BOOK 2 - Part 7

February 4, 2016
03:09AM



Okay, hindi niyo alam kung gaano ako kinakabahan sa pagmemeet ko sa parents ni Dom sa sabado.




Pansin ko rin sa mukha ni Dom na kinakabahan siya, pero ayoko ng dagdagan yung pressure niya.




Niyaya ko sina Patricia at Jane na mag inom ngayon para na rin mabawasan yung kaba ko.
 



Todo chika pa sila at kulit kung ano bang status namen ni Dom. Sabi ko wala pa, hindi pa naman niya kasi ako tinatanong.




Nabalitaan na rin nila yung about kay Anthony na may jowa ng iba, kaya raw team Dom na sila.




Inferness, ang lakas nameng uminom na talo kasi naka isang litro kami ng empi lights pero medyo lang yung tama namen.




Alasyete na ata non ng biglang dumating si Dom sa dorm ko. Nagulat pa siya kasi nakita niya sina Patricia at Jane.




"Galing kaya ako sa room niyo kanina. Kaya pala hindi kayo pumasok sa last subject niyo ah!"




Sabi ni Dom.




"Bakit? Pinagbabawalan mo ba siyang uminom kasama friends niya?"



Sabi ni Patricia.




"Hindi ah. Paglulutuan ko pa kayo, wait lang!"




Pumunta siya ng dorm niya at kinuha yung mga stock sa ref niya at magluluto raw siya ng sinigang para samen.




Tuwang tuwa naman yung dalawa.

 


Pinagmamasdan naman namen siya habang naghahanda. Since nakatalikod siya at nagbihis ng pambahay, mas mapapatingin ka talaga.




Paano ba naman, may pa muscle at pa pwet siya samen!



"Masarap ah"

 

"Pwede pa isa?"




Sabi nung dalawa.



Narinig ko namang tumawa si Dom, naririnig niya pala kami.



"Sorry, exclusive for Gregory lang ako"



Oh di'ba?!! Paano ka hindi maiinlove.



Edi todo hampas saken yung mga babae!



Tumayo naman si Patricia para painumin si Dom, hindi naman siya tumanggi.



Hindi rin matagal yung luto ni Dom, at hinain na niya samen yung luto niyang sinigang.




Gosh ang sarap!!!!!




Masarap na nga siya, masarap pa siya magluto.



At habang humihigop kami ng sabaw eh hinihilot niya yung likod ko. Edi mas lalong heaven di'ba?



Inggit na inggit naman yung dalawa saken. Pero sa totoo lang, nahihiya pa rin ako. Masyado kasi siyang sweet pero hello? Choosy pa ba ako.

 


So after ng higupan at pahinga, umuwi na yung dalawa. At naiwan na kami ni Dom sa dorm ko.




"Ehem, wala na yung kapatid ko, wala na tayong sagabal sa mga gagawin natin"



Sabi niya saken. Dahan dahan niyang ni lock yung pinto at binuhat niya ako from sofa to kama.




Sabi ko naman medyo masakit yung ulo ko sa kalasingan at pasayahin niya ako.



Nagsimula siyang gumiling giling sa harap ko. Pakingshet, kahit nakakatawa siya eh iba yung sarap na pinapamalas niya.




Ang sarap po.




Napansin ko ring tumatayo yung ano niya! May pagtayo talaga.



Tinanong ko tuloy kung wala ba siyang briief.



"Wala. Hindi na kailangan non!"



Halatang halata!!! Bakat na bakat!! Sobrang laki!!!




Nagpatuloy siya sa pag giling pero kahit masarap at nakakatemp, mas nangingibabaw yung pagod ko at antok ko.




Tumigil naman siya at tumabi saken saka pinahiga niya ako ng maayos.



Siya naman yung nagpunas saken at nag bihis. Sabi ko naman kaya ko na pero alam kong gusto niya lang gawin to.




Pinisil niya pa yung ano ko habang pinupunasan ako.


"Uyyy o gumugusto to ohh!"



Nahampas ko tuloy siya ng malakas sabay tawa pero after niya akong punasan eh mas pumresko yung pakiramdam ko.



"Greg...."



Sa tono ng boses niya parang seryoso yung sasabihin niya.



"Uhm. Pwede ba na kaibigan muna pakilala ko sa'yo kay mama if ever? Parang.... Hindi ko pa kayang umamin sa kanya tungkol saten eh."

 

Ofcourse, naiintindihan ko yon. Hindi ko naman siya kailangang pilitin at saka hindi ko kailangang mag demand sa kanya tungkol don.




"Hayaan mo sa susunod, kapag sinagot mo na ako at saka may stable na tayo, sasabihin natin sakanila. Para wala na rin silang masabi, unico hijo kasi ako eh haha alam mo na."




Walang kaso saken. Ayoko mangyari yung katulad ng sa ex ko. May takot na ako sa ganon.




"Nako hindi naman ganon yung nanay ko haha."



Tinanong ko pa siya kung paano kung biglang malaman na kami. O kaya mahuli. Anong gagawin niya.



"Una naman, hindi mo pa ako sinasagot kaya hindi ko alam yan haha pero kung sakali edi mahuli."




Tinanong ko pa kung paano kapag ayaw.



"Edi ayaw nila"




Tanong ko pa kung paano kapag tinakwil ka nila.



"Edi itakwil. Matanda naman na ako at saka alam ko na yung gusto ko. At ikaw yon."




Nawala talaga lasing ko nung mga oras na yon! Promise. Parang bigla akong natauhan na dapat sagutin ko na to kaagad baka magbago pa isip niya.




"Matulog ka na! At babalik na ako sa dorm ko. Pwede lang tayo magtabi kapag tayong dalawa na hehe'
  


Sinabihan ko lang siya na hintayin niya ako matulog bago umalis at halik lang sa noo yung sagot niya.




Naalimpungatan lang ako ngayong madaling araw at hindi na makatulog kaya sinulat ko yung nangyari.




+++++


VOTE AND COMMENTS GUYS!!!! 😀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top