Part 13

November 30, 2015
09:55PM

YEY HAPPY BIRTHDAY TO ME!

Absent si Dom kanina kaya medyo malungkot ako pero nandiyan naman si Patricia at Jane para pasayahin ako.

Nilibre nila akong kumain sa labas ng lunch at napagpasyahan nameng hindi na pumasok sa last subject namen para mag inom sa dorm.

Masaya kakwentuhan tong dalawang to kasi mga babaeng bakla rin. Kasama nila yung boyfriend nila.

Si Zach, boyfriend ni Patricia, may trabaho na si Zach at medyo matured pero syempre kung kasing ganda ni Patricia jowa mo, dapat gwapo ka rin. Gwapo si Zach at matangkad. Buti na lang hindi ko siya type.

Si Louie naman boyfriend ni Jane. Well, mas maliit ng konti kay Zach, pero gwapo rin at mestiso. Medyo chinito at sobrang clingy kay Jane, palaging nakadikit. Buti na lang din at hindi ko siya type.

Kahit lima kami kanina eh hindi ako naOP.  Ako pa rin ang bida sa usapan, hot topic, tinanong nila ako kung may naging boyfriend ako.

Nagsinungaling ako at sabi ko wala pa pero ang totoo, meron na. Si Joshua, pero ayoko na muna siyang isipin at gusto kong magsaya.

Nagsurprise pa yung dalawa saken ng may ininvite silang lalaki para saken.

Sana nga si Dom na lang eh pero nagulat ako na si Anthony pala ininvite nila!

 
Compare sa suot niya sa school na nerdy at nakabagsak, medyo party peeps datingan niya. Ang cute, may dala dala pa siyang regalo na nakalagay sa paperbag.

Todo kantyawan yung apat saken, natatawa lang si Anthony at ako. Kinausap ako ni Anthoy about sa pagsali ko sa TIP Voice pero hindi pa rin ako makapagdecide.

1 week na lang daw at hindi na sila tatanggap kaya pag isipan ko raw mabuti.

Okay din naman kausap si Anthony, masaya, yung tipong hindi ka niya hahayaan na OP ka o hindi ka magsasalita, parati siyang may tanong.

Kahit lovelife ko interesado siya.

So far, masaya naman yung Birthday ko kahit hindi pumunta si Dom. Though siguro hindi naman niya alam, nabanggit ko yon one time sa kanya nung kumain ako sakanila pero siguro hindi niya natandaan.

Nagpasalamat pa rin ako kay Patricia at Jane sa masayang celebration ko ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top