BOOK 3 - Part 9
Ang daming nagbago after nung gabi na magkausap kami ni Dom.
Magkikita man kami sa school pero magngingitian lang. Magtetext pa rin siya ng good morning at good night, minsan nag I I love you pa. Pero, ramdam mo na napipilitan lang.
Walang gabi na hindi ako umiyak kakaisip kay Dom at sa kung anong nangyari samen.
Palagi kong binabalik yung mga araw, iniisip ko kung may mali ba akong nagawa para makagawa ako ng paraan para maayos yon pero ang ginawa ko lang naman eh mahalin siya at alam kong hinding hindi magiging mali yon.
Kahit sila Patricia at Jane, nag aalala na saken. Hindi ko lang kayang pag usapan sa ngayon 'to kaya umiiwas ako.
Kahit si Anthony na palagi akong kinukulit, wala rin akong masagot. Halos umiiwas na rin ako sa lahat.
Pero pag uwi ko ng dorm, nakabukas yung pinto. Naexcite ako kasi baka si Dom to, tapos makikipag ayos siya saken kaso hindi. Laking gulat ko ng makita ko si Sir Julian!
"Hindi ako magnanakaw. Hehe." agad niyang sabi nung nakita ko siyang naglilibot sa dorm ko.
"Bakit po kayo nandito??"
Pero imbis na sagutin yung tanong ko, lumapit siya saken sabay yakap.
"Magang maga yung mata mo." sabi niya.
"Hehe. Wala po to. Okay lang ako hehe."
"Maniwala ka saken, magiging okay din lahat. Pangako."
Hindi ko alam kung alam niya sitwasyon ko pero parang may assurance sa boses niya na parang magiging okay nga ang lahat.
"Bakit po pala kayo nandito?" tanong ko.
"Wala naman, may bibigay sana ako sa'yo kaso parang wrong timing ako hehe."
"Nako, sige po. Ano po ba yon?"
"Hmmm... Mapagkakatiwalaan ba kita?"
"Tungkol po ba saan?"
"Bibigay ko sayo to" may inabot siya sakeng briefcase. Nakalock yon tapos inabot niya rin yung susi.
"Ano po ba to?" tanong ko.
"Aalis kasi ako at si Matteo, baka 2 months kaming mawawala. Ehhh I need you to open that before September 15."
"Bakit hindi pa ngayon?"
"Actually pwede naman, kaso I'm putting all my trust sa'yo na hindi mo bubuksan yan before Sept. 15."
Napaka weird naman pero chineck ko yung date, August 3 na. Halos isang buwan din akong matetemp na buksan 'to pero kakayanin ko.
"Kaya mo??" tanong niya.
"Opo hehe. Basta wala pong drugs or kahit ano to ah??"
"Hahaha nabasa ko na sa isip mo na sasabihin mo yan pero natawa pa rin ako haha"
"Eh kasi mahirap na po. Uso pa naman ngayon, alam niyo na kahit sino na lang."
"Haha. Oo I understand. Trust me, okay? Basta walang masamang bagay diyan"
Inalog alog ko, mukhang wala naman talaga.
"Paano ba yan? Mauuna na ako. Ayan lang naman pinunta ko rito" sabi niya sabay tapik sa balikat ko.
"Sige po"
Umalis din kaagad si Sir Julian at naiwan na naman ako sa kwarto ko.
++++
Ewan ko, napagod siguro ako kakaiyak. Yung tipong okay na ako. Mahal ko si Dom pero hindi na ako iiyak. Parang ganon.
Hindi naman ako nangaasar pero palagi kaming magkasama ni Luigi lately, nagpopost pa kami ng pictures sa FB at IG, pero nagagalit si Dom. Gusto raw niya makipag usap saken.
So, after ng class uli, nagkita kami sa dorm.
Pagkapasok niya sa dorm ko, nilock niya kaagad yung pinto tapos niyakap ako ng mahigpit. Ang higpit ng yakap niya na parang miss na miss niya talaga ako.
Ako naman, niyakap ko rin siya ng mahigpit kasi miss na miss ko na rin siya.
"Pinagpalit mo na ba ako??" malungkot niyang tanong.
"Hindi.... Bakit kita pagpapalit?"
"Bakit hindi mo na ako kinakausap???"
"Napagod lang akong maghabol."
"Gusto mo na bang makipagbalikan saken?"
Bakit bigla siyang naging ganito. Hindi naman sa nag iinarte pero hindi naman ganon kadali lahat ng yon.
"Sabi mo nahihiya ka na...." hindi niya pinatapos sinasabi ko, sumingit kaagad siya.
"Nung una lang yon. Maniwala ka, nailang lang ako kasi nag iba yung paligid ko, alam ng iba kong tropa sa Marine na tayong dalawa, pero ngayong lumipat ako, nanibago lang ako."
Naiiyak siya habang nagkekwento.
Inasar ko pa siya.
"Nanliligaw si Luigi saken eh." sabi ko sa kanya. Akala ko magagalit siya pero umiyak siya! Nakayakap saken habang paluhod na!
"Huwag, Greg! Sorry sa nagawa ko!! Mahal kita. Please. Please."
Ang sama ko ba kung parang gusto ko pa siyang asarin? Kasi parang ngayon lang ako makakaganti sa panahong iyak ako ng iyak eh.
"Pinag iisipan ko nga kung sasagutin ko siya sa Birthday niya eh. Magandang Birthday gift yon"
Aba, mas umiyak si loko. Nakaluhod na talaga siya at nakayakap sa mga binti ko.
Naawa ako, hindi ko naman ginusto na umiyak siya ng ganon. Kailangan ko ring maging mature sa sitwasyon kaya pinatayo ko siya.
Naupo kaming dalawa sa kama saka ko pinunasan luha niya.
"Nasaktan mo ko nung nakipag cool off ka, alam mo ba yon?" sabi ko.
"Alam ko. Palagi kitang pimupuntahan sa room mo. Sinusubukan ko lang kung kaya ko, pero hindi eh. Ikaw talaga mahal ko, Greg. Maniwala ka. Wala akong iba!"
"Sabi mo non, na fall out of love ka saken?"
"Hindi ko maexplain! Parang nasanay ako na nandiyan ka. Siguro, kaya parang tinake kita for granted kasi alam kong babalik at babalik ka pero lately, nasasaktan na ako..."
"So inaamin mo na sinusubukan mo na tine take mo ko for granted?"
"HINDI! ARGH! ano ba to! Basta ang alam ko lang, Mahal na Mahal kita. Kaya ko ng ipagsigawan sa buong campus, kahit sa social media, kahit sa mundo na ikaw mahal ko. Maniwala ka. Bukas na bukas lang. Please?"
Deep inside, gusto ko! Gustong gusto. Gusto ko na nga siyang halikan eh. Pero kumalma muna ako.
"Ayoko, Dom. Gusto ko makita na Mahal mo talaga ako..."
"Liligawan kita uli, araw araw, hanggang sa sagutin mo ko uli. Katulad ng dati, kaya ko. Kahit huwag mo na muna ako sagutin, okay lang, basta gusto ko ibalik yung dati."
"Deal. Pero this time, hard to get na ako, lalo" sabi ko sa kanya.
"Kahit ano pa yan, tatanggapin ko!"
Napalitan na ng ngiti yung mukha niya, nilalapit niya mukha niya para halikan ako pero agad kong hinarang daliri ko.
"Tayo ba? Nanliligaw ka pa lang diba? Bakit mo ko hahalikan?" sabi ko.
"Oo nga pala hehe. Yakap?"
"Niyayakap mo ba nililigawan mo? No. Dapat nga sa labas ka, wala ka sa loob ng kwarto ko" sabi ko.
"Hala, seryoso???"
"Mukha ba akong nagbibiro???"
Nagtitigan kami. Patigasan. Kung sino unang kumarap talo.
Pero siya nung natalo, kaya lumabas siya ng bahay tapos sa screen lang kami nag uusap.
"Magpapaligaw ka pa rin ba sa Luigi na yon?" tanong niya.
"Oo. Ehhh tumatanggap naman ako ng manliligaw. Bakit naman hindi?"
"Hays. May kakompetensya pala ako"
"Galingan mo na lang" sabi ko sa kanya.
"Mahal kita."
Oh, parang magic word na biglang nagpangiti saken.
"Mahal din kita, pero paghirapan mo muna ako" sabi ko sabay kindat.
Alam kong natuwa siya sa sinabi ko, eto lang naman din kasi gusto ko, magkaayos kaming dalawa.
Agad ko namang tinawagan si Luigi tungkol sa nangyari. Sabi naman niya pupunta siya sa dorm ko ngayon.
Halos 8 na ng gabi siya nakarating, may dala pa siyang pagkain.
"Binenta mo pa ako sa kanya!" sabi niya nung kinwento ko nangyari.
"Hahaha sorry na!"
"Hey, di mo pa rin ba chinecheck yang bigay ni Dad?" sabi niya sabay turo sa briefcase na binigay ni Sir Julian 3 weeks ago.
"Malapit naman na mag Sept 15, hintayin ko na lang."
"Haha nagkataon talaga sa Birthday ko no?"
"Oo nga no? Hahaha."
"May idea nga ako kung ano yan eh pero hindi ko sure."
"Sabihin mo na saken, dali na."
"Hahaha, basta papel lang yan sigurado lol yung nakasulat don ang mahalaga"
"Tskkk, sige! Maghintay na lang ako!"
"Oy loko ka. Mamaya sugurin ako ni Dom kasi sabi mo manliligaw ako"
"Haha, ikaw kasi ehhh, masyado kang clingy lately"
"Nakakainis ka rin eh, pinangunahan mo rin ako"
"Ano?"
"Eh balak nga kitang ligawan eh. Seryoso."
Halos maluwa ko kinakain ko, nung tinignan ko pa siya, seryoso siya.
"Single ka naman diba? Tsaka sabi mo naman liligawan ka ni Dom. Edi sabay na lang kaming manligaw sayo"
Shocks. Seryoso nga siya!!! Hindi ako makasalita. Gusto kong kumagat ng pizza kaso nakatingin pa rin ako sa kanya.
"Ano Greg? Ligawan kita? Tayo na lang, hindi kita sasaktan!"
+++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!😊
FINALE NA NEXT CHAP HEHEHE!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top