Part 14

December 1, 2015
09:35PM

ETO NA ATA ANG ISA SA PINAKAMASAYA KONG ARAW DITO SA MANILA.

Okay.

Nagsimula siya pag gising ko, actually kagabi pa malakas yung ulan so umasa na kami na sana walang pasok at nagkatotoo nga! Walang pasok sa sobrang lakas ng ulan.

Medyo makalat pa yung bahay dahil hindi ako naglinis kaya nilinis ko muna lahat at napagpasyahan kong bumili ng pagkain sa labas.

Pero omg shet. Alam niyo na next na mangyayari.

Nakita ko si Dom. Ang poging marine babe ko!

Nakaupo sa tapat ng pinto niyo at natutulog. Okay, imbis na gisingin siya, pinagmasdan ko muna siya. Shocks, angel in disguise talaga. Sobrang gwapo.

Pero medyo nakakaawa yung pwesto niya kasi halos maipit na kamay niya siguro dahil nilalamig kaya ginising ko siya.

Ang sabi niya wala raw yung susi niya, naiwan niya sa bag niya don sa bahay ng tropa niya, saktong umuulan at napakalakas kaya hindi siya nakabalik para kunin.

Nagsorry naman ako sa kanya kasi katok daw siya ng katok sa pinto ko kaso dahil sa nakainom ako eh napasarap tulog.

Okay so ganito nangyari, pinatuloy ko siya sa kwarto ko at sinabi kong mamamalengke lang ako. Bumili ako ng pang sinigang na baboy na ulam at pagbalik ko, napaka mouth dropping talaga.

Nasa kwarto ko siya at nag eexercise!!! Nakashort na lang siya, boxer at walang suot na damit. Nagsisitups siya at pawis na pawis na yung abs niya.

Argh ang sarap.

Nagsorry siya kaagad dahil nasanay daw siyang ganito ginagawa sa umaga. Shet, ang hirap magtago ng feelings na nasasarapan ka sa view.

Nag insist siya na siya na raw magluluto at pumayag ako kasi masarap talaga luto niya. Ako naman naglinis muna ng bahay.

Habang kumakain kami, bigla siyang napasigaw. As in yung parang may naalala siyang mahalaga tapos sumigaw siya,

"Birthday mo pala kagabi!! Sorry hindi ako nakapunta!"

Oh okay lang babe, nandito ka naman ngayon.

Sabi ko okay lang pero sabi niya babawi raw siya, meron daw siyang biniling regalo para saken kaso nasa bag din daw niya.

Imagine mo yun. Yung crush mo, may bibigay daw sayo. Ibang level talaga kilig ko non.

Yung halos maipit na itlog ko dahil gusto kong pigilan yung kilig ko. Ganon yung nangyayari saken.

Pagkatapos kumain, siya na rin naghugas.

Nasa sala kami, since wala kaming TV, kanya kanya kaming tingin sa phone namen. Pero ako, siya yung tinitignan ko. Siya yung view ko.

Pero bigla niyang tinanong kung pwede raw siyang makigamit ng PC dahil mabagal daw data niya. Sabi ko mag connect na lang sa wifi kaso sira raw phone niya don kaya pumayag ako.

Nag CR muna ako at habang umiihi ako may naalala ako.

Shet na malagkit!!!!!!

Siya pala yung nasa wallpaper ng PC ko!!!

Hindi pa ako tapos umihi, talagang pinigilan ko at tumakbo ako palapit sakanya pero huli na ang lahat.

Nakatawa siya habang nakatingin sa screen.

Tinignan niya ako at tumawa rin siya saken. Napakagat labi ako sa hiya.

Ang sabi naman niya okay lang daw yon pero leche, hindi okay yon! Nakakahiya!

Parang gusto ko ng magpakain sa lupa dahil sa nangyari! Pero inulit niyang sabihin na okay lang daw.

Sabi pa niya hindi raw ako halata at akala niya raw girlfriend ko si Patricia. Argh nakakainis!!

Napaupo lang ako sa upuan ko at hindi ko na siya pinagmasdan. Sobrang hiyang hiya ako hanggang sa makatulog ako.

Nagising lang ako ng may kumatok sa pinto. Napansin ko ring tulog si Dom kaya lumabas ako.

Friend ni Dom yon, si Warren. Napapansin kong kasama minsan ni Dom to sa school at sa gupit niya, mukha rin siyang marine. Ginising ko kaagad si Dom at agad niyang binati kaibigan niya.

Okay, dala rin ni Warren yung bag ni Dom.

Nagpasalamat din si Dom dahil sa pag stay niya sa kwarto ko pero hindi ko pa rin maiwasang mahiya sa kanya.

Binulungan niya pa ako at sabing " promise okay lang, tropa pa rin tayo ah?"

Shet. Para akong kinilabutan sa bulong niya. Ang hot. Sobrang hot.

Kaya hinayaan ko na siya sa kwarto niya at bumalik na ako sa loob.

Ang bilis ng oras kanina, mag gagabi na at feeling ko may pasok na bukas.

Bumili ako ng softdrinks sa labas at pagbalik ko ng kwarto, nakita ko si Dom na nakatambay sa labas.

Inabutan niya ako ng damit. Kulay white yon na plain. Ang sabi pa niya hindi niya alam kung ano yung prefer kong size kaya ayan na lang daw. Binili raw niya talaga yon para saken.

Seryoso, gusto kong itago yung ngiti ko pero hindi ko magawa. Nakangiti ako ng malaki sa kanya at nagpasalamat.

Ngumiti lang rin siya at bumalik sa kwarto niya.

Yes, isa 'to sa pinakamasayang araw ko sa Manila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top