila. Kaya sabi nila sa summer na lang at umoo ako.
Inakyat ako ni Anthony sa kwarto niya, yes, mayaman sila at kitang kita sa bahay. Malaki rin yung kwarto niya, may mga poster sa gilid na basketball at mga movies.
At okay, eto pinaka nakakagulat sa lahat.
Umamin siya saken!
Umamin siya saken na gusto raw niya ako at matagal na niya akong gusto!
Naalala ko nung nagtransfer ako, may nag asikaso ng mga requirements ko at sabi niya siya raw yon. Saka ko lang naalala na siya nga yon.
Simula non di daw niya ako hinayaang mawala sa paningin niya.
Ang bilis ng pangyayari pero hindi ko alam sasabihin ko sa kanya.
Nandoon pa rin siya nakatingin saken.
Gusto kong tumakbo paalis pero hindi ko magawa.
Pero biglang siyang ngumiti. Ang sabi niya hindi ko naman daw kailangang sumagot. Basta raw gusto niya lang malaman na gusto ko siya.
Matagal tagal din kami sa kwarto niya hanggang sa tawagin kami ng mama niya kasi kakain na daw. Tatanggi sana ako pero pinilit nila ako.
Hinatid pa ako ng Papa niya hanggang sa bahay namen. Sobrang nakakahiya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top