FINALE
January 11, 2016
11:11PM
OH, THANK YOU POONG NAZARENO!!!
Okay so, Janis! Long time no sulat, I'm sorry, ang dami lang tumatakbo sa isip ko pero this time nasagot na lahat.
So ayun nga, di'ba iniiwasan ko si Dom for the past few days? And guess what? Napapansin niya yon!
Nung tuesday, nagmadali akong pumasok ng kwarto galing school pero agad naman kumatok si Dom sa pinto ko.
"Nakita kitang pumasok oy, buksan mo 'to!" tandang tanda ko pa yang sinabi niyang yan pero di ko pa rin siya pinapansin.
Then the next day, halos sabay kaming papasok ng gate, alam kong nakita niya ako kaya nagmadali ako, napansin ko rin na nagmadali siya para kausapin ako pero ni lock ko pa rin yung pinto.
The other day, papasok na ako ng school pero nakita ko siyang nakatambay sa labas ng kwarto ko. Talagang inaabangan niya ako. Since magkaklase kami sa first subject, wala akong kawala.
So tinawagan ko si Anthony kung nasa school na kasi magpapasundo ako at sabi niyang oo, buti na lang.
Nakasilip ako sa bintana para makita ang nangyayari, nandon na kasi si Anthony, kinakausap si Dom.
Saka ako lumabas. Kunwari di ko alam na nandon si Dom sabi ko pa, "uy bakit di ka pa umaalis?" tapos tinignan niya ako na parang ewan.
Di ko na hinintay yung sinagot niya at hinila ko na si Anthony. Humingi naman ako ng pasensiya sa kanya pero ang sabi niya lang "kahit ano basta para sa'yo"
Hays. Ang sama ko. Feeling ko ginamit ko si Anthony nung mga oras na 'yon.
Tapos kinabukasan uli, nakaabang pa rin si Dom sa labas. Hindi ko naman siya forever dapat isnobin diba kaya hinarap ko na siya.
Tuwang tuwa pa siya nung nakita niya ako.
Kinamusta niya ako sabi ko okay lang. Bakit ko raw siya iniiwasan, sabi ko naman busy lang ako.
Bigla siyang nag open up na break na sila officially ni Lovely.
Siguro, kaya gusto niya akong makausap para may paglabasan siya ng sama ng loob. Kinomfort ko naman siya non pero sabi niya okay lang daw siya.
Nagpabebe lang ako sa kanya ng mga ilang araw pero ngayon, bati na kami.
So, dumating na yung araw ng Nazareno, pero bago yon, natulog kina Dom si Warren kasi deboto talaga sila. Ako naman gusto ko sumama kasi napapanuod ko sa balita 'to, gusto ko masubukan.
Naging okay naman yung experience ko, grabe pala talaga yung tao, parang dagat ng tao sa dami pero ang nakakatuwa, lahat passionate at talagang may paniniwala.
Feel ko magiging deboto na ko ng Nazareno.
So ayon, di ko pa nakwento na bago kami umalis nung araw na yon, inulit na naman ni Warren yung ginawa niya. This time, verbal at action na.
Sabi niya ramdam niya raw kung ano ako at di niya raw sasabihin kay Dom yung gagawin namen. Papasayahin niya raw ako, di niya raw bibiglain.
Nung una kasi tinawanan ko lang pero after namen magdevote kay Nazareno, nung nasa bahay na ako, tinanong niya ako kung okay ako. Kung game daw ako.
Siguro wala talaga akong man instinct kasi imbis na sapakin ko siya at bugbugin eh naiyak ako kasi sobrang naoffend ako. Napaka sensitive ko pala.
So again, tinulak ko siya at minura (sorry Lord) sabay takbo sa kwarto ko at umiiyak.
Naisip ko na naman na kung hindi sinabi ni Dom kay Warren yung tungkol saken, hindi ganon itatrato saken ni Warren.
Parang nanghihina akong gumalaw.
Babaeng babae diba.
Kinabukasan na ako nagising at eto na!
Eto na ang ultimate sagot sa mga katanungan ko at kalandian ko.
Kalma lang kayo kasi ako 2 hours muna kumalma bago isulat 'to.
Okay, so monday, magkaklase kami uli ni Dom. Again, suplado, di pinapansin, nagmamaganda, ganon peg ko kanina.
Nung matapos yung subject agad niya akong kinompronta sa tapat ng room.
May problema ka ba? Tanong niya saken. Sagot ko naman wala. Pero mapilit siya to the point na kahit naglalakad ako palayo, sumusunod siya at nangungulit.
Nung mapadpad kami sa konti lang yung tao, eto na....
Uy, bakit ka ba hindi namamansin? Parang sira naman to! Ayan sabi niya saken.
Kaya sinabi ko naman yung ginawa ni Warren saken at sabi ko pa na sana hindi niya sinabi kay Warren yung tungkol saken.
Okay, ganito yung usapan namen.
"Wala akong sinasabi sa kanya! Para kang sira ganon ba ko?"
"Eh paano niya nalaman? Bakit binabastos niya ako?"
"Wala akong kinalaman don, Greg. Umayos ka nga"
"Oh, nagagalit lang naman ako sa sarili ko kasi di ko kayang pagtanggol sarili ko sa mga taong katulad ni Warren, ayon lang. Kaya wala ako sa mood makipagusap"
"Oh bakit kailangan mo ko idamay?"
Take note, para kaming mag jowang nag aaway ah.
"Kaibigan mo kaya yon!"
"Oh? Kailangan damay ako? May ginawa ba ako sa'yo?"
"Wala."
"Oh wala naman pala! Huwag ka ngang bata! Malaki ka na! Kayanin mong ipagtanggol sarili mo!"
"Sige next time, kapag inulit ni Warren alam ko na gagawin ko" sarcastic voice.
"Kung di mo kaya nandito lang naman ako! Ako magtatanggol sa'yo!"
Alam niyo yung sa movies, yung biglang babanat ng nakakakilig yung bida tapos biglang magsslowmo, naka focus sa mga bida yung camera tapos may background music na maganda.
Ganitong ganito yung nangyari nung sinabi niya yon.
Feel ko, 1 hour ko siyang tinitigan sa sobrang bagal ng oras.
"Sigurado kang hindi mo sinabi kay Warren?"
"Bakit ko sasabihin? Kilala ko 'yong mokong na 'yon! Fvckboi yon! At kung sinabi ko yon, talagang gagawin non lahat para makuha ka!"
"Sure ka?"
"Oo nga! Promise, never kong ipagkakalat yan"
"Promise?"
"Oo nga!"
"Promise uli??"
Paulit ulit kaming ganyan. Kinukulit ko siya pero....
"Promise?" tanong ko uli.
"Oo nga."
"Promise?"
"Oo nga! Gusto ko saken ka lang!"
....
...
...
...
Habang sinusulat ko 'to, huminto rin ako kasi naalala ko kung paano niya sinabi saken yon.
Akala ko mali lang ako ng pagkakarinig pero totoo. Ganon yung sinabi niya.
Pagkatapos niyang sabihin yon, umalis siya. Tumakbo.
Iniwan niya ako don pero alam ko kung ano yung narinig ko.
Paguwi ko kanina, nasa tapat siya ng pinto, nakaupo, naghihintay.
Okay, wala akong kawala.
Tumayo siya.
Magkatapatan kami.
Tahimik.
Binuksan ko yung pinto at pinapasok ko siya.
Tahimik uli.
May awkwardness talaga.
Pero bigla siyang nagsalita.
"Sorry sa nasabi ko kanina"
"Bakit?"
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"Hindi ka ba galit?"
"Bakit ako magagalit?"
"Na sinabi ko yon"
"Na ano?"
"Na gusto ko saken ka lang"
Wait. Parang kinakain yung tyan ko sa kaba.
"Kung nanttrip ka, talagang magagalit ako!"
"Hindi ako nanttrip. Totoo yon."
Sht. Eto na yung moment talaga!
"Di ko rin alam pero kakaiba nararamdaman ko eh."
"Ano ba nararamdaman mo?" tanong ko.
"Na ano..."
"Ano?"
"Na ano... Basta."
"Ano nga?"
"Basta."
"Hala, ano nga?"
"Na parang ano..."
"Parang??"
"Parang..."
"Para kang timang!"
"Parang gusto kita!"
Huli na para itago yung ngiti ko sa mga labi. Grabe yung kilig na nararamdaman ko!
"Hindi ko rin mapaliwanag. Ewan ko. Tinatanong ko sarili ko kung bakla ba ako pero.... Ewan."
Hindi pa rin ako makapagsalita. Paano ka makakapagsalita? Hello, super duper crush mo yon.
"Uy, wala ka bang sasabihin???" sabi niya.
"Wala."
"Wala?"
"Wala."
"Ano? Busted na ako kaagad?"
Promise. Hindi ko mapigilab kilig ko. Nakakahiya sa kanya, baka isipin niya na patay na patay ako sakanya, which is true naman.
"Busted ka diyan. Nanligaw ka na ba??" biro ko.
"Pwede ba akong manligaw?"
Hoy!!! Biniro ko lang siya pero ganyan sagot niya. Seryoso, sobrang seryoso siya. Walang halong biro sa mga mukha niya.
"Ahhh...."
"Ahhh.... Yes? No?"
"Ewan ko."
"Sabi mo crush mo ko." sabi niya sabay ngiti.
"Hoy!!!"
"Hehe sorry. Sige, huwag na lang."
"Uy to naman nag iisip pa ako"
Teka, parang pamigay ko sa part na yon?
"So pwede akong manligaw?" tanong niya uli.
Umoo lang ako habang nakangiti.
Ngumiti rin siya saken sabay tumayo siya para tumabi saken.
Nakaharap kami pareho sa maliit na table sa harap namen.
"Sooooo...." sabi niya.
"So, ano?"
"Soo.. Pwede ba kitang halikan?"
"Halikan? Grabe ka hindi pa nga tayo!"
"Uhm. Hawakan kamay???"
"Bawal pa."
"Akbayan?"
"Uhm... Sige." sagot ko.
Hala, siguro kung kaharap ko sarili ko ngayon baka nasampal ko self ko sa kalandian.
Ayon nga umakbay siya saken ng dahan dahan.
"Okay lang???" tanong niya.
"Oo."
Seryoso, nakaganon lang kaming dalawa ng napakatagal na oras.
Sabi ko sa kanya umuwi na siya kasi gabi na. Oh diba ang landi. So ayun, lumabas na siya at eto ako, sinusulat ang napakasayang pangyayaring yon.
END OF BOOK 1
Ang bilis lang di'ba???? Haha abangan niyo yung book 2. Mga isang bagsakan lang uli, haha!
PS: VOTES AND COMMENTS NAMAN OH. KADA CHAPTER HAHA REGALO NIYO NA SA AUTHOR HAHA MWA! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top