BOOK 3 - Part 7
Nagising na lang ako dahil sa amoy ng niluluto ni Dom. Nakita ko siya habang nagbabaliktad ng kung ano man yung nasa kawali na yon, habang nakahubad siya.
Sinitsitan ko siya sabay lingon saken sabay lapit at halik sa mga labi ko.
"Good Morning sa pinakamamahal ko!" magandang bati niya saken.
"Good Morning. Bakit nagluluto ka? Anong meron?"
"Syempre, first day of school. Naka ready na rin uniform mo. Maliligo ka na lang. Not unless, gusto mo paliguan kita?" sabay kurot sa tagiliran ko.
"Haha kaya ko na! Salamat!"
"Ay nga pala. May tumatawag sa'yo kanina, sinagot ko na rin kasi tawag ng tawag mamaya may gusto sayo yun eh."
"Sino raw?"
"Si David. Yung karoommate mo na hinalikan ka!"
"Hala. Binabalik na naman niya. Hindi naman niya sinasadya yon eh."
"Kahit na. Ayoko pa rin. Saken lang lahat yan. Saken lang" sabay yakap saken ng mahigpit na para bang ayaw na niya akong pakawalan.
"Pero anong sabi niya?"
"Magkita raw kayo mamaya kasi may bibigay siya. Sabi ko sasama ako sa ayaw at sa gusto niya. Wala naman siyang magagawa eh kaya pumayag siya."
"Hehe. Sige po."
Binuhat niya pa ako papunta sa kainan kahit napakalapit lang saken non. Sobrang sweet ni Dom na parang kulang nalang samen anak.
+
Nag shift na nga kaagad si Dom kaya medyo weird siyang tignan sa uniform niya. Pero sobrang gwapo niya pa rin, as in super duper gwapo.
Nung matapos yung klase namen pareho, agad kaming pumunta sa Mozu para makipagkwentuhan kina David.
Magkasama pa silang dalawa ni Luigi.
"Namiss kita, Greg!" sabay yakap saken ni David. Kahit hindi nakatingin si Dom alam kong nagagalit siya ngayon.
After non, agad akong hinawakan ni Dom sa mga kamay ko at natawa na lang sila David.
"Sa totoo lang, buti na lang at kayong dalawa yung humarap. Kasi may gusto sana kaming sabihin sainyong dalawa eh" panimula ni Luigi.
"Huwag muna ngayon pre, magkwentuhan na lang muna tayo" sabi ni David.,
"Ngayon na. Nandito na eh. At saka kapag umayaw sila edi maghanap na kaagad tayo ng iba"
"Alam mong sila gusto ng tatay at daddy mo. Kaya dapat silang dalawa talaga"
Sumingit naman ako sa usapan nila.
"Hello, naririnig namen kayo!" sabi ko pa.
"Ewan ko ba rito kay David, masyadong pabibo eh hehe. Pero diba inofferan kayo nila dad ng trabaho after school?"
"Yes, pero pinag iisipan pa namen."
"Oh, alam ko namang tatanggapin niyo yon eh. 100% sure, nakita ko na eh"
"Anong nakita mo na?"
"Ang ibig sabihin ni Luigi, nakita na niya kung paano mo kamahal yung work mo nung nasa SG tayo kaya sure siyang tatanggapin niya hehe."
Sumenyas si Dom saken na para bang tinatanong kung anong nangyayari. Hindi ko rin naman talaga alam.
Pero nung pa order pa lang kami, agad namang nagsalita si Dom.
"Kumusta ka na pala pre? Long time din ahh" sabi niya kay Luigi.
"Oo nga eh. Kita mo, parehas pa kayo ng ex ni David. Haha napakaliit talaga ng mundo"
Mukhang hindi nila alam yung tungkol kay Lovely kaya naman nagtinginan silang dalawa.
"Pero no issue naman na yon diba? Kayo na ni Greg. Tapos masaya naman kayong dalawa, ang issue niyo na lang eh yung sa Mama mo." paliwanag ni Luigi.
Sakto pagkasabi niya ng Mama, agad na may tumawag kay Dom at sa reaksyon niya na parang kinakabahan eh kinabahan na rin ako.
"Si Mama raw!"
At agad na kaming umalis para puntahan Mama niya sa Ospital.
++++
Nakita ko si Valentina roon habang yakap niya Mama niya. Hindi ko naman maintindihan kung anong nangyayari kaya naiwan ako sa may labas.
Maya maya, lumabas si Dom na umiiyak. At sa ayos ng iyak niya, alam kong wala na yung Mama niya.
Niyakap ko lang siya kasi ayon lang kaya kong ibigay sa kanya ngayon.
Nung medyo lumipas na yung oras, may dumating na lalaki. Medyo may edad na at sa itsura niya, alam kong tatay ni Dom "to.
Hindi ko alam kung lalabas ba ako para magkausap sila pero mahigpit yung hawak saken ni Dom at alam kong ayaw niya akong umalis don.
Tinignan lang kami ng Papa niya kasi magkaholding hands kami ngayon eh.
Maya maya, kinausap kami ng Papa niya sa labas.
"Kumusta ka na anak?" tanong ng Papa niya.
Hindi naman sumagot si Dom.
"Palagi ako nandito. Pero hindi naman kita naaabutan"
"Okay na rin siguro yon"
Pinigilan ko si Dom sa pagsagot sa tatay niya ng pabalang.
"Okay lang. So, kayo pa rin pala ni Greg.... Greg name mo diba?"
"Opo opo"
"Alam mo ba last wish ng Mama saken ni Dom??? Na huwag kong hayaan na kayong dalawa magkatuluyan."
Mukhang na trigger si Dom. Binitawan niya ako at hinawakan niya Papa niya sa mga damit ng mahigpit.
"Kung pupunta ka rito para sabihin yan!!! Umalis ka na lang!!" sigaw niya.
Pero kalmado lang Papa niya.,
"Ano bang alam ko sa nangyayari sa'yo? Wala naman ako sa tabi mo." sabi ng Papa niya.
"Kaya nga! Kaya wala kang karapatan na paghiwalayin kaming dalawa!"
"Bakit? Sinabi ko bang paghihiwalayin ko kayo? Sinabi ko lang yung sinabi ng mama mo saken palagi"
Natahimik si Dom at dahann dahan na binitawan papa niya.
"Isa sa mga alam ko eh huwag mong pigilan ang nararamdaman mo para sa isang tao. Kita kong masaya ka sa piling niya, nagshift ka pa ng course para sa kanya diba?"
Hindi naman ako nakakasagot.
"Alam kong huli na. Ang gusto ko lang mapunan ko yung pagkukulang ko sa'yo bilang tatay mo. Alam kong galit ka pero sana hayaan mo na bumawi ako"
Hindi pa rin siya nagsasalita.
"Anak, wala akong balak paghiwalayin kayo ni Greg. Mukhang mabait na bata si Greg, sabi ni Valentina mabait daw siya. Mahal mo naman siya at siguradong Mahal ka rin niya. Maiintindihan din ng Mama mo yang pinili mo. At sigurado akong naririnig niya tayo ngayon, at kung makakapagsalita lang siya, sasabihin niyang sinusuportahan niya kayong dalawa"
"Natakot lang Mama na baka sa future, wala kang makatuluyan. Pero sabi ko sa kanya, mas nakakatakot kapag naging rebelde ka dahil lang sa mas pinili mo yung gusto mo kesa sa kagustuhan ng anak mo"
"Nung iniwan ko Mama mo, naguilty ako kasi may anak kami eh. Pero alam niya na hindi namen mahal ang isa't isa. Alam niya yon, kaya nung sumama ako sa totoong mahal ko, napakasaya ko."
"Mahal ka ng Mama mo, kaya ganyan na lang siya makareact. Sana maintindihan mo"
"Bumalik ako para gabayan ka sa mga gagawin mo. Sa mga gagawin niyo ni Greg. Hindi na ako aalis sainyo"
Ewan ko, habang nagsspeech yung Papa niya, naiiyak ako. Napakaswerte ni Dom sa Papa niya. In the end, nagyakapan silang dalawa na mas lalong nakakaiyak tignan.
Tinawag din ako ng Papa niya para sumali sa yakapan nila at feeling ko, kasama na ako sa Pamilya niya.
+++++
LAST 3 CHAPS!!!! HIHI.
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top