BOOK 2 - Part 9
February 6, 2016
11:39PM
Eto ako. Kanina pa nakatunganga sa kama.
Ayoko na sanang magsulat ngayon sa diary ko pero nakakabuang. Hindi ako makatulog.
Saturday ngayon at ngayon na yung araw na dumating yung mama ni Dom. Mama niya lang.
Okay yung Mama niya, kamukha niya sa mata at ilong. Mukha ngang strikta pero hindi naman niya ako tinarayan or something.
Yung point lang na pinakilala niya ako as friend eh medyo hurt lang ako haha. Pero hindi yun yung dahilan kung bakit ako nageemo ngayon.
So, ayun na. Lumabas pa kami kanina, sinama pa ako ni Dom kasi sabi niya rin nagpapractice kami para sa pageant.
Ang nagpabago lang talaga sa mood eh yung mabanggit ng mama niya yung ex niya, si Lovely.
Again, kung iisipin mo wala lang naman talaga yun. Pero kasi ang masaklap, ang alam pala ng Mama niya eh sila pang dalawa.
Okay, so the fact na hindi niya nabanggit na break sila is okay lang uli. Pero, hindi lang yon! Nagkekwento pa raw siya tungkol kay Lovely kahit nung mga nakaraang araw.
Imagine! Sa isip ng Mama niya sila pa at the same time, nagkekwento siya about sa ex niya na para bang hindi niya ako nilalandi.
Ang issue ko lang kasi, sana hindi na lang siya nagkekwento di'ba?? Ehhh bakit siya nagkekwento? Para matago yung totoong pagkatao niya?
Naiinis talaga ako sa kanya non! Sobrang inis! Hindi na lang ako makapagsalita habang kwento ng kwento yung Mama niya saken about sa kinekwento sa kanya ng anak niya tungkol kay Lovely.
Kesyo magkasama raw sila, binilhan pa raw niya ng cake. Eh yung mga kinekwento niya, sakin niya ginawa lahat yon!!
Ang hirap mag fake smile, promise. Nakakagigil.
Hindi lang yon. May sinabi pa siyang sobrang nainis ako.
"Ininvite ko si Lovely. On the way na raw siya"
Di'ba? So pupunta pa si babae na bwisit! Wala rin reaksyon si Dom. Gusto ko na sanang umalis kaso nakakahiya naman, hindi pa ubos pagkain ko tapos libre lang naman to.
Tahimik lang ako.
Hindi ko tinitignan si Dom. Sa phone lang ako nakatingin.
Then bigla na ngang dumating si Lovely.
Aba, iba yung aura ni Lovely. Hoping bigla kay Dom!! Parang nilalandi niya kasi sa kilos niya.
Ang sarap niyang sabunutan at buhusan ng sprite sa mukha ng matauhan.
Gusto ko sana siyang sigawan na "hoy leche ka akin na siya ngayon!!" kaso nandon yung nanay ni Dom eh.
Promise, super awkward at inis nararamdaman ko so sabi ko uuwi na ako kasi may gagawin pa ako. Ayaw pa akong payagan ni Dom pero sabi ko magsisimba pa ako.
Di'ba? Ginamit ko pa si Lord sa kainisan ko.
Pumayag naman Mama niya, hindi na ako nagpaalam kay Dom at umalis na ako.
Nagsimba na ako. Baka magtampo saken si Lord na ginamit ko siya sa alibi ko eh.
So umuwi akong inis na inis.
Nakahiga.
Nag ooverthink.
Hindi naman ako pwede mag demand kasi hindi pa naman kami, leche ko rin kasi eh ang arte arte ko dapat sinusunggaban ko na tong si Dom para hindi na mawala saken eh!
Nakatulog ako kakaoverthink at naalimpungatan ako ng bandang hapon kasi nagugutom ako.
Palabas na sana ako ng makita ko silang tatlo pabalik ng dorm ni Dom.
Jusko!!! Ang hirap nilang iwasan.
Pero ako na nag adjust.
Kaso iba rin tong si Lovely eh, talagang lumapit saken para kausapin ako.
"Uy, Kumusta ka? Hehe." tanong niya.
Eto, masasampal na kita!
Pero syempre ngumiti lang ako at sinabi kong okay lang.
"Hindi pala alam ng Mama niya na nakipaghiwalay na siya saken. Nakakahiya tuloy hehe"
Leche nahiya ka pa sa lagay na yan ah! Sarap mong sampalin. Sexx lang naman habol mo sa kanya!!!
Pero biglang nawala yung galit ko sa sinabi niya.
"Siguro kung alam niya lang na hindi ako tutuloy sa Singapore para sa kanya eh babalikan niya na ako"
Bakit ganito yung side ng story niya? Ang sabi niya kaya siya nakipaghiwalay dito eh dahil puro sexx lang habol niya.
"Pakisabi naman sa kanya na mag usap kami. Ayaw niya rin kasi akong kausapin kanina. Gusto ko lang din sana ayusin yung relasyon namen. Alam kong close kayong dalawa, kaya sana matulungan mo ko"
Syempre hindi ako sumagot. Mabuti na lang din umalis siya.
Pero hindi ko pa rin talaga maiwasang mag isip. Parang ang daming nangyari ngayong araw na ang hirap isink in sa utak ko.
Sinungaling din pala si Dom. Wala talagang perpekto. Sabi na nga ba, too good to be true siya masyado.
So simula kanina hanggang ngayon, katok siya ng katok. Tapos magchachat. Tatawag. Magtetext pero hindi ko siya pinapansin.
I need alone time for myself.
+++++
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!😊😊😊
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top