BOOK 3 - Part 5

April 17, 2016
11:55PM

Sa sobrang busy sa trabaho, halos hindi na kami makapagusap ni Dom to the point na nagtatampo na siya saken.

Sa totoo lang, parang yung trabaho ko rito eh pang CEO levels na. As in, nakakapagod talaga. Ako pa naghahandle nung ibang works na nasa Manila.


So, nung lunch break, pinuntahan ko sina Sir Matteo at Julian sa office nila pero pagpasok ko don, nakaabang na sila at parang alam nilang darating ako.


Sabi kaagad nila maupo ako. Oh diba, ang creepy. Pero umupo nga ako at sinabi ko yung mga hinaing ko.


Alam ko naman na may kontrata akong pinirmahan at training to para sa totoong buhay pero hindi pa ako ready. Di pa nga ako graduate eh, tapos napepressure na ako sa work.



Agad naman nilang sinabi na hindi na nila ako bibigyan ng mabigat na trabaho pero parang naguilty ako, sa totoo lang din yung sweldo ko pang medyo CEO na rin.



Ang bilis magbago ng mood ko diba, so sinabi ko na lang sakanila na dahil nga sa boyfriend ko kaya gusto ko sanang light muna yung work ko. Nagtatampo na kasi siya.


Natawa lang sila Sir Julian at Matteo saken pero ang sabi nila naiintindihan din daw nila kaya babawasan na lang daw nila ng 1hr yung shift ko. Pwede na rin naman at saka pwede ko ng iuwi yung ibang work.



Pag uwi ko naman kanina, may kasama si David sa bahay. Bihira to na siya yung naunang umuwi samen.


"Hello!" bati nung lalaki saken na kasama niya. Tumayo kaagad siya at nagpakilala saken.


"Luigi pala. Anak ako nila Daddy Matteo at Papa Julian"


Aba. Nag aampon din pala sila pero infairness, kamukha nilang dalawa si Luigi na parang sila talaga yung tunay na magulang.


Bago pa ako magpakilala, agad siyang nagsalita na para bang matagal na kaming magkakilala.


"Hey!! Ikaw si Greg di'ba? Friend.....boyfriend mo si Dominique? Tama ba?"


Nagulat ako kasi hindi naman nakekwento ni Dom si Luigi.


"Huwag kang magalala. Malalaman mo rin kung gaano ka kaimportante samen" sabi niya.


Hoy, pagod na pagod na ako sa trabaho tapos kung ano ano pa sinasabi netong si Luigi.


"Hoy Giorgio Luigi tigilan mo na yung roommate ko!" sabi ni David.


"Hahahaha ikaw ah. Madaya ka. Gusto mong kasama si Greg ah! Madaya madaya haha!"


Tinanong ko sila kung mag jowa ba sila kasi parang close na close silang dalawa. Agad naman silang tumanggi at nagbatukan bigla.


"Wala. Huwag mong intindihin si Giorgio haha. Tara shot ka!" yaya ni David.


"Huwag. Kakausapin na niya si Dom ehh. Dun na tayo sa kwarto ko maginom. Sige, bye na Greg!" sabi ni Luigi sabay kuha ng mga alak at pagkain at labas sa kwarto ko.


Parang nababasa ni Luigi yung isip ko pero hinayaan ko na lang sila at agad kong tinawagan si Dom.


Alam kong nagtatampo siya saken kaya nung sinagot niya, hindi siya nagsasalita. Nakahiga siya pero hindi nakatingin sa camera.


Kinukulit ko siya pero ayaw talaga niya.


"Ngayon ka lang nagkaroon ng oras saken" sabi niya sabay sad face.


Syempre sinuyo ko pa. Baka gusto lang magpalambing neto.


"Hindi mo na ba ako love?" sabi pa niya.


Pinaulit ulit kong sabihin na mahal ko siya at unti unti namang ngumingiti yung mga labi niya kaya alam kong okay na siya.


Namiss lang daw niya ako ng sobra kaya siya nagtatampo. Naiintindihan ko naman siya kaya nilambing ko pa siya.
 

"Uhm, gusto pala makipagkita saken ni Papa. Out of nowhere biglang gusto niyang magpakita."


Sabi ko naman pumayag siya kasi Papa niya yon pero ang sagot niya pag iisipan na lang daw niya muna kasi ayaw na niyang dagdagan yung pinoproblema niya.


Hinayaan ko na lang siya kasi alam kong gusto niya rin muna magkaroon ng lakas ng loob bago kausapin tatay niya.


+++++++

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!

LAST 5 CHAPTERS NA LANG!!!! HAHA TOTOO NA TO. WALA NG BOOK 4 😊😊

ICYMI: May Book 2 ang story ni Ethan, Benj at Jack!! Kaso nasa TAP siya haha. Check niyo na lang don! 😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top