BOOK 3 - Part 8

Nagbago lahat simula nung naging okay si Dom at yung papa niya. Umalis na si Dom sa dorm niya para sumama sa Papa niya, kasama si Valentina.


Namatay din pala yung kinakasama ng Papa niya kaya mag isa na lang din siya. Ang huling hiling naman daw nung babae eh balikan yung mga anak niya.


Mag isa na lang ako palagi sa dorm pero okay naman, masaya naman si Dom at kitang kita ko yon palagi kapag tumatambay siya ng dorm galing school.



Pero lately, kami ni David magkasama. Lumipat din pala siya sa school namen at halos magkaklase rin kami sa lahat. Medyo nagseselos nga si Dom eh pero syempre kapag sinabi niyang huwag ako sumama, hindi ako sasama.





Ngayon, nasa dorm ko kaming dalawa ni Dom. Nag aaral kasi malapit na midterms ng biglang dumating si David at Luigi na may dalang pagkain.
 



"Nag aaral kami mga pre. Sa susunod niyo na guluhin si Greg" maangas na sabi ni Dom.




"Sure ka ba talaga rito kay Dom, pre? Parang konti na lang gusto ko ng sapakin eh!" sabi ni David kay Luigi.




"Anong sabi mo?!" ayan, nagalit na si Dom. Pero agad akong umawat sa kanila.




"Pasensiya na Greg. Kwentuhan na lang tayo sa school bukas ah. Medyo wala rin sa mood tong si David eh!"




Umalis na silang dalawa! Hindi man lang iniwan yung pagkain, kainis.

 


"Bakit ba kasi naging kaibigan mo yan si David?!" inis na sabi niya saken.




"Galit ka lang ata kasi sila ni Lovely ngayon eh, yung ex mo"




"Hala, ano naman kung sila ni Lovely, eh tayong dalawa naman?" instant kilig diba?




"Tse! Mabait naman si David. At saka sabi ko naman sa'yo, kaibigan lang tingin ko don. Mas malaki kaya sayo hahhaha" biro ko pa.




Oo, nakwento ko rin kasi yung nakita ko. Isang araw niya rin akong di pinansin non pero ngayon okay na kami.




"Aba, dapat lang!" sabay yakap saken at halik.




Sa halos araw araw na session namen ni Dom, hindi pa rin ako nagsasawa at lalo na ngayon na feeling ko may mangyayari na naman. ☺☺




++++



Eto na yung isa sa pinaka kinatatakutan kong mangyari.




Pinuntahan ko si Dom sa room niya kanina at hinintay kong makalabas. Kasi after nameng mag review sa dorm non, parang 3 days kaming hindi nakapagkita, exams kasi tapos ako inaayos ko pa yung school paper.





Kaya nung paglabas niya ng room, niyakap ko siya kaagad. Parang wala akong nakikita na ibang tao, basta niyakap ko siya.




Agad niya namang tinanggal yung pagkakayakap saken, at inakbayan ako papunta ng canteen.




Ewan ko ba, kasi may mood talaga ako na gusto ko siyang nilalambing. As in, yung haharutin ko siya tapos minsan hahalikan ko bigla sa cheeks.




Minsan, hahawakan ko na lang bigla yung kamay niya, nakikisabay naman siya sa trip ko.


 
Pero ngayon, parang iritable siya. Siguro may issue lang siya sa bahay nila kaya nung tumambay kami sa dorm ko, agad naman siyang naging clingy.




Todo yakap, todo halik. Todo alaga talaga siya saken. Kaya tinanong ko siya about sa kanina.



"Bakit wala ka sa mood kanina? May problema ba kayo sa bahay?" tanong ko.




Maayos talaga yung pagkakatanong ko, walang halong badvibes, hinihilot ko pa nga siya eh pagkatanong ko pero parang galit siya nung sumagot.





"Bakit ganyan tanong mo?!"
 



Syempre, nagulat ako. Natahimik ako tapos bigla siyang nag sorry.




Kasi katulad ng sabi ko, kanina, okay siya. Tapos bigla naman siyang naging moody. Nakakapagtaka lang.





"Sorry na po. Marami lang akong iniisip" sabi niya.




"Pwede mo naman sabihin saken eh"




"Baka kasi magalit ka"




"Eh mas magagalit ako kapag di mo sinabi"




"Hayaan mo na lang. Hindi ko na lang iisipin" sabi niya.




Nagbihis na siya at akmang uuwi na.




May problema talaga siya pero ayaw niyang sabihin. Kaya kinabukasan, nag abang uli ako sa labas ng room niya para bigyan siya ng pagkain.




Feeling ko kasi kulang lang sa lambing pero nginitian niya lang ako tapos parang casual lang na kinuha niya yung pagkain tapos sabay kaming naglalakad. Ganon lang.




Ilang araw din siyang ganon, hanggang sa tanungin ko si Valentina kung may problema ba sa bahay nila, sabi niya wala naman. Masaya naman daw kuya niya pag nasa bahay.




So, ako siguro talaga may problema.



Binawasan ko pagiging clingy ko sa kanya.




Since isang school lang naman kami, hindi naman maiiwasan na magkiga kami pero umiiwas na rin ako. Baka kasi naiinis na siya saken.





Kapag mag isa lang ako at hindi kasama sina Patricia at Jane, umiiyak ako. Sinusubukan ko kasi siyang kausapin pero parang ayaw niya.





Ang dami tuloy tumatakbo sa isip ko kaya nung hindi ko na talaga kaya, sabi ko mag usap kami sa dorm ko. Feeling ko kasi naghiwalay na kami eh. Parang wala na.




Dumating naman siya, may dala pa siyang bulaklak at pagkain.




Agad niya akong hinalikan nung nakita niya ako pero wala lang saken.




Para kong tanga, umiyak na ako kaagad.




"Bakit ka umiiyak?" tanong niya.


"Mahal mo pa ba ako?" nacocornyhan kasi ako minsan eh pero parang desperado na ako.




"Oo naman!! Bakit ganyan ka mag isip?"

 


"Ilang araw tayong di nagkita, ilang araw mo kong di kinausap"




"Sorry kung ganyan nasa isip mo. Wala akong intensyon. Ayoko lang na araw araw nagkikita tayo, baka kasi magsawa ka kapag ganon."





"Eh bakit todo iwas naman ata? Kahit Hi o Hello sa school wala?"





"Uyyy huwag ka ng umiyak...."



"Naiisip ko rin na baka nahihiya ka na saken. Na baka nakakairita na ako, na baka ayaw mo na ng nilalambing kita in public."





Akala ko lalambingin niya ako. Pero nainis din siya saken.



"Ang dami mong iniisip! Gusto ko lang din minsan na magkaroon tayo ng oras sa sarili natin. Hindi yung palagi na lang tayong magkasama. Hindi yung sateng dalawa lang umiikot yung mundo natin!"





"Hindi ko naman hinihingi na palagi tayong magkasama ah? Kaya nga diba sabi ko sumama ka sa Papa mo para may oras ka. Kahit naman magkatext lang tayo okay na ako doon, pakita mo lang na interesado ka pa rin saken!"





"Hindi mo kasi nararamdaman nararamdmaan ko eh! Pinaghihinalaan na ng mga kaklase ko na tayo!" sabi niya.




"Bakit? Hindi ba tayo?"




Natahimik siya. Alam ko sa away namen na to, may mali ako pero mas mali siya.




"Kung sana hindi mo pinakita saken na mahal na mahal mo ko, sana hindi mo ko inispoil sa lahat ng yon, edi sana hindi kita kinukulit ng ganito. Namimiss lang kita, namimiss ko lang yung dating tayo. Sana sinimulan mo muna sa mababang level yung relasyon natin pero hindi, sinimulan mo kaagad sa pinakatuktok, sa pinakagrabe, to the point na kapag hindi mo ko sinuyo feeling ko di mo na ako mahal!"





"Ano ba, Greg?! Pwede naman maging tayo ng hindi natin kailangang maglandian sa harap ng maraming tao diba?!"




Again, para akong tanga pero tanga na kung tanga, grabe yung tulo ng luha ko ng mga oras na yon.



Ayoko siyang hawakan, feeling ko kasi magkaka pisikalan kami kapag hinawakan niya ako.




"Dati naman okay tayo ng ganito tayo ah? Bakit bigla kang nagbago?" tanong ko. Mahinahon. Kalmado.




"Hindi ko rin alam. Feeling ko lang masyado tayong nakulong sa isa't isa. Parang nagawa na natin lahat. Wala ng bago"




Para niya akong sinaksak sa puso ko. Pinipilit kong huwag tumulo yung luha ko pero para siyang gripo na walang tigil!




"Nakikipaghiwalay ka ba?" tanong ko.
 



"Hindi ako nakikipaghiwalay. Please. Mahal Kita. Pero, let's take a time off. Mamiss lang natin isa't isa. Parang nawawala na kasi yung spark."




Alam ko deep inside masakit, kasi ibig sabihin non, nababawasan na yung love. Nawawala na.




"Okay." ayon lang sagot ko.



Yayakapin niya sana ako pero sabi ko huwag na muna.
 



"Para mamiss mo rin yakap ko" sabi ko sakanya.


Nahihiya siya saken. I mean, deep inside siguro, mas lamang pa rin pagka straight niya. Saken lang siguro siya naattract pero mas lamang pa rin yung pagka attract niya sa babae.

 


Hindi ko na siya hinatid palabas.




Ni lock ko kaagad yung pinto saka ko nagsisisigaw sa unan ko para umiyak.




++++++



LAST 2CHAPTERS GUYS!!!
 


VOTE AND COMMENTS NA!!!!! :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top