FINALE NA TALAGA
Halos mabaliw ako sa sinabi ni Luigi.
Pero si loko loko, nagbibiro lang pala! Halos atakihin ako, feeling ko kasi ang ganda ko pero feeling ko lang naman.
Si Luigi kasi kaibigan, mabait na kaibigan, talagang masasabihan mo ng sikreto at hinanakit.
Siya yung tipo na aakalain ng lahat na jowa mo kasi sobrang close pero ang totoo ayaw niyo sa isa't isa bilang mag jowa. Ganyan kami ni Luigi.
Ewan ko ba kung bakit kami yung mas close kesa kay David, si David naman kasi loko loko at palabiro. Si Luigi naman may ganong side pero kapag kaming dalawa lang.
So, kinabukasan, nagbago na lahat. Nagising na naman ako sa amoy ng nilulutong breaksfast. Pagkatingin ko, si Dom, nandoon sa kusina at nagluluto.
Ganitong ganito kami noon kaya napangiti niya kaagad ako pagkakita sa kanya.
Lumapit kaagad siya sabay halik sa pisngi ko.
UMASA AKO SA LABI PROMISE.
Pero hindi pa nga pala kami kaya kailangan ko muna magpa bebe.
"Good Morning" bati niya.
"Ikaw magnanakaw ka talaga! Bigla bigla ka nalang pumapasok ng walang paalam"
"Oo, ninakaw mo nga puso ko eh tapos pinapasok mo pa ko sa buhay mo" sabay kindat,
Leche. Umagang umaga, ganito siya pero gustong gusto ko naman.
Palagi na siyang ganon. Isang linggo siyang ganon saken sa bahay, sa school naman nag iba na rin siya.
Katulad kanina, hinatid niya ako hanggang classroom ko. Nung nakapasok na ako sa loob, pumasok din siya. So nasa harap kaming dalawa.
Imagine nandon din prof ko tapos bigla niya akong hinalikan sa loob.
Halos lahat naghiyawan sa ginawa ni Dom, pati ako nagulat. Hindi ko akalaing kaya niyang gawin yon.
"Sabay tayo mag lunch ah" sabi niya sabay alis. Naiwan akong nakatulala doon, habang naghihiyawan mga classmate ko.
Alam naman ng iba yung tungkol saken pero ngayon sure akong alam na ng lahat!
Pati prof ko, sakto bading din, kilig na kilig.
Feeling ko tuloy sure pass na ako rito.
Simula rin ng nalaman ng lahat na ganito ako, parang naging mas open na ako sa lahat. Hindi lang binabalik ni Dom yung dating kami, nilalabas niya rin kung sino talaga ako.
Ang gaan sa pakiramdam ng wala kang tinatago.
Andoon na ako sa point na gusto ko ng sagutin si Dom uli kaso gusto ko muna na siya yung magtanong.
+
"Nasaan ka?" tawag saken ni Dom.
"Sa klase pa, bakit?"
"Punta ka sa bahay, Birthday ni Papa eh. Nagluto siya para sayo"
"Para saken talaga?"
"Haha oo! Dali, hintayin kita ah!"
So after ng klase ko, dumiretso na ako kina Dom. Pagpasok ko ng bahay jusko, feeling ko ako yung may Birthday!
Sinurprise nila akong lahat, sila ng papa niya at Valentina. Hindi ko rin alam kung para saan yung hiyawan nilang surprise ehh pero natuwa na lang ako.
Niyakap ako ng Papa niya at ni Valentina, syempre si Val, super clingy na naman saken kasi ako raw ang TOTGA niya.
"Greg, sa kwarto tayo. Okay lang?" biglang yaya ni Dom nung marami ng dumadating na bisita, medyo pagabi na rin kasi.
Kaya umakyat kami sa kwarto niya, pagpasok na pagpasok namen niyakap niya ako kaagad.
Hinayaan ko siyang nakayakap saken pero nagulat ako ng naririnig kong umiiyak na siya.
"Uy, para tong sira. Bakit ka umiiyak???" sabi ko.
"Hindi ko alam kung paano ko nagawa yung iwasan ka ng halos dalawang buwan dahil lang sa pang aasar ng ibang tao saken"
Humigpit pa yakap niya. Parang ayaw na niya akong pakawalan.
"Ngayon, wala na akong paki sa sasabihin ng iba. Kahit ano pa yan, Mahal na Mahal kita. Greg"
Pinunasan ko yung luha niya at sabi kong kumalma muna siya kasi hindi siya makapagsalita ng maayos.
Ramdam mo talaga sa iyak ng tao yung sincere, ewan ko ba rito kay Dom, naiiyak tuloy ako!
Pero wala akong sinabi, hahalikan ko sana siya sa labi kaso bigla siyang umayaw.
"Hindi pa tayo uli" sabi niya. Ewan ko kung nag iinarte lang to eh, pero nung nakita ko siyang ngumiti na para bang nang aasar eh tumalikod ako.
"Mahal mo ba ako??"yakap niya naman sa likod ko.
"Oo naman" sagot ko.
"Mahal din kita."
Hinawakan niya kamay ko habang nakayakap siya saken pero ewan ko, miss na miss ko na siya kaya humarap ako sa kanya para halikan.
Pero umiiwas talaga siya.
"Hindi pa nga tayo!" sabi niya pa uli.
"Edi tayo na uli. Sinasagot na kita."
"Nagtanong ba ako?"
HALA!! Feeling ko napahiya ako doon! As in, parang kinain ako ng lupa.
"Haha, tara baba na muna tayo" hawak niya sa kamay ko pero binitawan ko siya.
Nang aasar kasi siya. Tawa pa siya ng tawa!
Argh!!! Inis na inis talaga ako.
Pero pagbaba ko, nagulat uli ako ng part two, part one kasi yung gulat ko kanina.
Lahat ng kamag anak niya nandoon sa may lamesa. Yung Papa niya, si Val, yung Tita niya. Yung Lolo at Lola niya, yung tatlong pinsang babae at dalawang lalaki.
May malaking banner don!
"Greg, Will you be my forever again?"
PUCHA!!
Halos kilabutan ako na ewan, sobrang unexpected.
Naaasar ako sa kanya kanina kaya nauna ako kaya nung nilingon ko siya, nakangiti siya saken tapos may hawak pang bulaklak!
Ano ba to! Ano bang ginawa ko sa buhay para gawin saken to ni Lord?!
"Sorry kung tinanggihan kita kanina. Gusto ko kasi na sa harap ng pamilya ko to itatanong sayo. Para mapakita ko sayo na Mahal na Mahal kita at hinding hindi kita iiwan."
Parang magpopropose siya saken ng mga oras na to. Gosh, ang bata ko pa pero sige go lang.
"Greg, Will you be my forever? And ever?"
Gosh. Ang gwapo niya magpa cute! Tapos naiiyak na ako. Yung mga kamag anak niya sa likod kinikilig. Jusko, ano pa bang gagawin ko.
"Oo naman!!" sigaw ko.
Aba at nagpalakpakan na silang lahat sa likod. Tapos bigla niya na akong hinalikan sa harap nilang lahat!
Dalawa yung naisip ko, umalis sa sobrang hiya. O itutuloy ko to kasi nasasarapan ako.
Kaya doon ako sa nasasarapan, hinalikan ko rin siya ng madiin para ipakita na sobrang miss ko siya.
"Gustong gusto na kitang halikan kanina pa" bulong niya saken.
After ng kissing, lumapit saken Papa niya at niyakap ako.
"Welcome to the family again. Loko loko yan nung iniwan ka niyan kaya mas gusto kong magkasama kayong dalawa" sabi niya saken.
"Thank you rin po, feeling ko tuloy ako yung may birthday"
"Best Birthday gift ka na saken dahil pinapasaya mo anak ko" sabi niya.
"Uhm Pa," sabay singit ni Dom. "Akyat muna kami, may nakalimutan lang kami" sabi ni Dom.
Agad kaming umakyat. Tinatanong ko siya kung ano yung nakalimutan namen.
Pagpasok ng kwarto, ni lock niya na kaagad at binuhat na niya ako papunta sa kama. Naghubad kaagad siya at hinubaran na niya ako.
Habang nasa kalagitnaan kami ng halikan bigla siyang tumigil.
"Mahal mo pa rin ako bukas?" tanong niya saken.
"Oo naman! Mahal na Mahal"
"Mahal na Mahal din kita"
At alam niyo na next na nangyari.
+++
Nakapatong ako sa kanya habang pinaglalaruan ko yung mga bigote niya.
"May sasabihin pala ako sayo" bigla niyang sabi.
"Ano??"
"Promise mo muna na hindi ka magagalit"
"Magagalit ako. Ano yon?"
"Haha, promise ka muna."
"Oh, promise. Dali. Ano na?"
"Haha. Wait wait." tumayo siya kahit nakahubad pa. May kinuha siya sa cabinet niya tapos humarap siya habang nakalagay yung kamay niya sa likod.
"Anong gusto mo? Etong nasa harap o nasa likod" sabay niya sabay nguso sa ano niya.
"BOTH! At the same time!"
"Hahaha naughty ka talaga. Pero eto, huwag ka magalit please?"
Lumapit siya sabay abot saken ng libro.
Nagkaroon pa ako ng gulat part three.
YUNG TATLONG DIARY KO NA SAKANYA!!
"BAKIT NASAYO TO?!"
"Sabi ko huwag ka magagalit eh"
"Hindi ako galit. Paano mo nakuha to?"
"Haha kinuha ko yan sayo haha. Sorry, tawang tawa kasi ako sa mga sinusulat mo lalo na nung transferee ka haha. Inlove na inlove ka saken"
SHET!!!! YUNG KAHARUTAN KO NON!
Hiyang hiya ako promise pero natatawa na naman si Dom.
"Hahaha huwag ka ng mahiya, nakita ko naman na lahat ng iyo eh. Okay na yan na alam ko na mahal na mahal mo ko talaga hahaha"
"Tse!! Hanap ako ng hanap sa mga to eh tapos nasayo lang pala!"
"Haha sorry na. Hehe, tara babawi ako sayo" hinalikan niya ako pero naaalala ko pa rin mga sinulat ko sa about sa kanya kaya nahihiya ako.
"Pero sa totoo lang, kinikilig ako habang binabasa yan. Ramdam ko kasi yung kilig mo hehe" bigla niyang bawi.
"Nakakahiya pa rin...."
"Sooner or later, malalaman ko rin yan. Baka next year, magpakasal na tayo edi malalaman ko talaga yan"
"Pakasal kaagad?!" kinikilig ako sa topic namen.
"Ayaw mo ba?"
"Gusto ko naman kaso gusto ko stable na lahat."
"Sige, ipon muna tayo tapos saka ko magpopropose tayo papakasal na hehe"
"Paano kapag gusto mo ng baby?"
"Gusto ko lang ng aso. Okay na sayo?"
"Okay na okay!"
"Haha good. Pero try ko pa rin na iputook sa loob, baka makabuo"
"Hoy!!! Tigilan mo nga yan haha"
"Haha, alam na ng pamilya ko ah. Wala na akong paki sa sasabihin ng iba. Ikaw talaga mahal ko kaya sana bumalik na tayo sa dating tayo"
"Oo naman po. Hehe. I love you"
"I love you too. Sososososososososo much!!"
++
Nag aalarm phone ko kaya ako nagising.
September 15 na!!
Agad kong nilabas yung briefcase na bigay ni Sir Julian. Hawak ko na rin yung susi. Kinakabahan pa ako kasi mamaya biglang sumabog.
Pero pagpasok ko ng susi sa padlock, bumukas yung pinto ng bahay at dumating si Dom.
May hawak din siyang briefcase katulad nung hawak ko!
"Paano ka nagkaroon ng ganyan?" tanong ko.
"Bigay lang ni Sir Matteo mo, bakit meron ka rin?"
"Bigay ni Sir Julian to, bakit ka pumunta rito dala yan?"
"Sabi kasi ni Sir Matteo, dalhin ko raw to sa dorm mo ng September 15"
"Sabi naman ni Sir Julian, buksan ko to ngayong araw."
"Ang weird"
"Oo nga."
Nilapit niya yung kanya sa may briefcase ko, tapos sabay nameng binuksan.
May nakalagay doon na libro.
Walang nakasulat pero medyo makapal yung libro.
Parehas din nung kay Dom.,
Pero sa dulo, may nakasulat.
"Maraming Salamat sa lahat. Pirmahan niyo lang sa ilalim gamit yung ballpen sa briefcase tapos babalik na lahat ng alaala niyo.
Maraming Maraming Salamat, Greg. Malaking malaki ang utang na loob namen sainyo."
Sinilip ko yung kay Dom, parehas din nakasulat sa kanya.
Wala naman sigurong mawawala kung pipirmahan namen to.
Kaya sabay nameng pinirmahan yung libro.
At bigla akong natulala.
Pumasok sa isip ko lahat ng ginawa ko noon.
Sinakripisyo namen ni Dom yung gift namen para mailigtas si Luigi.
Kaya pala sobrang bait saken ni Luigi kasi nakita kong ako yung bumuhay sa kanya.
Matagal ko na ring karelasyon si Dom.
Kitang kita ko lahat.
Pati yung battle of the gifted kung saan ako ang nanalo at si Dom naman ang pangalawa.
Ngayon alam ko na kung bakit mabait saken sina Sir Julian at Matteo.
Kami ang nagpasimula ng lahat. Kami ang nagpasimula ng mundo ng mga gifted.
THE END.
+++++++++++++++++++++++
OKAY SO MAY PAG CROSS OVER DIBA? AHAHAHA.
THANK YOU SA LAHAT NG NAGBASA.
SA MGA MAY AYAW NUNG FANTASY PART, ISIPIN NIYO NA LANG NATAPOS YUNG STORY SA BINIGAY NI DOM YUNG DIARY NI GREG HAHHA.
Medyo bibitin ko lang kayo ah? Kasi may binabasa akong libro ehhh, baka next week na ako mag update haha at may pasok na kaya slow updates na uli.
Feel free to message me on twitter about sa FINALE hahaha. TWEET ME @itsnipo !!! Thank youuu!! 😊😊😊😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top