Part 12

November 28, 2015
12:08PM

Okay, so kaninang umaga, nakita ko si Dom na pababa habang may dalang bola ng basketball and yes, ang sarap pa rin niya.

Nakasuot siya ng jersy shorts at sando na may apelyido niyang Severra sa likod.

Buti na lang nakaayos na ako at nung pababa siya, sinundan ko siya hanggang sa court na hindi naman kalayuan sa dorm.

Although ang ggwapo rin ng iba niyang kalaro tapos yung iba naman slight lang, siya pa rin talaga mapapansin mo, lutang na lutang na kagwapuhan.

Everytime na ngumingiti siya parang magical. Kitang kita naman kasi na talagang masaya siya pati yung mga mata niya.

Bumili ako ng pandesal para kunwari napadaan lang ako sa court at hindi magmukhang nandoon ako para panuorin siya.

Eh kaso sa hindi namang inaasahang pagkakataon, tumalbog yung bola sa ring at papunta saken at sakto rin na si Dom yung naghahabol!

Alam niyo yung moment na may makakasalubong kayo tapos hindi mo alam kung kakanan ka o kakaliwa kaya nagmukha kang tanga na nakatayo lang? Eto yung moment na 'yon.

Habang tumatakbo siya palapit sa bola eh hindi niya ako napansin kaya nung malapit na saken yung bola, halos tumalon siya at nabangga niya ako kaya pareho kaming natumba sa daan.

Humingi naman siya kaagad ng tawad, tinanong pa kung nasaktan ako.

Sht, concern siya saken.

Sabi ko na lang hindi pero leche ang sakit ng likod ko, parang nagasgasan. Mas masakit pa yung gasgas na sugat kesa sa malalim na sugat eh.

Tinayo niya ako at kahit pawisan siya, ang sarap niya pa rin langhapin.

Langhap sarap. Mapapakagat labi ka talaga.

Kinuha niya yung bola at bumalik sa laro.

Pero dinaganan niya ako. Ang dami tuloy pumasok sa isip kong madumi pero syempre, sinarili ko na lang.

Tanghali pa lang, Janis. Sana madagdagan pa yung mangyayari.

+++

10:09PM

SHET!!! KAKASABI KO LANG NA SANA MADAGDAGAN PANGYAYARI EH ETO NGA NADAGDAGAN NGA!!

So kanina dapat mamamalengke ako para magluto naman para sa dinner ng sakto paglabas ko, lumabas din sa kabilang pinto si Babe Dom ko.

Kinamusta niya ako kung okay ako, sabi niya kasi alam niyang nasaktan ako.

Concerned citizen talaga siya.

Hindi pa nakuntento, nung sinabi kong mamamalengke ako, niyaya niya ako sa kwarto niya at sinabing doon na ako kumain!

Lord ang daming pumasok sa isip ko kanina pero kinalma ko kasi kaming dalawa lang doon.

Compare sa kwarto kong malinis, maayos at organize, yung kanya eh medyo makalat. May mga bote ng alak sa gilid, tapos amoy lalaki rin, samantalang ako palaging may air freshener.

Makalat din yung ibang shoes at yung ibang mga damit. Humingi naman siya ng pasensiya sa maduming kwarto.

Pero ang pinakamalinis na part ng kwarto niya eh yung kusina at banyo! As in flawless, organize at maayos.

Nagluto raw siya ng sinigang na baboy at inaasahan daw niya mga tropa niya kaso di sumipot!

Solo lang kami sa kwarto niya habang kumakain. Kwento siya ng kwento anout basketball, siguro akala niya hilig ko rin yon pero oo lang ako ng oo!

Sa totoo lang mabait siya, mabait siya kausap, parang ang bait niyang anak, kapait basta parang mabait siyang tao.

Medyo may pagka badboy lang talaga itsura niya.
 

Gosh, lumabas ako ng kwarto niyang masaya to think na wala kaming ginawa maliban sa kumain at kwentuhan ah! Ang saya!

Sana maulit uli yung mga ganitong moment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top