Part 16

December 4, 2015
10:09PM

Feeling brokenhearted pa rin ako pero atleast alam ko na may girlfriend siya.

Pumayag na rin ako sa gusto ni Anthony na sumali sa TIP Voice para malibang ko sarili ko sa mga susunod na araw.

Tuwang tuwa naman si Anthony, pinakilala niya rin ako kanina sa mga students na kasali doon. Pero hindi ko pa rin masink in isa isa yung mga pangalan nila.

Tumambay lang ako kanina sa court, humiga habang pinagmamasdan yung napakalaking fan, nakakahilo yung pag ikot to the point na nakatulog ako.

Nagising lang ako na may nagsasalita sa tabi ko na parang may kakwentuhan. Pagmulat ko, si Anthony pala.

Nagsorry siya kasi may tumawag daw sa kanya.

Nakita raw niya akong natutulog kaya tinabihan niya ako.

Sinamahan niya rin ako kumain non at napansin niya yung kalungkutan ko. Ang sabi ko okay lang ako pero hindi siya naniwala kaya ang ginawa niya pumunta kaming SM Manila.

Pilit niya akong pinapatawa pero wala talaga ako sa mood, puro pilit na tawa lang.

Kaya ang ginawa niya, pumunta siya sa may karaokehan at bigla siyang kumanta. Pinagsigawan pa niya na para raw saken yung kantang 'yon.

Medyo nakakahiya pero wala kasi siya sa tono, kahit yung mga tao tumatawa.

Ako naman natatawa rin kaya sabi ko sa kanya tumigil na at okay na ako. Hindi siya nakinig, tinapos niya pa rin yung pag kanta at nung natapos na sumenyas ako uli ng okay na ako.


Naglakad lakad kami uli at nilibre niya pa akong kumain. So far, nag enjoy naman ako sa ginawa namen.

Hindi na uli kami nakapasok ng last subject namen pareho pero okay lang daw sa kanya. Hinatid niya ako hanggang sa tapat ng dorm ko.

Nagpasalamat ako sa ginawa niyang pagpapasaya saken.

Nagulat pa ako ng niyakap niya ako ng mabilis at saka nagmadaling umalis.

Hindi ko maiwasang mapangiti at sinabi ko sa sarili kong, HUWAG KANG TANGA, HINDI KAYO NI DOM KAYA HUWAG KANG MAG REACT NG GANYAN.

Right Janis?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top